Share

KABANATA 10

Present Day…

NAMASA ang mga pisngi ni Julia sa daloy ng mga alaala. Masasabi niyang hindi niya lubusang nakalimutan si Fritz. At sa mga pagkakataong mag-isa siya, lalo na kapag nagkakaroon sila ng problema ni Jason, itinatanong niya sa sarili kung ano kaya ang posibleng buhay niya ngayon sakaling si Fritz ang pinili niya noon.

Isang taon matapos ang treatment ni Melissa ay pumanaw rin ang tiyahin niya hindi dahil sa sakit nito kundi sa isang vehicular accident kasama ang biyenan niyang si Hilda. Nang mga panahong iyon kasi ay mag-iisang taon narin silang kasal ni Jason.

Maayos pa naman ang pakikitungo sa kanya noon ng asawa. Mabait ito at malambing, kaya masasabi niyang natutunan niya itong mahalin sa paraang alam niya. Nagsimula lang namang magbago si Jason sa kanya nang mapag-alaman nila ang pagiging baog nito.

Naging sobrang seloso ito. Sa loob ng mahabang panahon ay tiniis niya ang kalbaryong buhay sa piling ni

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status