Share

KABANATA 1

PRESENT DAY…

KINABIG ni Benjamin ang manibela pakaliwa papasok sa malaking gate ng isang kilalang kompanya ng mga adhesives na may mga sangay na sa lahat halos ng bansa sa buong mundo. At dito sa Pilipinas, siya ngayong tumatayong ng Vice President ng Marketing Department.

Sa isang kilalang unibersidad sa bayan nila sa San Fernando siya nagtapos ng kursong Business major in Marketing kung saan siya Full-Scholar. He graduated as Summa Cum Laude kaya naman hindi siya nahirapang maghanap ng trabaho dahil trabaho ang lumapit sa kanya.

Beinte uno anyos siya nang tanggapin niya ang offer ng kasalukuyang kompanya niya bilang Marketing Manager. At nang magretiro ang Bise Presidente ng kanilang department limang taon na nga ang nakalipas ay siya na nga ang pumalit sa posisyon nito.

Sa edad niyang thirty one masasabi niyang malayo na ang narating niya kung ikukumpara sa buhay niya noon sa San Fernando kasama ang dalawang matanda na siyang nagpalaki at umarug

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status