Home / Romance / TIE OF LOVE / UNDER THE SOLES OF THE FEET

Share

UNDER THE SOLES OF THE FEET

last update Last Updated: 2025-06-16 12:15:18

CHAPTER FIVE:

___

Pagmulat ng mga mata ko bahagya akong nagtaka, puting kisame, puting ding-ding at asul na kurtina.

Ito ang unang bumungad sa aking paningin ngunit tila ito pamilyar?

Tinangka kong bumangon subalit bigla akong napaigik dahil sa biglang kirot na aking naramdaman.

Tama!

Hindi ako maaaring magkamali nasa loob ako ng klinika, clinic sa loob mismo ng Resort, pero bakit naman ako narito?

Muli akong pumikit upang balikan ang lahat sa aking isip...

A-ang huli kong naaalala, may bumabang anghel este' si Sir Rigo siya ang nakita ko na nagligtas sa akin.

P-pero nasaan na kaya siya ngayon?

Pinilit kong tumayo sa kabila ng aking pagkaliyo, ngunit saglit lang umayos rin ang aking pakiramdam. Dahil mas masakit pa rin ang tinamo kong galos at pasà sa katawan.

Paika- ika akong lumakad ng maalala ko nga pa lang wala akong sapin sa paa. Nag-palinga-linga ako sa paligid upang hanapin ang aking sinelas ngunit...

Sinelas?

Sandali hindi naman sinelas ang suot ko kanina ah, nasaan na nga pala yun?

Nakupo! Baka nawala na, sayang ang mahal pa naman ng bili ko du'n, saan na kaya napunta?

Ang sabi kasi nila nakakataas rin daw ng dignidad ng babae kapag nakasuot ito ng high heels.

Pero bakit ganu'n, pakiramdam ko parang mas bumaba pa ang pagkatao ko?

Ang pagkaalala ko, hindi ko na namalayan kung saan bang panig ng Resort ko iyon naiwan.

Habang pakaladkad na hawak ni Trixie ang buhok ko. Bwisit na babae 'yun, kung hindi lang ako nag-aalala na lumalà ang gulo. Sana pala ginamit ko na lang 'yun para ipukpok sa kanyang ulo baka nasulit pa ang bili ko!

Ang laki sana ng pakinabang ko!

Ngunit agad ko rin namang binawi ang aking nasabi, dahil hindi ko naman talaga iyon makakayang gawin sa anak pa ng Governador ng Bayang ito.

Bakit ba kasi ang unfair ng buhay sa akin hindi man lang ako naging anak, kahit ng Kapitan del Baryo?

Pero anak ka naman ng isang CPA hindi ba, oo nga, pero sino ba ang nakakaalam nu'n?

Dahil ang alam lang nila, isa akong babae na madaling mauto, siguro iyon na ang tingin ng lahat sa akin ngayon. Kasi naman naging sunod sunuran ako kay Marco at nagpadala ako sa friendship kuno namin ni Marianne.

Hindi lingid sa lahat ang pagkagusto ko kay Marco noong unang salta ko dito sa Resort. Pero noon 'yun tanggap ko naman na, na hindi ako ang gusto niya kun'di si Marianne.

Ginamit lang pala nila ako para magkalapit silang dalawa. Dahil noon pa man enggage na si Marco kay Trixie at kung magkabistuhan nga naman okay lang na ako ang mabugbog.

Para lang maprotektahan si Marianne ako lang naman ang ginagawa niyang pananggalang. At ako naman itong si ngunga hanggang sa huli ako pa rin ang tumulong sa kanina upang tuluyan nilang matakasan si Trixie.

Ngunit para sa kanila sampung libo lang pala ang katapat ko. Ang lahat ng ginawa ko, ang pakikipagkaibigan ko sa kanila at ang buong tiwalang ibinigay ko sa kanila.

Katumbas lang ba ng sampung libo?

Ang akala ko lang kasi totoo sila sa akin na p'wede nga nila akong ituring na kaibigan, pero hindi pala...

Sino nga ba ako?

Ano nga ba kasi ang karapatan kong magreklamo kung para sa kanila sapat na ang sampung libo kabayaran ng lahat. Ang kapalit ng trabaho ko, karangalan at dignidad.

Nakakatawa! Bakit nga ba ako umasa? Kung ang tingin ko sa kanila ay nasa taas ng bumbunan ko. Marahil ang tingin nila sa akin ay nasa ilalim lang ng kanilang mga talampakan!

