Humingi ng tulong si Rosy sa dalawa. Masakit ang ulo niya. Magulo ang kanyang buhok at wala na siyang pamalit na damit. Naiwan na lang ang kanyang kulay pulang pantulog at bedroom slippers pa ng hotel ang ginamit ni Rose Anne habang naglalakad sa pasilyo ng hotel patungong elevator.
“Ma’am, sigurado po ba kayong kaya ninyo?” tanong ng binatang nakasuot ng uniporme ng hotel. Halatang empleyado siya roon.
“Bakit kaya kamukha niya ‘yung bride?” pabulong na sabi ng babae. “Ehem, Ma’am. Napag-iwanan po ba kayo?”
“Amanda, huwag mo ngang tanungin si Ma’am ng ganyan,” saway ng lalaki. “Ma’am pasensiya na po kayo. Kayo po ‘yung nag-bridal shower noong isang gabi, ‘di ba?”
Tumulo ang luha ni Rosy. Tinutoo ng kanyang kapatid ang banta nito na aagawin si Ambrose sa kanya.
Late na siyang nagising. Bell boy at chambermaid ang nakadiskubre ng kinaroroonan niya. Ipinara siya ng taxi ng bellboy at nagmamadali itong nagpahatid sa St. Anthony Parish ngunit sarado na ang simbahan ng dumating siya. Tapos na ang kasal.
“Open the door! Open the door!” Naisip niyang baka nakasara lang ito at kasalukuyan pang nagaganap ang kasal ngunit halata ang kalat ng bulaklak sa labas.
Tapos na ang kasal. Napadausdos na lang siya sa malaking pinto ng simbahan at umiyak ng umiyak. Para siyang naiwan sa isang lakad. Hindi man lang siya ginising. Wala man lang naghanap sa kanya.
Wala siyang matawagan dahil hindi rin niya dala ang kanyang cellphone.
Pinuntahan niya ang reception ng kasal na pinagkasunduan nila ni Ambrose. Maganda ang reception. Ambrose really kept up with his promise. Hinarang siya ng dalawang staff. Minukhaan naman ng isa ang kanyang mukha. Napakunot-noo at napakamot. Walang nakakilala sa kanya dahil para siyang baliw na wala sa sarili.
“Bawal po dito, Ma’am.” Naririnig niya ang sigawan ng mga bisita. Maya-maya pa’y narinig niya ang kalansing ng mga basong tila hinahampas ng kutsara. Matinis ang tunog. Tinakpan ni Rose Anne ang kanyang tenga. Tumulo ang kanyang luha.
Napansin ni Deniza na tila may kaguluhan sa labas. Habang nagkakasiyahan ang lahat ay kabado siya na biglang magpakita si Rosy sa lahat ng mga bisita. Gusto na niyang panindigan ang panlolokong ginawa ng anak ngunit nag-aalala pa rin kung anong nangyari sa isa.
“Oh my ghad, Rose Anne.” Napahagulgol siya at niyakap ng mahigpit ang anak. Sinalat ang kanyang mukha at sinigurong wala siyang galos at hindi masaktan.
Si Deniza ang nakakita sa kanya at nagpasalamat siya na buhay ang anak.
“Mama, why did you let Roxy do this to me? WHY?” Pinatahimik ni Niza ang anak. Hinila niya ito papalayo sa bulwagan.
“Kailangan mong magtago at umalis kaagad rito. Anak malalagay sa alanganin ang buhay mo pati ni Ambrose.”
“Mama…” Parang batang nagmamaktol si Rosy. May pagpadyak pa ito ng paa. Hindi naniwala si Rosy. Tapos na ang kasal at wala na siyang habol.
“Anak! Makinig ka. Iligtas mo ang sarili mo. Natitiyak kong hindi paliligtasin ng kapatid mo kapag nagkita kayo ngayon.”
“Hindi rin siya patatahimikin ng kanyang konsensiya dahil sa ginawa niya sa amin ni Ambrose. Ikaw rin, Mama. Ikaw rin dahil mas mahal mo si Ate kaysa sa akin.”
“Ano ba? Bakit palagi ninyong sinasabi iyan? Hindi ako nagkulang nang pagpapalaki sa inyong dalawa. Sige na, Rose Anne. Go now! Save your self.”
“Ayoko! Gusto kong malaman ni Ambrose ang totoo. Hindi papayag si Ambrose sa ginawa ninyong panloloko sa kanya.”
“Malalagay sa malaking kahihiyan ang kapatid mo! Gusto mo ba iyon!” Hinila ni Niza ang anak. “This is a big fraud, Iha. Baka tayo idemanda ni Ambrose sa nangyari.”
“Alam pala ninyo, Mama pero kinunsinti pa rin ninyo na mangyari ito.” Tuluyang nagalit si Niza. Gusto na niyang tapusin ang usapan. Nakita niyang ipinagtatanong-tanong na siya ni Sandro.
