Home / Romance / TIE OF LOVE / KNIGHT IN SHINING ARMOR

Share

KNIGHT IN SHINING ARMOR

last update Last Updated: 2025-06-12 18:41:58

CHAPTER FOUR:

___

“M-ma’am Trixie!” Halos takasan ako ng kulay ng makumpirma ko ang boses na iyon.

Kung p’wede lang sana na lumubog muna ako at saka na lang ako aahon pero hindi, imposible!

Kasing imposible ng pagkakataon na matakasan ko pa ang galit nito ngayon.

“Halika nga dito, wal***hiya ka!” Agad na hinablot nito ang buhok ko at hinila ako kung saan may liwanag. Marahil sadyang gusto niya akong ipahiya.

Ang alam ko wala naman talaga akong kasalanan, sumunod lang rin naman ako sa utos ng superior ko. Dahil isa rin si Marco sa sinusunod sa Resort na ito.

Si Marco ang Head Supervisor ng Supervising team. Ang pagkakamali ko lang kahit pa labas na sa trabaho ko ang sundin ang ipinagawa niya sa akin ay ginawa ko pa rin...

Kaya nga gusto ko mang magprotesta hindi ko magawa. Gusto ko mang manlaban ngunit paano nga ba?

Kahit na ramdam na ramdam ko ng mga oras na iyon ang tila pagkabanat ng anit ko sa aking ulo. Ang sakit sakit ng pakiramdam ko ngunit wala naman akong magagawa kun’di ang makiusap...

“Ma’am magpapaliwanag po ako...” Ngunit tila bingi na siya sa pakiusap ko at kahit pa anong sabihin ko.

Patuloy pa rin niya akong kinaladkad at bago pa niya ako binitiwan, bigla na lang niya akong sinampal. Gulat at tiigagal akong napatingin na lamang sa kanya habang salo ko ang sarili kong pisngi.

Tuluyan na akong napaiyak kahit hiyang hiya ako ng mga oras na iyon.

Hindi ko lang alam kung dahil sa sakit na nararamdaman ko o dahil sa sobrang hiya sa sitwasyong kinakaharap ko ngayon.

“Ma’am pakinggan n’yo po muna ako, magpapaliwanag po ako...” Patuloy pa rin akong nakiusap sa kanya.

Subalit...

“Pun**ta ka ginawa mo pa akong tanga, haliparot ka! Maibabalik mo ba sa akin si Marco kung pakikinggan pa kita ha, pakakasalan ba niya ako ulit? Hindi!

‘Dahil sinira mo na ang kasal ko! Hindi ko palalagpasin ang ginawa mo mal**di ka, wala kang kwenta!” Muli niya akong pinaghahampas ng kanyang kamay at dahil matulis ang kanyang mga kuko kaya hindi naiwasang makalmot rin niya ako.

Nararamdaman ko na kumakalmot ito sa aking mga braso, maging sa aking mukha na pilit kong ikinukubli.

Hindi ko magawang umiwas o tumakbo o kahit ipagtanggol ang sarili ko. Dahil sa dalawang kasama niyang lalaki na batid kong nasa likuran ko lang at naghihintay ng utos.

Hiyang hiya ako ng mga oras na iyon, pakiramdam ko rin daig ko pa ang babaing nawalan ng dangal. Sino pa ang makakaunawa sa tunay kong sitwasyon kung hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko.

Makikita sa mga mata ng mga taong nagsisimula na rin mag-umpukan at magbulungan sa paligid. Maging ang mga kasamahan kong staff sa Hotel ay pinag-uusapan na rin ako.

Alam ko rin na walang maglalakas ng loob na tumulong sa akin. Sino nga ba ang tutulong sa akin na kalabanin ang anak ng isang makapangyarihang pulitiko ng lalawigang ito.

WALA!

Bigla kong naalala si Papa, kung narito lang sana siya siguradong hindi niya hahayaan na saktan ako ng kahit na sino.

