ログイン
"Inay, ang hirap naman pala mag-apply ng trabaho sa gobyerno.Ang daming requirements na kailangan.Pahirapan pa pagkuha ng item dahil sa dami ng aplikante," reklamo ko kay Inay Rita pagdating ko sa bahay mula sa paglalakad ng mga requirements ko sa DepEd.
"Ganyan talaga anak, sige lang at matatapos din iyan, papasaan pa ay mabibigyan ka rin ng item, may awa ang Diyos anak, konting tiis pa malapit ka na sa finish line," pagkokonsola ni Inay Tilde. "Pero naawa na ako sa inyo ni Itay sa pagtratrabaho, gusto ko naman na tumigil na siya sa pamamasada at kayo rin tumigil na sa paglalabada, ako na lang ang magtrabaho para sa inyo," hirit ko pa. "Anak, naiintindihan ka namin ng tatay mo na gusto mo ng makatulong sa amin. Pero anak pabayaan mo na kami ni Itay mong paluguran ka, obligasyon namin bilang iyong mga magulang na suportahan ka sa lahat ng iyong pangangailangan,"paliwanag ni Inay Rita. "Maraming salamat talaga Inay dahil nandiyan kayo parati ni Itay sa buhay ko. I love you nay," sabi ko sabay yakap kay Inay Rita. "Ai sus ang anak ko, nagdrama na naman, oo na, mahal ka rin namin anak, o siya, tama na at tamang-tama magmeryenda ka muna sa kusina at may Arroz Caldo akong niluto para sa inyo iyan ng tatay mo. Sige na punta na doon, tatapusin ko muna itong labada ko," pagtataboy ni Inay sa akin. "Nay samahan n'yo naman ako, sige na please," paglalambing ko sa kanya. "Haist, Jayda dalaga ka na, para ka pa ring bata ano!Punta na doon at lalamig na iyong Arroz Caldo," pagtataboy ni Inay sa pangalawang pagkakataon. "Nay, hindi n'yo ako matataboy, hindi pa naman ako nagugutom.Mabuti pa ay tulungan na kita sa paglalaba," pinal kong sabi sa kanya. Walang naggawa si Inay Rita kung hindi sundan ako habang nilalagyan ko ng tubig ang palanggana na may mga damit. Ito naman ang gusto kung gawin, kahit papaano ay matulungan ko sila ni Itay sa trabaho kahit hindi man lang sa pinansyal na aspeto. Itinaas ko na lang ang suot kung trouser sa may tuhod at nagsimula ng banlawan ang mga damit na tapos niya ng kusotin.Hindi naman gaano kadami ang labahin ni Inay kaya madali din kaming natapos sa paglalaba. Tinulungan ko na rin siyang magsampay ng mga labada at linisin ang mga kalat namin sa silong kung saan kami nglaba. "Sige na anak, kaya ko na ito, maglinis ka na ng katawan mo at maya-maya'y nandito na ang Itay mo. Iinitin ko na lang uli ang Arroz Caldo at sabay-sabay na tayong magmeryenda," sabi ni Inay. Sinunod ko na ang sinabi ni Inay.Pumunta na ako sa maliit ko na silid at kinuha ang aking tuwalya. Naghalf bath na rin ako sa aming banyo na nasa labas ng aming munting tahanan.Agad akong nagpalit ng damit pangbahay pagkatapos kung maglinis ng katawan. Ilang minuto lang ay narinig ko na ang pagdating ng jeep ni Itay. Tinawag na rin agad ako ni Inay upang makapagmeryenda ng sabay-sabay. Mababakas ang pagod ni Itay sa kanyang itsura ngunit ng makakain na siya ng mainit na Arroz Caldo ni Inay ay napawi ito kaagad. Pinagmasdan ko ang aking Inay Rita at Itay Dante habang masayang kumakain at nagkukuwentuhan sa pang-apat naming dining set sa kusina.Kahit simple lang ang aming buhay ay puno naman ng pagmamahal lalo na sina Inay at Itay na kahit matatanda na ay pinapakita pa rin sa isa't isa ang pag-aalaga.