Beranda / Romance / TIE OF LOVE / MEET MR. IVO SEBASTIAN

Share

MEET MR. IVO SEBASTIAN

last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-02 00:59:22

CHAPTER SEVEN:

___

"Anong itinawag mo sa akin?"

Bakit ba sa dami naman ng p'wede kong makasabay sa elevator ang lalaking ito pa?

"Hi Sir ikaw pala 'yan, dito ka rin ba nagtatrabaho Sir?" Sinubukan kong ibahin na lang ang usapan.

"Bago ka ba dito?" Hindi naman na niya inulit ang tanong kanina.

Hayst salamat naman..

"Opo bago lang po ako, ikaw ano pa lang ginagawa n'yo dito Sir?" Muli hindi nito sinagot ang tanong ko.

"Ikaw bakit ka narito, wala ka bang makitang iba at si Rigo pa ang sinamahan mo?" Lumapit pa ito sa akin.

Ano daw, at ano naman kayang problema nito kay Sir Rigo?

"Eh Sir, may problema ba kay Sir Rigo? Siya po ang Boss ko, actually tinulungan lang niya ako. Inilipat lang niya ako dito galing ako ng Cagayan de Oro at matagal na po akong nagtatrabaho sa Resort." May kalakip pang pagmamalaki ang huli kong sinabi.

Baka kasi isipin nito na babae ako ni Sir Rigo na gustong ipasok sa kumpanya. Kaya naman itinaas ko talaga ang noo ko na napansin kong ikinataas rin ng kilay nito.

"So, hindi ka niya girlfriend?"

"Ano po?" Sabi ko na nga ba..

"Tinatanong kita kung Girlfriend ka ba ni Rigo?" Direktang tanong nito.

"Bakit n'yo naman po naitanong?" Naisip kong sakyan ang curiosity nito.

"Bakit hindi mo na lang ako sagutin?" Gusto kong matawa sa itsura nito, tila malapit na itong mapikon.

"Kasi Sir, hindi naman kayo mukhang tsismoso kaya hindi ko naisip na magiging interesado kayong pag-usapan ang buhay ng iba."

"Sandali nga, oo o hindi lang ang isasagot mo ang dami mo namang sinabi. Diyan ka na nga!" Mabilis itong tumalikod na halata namang napikon, napangiti na lang ako sa naging reaksyon niya.

Ngunit ilang segundo lang ang lumipas muli itong bumuwelta na tila ba may nakalimutan.

"Ah, oo nga pala gusto ko lang ipaalala sa iyo, sabi kasi nila masungit at istrikto ang secretary ni Rigo. So if I were you, magmamadali na akong bumalik nasa 4th floor ang opisina ni Rigo at nasa 8th floor na tayo. Hindi mo naman siguro gustong ibalik ka ni Rigo sa Cagayan de Oro, tama?" Nangingiting saad nito.

"A-ano 8th floor na ba ito? Naku po! Bakit hindi n'yo naman sinabi agad Sir?" Natataranta nang saad ko ang nganga ko talaga!

"Ano bang malay ko sa'yo parang mas gusto mo yatang sumama sa akin kaysa pasukan ang unang araw mo sa trabaho o baka naman mas gusto mo ring sa akin na lang magtrabaho?" Tila namimilyong tanong nito.

"Kayo naman po Sir, palabirong masyado lumagpas lang po ako ng konti pero hindi ko po gustong lumagpas sa kagandahang asal. Kaya mawalang galang na po. Kung dito lang naman kayo labas na po para makababa na ako, please!" Pinagdaop ko pa ang aking mga palad habang nakikiusap.

Sana naman hindi niya masamain ang pagtataboy ko. Ngunit napaangat ulit ang aking ulo ng marinig ko siyang tumawa.

"Sir?"

"Sige na, bumaba ka na, dito lang ang opisina ko kaya kung sakaling hindi ka nila tanggapin punta ka lang dito. Anong malay mo baka mangailangan din ako ng personal assistant. Anyway goodluck na lang sa'yo Ms. Crying Lady."

Nakangiting pahayag nito saka mabilis nang tumalikod. Matapos nitong pindutin ang elevator pababa sa 4th floor.

"Salamat.."

Hindi ako sigurado kung narinig ba niya ang sinabi ko ang bilis kasi niyang maglakad.

Tulad ng puso ko na parang bumibilis rin yata ang tibok habang bumababa ang elevator.

Muli huminga ako ng malalim..

Ngayon sigurado na ako na siya nga 'yung nagbigay sa akin ng panyo.