Kahit sino pa ang makabangga niya tiyak na ipagtatanggol pa rin niya ako. Ngunit dagli ko rin itong iwinaglit sa aking isip,

Dahil hindi ko na siya gustong idamay pa sa gulong ito na napasukan ko.

Kagaya rin noon na kinailangan pa naming lumipat ng ibang lugar upang makaiwas sa gulo na ako rin ang dahilan.

Kaya kailangan ko itong kayaning mag-isa na hindi palaging umaasa kay Papa. Be a growing up woman now, Aleyha!

Gusto kong ipagmalaki ako ni Papa na naging matatag ako kahit wala pa siya sa tabi ko. Kaya kailangan ko itong kayanin nang mag-isa.

Patuloy pa rin niya akong sinaktan, hiniya, hinampas, kinalmot at sinipa. Halos malugmok na ako sa sahig at wala isa man ang may gustong tumulong sa akin. Dahil marahil ang tingin nila sa akin ay masamang babae na nararapat lang masaktan para magtanda. Maging ang suot kong bestida, na ngayon ay sira na... ito na yata ang pinakamahal na damit na binili sa akin ni Papa.

Kaya naman hindi na rin ako makakilos ng normal at hindi ko na rin alam ang uunahin kong takpan. Mabuti na lang nasa Beach Resort kami at sanay ang mga tao na makakita ng halos hubad o naka-two piece na babae pero hindi ako!

“Walang***a, mal**di! Ang kapal ng mukha mo!” Puro masasamang salita ang ibinabato niya sa akin. Alam ko sa pagkakataong ito kailangan kong magpakababa at tanggapin na lang ang lahat. Pero pangakong hindi magiging palaging ganito.

Palibhasa isa s’yang spoiled brat sunod ang layaw, siguro dahil nag-iisa lang siyang anak na babae. Kaya marahil nabahag ang buntot ni Marco nu’n una.

Bukod kasi sa pagiging Politician mayaman rin ang angkan nito hindi tulad ni Marco na sabit lang sa angkan ng mga Del Castro. Dahil sa ama nito na matagal na ring Abogado ng Pamilya.

Batid ko na wala akong aasahan ngayon kun’di sarili ko kaya kailangan kong malampasan ito sa kahit anong paraan.

“Ma’am maawa kayo sa’kin, patawarin n’yo na po ako Ma’am... Pakiusap!” Halos magmakaawa ako sa kanyang harapan, kahit pa mabigat sa loob ko na gawin ito.

Dahil wala naman talaga akong kasalanan.

Bigla kong naisip ang perang ibinigay ni Marco, hindi ko naman ito hiningi o hiniling ni hindi ko nga alam na may plano pala itong bayaran ako. Pero ano ngayon, may magagawa ba ito sa akin?

“Sige gan’yan nga humalik ka sa lupa baka sakali pang maawa ako sa’yo, Gaga!” Saad nito sabay tulak pa nito sa’kin... Hiyang hiya man ako para sa aking sarili ngunit ano bang magagawa ko?

Natatakot ako sa posibleng mangyari sa akin, maging kay Papa kapag nalaman niya ito.

Sinikap kong tumayo kahit hirap akong gumalaw, ramdam ko na kasi ang mga galos at pasa na tinamo ko.

Pero kung kailangang magpakababa ako ulit, gagawin ko huwag lang makarating kay Papa ang nangyaring ito.

Mabuti na lang lingid sa lahat ang kaugnayan naming mag-ama.

“Lumayas ka na, ayoko nang makita pa ang pagmumukha mo!” Sigaw nito sa akin.

“Pero Ma’am, wala po akong ibang mapupuntahan dito sa Isla a-at saka gabi na po ma’am. Maaari bang bukas na lang ako umalis?” Pakiusap ko kay Miss Trixie pero tila wala siyang narinig.

