Home / Romance / TIE OF LOVE / THE CRY'NG LADY UNDER THE SUN & MR. LONG LEGGED

Share

THE CRY'NG LADY UNDER THE SUN & MR. LONG LEGGED

last update Last Updated: 2025-06-25 00:21:37

CHAPTER SIX:

___

Nagising ako ng maramdaman ko ang paglapag ng sinasakyan naming private plane sa Airport ng Maynila.

Mula sa Cagayan de Oro City hindi ko na namalayang nakatulog pala ako sa buong biyahe.

Haysst!

Ikaw ba naman ang sumakay ng private plane na hindi mo na kailangan pumila at makipagsiksikan sa ibang pasahero. Plus may service deluxe pa, grabe talaga kapag yayamanin.

"Hey! Are you okay, nahirapan ka ba sa biyahe natin?" Tanong sa akin ni Sir Rigo marahil napansin nito na tahimik ako.

Ang hindi nito alam ang sarap nga ng tulog ko at excited na ako sa muli kong pagtuntong ng Maynila at s'yempre sa pagkikita namin ng Papa.

Ang natatandaan ko dinala ako dito noon ng Papa nasa Elementary pa lamang ako. Kung hindi ako nagkakamali magsisiyam na taon yata ako at tatlong taon naman ang nakalipas mula ng mamatay ang Mama.

Ipinasyal pa nga ako ng Papa sa isang malaking mall at sa Manila zoo.

Hindi pa nagtatrabaho noon sa S&DC Group ang Papa pero pagbalik namin ng Cagayan de Oro nagsimula na siyang magtrabaho sa Resort ng mga Del Castro.

"Ha, nakuh! Hindi Sir, napasarap nga yata ang tulog ko hindi ko tuloy napansin na nandito na pala tayo." Ngumiti ako na ginantihan rin naman nito ng ngiti.

"Okay kung ganu'n tayo na!" Iginiya na niya ako at pasimpleng ginagap nito ang kamay ko sabay hila sa akin patungo sa tapat ng isang magarang sasakyan.

Nakakagulat man pero s'yempre sino naman ako para mag-inarte, bonus package ko na kaya ito. May trabaho na mukhang may future boyfriend pa?

Kumbaga sa natanggap kong parcel may pa-freebies pa si kuya! And take note, ipinagbukas pa niya ako ng pinto.

Eiiih, s'yempre naman kilig ako bigla ko tuloy naalala si Marco. Dahil kahit na minsan hindi ako naipagbukas nito ng kahit ano pang klaseng pinto.

Napatunayan ko rin na magkaiba talaga sila ng ugali ni Sir Rigo.

Ngunit bago pa man ako makapasok ng sasakyan, isang lalaki ang bumati kay Rigo...

"Hey, bro! I said that you are." Sabay pa kaming napalingon sa lumapit na lalaki.

Geez, napaka gwapo nito at mukhang ang bango pa.

But wait he looks familiar, saan ko nga ba ito nakita?

Tama!

Natatandaan ko na sa Airport din sa CDO at hindi ako maaaring magkamali siya nga 'yun! The same figure of the man that I seen before, same smile, same backpack and of course the same long legged man.

Paano ko ba iyon malilimutan parang kahapon lang kami nagkita at ngayon..

Hindi ako sigurado kung natatandaan ba niya ako. Hindi nga ako nailang ng pasimple ko siyang pasadahan ng tingin, mabilis lang naman.

Pero sigurado ako na ganun rin ang ginawa niya sa akin kaya patas lang kami.

"Ikaw pala, Ivo! Mukhang ang layo na naman ng narating mo ah?" Tugon ni Sir Rigo sa lalaki.

Napansin ko rin na parang nag-iba ang mood nito o pero baka guni-guni ko lang, imposible kasing hindi sila magkasundo.

"Ah, hindi naman actually sa malapit lang, ikaw saan ka ba galing, I mean saan kayo galing?" Pagtatama pa nito sa sinabi at muli itong tumingin sa akin.

"Galing kami ng CDO bro!" Matipid na sagot ni Rigo.

"Mukhang nag-enjoy ka d'un ah? Ang balita ko hindi naman natuloy ang kasal ni Marco pero ngayon ka lang bumalik ng Manila." Nagsasalita ito pero sa akin nakatingin

"May inasikaso lang akong importante sa Resort na hindi ko na dapat pang ipagpaliban."

Kahit itong si Rigo bakit sa akin rin nakatingin at may pahawak-hawak pa sa kamay ko.

