共有

Chapter 2- Jayda

作者: Sweety Elle
last update 公開日: 2023-06-22 22:21:34

Kasalukuyan akong nagpapaphotocopy ng aking mga IDs sa tindahan sa bayan ng tumunog ang aking keypad phone.Kinuha ko ito mula sa aking sling bag at tiningnan kung sino ang tumatawag.Unregistered number kung kaya't sinagot ko ito agad.

"Hello, si Jayda Sarmiento ba ito?"sabi ng babae sa kabilang linya.

"Yes po, ako nga po. Sino po sila?" balik ko.

"Hi, Jayda, si Mrs. Santos ito, sorry to disturb you langga, may importante sana akong pakay sa iyo."

"Hello, Mam, kayo po pala, okay lang po, no problem po, ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" magalang kong sagot sa kanya.

"Look, my son's friend is looking for a tutor for a six-year boy, and wala akong maisip na pwede sa partime job na ito at kayo ni Arlene. But, Arlene is on vacation, kaya ikaw itong naisip ko," sabi niya pa.

"Ah,eh Mam, gusto ko sana din ng extra income habang naghihintay ng item sa DepEd, kaya lang ikokonsulta ko muna sa mga magulang ko po," paliwanang ko sa kanya.

"Ganun ba langga, sayang malaki pa naman ang suweldo nasa 15,000 a month kapag nagustuhan ang performance mo dodoblehin sa susunod na buwan.Kaya lang stay-in ang gusto ng friend ng anak ko," pagkukumbinsi niya sa akin.

"Hala, ang laki naman ng pasahod pala Mam. Tiyak malaking tulong to sa akin habang standby pa ako Mam. Sige po ipapaalam ko muna kina Inay at Itay.Tatawagan po kita Mam at ipapaalam sa inyo ang desisyon ko po."

"Sige langga, kung pwede sana within this day mapaalam mo na sa akin ang desisyon mo kasi nagmamadali na iyong friend ng anak ko," sabi niya pa.

"Okay po Mam,makakaasa po kayo.Salamat po Mam Santos."

Malaki ang sahod na inaalok sa akin na partime job ni Mrs. Santos. Puwede ko ng matulungan sina Inay at Itay sa mga gastusin sa bahay. Sana naman payagan nila akong makapagtrabaho na, hirap naman kasi maging palamunin na lang palagi.

Pagkatapos kung bayaran ang pinaphotocopy ko na mga IDs ay dumeretso na akong umuwi ng bahay. Naglakad lang ako dahil malapit lang naman ang munti naming tahanan kung saan ako nagasikaso ng mga requirements ko sa pagaaply ng trabaho.

Hindi ko alintana ang init ng sikat ng araw sa paglalakad dahil abala ang aking isip sa inaalok na trabaho ni Mrs.Santos sa akin. Excited akong makauwi agad sa bahay at ibalita kina Inay at Itay. Naalala ko pa lang namamasada pa pala si Itay sa mga oras na ito. Kay Inay muna ako magpapaalam.Tiyak na papayag agad si Itay. Kay Inay lang naman ako mahihirapan magpaalam.

Pagdating ko sa munti naming tahanan.Nagtaka ako dahil nasa labas ang pampasaherong jeep ni Itay.Agad akong pumasok sa loob ng bahay.Naabutan kung pinapainum ng tubig ni Inay Tilde si Itay.

"Ano pong nangyari Inay,Itay?" takang tanong ko.

"Dante, ikaw na ngang magpaliwanag sa anak mo sa totoong estado natin," malungkot na sabi ni Inay.

"Ano pong totoo Itay,? takang sabi ko.

"Anak,huwag ka sanang mabibigla," mahinahong sabi ni Itay.

Sigurado akong hindi maganda ang ibabalita ni Itay ngunit pilit kung pinapaklma ang aking sarili. Nagpakawala ako ng buntong-hininga at lumapit sa kanyang kinauupuan.

"Anak, sinisingil na ako ng pinagkakautangan ko ng pera, malaking halaga iyon anak, kung kaya't ginawa kung pangsanla itong jeep natin hangga't hindi ko pa nababayaran ang utang ko sa kanila. Tapos na ang palugit na binigay nila kaya't kinukuha na nila ang jeep sa akin anak, paano na tayo ng Inay mo anak," maluluhang sabi ni Itay.