Nakuh, 'yun nga pa lang panyo isosoli ko pa kaya?

_

Nagulat pa ako sa muling pagbukas ng elevator, ngunit mas ikinagulat ko ang bumungad sa akin sa tapat ng pinto..

"Sir Rigo?"

Bahagyang nakakunot ang noo nito, ngunit mahirap hulaan kung galit ba o hindi?

"Narito ka na pala, saan ka ba galing?"

"Ah, pasens'ya na po Sir, naligaw po kasi ako e.." Minabuti kong gumawa na lang ng alibi, kaysa amining naligaw ako dahil kasama ko si Sir Ivo.

"Naligaw ka pa, gaano ba kahirap para sa'yo na sumakay ng elevator at hanapin itong 4th floor?" Seryosong tinuran nito.

"Eh, Sir nakalimutan ko po kasi kung saang floor ang office n'yo."

Nagsinungaling na rin naman ako kaya pinangatwiran ko na. Beside hindi na rin naman magbabago ang tingin niya sa akin. Ang tanga tanga ko natitiyak ko na iyon ang isinisigaw ng isip niya.

"Kaya ba sa itaas ka pa nanggaling? Okay sige na, sumunod ka na lang sa akin."

Tumalikod na ito at gaya ng sinabi nito sinundan ko siya hanggang sa pribado niyang opisina. Nagulat pa ang babaing inabutan na namin doon marahil siya ang secretary ni Sir Rigo.

"Sir?"

Sinabi lang naman nito ang mga dapat kong gawin bilang assistant niya. Tapos tumayo ulit ito s'yempre kailangan ko na naman siyang sundan.

Huminto ito at kinausap ang babaing marahil ay nasa middle 30's na ang edad.

"Cindy I would like you to meet Aleyhandra, my new assistant. Ikaw na ang bahalang mag-guide sa kanya dito sa opisina. Nabigyan ko na siya ng instruction, p'wede siyang makatulong sa'yo kung may ipagagawa ka. I hope na magkakasundo kayong dalawa?"

"Sa akin walang problema, ewan lang dito sa bagong babae mo!" Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa matapos sabihin iyon.

Naipagkamali na naman yata ako, bakit ba lahat na lang yata napagkakamalan akong babae ni Sir Rigo?

Siguro babaero ang lalaking ito.

"Ms. Soriano, Ms. Soria.."

"Ay, sorry po.." Kinakausap pala ako ni Ms. Cindy ng hindi ko namalayan. Medyo lumipad na naman kasi ang utak ko.

"Bakit nakalutang ka pa yata kakayanin mo kaya ang trabaho dito? Baka naman mag-aalaga pa ako ng tatanga-tanga dito." Tila may halong pang-iinsultong saad nito.

"Ms. Cindy, hindi mo pa naman ako nasusubukan bakit sinasabi mo na agad 'yan akin?"

Alam kong siya ang secretary ng CEO pero hindi naman ibig sabihin nu'n p'wede na niya akong insultuhin. Lalo na kung ngayon pa lang ako nagsisimula.

"Mahusay kang sumagot, sana nga mahusay ka rin pagdating sa trabaho. Dahil kung hindi, walang dahilan para manatili ka pa dito. Kahit si Rigo pa ang nagrecuit sa'yo. Hindi 'yan excuse sa akin para hindi kita tanggalin sa trabaho. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Maliwanag po ma'am, alam ko naman po ang mga limitasyon ko at umasa rin kayo na hindi ko gagamitin si Sir Rigo para magpalakas dito. Huwag kang mag-alala alam ko kung saan ako dapat lumugar at may isang bagay rin akong nais linawin. Gusto ko lang pong itama ang sinabi n'yo kanina. Dahil hindi po ako babae ni Sir Rigo kahit itanong n'yo pa 'yan sa kanya. Empleyado po ako sa Resort sa Cagayan de Oro, nagkaroon lang ako ng konting problema doon kaya tinulungan ako ni Sir na malipat dito. Yun lang 'yun!" Mahaba ngunit depenido kong paliwanag sa kanya, ayoko kasing isipin nito na may relasyon kami ni Sir Rigo lalo na ang isipin nito na s****p ako.

"Tama na 'yan, pagpasensiyahan mo na lang si Aleyha Cindy. Siguro naninibago pa siya at saka baka may trauma pa siya sa nangyari sa kanya sa Cagayan de Oro kaya medyo lutang pa siya." Nagulat man ako sa huling sinabi ni Sir Rigo pero hindi ko na lang ito pinansin.