(Playing background music) Not sure if you know this But when we first met I got so nervous I couldn't speak In that very moment I found the one and My life had found its missing piece So as long as I live I love you Will have and hold you You look so beautiful in white And from now till my very last breath This day I'll cherish You look so beautiful in white Tonight What we have is timeless My love is endless And with this ring I say to the world You're my every reason you're all that I believe in With all my heart I mean every word So as long as I live I love you Will have and hold you You look so beautiful in white And from now till my very last breath This day I'll cherish You look so beautiful in white Tonight Hindi ko mapigilang maluha habang nakatanaw sa babaeng aking iniibig na naglalakad sa aisle patungo sa akin. Isang mahabang pasilyo mula sa labas ng pinto ng villa hanggang rito sa dalampasigan ang pinalamutian ng fresh wh
"Mission accomplished, boss!," turan ng abogadong may hawak ng mga isinampang kasong laban kay Ledesma. "The pleasure is mine, Attorney, I'll send the full payment in your account immediately today, my secretary will arrange that for you, thank you!," sagot ko bago ibinaba ang linya. Sinigurado kong hindi na makakapagpiyansa si Ledesma sa mga mabibigat nitong mga kaso ngunit noong isang buwan ay nabalitaan ko na lang na ang ibang mga kasong isinampa kay Ledesma ay nabasura dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya. Ano pa ba ang kulang sa mga eprinisintar na mga ebidensiya upang mapatunayang guilty at criminal si Ledesma? Nanginginig ang buo kung kalamnan sa galit sa nagdaang mga araw. Gusto kung harapin si Ledesma ngayon din upang kastiguhin. Hindi ako makapanti hangga't hindi nahahatulan. Mabuti na lang ay malakas ang aking koneksiyon at impluwensiya. Ako ang nagkuha at nagbayad ng pinakamagaling at pinakabihasa na abogado sa bansa upang humawak ng mga kaso ng mga nabiktima
"Nay.... pa--kar--ga po ni Prince...," biglaang sabi ko ng biglang dumilim ang paningin ko. "Naku, anak...ano nangyari sa iyo?," natarantang sabi sa akin ni inay matapos akong maalalayan paupo sa mahabang upuan sa labas ng klinika ng pediatrician ng anak ko. Kalalabas lang namin sa loob ng pedia clinic ni Prince. Pinaturukan namin si Prince ng polio vaccine dahil saktong apat na buwan na rin siya noong isang araw. Sobra ngang nakakaawa ang anak ko sa kaiiyak kung puwede lang sana ako na lang ang makadama ng sakit kasi parang hinihiwa ang puso ko. Mabuti na lang sinamahan ako ni inay at itay. Si itay ang nagmaneho ng bagong multicab nito habang si inay naman ang sumama sa akin sa loob mismo ng klinika. Magkatuwang nga si inay at itay sa pag-aasikaso sa aming mag-ina sa halos nakalipas na dalawang buwan. "Aywan ko nay bigla na lang umikot ang paningin ko... ah, baka dala lang ng stress kanina sa kaiiyak ni Prince!," sagot ko pa. "Baka nga anak... o siya dito ka muna at tatawag
"Jayda, anak, handa na ang hapunan, halika na at sabay- sabay na tayong kumain," anya ng aking inay Tilde. Kasalukuyan akong nasa malapad naming terasa at nakatanaw sa maliwanag na kalangitan. Kay rami ng mga bituin sa gabing ito, tila nakikisabay rin sa aking kasayahan na sa wakas ay nakauwi na rin ako sa aming tahanan. "Opo nay!," tugon ko pa at nagpakawala ng buntong- hininga. Ngayon lang ako muling nakadama ng kaginhawan. Iyon bang hindi pilit at walang pagkukunwari. Iba talaga ang hangin sa probinsiya at isa pa ay panatag na aking kalooban dahil wala ng manggugulo pa sa akin at sa aking buong pamilya. Sumunod na ako kay Inay Tilde. Maaliwalas ang kabuuan ng native house. Hindi ko pa naggawang magtanong sa malaking pagbabago ng aming munting tahanan kaninang pagdating ko dahil mas inuna pa naming magdrama ni inay at itay. Naalala ko pa kanina na imbes kagalitan nila ako ay isang mahigpit na yakap ng ibinigay sa akin ni inay at itay. Wala akong natanggap na sermon o anum