Aba-ba mukhang napapadalas na ito!

Gusto ko sanang maniwala na may pagtingin ito sa akin. Pero bakit parang may pag-aalinlangan sa aking puso.

Pagbaling ko ulit ng tingin si Mr. long legged matiim akong pinagmamasdan.

Haysst!

Bakit ba nila ginugulo ang utak ko damay tuloy pati ang puso ko.

"Hey and who's this woman beside you bro, mukhang wala ka yatang balak ipakilala sa akin ah? I think, now you just choose the right girl. Bihira na ngayon ang babaing matiyagang maghihintay sa ilalim ng sikat ng araw."

"Hey, what did you say?" Kunot noong tanong ni Rigo.

Kung hindi naintindihan ni Rigo ang sinabi ng lalaking ito. Ngunit ako na-get ko na agad ang mga sinabi niya. Ang ibig bang sabihin natatandaan pa niya ako?

"Ik.."

Agad akong napahinto at hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng unahan akong magsalita ng lalaki.

"Nevermind bro, may naalala lang ako huwag mo na lang pansinin ang sinabi ko. Baka naman gusto mo namang ipakilala sa akin ang magandang binibini?"

Hindi ko alam kung nagbibiro ito pero sigurado akong ako ang tinutukoy niya.

"Sure! Anyway, this is Ms. Soriano, honey siya naman si Mr. Sebastian." Maikling pagpapakilala nito sa amin.

Honey, kailan pa naging pulot ang pangalan ko?

"Ms. Soriano? Anyway I'm Ivo and you are Ms..?" Sabay lahad nito ng kamay.

"Aleyha po." Inabot ko na rin ang kamay ko dito sabay bulong sa isip ko..

Bakit ang lambot naman ng kamay niya mas malambot pa yata sa kamay ko.

Ilang segundo pa ang lumipas parang hindi ko magawang bitawan ang kanyang kamay. Nagulat na lang ako ng kumunot ang noo nito kasabay ng pagtaas ng gilid ng kanyang labi at alanganing ngiti.

Alanganin rin akong napangiti sabay biglang bitaw sa kanyang kamay na tila ba napaso.

Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa, sigurado akong namula ang ilong at pisngi ko. Dahil nararamdaman kong nag-iinit ang tenga ko.

Paglingon ko kay Sir Rigo parang ibig nitong sumimangot.

Haysst, taksil ka Aleyha!

"Paano bro, magkita na lang tayo sa office and goodluck!" Tumalikod na agad ito.

"Ang yabang!" Bulong ni Sir Rigo mabuti na lang mabilis nang nakalayo si Ivo. Ang haba ba naman ng biyas nito dalawang hakbang lang yata ang isang metro.

___

Maaga akong gumising dahil ito ang unang araw ko sa opisina ng S&DC.

Kahapon pinasamahan ako ni Sir Rigo sa kanilang driver para bumili ng mga kakailanganin kong gamit. At sa isang employees home facility ng kumpanya ako pansamantalang tumutuloy. Dito ako dinala ni Sir Rigo makakasama ko ang ibang empleyadong stay-in.

Gusto ko sanang hanapin ang Papa kaya lang hindi ko alam kung saan ito nakatira at saka natatakot rin akong maligaw dito sa Manila. Hindi ko pa kasi kabisado ang pamumuhay dito. Ang alam ko lang nasa Alabang kami ngayon.

Pero sisikapin kong hanapin ang Papa mamaya sa opisina ng S&DC. Hindi ko naman kasi masabi kay Sir Rigo at nahihiya rin akong magtanong. Ayoko namang isipin niya na napaka ignorante ko at hindi ko alam kung paano hahanapin ang tatay ko.

Ah, bahala na magtatanong tanong na lang ako kapag nasa office na ako.

_

Hindi ko magawang pigilan ang kabang nararamdaman ko. Kasi naman bukod sa first time kong papasok sa S&DC unang beses rin ito na magcocomute akong mag-isa. Mabuti na lang kahit paano kinabisa ko naman ang daan kahapon. Kaya lang hindi ko alam kung saan ang sakayan papunta sa office..

"Good morning! Papasok ka na?" Lumingon muna ako sa kaliwa, sa kanan bago ko itinuon ang atensyon ko sa babae sa harap ko para masigurong ako nga ang kausap niya.

"Oi ano ka ba?"

"A-ako ba?" Natawa ito sa reaksyon ko.