Pati si Inay ay umiyak na rin.Buong buhay ko ay nakita ko si Itay na subsob sa pagmamaneho ng jeep. Ito na ang kanyang ikinabubuhay sa mahabang panahon.Dahil din sa kanyang pamamasada ay naigapang nila ako sa aking pag-aaral.

Kung hindi lang naospital si Inay sa noon ay hindi mangungutang si Itay ng malaking halaga. Pero mabuti pa rin ang Diyos dahil gumaling si Inay at nadugtungan pa ang kanyang buhay sa perang nahiram ni Itay.

"Huwag na po kayong malungkot Itay. Ibigay na natin sa kanila ang jeep, panahon na naman siguro magpahinga ka na sa pamamasada, kayo ni Inay.Ako na po ang bahala sa lahat," pampalubag loob na sabi ko sa kanila.

"Jayda, anak, wala ka pang trabaho anak. Saan tayo kukuha ng panggastos sa pang araw-araw.Kukulangin ang kita ng Inay Tilde mo sa paglalaba.Ang gamot na maintenance ko sa hypertension ay ayaw kung iasa iyon sa inyo ng Inay mo," nag-aalang sabi ni Itay.

"Itay, isa pa yan na dahilan na itigil n'yo na ang pagmamaneho, ang sakit ninyo na high-blood. Mainit at pagod kayo parati, hindi nakakabuti sa kalusugan n'yo Itay."

"Anak, hindi ko naman maatim na wala akong ipakain sa inyo ng Inay mo," desperadong sabi ni Itay.

"Huwag na po kayong mag-alala, may nahanap na po akong trabaho bilang tutor po. Malaki po ang pasahod kaya lang..," pabitin kong sabi.

"Kaya lang ano anak," sabat ni Inay.

"Kaya lang po stay-in tutor po ako, 15,000 po a month ang sweldo, kung maayos po ang aking pagtuturo ay dodoblehin pa daw po," masaya kong balita.

"Abay, maganda ngang trabaho anak, sino naman ang nag-alok sa iyo ng trabaho na iyan," tanong ni Itay.

"Si Mrs. Santos po, ang professor ko sa University. Kaibigan daw ng anak niya ang naghahanap ng tutor.Mukhang mayaman ang ama ng magiging tutuee ko, eh malaki magpasweldo."

"Sigurado ka ba na totoo iyang magiging trabaho mo, anak, baka mapunta ka sa masama," diskumpyadong sabi ni Inay.

"Hindi naman siguro Inay.Si Mrs. Santos po ang nagrekomenda sa akin. Hindi naman siguro mag-aalok ng trabaho sa akin si Mam ng ilegal. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko, di ba Inay, Itay," pahayag ko sa kanila.

"At sakto naman na titigil ka na sa pamamasada Itay, ako na naman po ang magtratrabaho sa atin. Sige na po pumayag na kayo!" dagdag kumbinsi ko sa kanila.

Walang naggawa ang mga mga magulang ko sa aking desisyon na tanggapin ang alok ni Mrs. Santos. Hindi lang naman ito para sa akin kung hindi para sa aming lahat. Gagawin ko ang lahat ng mabuting paraan upang guminhawa naman ang buhay ni Inay at Itay, na aking pinakamamahal sa buhay.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • TO LOVE A BILLIONAIRE   Epilogue

    (Playing background music) Not sure if you know this But when we first met I got so nervous I couldn't speak In that very moment I found the one and My life had found its missing piece So as long as I live I love you Will have and hold you You look so beautiful in white And from now till my very last breath This day I'll cherish You look so beautiful in white Tonight What we have is timeless My love is endless And with this ring I say to the world You're my every reason you're all that I believe in With all my heart I mean every word So as long as I live I love you Will have and hold you You look so beautiful in white And from now till my very last breath This day I'll cherish You look so beautiful in white Tonight Hindi ko mapigilang maluha habang nakatanaw sa babaeng aking iniibig na naglalakad sa aisle patungo sa akin. Isang mahabang pasilyo mula sa labas ng pinto ng villa hanggang rito sa dalampasigan ang pinalamutian ng fresh wh

