Share

KABANATA 12

MAGKAKASUNOD na katok ang gumising kay Julia kinabukasan. Pupungas-pugas niyang tinungo ang pintuan, si Fritz. “Hi, naistorbo ba kita? Pasensya kana kailangan eh,” anito sa kanya.

Nagsalubong ang mga kilay niya. “What do you mean?”

Tumawa ang binata bago sumagot. “May bisita ka, nasa ibaba kararating lang,” anito. “Sige na hihintayin kana lang namin,” pagkasabi’y iniwan na siya nito.

Ginawa lang niyang madali ang pagbibihis at bumaba na siya. At totoong nasorpresa siya nang mapag-alaman kung sino ang bisita niyang sinasabi ni Fritz. Walang iba kundi ang pinsan niyang si Liam at ang matalik na kaibigan niyang si Bessy.

“Grabe na-miss kita, kumusta kana? Wala kaming balita sa’yo, mabuti pa itong si Fritz mukhang updated?” matapos ang matagal na kumustahan at yakapan ay bulalas ng kaibigan niya.

“M-Maraming nangyari, saka iyon kasi ang gusto ng asawa at tita ko,” sa huling tinuran ay nahihiya siyang nagbaba ng tingin.

Tumikhim si Liam sa

Jessica Adams

"Tuwing tititigan kita ngayon, tapos naiisip ko iyong naging takbo ng buhay ko for the past seven years with him. Itinatanong ko sa sarili ko, what would be my life today kung ikaw ang pinili ko noon?”-JULIA-

| Sukai
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status