Nakita ni Sandro ang anak na parang wala sa sarili. Basang basa ng luha ang kanyang damit. Pawisan siya at magulo ang buhok. Namumugto na ang kanyang mga mata sa tagal ng pag-iyak niya. Muling nagkita ang mag-ama at doon mas nakahinga ng maluwag si Rosy.
“Rosy, Honey!”
“Papa!” Niyakap ng mahigpit ni Rosy ang ama. Matagal silang hindi nagkita. Isang Bristish national ang kanyang ama at isa rin itong piloto. Matagal na siya sa serbisyo at ilang taon na lang ay magreretiro na ito.
Matagal na rin niyang inasam-asam na makasama ang ama ngunit mas mahalaga ang okasyong iyon sa kanya dahil ipinangako niyang ihahatid siya ng ama sa altar sa araw ng kanyang kasal. Hindi na iyon mangyayari dahil ninakaw na nang kanyang kapatid ang pagkakataon.
“Listen up, Rosy. Rosy, listen to me.” Pinatigil niya ang pag-iyak ng anak. “You are braver than you think. This event only tells you that Ambrose is not your destiny. Honey, you still have a life out there. Chase your dreams. A better man will come, for sure.” Pinahid ni Sandro ang luha ng kanyang anak.
Dahan-dahang tumalikod si Rosy. Sinunod niya ang sinabi ng ama.
Samantala, sa reception ay masayang hinawakanm ni Ambrose ang kamay ni Rose Anne. Hindi niya mawari kumbakit parang may kakaiba. There seems to be no spark at the moment. Hindi naman siya nakapaniwala.
Hindi niya alam kumbakit parang nahihilo na yata siya dahil iba na yata ang tingin niya kay Rosy. Napapailing siya dahil si Roxy yata ang kasama niya sa mga oras na iyon. Bigla pa niyang napansin na wala ang engagement ring nito at biglang umiksi ang kanyang buhok.
“Did you cut your hair?”
“Bagay naman ‘di ba?” Nagkibit-balikat si Ambrose.
Nandoon ang mga ate ni Ambrose sa unang asawa ng kanyang ama. Bumati ang mga ito sa bride. Pati rin ang mga ito ay nagtaka at nahiwagaan kay Rosy. May kakaiba daw sa kanya.
Nagbigay ng mensahe si Sandro.
“Never break your trust because once lost, it will be lost forever.”
“I will never break my promise. I will love your daughter. I love you, Rose Anne.” Ginawaran niya ng halik ang kamay ni Roxy.
Nagmadaling umuwi si Rosy. Iniligpit niya ang kanyang gamit at saka umalis.
Napakapit ng mahigpit si Rosy sa door knob ng kanyang pinto. Kaagad niya itong ini-lock. Nag-double lock pa siya. Hindi na rin niya masisigurado kung mapipigilan pa ang sarili sa susunod na humantong sila sa mainit na eksena ni Ambrose. Napakagat- labi ang babae at mahigpit na niyakap ang unan. Pakiramdam niya ay lalo siyang nag-init at gusto niyang maligo. Humiga siya sa kama. Tumingin sa kisame at napangiti.“Hey, are you nuts, Rosy? Manloloko ang lalaking iyan. Dinadaan ka lang niya sa ninja moves. Huwag kang padadala. Tandaan mo, pinagpalit ka niya sa kapatid mo!” Ngunit napailing ang babae.“NO, hindi ako ipinagpalit ni Ambrose. Never! We are both tricked by Roxy.” Kasabay ang pagtulo ng kanyang luha. Hindi pa nauubos ang kanyang luha. Naalala pa ng kanyang sugatang puso ang nakaraan. Hindi pa niya napapatawad ang lalaki.Bago siya pumikit, desidido siyang huwag mahulog sa bitag ni Ambrose. She knows how Ambrose works. Epektibo pa rin ang mga old tricks nito sa kanya kaya muntik-
Kaya sa halip na umuwi kaagad ng maaga ay naisip niyang makipagdate ulit. May inirereto sa kanya si Sgt. Dominguez, pinsan niya ay Flight Attendant din. Sa Belle’s Restaurant sila magkikita. Balak lang naman nilang magmiryenda bago umuwi.“Hello, Mr. Ambrose Romero. I am Genevieve Aguirre. Nice meeting you!” Inilahad ng babae ang kanyang mala-kandilang daliri at nakipagkamay sa lalaking kaharap.“Nice meeting you too, Genevieve.” Namangha sa sobrang ganda si Ambrose. Inalalayan niya ito sa pag-upo. Nakasuot pa siya ng uniporme niya sa Airlines. Kalalapag lang daw ng kanilang eroplano at hindi na siya nakapagpalit ng damit. Hindi nan ga umuwi si Ambrose dahil baka hindi na naman siya makaalis. Tiyak na magta-tantrums na naman ang mga bata. Naka-silent mode na ang cellphone niya dahil baka tumawag si Ambrox at tanungin kung nasaan na siya. Maghihintay ang mga anak niyang babae sa gate. Lalo lang siyang hindi mapapalagay sa kanila.Ayaw niyang isipin ng kanyang biyenan na nagdidiang a