Beside, makikilala rin naman nila ako pagtagal. Patutunayan ko na lang na hindi siya nagkamali ng pagtanggap sa akin.

"Well, ngayong magkakilala na kayo inaasahan ko talaga na magkakasundo kayong dalawa.. Anyway, Cindy hindi ba may kailangang pirmahan si Ivo na mga papeles?"

"Oo bakit? Pupunta ako du'n pagkatapos ko dito." Tukoy nito sa nakasalansang folder sa mismong table ng babae." Nanatili naman akong nakatayo habang nakikinig sa kanila.

"Magmula ngayon si Ms. Soriano na ang maghahatid ng mga papeles o anumang transaksyon natin kay Mr. Sebastian.

Since kilala naman niya si Ivo kaya hindi na siya maliligaw. Hindi ba Ms. Soriano?" Hindi ako sigurado kung utos ba ito o pagsubok.

Pero bakit naman ako?

"Rigo bakit kailangang siya ang..."

"Mamaya ka na magtanong ibigay mo na lang sa kanya ang mga papeles na dapat pirmahan ni Ivo. Sige na, ngayon na siguradong nasa opisina na niya ngayon si Ivo sa mga oras na ito." Hindi na tumutol pa ang babae agad na kinuha ang folder na naglalaman ng mga papeles at inilagay sa ibabaw ng lamesa sa tapat ni Sir Rigo.

Natahimik na lang ako hindi ko naman masabi na tama ito. Dahil nakasabay ko pa nga si Sir Ivo sa elevator.

"Ms. Soriano narinig mo naman hindi ba? Ikaw ang magpunta sa opisina ni Ivo at papipirmahan mo lang naman ito. Ang gusto ko hintayin mo na matapos niyang pirmahan ito."

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ito ang gusto ni Sir Rigo.

"Sir ako ba talaga ang magdadala niyan kay Sir Ivo?" Hindi naman sa tumututol ako pero..

"Hindi mo ba kayang sundin ang utos ko ng hindi nagrereklamo Ms. Soriano?"

"Hindi po, I mean sabi ko nga ako na po ang magdadala nito kay Mr. Sebastian sa itaas po ba o?" Nagiging sinungaling na talaga ako.

"Nasa 8th floor ang opisina niya madali lang iyon makita, ipagtanong mo na lang kung nalilito ka."

"Copy po Sir!" Sagot ko na lang bahala na kapag naroon na ulit ako.

"Okay kung ganu'n magkakasundo tayo at saka may isa pa sana akong gustong ipakiusap kung okay lang sa'yo?" Kahit may konting kaba sa dibdib ko. Bigla akong na-curious sa gustong ipakiusap nito.

"Simple lang naman ang gusto kong gawin mo, pag-aralan mo ang mga kilos ni Ivo." Nabigla ako sa sinabi niya. Bakit naman iyon ang inutos niya sa akin?

Paglingon ko kay Ms. Cindy nakangiti lang ito na parang balewala lang ang sinabi ni Rigo.

"A-ano pong pag-aralan, ibig n'yo po bang sabihin mag-eespiya ako?" Nalilitong tanong ko.

"Aleyha, hindi naman totally magiging espiya ka. Ang gagawin mo lang naman kakabisaduhin mo ang mga galaw at kilos ni Ivo sa madaling salita kikilalanin mo lang siyang mabuti ganu'n lang.. Pero s'yempre irereport mo sa akin kung sakali mang may malalaman ka tungkol sa kanya malinaw ba 'yun?"

Simple nga naman pero ang sumatotal espiya pa rin ang ganap ko.

"Ah, hindi n'yo pa ba kilala si Mr. Sebastian, Sir?" Nagawa ko pang mamilosopo.

Kasi naman parang may mali?

"Magagawa mo ba o hindi?"

"Okay po, ngayon na po ba?"

"Ms. Soriano..."

"Sabi ko nga po, pupunta na ako doon agad, ngayon na!" Maging ang ngiti ko ay mapagkunwari na rin..

Narito na ako may choice pa ba akong hindi sumunod?

Lalo na ngayong wala na rin akong babalikan pa sa Cagayan de Oro. Saan ako pupunta? Hindi pa kami nagkikita ni Papa. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin kay Papa ang nangyari sa akin.

_

Deretso na ako sa elevator paglabas ko ng opisina ni Sir Rigo. Habang bumubulong!

Pagtapat sa elevator awtomatiko pinindot ko ang arrow pataas sa loob naman ang numero otso. S'yempre alam ko na ang pupuntahan ko. Ngunit pagdating sa 8th floor medyo kinabahan pa rin ako.