  • TO LOVE A BILLIONAIRE   Chapter 136- Jethro Montenegro

    "Mission accomplished, boss!," turan ng abogadong may hawak ng mga isinampang kasong laban kay Ledesma. "The pleasure is mine, Attorney, I'll send the full payment in your account immediately today, my secretary will arrange that for you, thank you!," sagot ko bago ibinaba ang linya. Sinigurado kong hindi na makakapagpiyansa si Ledesma sa mga mabibigat nitong mga kaso ngunit noong isang buwan ay nabalitaan ko na lang na ang ibang mga kasong isinampa kay Ledesma ay nabasura dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya. Ano pa ba ang kulang sa mga eprinisintar na mga ebidensiya upang mapatunayang guilty at criminal si Ledesma? Nanginginig ang buo kung kalamnan sa galit sa nagdaang mga araw. Gusto kung harapin si Ledesma ngayon din upang kastiguhin. Hindi ako makapanti hangga't hindi nahahatulan. Mabuti na lang ay malakas ang aking koneksiyon at impluwensiya. Ako ang nagkuha at nagbayad ng pinakamagaling at pinakabihasa na abogado sa bansa upang humawak ng mga kaso ng mga nabiktima

  • TO LOVE A BILLIONAIRE   Chapter 135- Jayda

    "Nay.... pa--kar--ga po ni Prince...," biglaang sabi ko ng biglang dumilim ang paningin ko. "Naku, anak...ano nangyari sa iyo?," natarantang sabi sa akin ni inay matapos akong maalalayan paupo sa mahabang upuan sa labas ng klinika ng pediatrician ng anak ko. Kalalabas lang namin sa loob ng pedia clinic ni Prince. Pinaturukan namin si Prince ng polio vaccine dahil saktong apat na buwan na rin siya noong isang araw. Sobra ngang nakakaawa ang anak ko sa kaiiyak kung puwede lang sana ako na lang ang makadama ng sakit kasi parang hinihiwa ang puso ko. Mabuti na lang sinamahan ako ni inay at itay. Si itay ang nagmaneho ng bagong multicab nito habang si inay naman ang sumama sa akin sa loob mismo ng klinika. Magkatuwang nga si inay at itay sa pag-aasikaso sa aming mag-ina sa halos nakalipas na dalawang buwan. "Aywan ko nay bigla na lang umikot ang paningin ko... ah, baka dala lang ng stress kanina sa kaiiyak ni Prince!," sagot ko pa. "Baka nga anak... o siya dito ka muna at tatawag

  • TO LOVE A BILLIONAIRE   Chapter 134- Jayda

    "Jayda, anak, handa na ang hapunan, halika na at sabay- sabay na tayong kumain," anya ng aking inay Tilde. Kasalukuyan akong nasa malapad naming terasa at nakatanaw sa maliwanag na kalangitan. Kay rami ng mga bituin sa gabing ito, tila nakikisabay rin sa aking kasayahan na sa wakas ay nakauwi na rin ako sa aming tahanan. "Opo nay!," tugon ko pa at nagpakawala ng buntong- hininga. Ngayon lang ako muling nakadama ng kaginhawan. Iyon bang hindi pilit at walang pagkukunwari. Iba talaga ang hangin sa probinsiya at isa pa ay panatag na aking kalooban dahil wala ng manggugulo pa sa akin at sa aking buong pamilya. Sumunod na ako kay Inay Tilde. Maaliwalas ang kabuuan ng native house. Hindi ko pa naggawang magtanong sa malaking pagbabago ng aming munting tahanan kaninang pagdating ko dahil mas inuna pa naming magdrama ni inay at itay. Naalala ko pa kanina na imbes kagalitan nila ako ay isang mahigpit na yakap ng ibinigay sa akin ni inay at itay. Wala akong natanggap na sermon o anum