Kahapon kasi hindi ako pinapansin ng mga empleyadong narito. Parang wala akong kausap sasagot lang sila, tatango kung ano lang tinanong ko.

At walang sino man ang nagtangkang kumausap sa akin o nakipagkwentuhan. Lahat sila bisi-bisihan huwag lang akong makausap kaya pinili ko na lang ding tumahimik.

"Siguro nasampolan ka rin ng mga tao dito no? Huwag mo na lang silang pansinin masasanay ka rin, ganyan din ako nu'n una hanggang sa nasanay na lang ako." Nakangiting pahayag nito.

Tulad ko nakabihis na rin ito at handa nang pumasok suot ang uniform ng S&DC. Habang ako nakasemi-slack pant at 3/4 blouse.

"Pasensya ka na ha, akala ko kasi wala talagang gustong kumausap sa akin. Buti na lang kinausap mo ako, ako nga pala si Aleyha. Ikaw si.." Pakiramdam ko nakahinga ako ng maluwag at least may makakausap na ako ngayon.

"Blesilda Ocampo, Blessy na lang sa office ako naka-assign staff ako sa Accounting Department. Ikaw, bago ka di ba?" Tanong nito.

"Oo ngayon pa lang ako magsisimula pero hindi na ako bago sa S&DC galing ako ng CDO sa Isla del Castro Resort. Sandali, ang sabi mo sa Accounting Department ka diba? Kung ganu'n kilala mo ang Pa.., I mean si Mr. Soriano doon din kasi siya."

Muntik ko nang makalimutan wala nga palang nakakaalam na anak ako ni Papa. Saka na lang siguro ako magpapakilala sa kanila kapag nakita ko ang Papa. Sure naman na ipakikilala rin ako sa kanila ni Papa.

"Oo naman siya ang Boss ko ang head ng department namin. Kilala mo siya?" Balik tanong nito sa akin.

"Oo pero hindi pa kami nagkikita ulit, gusto ko nga sanang makita siya kapag nasa office na ako."

"Sa opisina ka rin pala, saang department ka naka-assign?" Tanong ulit nito.

Palagay ko magkakasundo kami ni Blessy lalo na at alam kong kasama niya si Papa.

Buti na lang maaga pa hindi pa naman kami late.

"Kinuha akong Personal Assistant ni Sir Rigo kaya sa kanya ako magtatrabaho." Kung p'wede nga lang irequest mas gusto ko sanang sa Accounting department na lang din ako para kasama ko ito at ang Papa.

Pero doon na ako napunta.

"Ow! Kaya naman pala, mukhang malakas ang kapit mo ah? Kaya huwag ka nang magtaka kung bakit medyo ilag sila sayo dito." Nakangiting pahayag nito.

"Ganu'n ba, pero wala naman akong intensyon na magpalakas tinulungan lang ako ni Sir Rigo. Pero tulad n'yo rin ako gusto ko lang din magtrabaho." Bakit naman nila ako pangingilagan hindi naman ako mangangagat.

"Pero huwag mo nang isipin 'yun, tayo na sabay na tayo mukhang ready ka na rin naman." Anyaya na nito.

Kung alam lang nito na kanina ko pa nga problema ang makakasabay sa pagpasok. Ang lakas ko talaga kay God hindi niya ako pinababayaan. Thank you po.

Pakiramdam ko nang oras na iyon nakatagpo na ako ng bagong kaibigan, sana lang legit na ito.

___

Mula sa tinutuluyan namin hanggang sa makarating kami ng S&DC office marami kaming napag-usapan ni Blessy maliban lang ang tungkol sa Papa.

Kahit pa marami akong gustong itanong iniwasan kong na banggitin siya ulit.

Masarap kausap si Blessy ngayon pa lang kami nagkita pero parang dati na kaming magkakilala na ngayon lang ulit nagkita.

Hindi ko na tuloy namalayan ang oras at hindi ko na rin naisip na magkaiba nga pala kami ng pupuntahan. Awtomatikong napasunod rin ako sa kanya sa paglabas ng Elevator. Nasa second floor lang pala ang Accounting department samantalang ako sa fourt floor pa pupunta.

"Huwag ka nang lumabas dito lang ako, ikaw sa fourth floor pa doon ang office ni Sir Rigo." Pero nakahakbang na ako palabas at awtomatikong nagsara na rin ang elevator.

"Ha, ah e?" Napisil ko tuloy ang ilong ko.