“Kahit ngayon gabi lang Ma’am, hayaan n’yo na akong manatili muna dito.” Muling pakiusap ko.

Dahil wala naman talaga akong mapupuntahan. Dumayo lang kami dito sa Isla, hindi ko nga alam kung bakit ako dinala dito ni Papa, pagkatapos iiwan lang din pala niya akong mag-isa dito.

Dati kaming nangupahan sa Bayan ng umalis kami ng Cebu City. Pagkatapos ay hinimok ako ni Papa na mag-apply dito sa Resort.

Hanggang sa pinalad naman akong matanggap, ang akala ko sa Resort na rin siya magtatrabaho pero nalaman ko na lang na sa Maynila naman pala siya madedestino. Kaya naiwan akong mag-isa dito sa Isla at ngayon saan na ako pupunta?

“Ano pang hinihintay mo bingi ka ba o tanga? Ang sabi ko umalis ka na!” Muli niyang sigaw sa akin.

“Pero Ma’am nakikiusap po ako, kahit ngayon lang!” Ngunit tila wala siyang pakialam.

“Ma’am, pakiusap po!” Pilit ko pa rin itong kinukumbinsi.

“Ano pang hinihintay n’yo paalisin n’yo na ang babaing yan dito.” Utos nito sabay tingin nito sa Supervisor ng Hotel maging sa aming Manager na naroon na rin.

“Ma’am...” Muli pa sana akong magsasalita subalit pinigilan na ako ng aming Supervisor.

“Ma’am Carol?”

“Sige na, mas mabuti kung aalis ka na lang...” Pinigilan na ako nito at giniya palabas.

Ngayon ko na-realized na wala talaga akong kakampi sa lugar na ito. Kahit pa sa simula pa lang pinakisamahan ko na silang lahat.

“Sige na umalis ka na, Aleyha!” Segunda pa ng aming Manager na si Mr. Zaldy Santos.

“Pero Sir, Ma’am, malayo po ang Isla sa Bayan wala po akong matutuluyan dito sa Isla at saka gabing gabi na!” Saad ko na may halo na talagang pakiusap.

“Ah’ eh?” Napakamot na lang na saad ng Manager na gustong mag-isip, ngunit...

“Kung ayaw niyang kusang lumabas, kaladkarin n’yo siya palabas. Ano pang hinihintay n’yo palabasin n’yo na siya!

Ayoko nang makita pa ang pagmumukha ng babaing iyan dito o kahit pa sa labas ng Isla naiintindihan n’yo ba?!” Muling utos nito sa mga tauhan ng Resort.

Tuluyan na rin akong nawawalan ng pag-asa, ngunit hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon...

“Ma’am nakikiusap po ako, Ma’am wala po akong mapupuntahan...”

Ngunit nakialam na rin ang dalawang lalaking bantay nito. Kay’dali lang nila akong nahila palayo kay Ma’am Trixie...

“Halika ka na makulit ka gusto mo pa talaga yatang masaktan ulit ah’, halika...”

“Huwag po, Ma’am Trixie...” Ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan. Ngunit kailangan kong pigilan ang matakot.

“Halika na!”

“Bitiwan n’yo ako...” Unti-unti na ring nawala ang katiting na pag-asang pinanghahawakan ko. Dahil napalitan na ito ngayon ng takot! Kinaladkad nila ako palabas hanggang sa main gate ng Resort.

Hanggang sa...

“Ano itong ginagawa n’yo bitiwan n’yo siya!”

“Huh?!”

Totoo nga bang may ‘Knight in shining armor, o sadyang may bumaba lang na anghel na mula sa langit at ngayon ay nasa akin nang harapan?!’

Ang mga katanungang naglalaro sa aking isip bago pa nagdilim sa akin ang lahat at tuluyan akong nawalan ng kamalayan!