Tumango na lang si Ambrose. Susubukan niya kung puwede pa nga ba? Hindi masabi ni Ambrose kay Eric na hindi siya handa sa mga blind dates. Dahil napasubo na siya at nakakahiyang maghintay ang date niya ay nagpunta na rin siya. Wala namang masama at wala rin namang mawawala.Humanap siya ng maayos na long sleeves with tiny blue polka dots at blue slacks. Nagsuot rin siya ng formal black leather shoes that fits his attire. Hindi lang siya sanay na makipag-date habang nakauniporme pa. Umuwi naman siya ng maaga para kumustahin ang mga anak niya.Pero bago pa siya makaalis sa bahay, nag-iyakan na naman ang kambal at hinabol siya sa garahe. Hirap pa naman nilang patahanin. Nakakaramdam yata sa plano ng daddy nila.“Mukhang may date ka a,” komento ni Niza. Sarkastik pa ang pagkakasabi niya. Nakahalukipkip siya sa may pinto habang tinitingnan siya na inaalo ang kambal at nakaupo sa kanyang hita.“Aalis muna si Daddy. Saglit lang ako.”“Daddy, sama ako!” sabay- sabi ng kambal.“Amber, Rose, co
“This is a matter of who’s going to live and die later.” A matter of life and death ang sitwasyon. ”Kagabi ko pa hindi nagugustuhan ang tabas ng dila mo.” Idinuro niya ang lalaki.“Huwag mo akong iduro!” Sige pa rin siya ng type. Hindi niya tinitingnan si Rosy habang kausap ang isa.“Tumingin ka sa akin kapag kinakausap kita!” Ngunit pinindot ni Rosy ang power button ng computer at bigla itong namatay.“What did you do?” Napasigaw si Ambrose. “Ano ba? You turned it off!”“What?” Nagmaangmaangan pa siya na parang hindi niya alam ang kanyang ginawa. “Opsss! Sorry!”“Ano bang problema mo?”“Ikaw at ang makati mong dila ang problema ko. Sarap mong putulan ng dila dahil mapaggawa ka ng kuwento, Anggaling mong magparinig na para kang bading! Ako? Nakikipagharutan! Nakikipaglaro sa dilim! Nagpapaligaw sa kalye! Where did you get that?”“Ouch! ang kusinera, hindi kasing ingay na tulad mo! Pang karinderya ang bibig mo!”“Bawiin mo ang sinabi mo tungkol sa akin. Hindi ako lumaki ng ganito para m
Nagmadali si Rose anne upang ihanda ang mga bata sa pagpasok. Napasubo siya sa pagsama sa kanila sa school. Baka maging tampulan din siya ng bulung-bulungan lalo pa’t walang bukambibig ang kambal kundi tawagin siyang mommy.Si Ambrose naman ay nakalabas na ng subdivision at hindi niya nakalimutan ang nangyari. Lesson learned na sa kanya ang pag-go-goodbye kiss sa kanyang mga anak. Makalimutan na niya ang lahat huwag lang ang good bye kiss or else non-stop silang iiyak. Minsan siyang nakalimot at ang siste tinawag siya ng kanyang biyenan. Ipinakausap sa kanya ang mga bata at inuto pa niya ang kambal. Sa cellphone pa niya hinalikan ang mga ito kaya siya pinagtatawanan ng kanyang mga kaopisina.“Uy, Capt. Romero. Ano yan ha! ““Ma’am, umiiyak ang kambal ko kasi nakalimutan kong mag-goodbye kiss sa kanila.”“Hay naku, huwag mo kasing kalilimutan. Kiss lang eh kinakalimutan mo pa. Ano pa kung si Ma’am Roxy ‘yan?” Wala namang pakialam si Roxy ke mag-goodbye kiss siya o hindi.Kaya lang hind
Sa parking area ng simbahan nagkita-kita ang lahat bago sumakay ng kotse ang mga bata kasama si Rose Anne.“Rose Anne, tingnan mo ang mga bata at huwag puro cute ang tinitingnan mo doon ha!” mahigpit na bilin ni Niza bago sila maghiwa-hiwalay. Kinakabahan pa rin siya dahil kilala niyang sutil at nananadya rin si Rosy.“Yes, Nanay. Don’t worry po, I ‘ll take great care of them. Baka lalong magalit si KUYA sa akin.” Ipinagdiinan ang salitang kuya sabay-tingin kay Ambrose. Natawang bigla si Rosy sa sarili. Hindi man lang niya na-imagine na magiging magbayaw pa sila balang-araw.Dumiretso nga sina Ambrose at Rose sa birthday party kasama ang kambal at si Ambrox. Lahat ay nagbulungan sa kanilang pagdating. Walang katapusan ang pagpapaliwanag ni Ambrose. Naging center of attraction tuloy si Rosy.“Sister-in-law ko… si Rose Anne. Kakambal siya ni Roxanne.”“Kamukhang-kamukha ni Kapitan.” Hindi makapaniwalang sabi ng isang lalaking halos kaedad lang ni Ambrose.Lumayo na si Rose Anne habang h