"Sige na, bilisan mo na medyo masungit kasi si Ms. Sylvia istrikto 'yun sa oras siya ang secretary ng CEO kaya siya rin ang makakasama mo kaya ingat ka sa kanya. Mamaya na lang ulit, Goodluck na lang sa'yo ha!" Sunod-sunod nang salita nito na tila nagmamadali na rin.

"Okay sige, salamat ha!" Alam kong batid niya na naninibago pa ako hinintay pa niyang makabalik ako sa Elevator bago ako tuluyang iniwan.

Haysst!

Unang araw ko nga pala ngayon kaya kailangan kong magpaimpress. Pero narito pa ako at mukhang nakatakdang ma-depress sa sermon ng secretary ng CEO.

"Aleyha, brace yourself kung ayaw mong mawalan agad ng trabaho!" Bulong ko sa aking sarili na medyo napalakas yata.

Dahil may nakarinig...

"So dito ka pala magtatrabaho? Miss crying Lady under the sun.."

"Huh? Mr. Long legged.."

"What?!"

*****

06-16-25

@LadyGem25

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • TIE OF LOVE    SECRET FILES

    C-10: Unexpected Scene ___ Matagal na akong nakahiga ngunit hindi pa rin ako makatulog. Nagiging palaisipan na talaga sa akin ang mga bagay pinagagawa ni Mr. Del Castro. Ano ba talaga ang plano nito? Bakit gusto niyang bantayan ko si Sir Ivo, may pinaplano kaya siyang gawin kay Sir Ivo? "Hindi ka ba makatulog?" Biglang tanong ni Blessy tulad ko nakahiga na rin ito. Marahil hindi rin ito makatulog dahil ramdam niya na gising pa rin ako. Sa iisang double deck lang kasi kami natutulog si Blessy ang nasa itaas ako naman ang nasa ibaba. Kami lang dalawa ngayon sa isang kwarto, nasa bakasyon daw kasi ang isa pa naming kasama ang isa naman nag-asawa na. "Pasensya na naabala ko tuloy ang tulog mo medyo namamahay siguro ako kaya hirap akong makatulog." Pagdadahilan ko. "Okay lang maaga pa naman, ganyan rin naman ako noong una ko rin dito. Huwag mo akong alalahanin, hindi pa rin naman ako inaantok." Sagot nito. "Matagal ka na ba dito?" Sa lahat kasi ng mga narito sa compound si Bl

  • TIE OF LOVE    FIRST DAY IN WORK

    CHAPTER NINE: ___ "What the hell.. Saang bundok ka ba nanggaling ha, hindi mo ba ako kilala?" Mataray na tanong ng babaing nakasalubong ko sa may entrance door. Dapat ba kilala ko siya? "Sorry po ma'am tama po kayo, hindi ko nga po kayo kilala e!" Malakas ang loob na sagot ko. "B*ba, no one in this building does not know me." Muling tungayaw nito sa akin. Gusto ko rin sanang sabihin.. no one has the right to tell me that word too. Dahil hindi ako b*ba. "Nakupo! Ma'am ako na po ang humihingi ng dispensa pasensya na. Bago pa lang po kasi siya dito kaya hindi pa niya kayo kilala." Saglit na lumingon si Maam Divina sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Sige na, humingi ka ng dispensa." Pabulong nitong utos sa akin. Tumututol ang isip ko ngunit alam kong kailangan kong sundin si Ma'am Divina. Dahil iyon rin ang alam kong pinakatama kong gawin, kung nais kong tumagal pa dito. Kahit hindi ko pa batid kung sino nga ba ang babaing kaharap ko? "S-sorry po ma'am hindi ko po talaga

  • TIE OF LOVE    LOVE PREVENTION

    CHAPTER EIGHT:___Bakit ba hindi ko maiwasang mapangiti kapag naiisip ko ang babaing iyon. Hindi naman siya espesyal na tao pero bakit ba ang lakas ng dating niya sa akin. Kanina bigla akong nakaramdam ng hiya sa aking sarili. Bakit nga ba naisip kong itanong ang bagay na iyon, kailan pa ako naging interesado sa status ni Rigo?Pero hindi naman talaga kay Rigo ako interesado, alam ko itanggi ko man may bahagi sa akin ang ginugulo ng babaing iyon. Pero hindi ko na ito dapat palawigin pa dahil malapit na akong ikasal.Kahit kailan naman hindi ko naisip na pagtataksilan ko si Althea kaya ano bang nangyayari sa akin ngayon?Ilang sandali pa ang mga katok sa pinto ang biglang pumukaw sa akin."Tok, tok!" "Huh, sino 'yan?""Boss, ako ito papasok na ako ah?" Si Divina ang aking sekretarya.Hindi ko na inangat ang aking ulo may binabasa kasi akong documento kanina pa at hindi ko pa rin tapos basahin. Kaya hindi ko napansin na may kasama pala si Divina na pumasok sa opisina ko."Boss, may