*****

06-12-25

By: LadyGem25

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • TIE OF LOVE    FIRST DAY IN WORK

    CHAPTER NINE: ___ "What the hell.. Saang bundok ka ba nanggaling ha, hindi mo ba ako kilala?" Mataray na tanong ng babaing nakasalubong ko sa may entrance door. Dapat ba kilala ko siya? "Sorry po ma'am tama po kayo, hindi ko nga po kayo kilala e!" Malakas ang loob na sagot ko. "B*ba, no one in this building does not know me." Muling tungayaw nito sa akin. Gusto ko rin sanang sabihin.. no one has the right to tell me that word too. Dahil hindi ako b*ba. "Nakupo! Ma'am ako na po ang humihingi ng dispensa pasensya na. Bago pa lang po kasi siya dito kaya hindi pa niya kayo kilala." Saglit na lumingon si Maam Divina sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Sige na, humingi ka ng dispensa." Pabulong nitong utos sa akin. Tumututol ang isip ko ngunit alam kong kailangan kong sundin si Ma'am Divina. Dahil iyon rin ang alam kong pinakatama kong gawin, kung nais kong tumagal pa dito. Kahit hindi ko pa batid kung sino nga ba ang babaing kaharap ko? "S-sorry po ma'am hindi ko po talaga

  • TIE OF LOVE    LOVE PREVENTION

    CHAPTER EIGHT:___Bakit ba hindi ko maiwasang mapangiti kapag naiisip ko ang babaing iyon. Hindi naman siya espesyal na tao pero bakit ba ang lakas ng dating niya sa akin. Kanina bigla akong nakaramdam ng hiya sa aking sarili. Bakit nga ba naisip kong itanong ang bagay na iyon, kailan pa ako naging interesado sa status ni Rigo?Pero hindi naman talaga kay Rigo ako interesado, alam ko itanggi ko man may bahagi sa akin ang ginugulo ng babaing iyon. Pero hindi ko na ito dapat palawigin pa dahil malapit na akong ikasal.Kahit kailan naman hindi ko naisip na pagtataksilan ko si Althea kaya ano bang nangyayari sa akin ngayon?Ilang sandali pa ang mga katok sa pinto ang biglang pumukaw sa akin."Tok, tok!" "Huh, sino 'yan?""Boss, ako ito papasok na ako ah?" Si Divina ang aking sekretarya.Hindi ko na inangat ang aking ulo may binabasa kasi akong documento kanina pa at hindi ko pa rin tapos basahin. Kaya hindi ko napansin na may kasama pala si Divina na pumasok sa opisina ko."Boss, may

  • TIE OF LOVE    MEET MR. IVO SEBASTIAN

    CHAPTER SEVEN:___"Anong itinawag mo sa akin?" Bakit ba sa dami naman ng p'wede kong makasabay sa elevator ang lalaking ito pa? "Hi Sir ikaw pala 'yan, dito ka rin ba nagtatrabaho Sir?" Sinubukan kong ibahin na lang ang usapan."Bago ka ba dito?" Hindi naman na niya inulit ang tanong kanina. Hayst salamat naman.."Opo bago lang po ako, ikaw ano pa lang ginagawa n'yo dito Sir?" Muli hindi nito sinagot ang tanong ko."Ikaw bakit ka narito, wala ka bang makitang iba at si Rigo pa ang sinamahan mo?" Lumapit pa ito sa akin.Ano daw, at ano naman kayang problema nito kay Sir Rigo?"Eh Sir, may problema ba kay Sir Rigo? Siya po ang Boss ko, actually tinulungan lang niya ako. Inilipat lang niya ako dito galing ako ng Cagayan de Oro at matagal na po akong nagtatrabaho sa Resort." May kalakip pang pagmamalaki ang huli kong sinabi. Baka kasi isipin nito na babae ako ni Sir Rigo na gustong ipasok sa kumpanya. Kaya naman itinaas ko talaga ang noo ko na napansin kong ikinataas rin ng kilay ni