  • TO LOVE A BILLIONAIRE   Chapter 133- Jayda

    "Maraming salamat sa maikling panahong pinasaya mo kami, hija... hindi ka namin malilimutan," ang huling sinabi sa akin ng mag-asawang Ledesma na sina tita Zab at tito Zack. Hindi sila makapaniwala sa mga anomaliya at karumaldumal na gawain ng kanilang unico hijo. Maayos naman daw ang kanilang pagpapalaki kay David at hindi sila nagkulang ng paalala sa kung ano ang tama o mali. Sa huli ay wala na rin silang naggawa sa ebidensiyang ipineresenta ko sa kanila. Pero kahit pa may ebidensiya na sa kanilang harapan na nagdidiin kay David sa mga krimeng naggawa nito ay nanaig pa rin ang pagiging mga magulang nila tita Zab at tito Zack. Naaawa man ako sa kanila pero mas minabuti ko na lang magpaalam sa kanila at hindi na sumama pa sa kanila sa presento. Nagmadali na akong gumayak ng aking mga gamit at ni baby. Tulog na tulog ito sa kanyang crib ng abutan ko ito sa nursery na binabantayan naman ng isang katulong. May taxi ng naghihintay sa akin sa labas ng gate para ihatid ako sa ter

  • TO LOVE A BILLIONAIRE   Chapter 132- Jayda

    "Ann, hija, bakit ngayon ka lang...? Alam mo bang nag-alala na kaming lahat lalong- lalo na ang mapapangasawa mo, buong magdamag kang nawala, ni hindi namin alam kung saan ka hahagilapin, ano bang nangyari sa iyo hija?," sunod- sunod at may pagtatakang turan ni tita Zab ng makapasok ako sa malaking bungalow house ng mga Ledesma. "Ahmnnn... ti-ta nasaan po ang baby ko?," imbes na sagutin siya ay ginantihan ko rin siya ng tanong dederetso pa sana ako paakyat sa nursery upang kunin ang anak ko ngunit pinigilan niya ako. "Wait, hija... samahan na kita, nasa nursery si Junior kasama ang ama niya, ang tito Zack mo naman nakikipagcoordinate na sa kapulisan upang hanapin ka, mabuti na lang nakauwi ka ng ligtas hija!," bigla ako nitong niyakap kaya't napayakap na rin ako sa kanya. Naawa ako sa mga magulang ni David. Ang hinala ko walang alam ang mga ito sa kasamaan na pinanggagawa ng anak nila. Wala namang magulang ang gustong mapahamak ang mga anak nila. Puwera na lang kung minana lang

  • TO LOVE A BILLIONAIRE   Chapter 83-Jayda

    "Thank God we arrived safe and sound," ang tangi kong nasabi ng makalapag ang chopper sa roof top ng isang sikat na pribadong ospital sa siyudad kung saan naka-admit si itay Ramon. Buong durasyon ng flight ay kapit tuko akong nakahawak sa mga kamay ng magtiyuhin na sa magkabilang gilid ko sa upua

  • TO LOVE A BILLIONAIRE   Chapter 82- Jayda

    "Take your time Ms. Jayda, the chopper is still on its way," rinig kong sabi ni Tim sa labas ng pinto ng aking silid. Pagkatapos ng naganap na pakikipagpalitan ng samut saring emosyon kagabi kay Jayda ay sa wakas tinanggap ko ang paghingi nito ng kapatawaran ngunit kailangan niyang dalhin ako

  • TO LOVE A BILLIONAIRE   Chapter 81- Jayda

    Bakit ang hirap para kay Jethro ang magsabi ng sorry? Iyon lang naman ang salitang nais kong marinig buhat sa kanya. Kaya't anong pagpapacute ang ginagawa niya ngayon sa harap ko ay hindi pa rin buo ang aking kasayahan.Lalong lalo na hindi man lang nito binabanggit ang salitang pag-ibig. Alam k

  • TO LOVE A BILLIONAIRE   Chapter 80- Jethro Montenegro

    "May I dance with my lovely queen, tonight?" malapad na ngiti ang pinakawalan ko kay Jayda habang inilahad ko ang aking kamay sa kanyang harapan. "Jeth, you don't have to do this," angal pa niya na sinuklian ko lang ng pagpapakumbaba at tila nangungusap na mga mata. If I can have her with my ev

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status