Kasi mga mayayaman sila at nabibilang sa mga kilalang angkan at ako sino ba ang nakakakilala sa pamilya ko, nag-iisa na nga lang ang pamilya ko. Hindi pa nila kilala, kaya bakit nila ako gugustuhing maging kaibigan?

Hindi naman ako rich kid!

"Hey! What happened, why are you crying did you hurt?" Nagulat na lang ako sa sunod-sunod na tanong na iyon.

Dali-daling pinahiran ko ang aking buong mukha gamit ang aking mga palad upang malinaw akong makakita. Dahil kung nakakagulat ang mga salita mas higit na nakakagulat ang pinagmulan nito.

"S-sir?"

"I said what happened, did you hurt? Gusto mo bang dalhin na kita sa Ospital?" Muling tanong at saad nito na tila nag-aalala.

Totoo bang nag-aalala siya sa akin? Piping tanong ng isip ko na hindi makapaniwala kasabay ng malakas na kabog ng aking dibdib.

Tila heto na naman ang puso ko, na wala yatang kadala-dala. Tila sandali ring nalimutan ko ang sakit na nadarama ko sa aking katawan.

"Sir, Rigo nandito pa pala kayo, ang buong akala ko iniwan n'yo na ako?" Alanganing ngiti ang nanulas sa aking mga labi ngunit sa aking puso hindi maitatangging kilig ang nararamdaman ko. Idagdag pa ang sumunod niyang sinabi.

"Do you think, I'm that stupid to leave you in this situation?" Muling saad nito.

"Pero kasi Sir, a-alam ko naman po na hindi ako ganu'n kaimportante para pag-aksayahan nyo pa ng panahon. Kasi alam ko rin po na busy kayong tao, kaya naman pasensya na po sa abala, Sir." Muling tugon ko.

"Bakit mo naman nasabi na nag-aaksaya lang ako ng panahon? Saka para sa'kin ang importansya ng isang tao ay depende sa magiging halaga nito sa'yo. Kaya bakit naman hindi ka magiging importante, hmmm?" Nakangiting saad ni Rigo.

Ngiting lalo pang nagpabilis ng pagtibok ng puso ko ng mga oras na iyon. Ngiting tila muli na namang nagdala sa akin para mangarap ng gising.

Hay naku Aleyha ngiti pa lang yan! Bulong ko sa aking sarili.

Paalala lang magmula ngayon huwag ka nang magsusuot ng maluwag na panty ha! Baka lang malaglag?

"Ehem, okay ka lang ba?" Tanong ulit nito na tila ba mas higit na naging malambing ang dating sa akin.

"Ah, o-oo naman Sir!"

"Kaya mo na bang tumayo?"

"Po! Ah, opo kaya ko pong tumayo okay na po ako Sir." Sagot ko kahit ang totoo nanakit pa rin ang aking katawan.

"Good! Kung ganu'n maaari na ba tayong bumalik sa Quarters n'yo?" Tanong nito.

Tama ba ang dinig ko sa tanong niya?

Bigla kong naisip, ibig ba niyang sabihin p'wede na akong bumalik sa quarters namin, makakabalik na rin kaya ako sa trabaho ko?

"Sir, makakabalik na po ako sa quarters namin?" Eksaherado nang tanong ko.

"Ah, oo pero ngayong gabi lang para makapagpahinga ka kahit paano. I'm sorry, pero talagang galit na galit si Trixie sa iyo nakiusap lang ako sa kanya na hayaan ka kahit ngayong gabi lang, alam mo naman siguro ang ugali niya. Huwag ka nang mag-alala ngayong gabi dahil sisiguraduhin ko na hindi ka niya guguluhin kaya ipanatag mo ang loob mo. Ang mabuti pa ihatid na muna kita para makapagpahinga ka na, sigurado ka ba talaga na okay ka na, baka kailangan mo munang magpatingin sa Doctor?" Tanong nitong muli.

"Ah, okay na ako Sir konting galos at pasa lang naman ito malayo sa bituka." Tugon ko.

Ngunit hindi pa rin mawala sa isip ko ang tanong kung paano na kaya ako sa mga susunod na araw?

Paglabas namin ng klinika maingat na inalalayan pa rin niya ako patungo sa kanyang sasakyan. Kaya naman lalo pa akong humanga sa kanya.