  • TIE OF LOVE    MEET MR. IVO SEBASTIAN

    CHAPTER SEVEN:___"Anong itinawag mo sa akin?" Bakit ba sa dami naman ng p'wede kong makasabay sa elevator ang lalaking ito pa? "Hi Sir ikaw pala 'yan, dito ka rin ba nagtatrabaho Sir?" Sinubukan kong ibahin na lang ang usapan."Bago ka ba dito?" Hindi naman na niya inulit ang tanong kanina. Hayst salamat naman.."Opo bago lang po ako, ikaw ano pa lang ginagawa n'yo dito Sir?" Muli hindi nito sinagot ang tanong ko."Ikaw bakit ka narito, wala ka bang makitang iba at si Rigo pa ang sinamahan mo?" Lumapit pa ito sa akin.Ano daw, at ano naman kayang problema nito kay Sir Rigo?"Eh Sir, may problema ba kay Sir Rigo? Siya po ang Boss ko, actually tinulungan lang niya ako. Inilipat lang niya ako dito galing ako ng Cagayan de Oro at matagal na po akong nagtatrabaho sa Resort." May kalakip pang pagmamalaki ang huli kong sinabi. Baka kasi isipin nito na babae ako ni Sir Rigo na gustong ipasok sa kumpanya. Kaya naman itinaas ko talaga ang noo ko na napansin kong ikinataas rin ng kilay ni

  • TIE OF LOVE    THE CRY'NG LADY UNDER THE SUN & MR. LONG LEGGED

    CHAPTER SIX: ___ Nagising ako ng maramdaman ko ang paglapag ng sinasakyan naming private plane sa Airport ng Maynila. Mula sa Cagayan de Oro City hindi ko na namalayang nakatulog pala ako sa buong biyahe. Haysst! Ikaw ba naman ang sumakay ng private plane na hindi mo na kailangan pumila at makipagsiksikan sa ibang pasahero. Plus may service deluxe pa, grabe talaga kapag yayamanin. "Hey! Are you okay, nahirapan ka ba sa biyahe natin?" Tanong sa akin ni Sir Rigo marahil napansin nito na tahimik ako. Ang hindi nito alam ang sarap nga ng tulog ko at excited na ako sa muli kong pagtuntong ng Maynila at s'yempre sa pagkikita namin ng Papa. Ang natatandaan ko dinala ako dito noon ng Papa nasa Elementary pa lamang ako. Kung hindi ako nagkakamali magsisiyam na taon yata ako at tatlong taon naman ang nakalipas mula ng mamatay ang Mama. Ipinasyal pa nga ako ng Papa sa isang malaking mall at sa Manila zoo. Hindi pa nagtatrabaho noon sa S&DC Group ang Papa pero pagbalik namin ng Cag

  • TIE OF LOVE    UNDER THE SOLES OF THE FEET

    CHAPTER FIVE: ___ Pagmulat ng mga mata ko bahagya akong nagtaka, puting kisame, puting ding-ding at asul na kurtina. Ito ang unang bumungad sa aking paningin ngunit tila ito pamilyar? Tinangka kong bumangon subalit bigla akong napaigik dahil sa biglang kirot na aking naramdaman. Tama! Hindi ako maaaring magkamali nasa loob ako ng klinika, clinic sa loob mismo ng Resort, pero bakit naman ako narito? Muli akong pumikit upang balikan ang lahat sa aking isip... A-ang huli kong naaalala, may bumabang anghel este' si Sir Rigo siya ang nakita ko na nagligtas sa akin. P-pero nasaan na kaya siya ngayon? Pinilit kong tumayo sa kabila ng aking pagkaliyo, ngunit saglit lang umayos rin ang aking pakiramdam. Dahil mas masakit pa rin ang tinamo kong galos at pasà sa katawan. Paika- ika akong lumakad ng maalala ko nga pa lang wala akong sapin sa paa. Nag-palinga-linga ako sa paligid upang hanapin ang aking sinelas ngunit... Sinelas? Sandali hindi naman sinelas ang suot ko kanina ah,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status