Share

KABANATA 13

KINABUKASAN nagising siyang wala na sa garahe ang kotse ng binata. Malungkot siyang nagbuntong-hininga. Pumasok na ito marahil sa trabaho. Gustuhin man niya itong tawagan pero nagdadalawang isip siya kaya inabala nalang niya ang sarili sa mga gawaing bahay.

Una niyang pinasok ang silid ng binata na nakita niyang hindi naman naka-lock. Napangiwi siya saka natawa nang mapasukan iyon. Dahil kung gaano kaayos sa sarili nito ang binata, kabaligtaran niyon ang kalat na nakikita niya sa silid nito. Napangiti pa siya nang mahagip ng paningin niya ang isang lamesang de-tiklop na mukhang ilang taong gulang narin. Hindi iyon bagay sa maderno at magandang silid ng binata pero naisip narin niyang baka may sentimental value iyon kay Fritz kaya iyon naroroon.

Sinimulan niya ang paglilinis sa pamamagitan ng pagpapalit ng bedsheet at punda ng unan. Noon niya namataan ang cellphone ni Fritz sa ilalim ng unan nito. Nakita niya ang maraming missed calls at messages sa scr

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status