Nakasakay na kami sa loob ng kanyang kotse ng muli siyang magsalita.

"Pero kung ang inaalala mo naman, kung paano ka na sa mga susunod na araw. May isa-suggest sana ako sa iyo kaya lang hindi ko alam kung magugustuhan mo?"

Tila nabuhayan ako ng loob sa aking narinig. Dahil iyon rin mismo ang tanong na kanina pa umuokupa sa aking isip.

"S-sir ano pong suhesyon n'yo?" Hindi ako sigurado kung nahalata niya ang pagiging ekseherado sa tanong ko.

"Okay, gusto mo bang pag-usapan muna natin bago ka pumasok sa loob?" Simpleng tanong nito.

Hindi ko na namalayan na nasa harap na pala kami ng Quarter's room namin.

"Narito na pala tayo Sir, gusto n'yo bang sa loob na tayo mag-usap?"

"No! I mean, dito na lang siguro hindi na kita masasamahan sa loob medyo late na rin kasi." Saad nito.

Bigla kong naalala malalim na nga pala ang gabi. Bakit nga ba nag-iimbita pa ako ng bisita at lalaki pa, naku hindi 'yun magandang halimbawa sa lahat.

Pero hindi ba si Rigo ang kasama ko?

Si Mr. Del Castro at hindi naman siya bisita dito sila ang may-ari ng buong Resort kaya pwede siya pumunta ano mang oras niya gusto.

"Hey! Bakit natahimik ka yata ayaw mo na bang marinig ang suggestion ko?"

"Po, naku hindi po! No I mean gusto ko s'yempre lalo na kung makakatulong ito sa akin. Kasi po ang totoo nyan, wala naman talaga akong mapupuntahan wala naman kasi akong sariling bahay dito sa Isla." Matapat kong saad.

Ngayon pa ba ako mahihiya iyon naman ang totoo. Baka sakaling matulungan nga niya ako, iiwasan ko pa ba ang oportunidad na nasa harap ko na?

"Good! Ang totoo malaki maitutulong nito sa'yo pero syempre depende sa magiging pasya mo?" Pabitin pang salita nito.

Natural na nakaramdam akong bigla ng curiosity, depende daw sa magiging pasya ko. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Bigla tuloy akong napaisip.

Lalo na, nang makabanaag ako ng tila mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman ko ng mga oras na iyon.

Matutuwa ba ako o mababanas?

Natural na ba sa kanya ang ganitong gawi? Naalala ko tuloy ang ngiting iyon rin ang nakita ko sa mukha niya habang tumatakas kami ni Marco kanina lang...

Huh? Bigla ko ring naisip ang dami na pa lang nangyari ngayong araw at hindi pa natatapos ang gabi.

"Ehem! Bakit natahimik ka naman, ganyan ka ba talaga? Parang hindi ikaw yung babaing narinig kong sumigaw kanina ng ubod lakas at puno ng tapang para mapigilan lang ang kasal ah."

"Hindi naman talaga ako yun Sir, nagawa ko lang naman iyon para tulungan sila. Dahil naniniwala ako na si Marco at Marianne ang tunay na nagmamahalan." Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong idepensa ang sarili ko.

"Hmmm, gawin mo rin kaya sa akin iyon kung sakaling hilingin ko?"

"Huh, a-ano po 'yun Sir?"

"Hindi nagbibiro lang ako!"

"Ah?" Napatango na lang ako.

"Anyway, tungkol naman sa suggestion ko. Bakit hindi mo na lang iwan ang Resort para makaiwas ka sa gulo at maghanap ng ibang trabaho. Hindi ko kasi maipapangako na magagawa ko pa ring protektahan ka. Kung sakaling gustuhin mong manatili pa rin dito. Lalo na kapag bumalik na ako ng Manila."

"Ibig bang sabihin niyan Sir pinapaalis nyo na po ba ako dito sa Resort?" Bakit parang pakiramdam ko pinagagaan lang niya ang sitwasyon. Pero ang sumatotal gusto rin niyang umalis na ako.

"Hindi naman sa ganun, alam mong hindi iyon ang ibig kong sabihin. Huwag mo sanang masamain ang sinabi ko. Ang ibig kong sabihin mas mabuting ikaw na lang ang umiwas kay Trixie kaysa naman sa tuwing makikita ka niya hindi maiiwasan na saktan ka niya palagi. Baka nga kahit umalis ka pa sa Resort kung hindi ka rin aalis sa lugar na ito ay patuloy ka pa rin niyang guguluhin." Saad nito.