Huminga muna ako ng malalim bago ako nagpatuloy sa paglalakad..

"Saan kaya dito ang opisina ni Sir Ivo?"

Palinga-linga ako habang naglalakad alam kong nandito lang 'yun. Pero saan at saka may sarili ba talaga siyang opisina? Pumipirma siya ng mga documento ibig sabihin nu'n may posisyon siya.

Bakit kasi hindi ko na lang itinanong?

Pero ilang hakbang pa nakita kong may gwardiyang nakatayo sa labas ng glass wall at natatabingan nito ang isa pang guard na nakaupo sa gilid ng entrance door.

Nabuhayan ako ng loob kaya agad akong lumapit para magtanong sa mga guard.

Ngunit bigla ako natigilan ng bumukas ang pinto ng entrance door iniluwa nito ang isang imahe na hindi ko maaaring ipagkamali kanino man..

Agad akong tumalikod upang kahit paano ikubli ang aking sarili. Kasabay ng hiling na sana hindi niya ako makita.

Dahil hindi pa ako handang magpakita sa kanya ngayon..

"Sorry po, Papa.."

*****

06-27-25

@LadyGem25

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • TIE OF LOVE    FIRST DAY IN WORK

    CHAPTER NINE: ___ "What the hell.. Saang bundok ka ba nanggaling ha, hindi mo ba ako kilala?" Mataray na tanong ng babaing nakasalubong ko sa may entrance door. Dapat ba kilala ko siya? "Sorry po ma'am tama po kayo, hindi ko nga po kayo kilala e!" Malakas ang loob na sagot ko. "B*ba, no one in this building does not know me." Muling tungayaw nito sa akin. Gusto ko rin sanang sabihin.. no one has the right to tell me that word too. Dahil hindi ako b*ba. "Nakupo! Ma'am ako na po ang humihingi ng dispensa pasensya na. Bago pa lang po kasi siya dito kaya hindi pa niya kayo kilala." Saglit na lumingon si Maam Divina sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Sige na, humingi ka ng dispensa." Pabulong nitong utos sa akin. Tumututol ang isip ko ngunit alam kong kailangan kong sundin si Ma'am Divina. Dahil iyon rin ang alam kong pinakatama kong gawin, kung nais kong tumagal pa dito. Kahit hindi ko pa batid kung sino nga ba ang babaing kaharap ko? "S-sorry po ma'am hindi ko po talaga

  • TIE OF LOVE    LOVE PREVENTION

    CHAPTER EIGHT:___Bakit ba hindi ko maiwasang mapangiti kapag naiisip ko ang babaing iyon. Hindi naman siya espesyal na tao pero bakit ba ang lakas ng dating niya sa akin. Kanina bigla akong nakaramdam ng hiya sa aking sarili. Bakit nga ba naisip kong itanong ang bagay na iyon, kailan pa ako naging interesado sa status ni Rigo?Pero hindi naman talaga kay Rigo ako interesado, alam ko itanggi ko man may bahagi sa akin ang ginugulo ng babaing iyon. Pero hindi ko na ito dapat palawigin pa dahil malapit na akong ikasal.Kahit kailan naman hindi ko naisip na pagtataksilan ko si Althea kaya ano bang nangyayari sa akin ngayon?Ilang sandali pa ang mga katok sa pinto ang biglang pumukaw sa akin."Tok, tok!" "Huh, sino 'yan?""Boss, ako ito papasok na ako ah?" Si Divina ang aking sekretarya.Hindi ko na inangat ang aking ulo may binabasa kasi akong documento kanina pa at hindi ko pa rin tapos basahin. Kaya hindi ko napansin na may kasama pala si Divina na pumasok sa opisina ko."Boss, may

  • TIE OF LOVE    MEET MR. IVO SEBASTIAN

    CHAPTER SEVEN:___"Anong itinawag mo sa akin?" Bakit ba sa dami naman ng p'wede kong makasabay sa elevator ang lalaking ito pa? "Hi Sir ikaw pala 'yan, dito ka rin ba nagtatrabaho Sir?" Sinubukan kong ibahin na lang ang usapan."Bago ka ba dito?" Hindi naman na niya inulit ang tanong kanina. Hayst salamat naman.."Opo bago lang po ako, ikaw ano pa lang ginagawa n'yo dito Sir?" Muli hindi nito sinagot ang tanong ko."Ikaw bakit ka narito, wala ka bang makitang iba at si Rigo pa ang sinamahan mo?" Lumapit pa ito sa akin.Ano daw, at ano naman kayang problema nito kay Sir Rigo?"Eh Sir, may problema ba kay Sir Rigo? Siya po ang Boss ko, actually tinulungan lang niya ako. Inilipat lang niya ako dito galing ako ng Cagayan de Oro at matagal na po akong nagtatrabaho sa Resort." May kalakip pang pagmamalaki ang huli kong sinabi. Baka kasi isipin nito na babae ako ni Sir Rigo na gustong ipasok sa kumpanya. Kaya naman itinaas ko talaga ang noo ko na napansin kong ikinataas rin ng kilay ni