"Maraming salamat sa maikling panahong pinasaya mo kami, hija... hindi ka namin malilimutan," ang huling sinabi sa akin ng mag-asawang Ledesma na sina tita Zab at tito Zack. Hindi sila makapaniwala sa mga anomaliya at karumaldumal na gawain ng kanilang unico hijo. Maayos naman daw ang kanilang pagpapalaki kay David at hindi sila nagkulang ng paalala sa kung ano ang tama o mali. Sa huli ay wala na rin silang naggawa sa ebidensiyang ipineresenta ko sa kanila. Pero kahit pa may ebidensiya na sa kanilang harapan na nagdidiin kay David sa mga krimeng naggawa nito ay nanaig pa rin ang pagiging mga magulang nila tita Zab at tito Zack. Naaawa man ako sa kanila pero mas minabuti ko na lang magpaalam sa kanila at hindi na sumama pa sa kanila sa presento. Nagmadali na akong gumayak ng aking mga gamit at ni baby. Tulog na tulog ito sa kanyang crib ng abutan ko ito sa nursery na binabantayan naman ng isang katulong. May taxi ng naghihintay sa akin sa labas ng gate para ihatid ako sa ter
"Ann, hija, bakit ngayon ka lang...? Alam mo bang nag-alala na kaming lahat lalong- lalo na ang mapapangasawa mo, buong magdamag kang nawala, ni hindi namin alam kung saan ka hahagilapin, ano bang nangyari sa iyo hija?," sunod- sunod at may pagtatakang turan ni tita Zab ng makapasok ako sa malaking bungalow house ng mga Ledesma. "Ahmnnn... ti-ta nasaan po ang baby ko?," imbes na sagutin siya ay ginantihan ko rin siya ng tanong dederetso pa sana ako paakyat sa nursery upang kunin ang anak ko ngunit pinigilan niya ako. "Wait, hija... samahan na kita, nasa nursery si Junior kasama ang ama niya, ang tito Zack mo naman nakikipagcoordinate na sa kapulisan upang hanapin ka, mabuti na lang nakauwi ka ng ligtas hija!," bigla ako nitong niyakap kaya't napayakap na rin ako sa kanya. Naawa ako sa mga magulang ni David. Ang hinala ko walang alam ang mga ito sa kasamaan na pinanggagawa ng anak nila. Wala namang magulang ang gustong mapahamak ang mga anak nila. Puwera na lang kung minana lang
"Anak, gising na, aba'y tanghali na," palatak ni Inay Tilde sa loob ng kanyang munting kuwarto. "inay, ang ingay ingay nyo naman, ang aga-aga pa lamang," sabi ko pa. "Aba'y tirik na tirik na araw Jayda Ann, buti na lang at ang amo mo ang nagluto at gumawa ng gawaing bahay habang natutulog tayon
Warning: Rated SPG!!! Some scenes are not suitable for young readers.Read at your own risk!!! Urghmn,"rinig kong ungol ni Jayda habang walang habas ko siyang binabayo sa loob ng jeep ni itay Ramon. Ramdam ko ang paggiwang giwang ng jeep habang mabilis kong inaabante at inaatras ang aking ka
RATED SPG Warning: Some scenes are not suitable for young readers, read at your own risk!!! Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin ako makatulog.Kasi naman nakahiga siyang nakabaluktot sa hindi kahabaang kawayang upuan nila Jayda sa sala. Bukod kasi sa maliit ito para sa tangkad niya ay maal
"Are all of these enough, sweety?" masuyong tanong sa akin ni Jethro ng nakasakay na kami sa pampasaherong jeep ni itay Ramon. "Yeah!" tipid kog sagot dahil naiinis pa rin ako sa mga haliparot na mga babae sa palengke na nagpapansin kay Jethro. Napilitang gamitin ni Jethro ang jeep ni itay da





![Captured By Ninong Hades [SPG]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