"Pero saan naman po ako pupunta kung aalis ako dito sa Resort wala naman po akong choice kun'di pumunta ng Bayan at doon na lang mag-apply ng trabaho." Deretsahang tugon ko.

"Bakit hindi ka na lang kaya sumama sa akin?"

"A-ano po, a-ako sasama sa inyo?"

Tama ba ang narinig ko, bulong ng isip ko na tila ba sinagot rin nito.

"Oo tama, sumama ka na lang sa akin sa Manila at sa akin ka na lang magtrabaho. Tamang-tama naghahanap ako ngayon ng magiging personal assistant ko. Ano sa tingin mo pwede ka ba?"

"Personal Assistant?"

*****

06-14-25

@LadyGem25

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • TIE OF LOVE    SECRET FILES

    C-10: Unexpected Scene ___ Matagal na akong nakahiga ngunit hindi pa rin ako makatulog. Nagiging palaisipan na talaga sa akin ang mga bagay pinagagawa ni Mr. Del Castro. Ano ba talaga ang plano nito? Bakit gusto niyang bantayan ko si Sir Ivo, may pinaplano kaya siyang gawin kay Sir Ivo? "Hindi ka ba makatulog?" Biglang tanong ni Blessy tulad ko nakahiga na rin ito. Marahil hindi rin ito makatulog dahil ramdam niya na gising pa rin ako. Sa iisang double deck lang kasi kami natutulog si Blessy ang nasa itaas ako naman ang nasa ibaba. Kami lang dalawa ngayon sa isang kwarto, nasa bakasyon daw kasi ang isa pa naming kasama ang isa naman nag-asawa na. "Pasensya na naabala ko tuloy ang tulog mo medyo namamahay siguro ako kaya hirap akong makatulog." Pagdadahilan ko. "Okay lang maaga pa naman, ganyan rin naman ako noong una ko rin dito. Huwag mo akong alalahanin, hindi pa rin naman ako inaantok." Sagot nito. "Matagal ka na ba dito?" Sa lahat kasi ng mga narito sa compound si Bl

  • TIE OF LOVE    FIRST DAY IN WORK

    CHAPTER NINE: ___ "What the hell.. Saang bundok ka ba nanggaling ha, hindi mo ba ako kilala?" Mataray na tanong ng babaing nakasalubong ko sa may entrance door. Dapat ba kilala ko siya? "Sorry po ma'am tama po kayo, hindi ko nga po kayo kilala e!" Malakas ang loob na sagot ko. "B*ba, no one in this building does not know me." Muling tungayaw nito sa akin. Gusto ko rin sanang sabihin.. no one has the right to tell me that word too. Dahil hindi ako b*ba. "Nakupo! Ma'am ako na po ang humihingi ng dispensa pasensya na. Bago pa lang po kasi siya dito kaya hindi pa niya kayo kilala." Saglit na lumingon si Maam Divina sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Sige na, humingi ka ng dispensa." Pabulong nitong utos sa akin. Tumututol ang isip ko ngunit alam kong kailangan kong sundin si Ma'am Divina. Dahil iyon rin ang alam kong pinakatama kong gawin, kung nais kong tumagal pa dito. Kahit hindi ko pa batid kung sino nga ba ang babaing kaharap ko? "S-sorry po ma'am hindi ko po talaga

  • TIE OF LOVE    LOVE PREVENTION

    CHAPTER EIGHT:___Bakit ba hindi ko maiwasang mapangiti kapag naiisip ko ang babaing iyon. Hindi naman siya espesyal na tao pero bakit ba ang lakas ng dating niya sa akin. Kanina bigla akong nakaramdam ng hiya sa aking sarili. Bakit nga ba naisip kong itanong ang bagay na iyon, kailan pa ako naging interesado sa status ni Rigo?Pero hindi naman talaga kay Rigo ako interesado, alam ko itanggi ko man may bahagi sa akin ang ginugulo ng babaing iyon. Pero hindi ko na ito dapat palawigin pa dahil malapit na akong ikasal.Kahit kailan naman hindi ko naisip na pagtataksilan ko si Althea kaya ano bang nangyayari sa akin ngayon?Ilang sandali pa ang mga katok sa pinto ang biglang pumukaw sa akin."Tok, tok!" "Huh, sino 'yan?""Boss, ako ito papasok na ako ah?" Si Divina ang aking sekretarya.Hindi ko na inangat ang aking ulo may binabasa kasi akong documento kanina pa at hindi ko pa rin tapos basahin. Kaya hindi ko napansin na may kasama pala si Divina na pumasok sa opisina ko."Boss, may