  • TIE OF LOVE    THE CRY'NG LADY UNDER THE SUN & MR. LONG LEGGED

    CHAPTER SIX: ___ Nagising ako ng maramdaman ko ang paglapag ng sinasakyan naming private plane sa Airport ng Maynila. Mula sa Cagayan de Oro City hindi ko na namalayang nakatulog pala ako sa buong biyahe. Haysst! Ikaw ba naman ang sumakay ng private plane na hindi mo na kailangan pumila at makipagsiksikan sa ibang pasahero. Plus may service deluxe pa, grabe talaga kapag yayamanin. "Hey! Are you okay, nahirapan ka ba sa biyahe natin?" Tanong sa akin ni Sir Rigo marahil napansin nito na tahimik ako. Ang hindi nito alam ang sarap nga ng tulog ko at excited na ako sa muli kong pagtuntong ng Maynila at s'yempre sa pagkikita namin ng Papa. Ang natatandaan ko dinala ako dito noon ng Papa nasa Elementary pa lamang ako. Kung hindi ako nagkakamali magsisiyam na taon yata ako at tatlong taon naman ang nakalipas mula ng mamatay ang Mama. Ipinasyal pa nga ako ng Papa sa isang malaking mall at sa Manila zoo. Hindi pa nagtatrabaho noon sa S&DC Group ang Papa pero pagbalik namin ng Cag

  • TIE OF LOVE    UNDER THE SOLES OF THE FEET

    CHAPTER FIVE: ___ Pagmulat ng mga mata ko bahagya akong nagtaka, puting kisame, puting ding-ding at asul na kurtina. Ito ang unang bumungad sa aking paningin ngunit tila ito pamilyar? Tinangka kong bumangon subalit bigla akong napaigik dahil sa biglang kirot na aking naramdaman. Tama! Hindi ako maaaring magkamali nasa loob ako ng klinika, clinic sa loob mismo ng Resort, pero bakit naman ako narito? Muli akong pumikit upang balikan ang lahat sa aking isip... A-ang huli kong naaalala, may bumabang anghel este' si Sir Rigo siya ang nakita ko na nagligtas sa akin. P-pero nasaan na kaya siya ngayon? Pinilit kong tumayo sa kabila ng aking pagkaliyo, ngunit saglit lang umayos rin ang aking pakiramdam. Dahil mas masakit pa rin ang tinamo kong galos at pasà sa katawan. Paika- ika akong lumakad ng maalala ko nga pa lang wala akong sapin sa paa. Nag-palinga-linga ako sa paligid upang hanapin ang aking sinelas ngunit... Sinelas? Sandali hindi naman sinelas ang suot ko kanina ah,

  • TIE OF LOVE     KNIGHT IN SHINING ARMOR

    CHAPTER FOUR: ___ “M-ma’am Trixie!” Halos takasan ako ng kulay ng makumpirma ko ang boses na iyon. Kung p’wede lang sana na lumubog muna ako at saka na lang ako aahon pero hindi, imposible! Kasing imposible ng pagkakataon na matakasan ko pa ang galit nito ngayon. “Halika nga dito, wal***hiya ka!” Agad na hinablot nito ang buhok ko at hinila ako kung saan may liwanag. Marahil sadyang gusto niya akong ipahiya. Ang alam ko wala naman talaga akong kasalanan, sumunod lang rin naman ako sa utos ng superior ko. Dahil isa rin si Marco sa sinusunod sa Resort na ito. Si Marco ang Head Supervisor ng Supervising team. Ang pagkakamali ko lang kahit pa labas na sa trabaho ko ang sundin ang ipinagawa niya sa akin ay ginawa ko pa rin... Kaya nga gusto ko mang magprotesta hindi ko magawa. Gusto ko mang manlaban ngunit paano nga ba? Kahit na ramdam na ramdam ko ng mga oras na iyon ang tila pagkabanat ng anit ko sa aking ulo. Ang sakit sakit ng pakiramdam ko ngunit wala naman akong magagaw

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status