  • TIE OF LOVE    THE CRY'NG LADY UNDER THE SUN & MR. LONG LEGGED

    CHAPTER SIX: ___ Nagising ako ng maramdaman ko ang paglapag ng sinasakyan naming private plane sa Airport ng Maynila. Mula sa Cagayan de Oro City hindi ko na namalayang nakatulog pala ako sa buong biyahe. Haysst! Ikaw ba naman ang sumakay ng private plane na hindi mo na kailangan pumila at makipagsiksikan sa ibang pasahero. Plus may service deluxe pa, grabe talaga kapag yayamanin. "Hey! Are you okay, nahirapan ka ba sa biyahe natin?" Tanong sa akin ni Sir Rigo marahil napansin nito na tahimik ako. Ang hindi nito alam ang sarap nga ng tulog ko at excited na ako sa muli kong pagtuntong ng Maynila at s'yempre sa pagkikita namin ng Papa. Ang natatandaan ko dinala ako dito noon ng Papa nasa Elementary pa lamang ako. Kung hindi ako nagkakamali magsisiyam na taon yata ako at tatlong taon naman ang nakalipas mula ng mamatay ang Mama. Ipinasyal pa nga ako ng Papa sa isang malaking mall at sa Manila zoo. Hindi pa nagtatrabaho noon sa S&DC Group ang Papa pero pagbalik namin ng Cag

  • TIE OF LOVE    UNDER THE SOLES OF THE FEET

    CHAPTER FIVE: ___ Pagmulat ng mga mata ko bahagya akong nagtaka, puting kisame, puting ding-ding at asul na kurtina. Ito ang unang bumungad sa aking paningin ngunit tila ito pamilyar? Tinangka kong bumangon subalit bigla akong napaigik dahil sa biglang kirot na aking naramdaman. Tama! Hindi ako maaaring magkamali nasa loob ako ng klinika, clinic sa loob mismo ng Resort, pero bakit naman ako narito? Muli akong pumikit upang balikan ang lahat sa aking isip... A-ang huli kong naaalala, may bumabang anghel este' si Sir Rigo siya ang nakita ko na nagligtas sa akin. P-pero nasaan na kaya siya ngayon? Pinilit kong tumayo sa kabila ng aking pagkaliyo, ngunit saglit lang umayos rin ang aking pakiramdam. Dahil mas masakit pa rin ang tinamo kong galos at pasà sa katawan. Paika- ika akong lumakad ng maalala ko nga pa lang wala akong sapin sa paa. Nag-palinga-linga ako sa paligid upang hanapin ang aking sinelas ngunit... Sinelas? Sandali hindi naman sinelas ang suot ko kanina ah,

  • TIE OF LOVE     KNIGHT IN SHINING ARMOR

    CHAPTER FOUR: ___ “M-ma’am Trixie!” Halos takasan ako ng kulay ng makumpirma ko ang boses na iyon. Kung p’wede lang sana na lumubog muna ako at saka na lang ako aahon pero hindi, imposible! Kasing imposible ng pagkakataon na matakasan ko pa ang galit nito ngayon. “Halika nga dito, wal***hiya ka!” Agad na hinablot nito ang buhok ko at hinila ako kung saan may liwanag. Marahil sadyang gusto niya akong ipahiya. Ang alam ko wala naman talaga akong kasalanan, sumunod lang rin naman ako sa utos ng superior ko. Dahil isa rin si Marco sa sinusunod sa Resort na ito. Si Marco ang Head Supervisor ng Supervising team. Ang pagkakamali ko lang kahit pa labas na sa trabaho ko ang sundin ang ipinagawa niya sa akin ay ginawa ko pa rin... Kaya nga gusto ko mang magprotesta hindi ko magawa. Gusto ko mang manlaban ngunit paano nga ba? Kahit na ramdam na ramdam ko ng mga oras na iyon ang tila pagkabanat ng anit ko sa aking ulo. Ang sakit sakit ng pakiramdam ko ngunit wala naman akong magagaw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status