  • TIE OF LOVE    MEET MR. IVO SEBASTIAN

    CHAPTER SEVEN:___"Anong itinawag mo sa akin?" Bakit ba sa dami naman ng p'wede kong makasabay sa elevator ang lalaking ito pa? "Hi Sir ikaw pala 'yan, dito ka rin ba nagtatrabaho Sir?" Sinubukan kong ibahin na lang ang usapan."Bago ka ba dito?" Hindi naman na niya inulit ang tanong kanina. Hayst salamat naman.."Opo bago lang po ako, ikaw ano pa lang ginagawa n'yo dito Sir?" Muli hindi nito sinagot ang tanong ko."Ikaw bakit ka narito, wala ka bang makitang iba at si Rigo pa ang sinamahan mo?" Lumapit pa ito sa akin.Ano daw, at ano naman kayang problema nito kay Sir Rigo?"Eh Sir, may problema ba kay Sir Rigo? Siya po ang Boss ko, actually tinulungan lang niya ako. Inilipat lang niya ako dito galing ako ng Cagayan de Oro at matagal na po akong nagtatrabaho sa Resort." May kalakip pang pagmamalaki ang huli kong sinabi. Baka kasi isipin nito na babae ako ni Sir Rigo na gustong ipasok sa kumpanya. Kaya naman itinaas ko talaga ang noo ko na napansin kong ikinataas rin ng kilay ni

  • TIE OF LOVE    THE CRY'NG LADY UNDER THE SUN & MR. LONG LEGGED

    CHAPTER SIX: ___ Nagising ako ng maramdaman ko ang paglapag ng sinasakyan naming private plane sa Airport ng Maynila. Mula sa Cagayan de Oro City hindi ko na namalayang nakatulog pala ako sa buong biyahe. Haysst! Ikaw ba naman ang sumakay ng private plane na hindi mo na kailangan pumila at makipagsiksikan sa ibang pasahero. Plus may service deluxe pa, grabe talaga kapag yayamanin. "Hey! Are you okay, nahirapan ka ba sa biyahe natin?" Tanong sa akin ni Sir Rigo marahil napansin nito na tahimik ako. Ang hindi nito alam ang sarap nga ng tulog ko at excited na ako sa muli kong pagtuntong ng Maynila at s'yempre sa pagkikita namin ng Papa. Ang natatandaan ko dinala ako dito noon ng Papa nasa Elementary pa lamang ako. Kung hindi ako nagkakamali magsisiyam na taon yata ako at tatlong taon naman ang nakalipas mula ng mamatay ang Mama. Ipinasyal pa nga ako ng Papa sa isang malaking mall at sa Manila zoo. Hindi pa nagtatrabaho noon sa S&DC Group ang Papa pero pagbalik namin ng Cag

  • TIE OF LOVE    UNDER THE SOLES OF THE FEET

    CHAPTER FIVE: ___ Pagmulat ng mga mata ko bahagya akong nagtaka, puting kisame, puting ding-ding at asul na kurtina. Ito ang unang bumungad sa aking paningin ngunit tila ito pamilyar? Tinangka kong bumangon subalit bigla akong napaigik dahil sa biglang kirot na aking naramdaman. Tama! Hindi ako maaaring magkamali nasa loob ako ng klinika, clinic sa loob mismo ng Resort, pero bakit naman ako narito? Muli akong pumikit upang balikan ang lahat sa aking isip... A-ang huli kong naaalala, may bumabang anghel este' si Sir Rigo siya ang nakita ko na nagligtas sa akin. P-pero nasaan na kaya siya ngayon? Pinilit kong tumayo sa kabila ng aking pagkaliyo, ngunit saglit lang umayos rin ang aking pakiramdam. Dahil mas masakit pa rin ang tinamo kong galos at pasà sa katawan. Paika- ika akong lumakad ng maalala ko nga pa lang wala akong sapin sa paa. Nag-palinga-linga ako sa paligid upang hanapin ang aking sinelas ngunit... Sinelas? Sandali hindi naman sinelas ang suot ko kanina ah,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status