ログイン"Handa na ba lahat ng mga gamit mo anak," bungad ni nanay mula sa pintuan ng aking kuwarto.
Kasalukuyan akong nag-aayos pa ng iba ko pang kagamitan na dadalhin sa aking pagpasok sa trabaho bilang tutor. Nakaempake na ang aking mga damit sa maliit na travelling bag.Konting damit lang ang aking inimpake dahil wala iilang piraso lang din ang mayroon ako. Limang blusa at apat na kupasing pantalon.May baon din akong dalawang terno na pajama.May oras din naman siguro sa paglalaba kung kaya't sapat na itong dadalhin ko. "Opo inay handa na po lahat," magiliw kong sabi. Mababanaag ko ang lungkot sa mukha ni nanay ngunit pilit kong binabalewala. "Inay, halika po, payakap nga nay! Huwag na kayong malungkot uuwi din ako dito, hindi naman malayo ang pupuntahan ko," pagpapalubag-loob ko kay nanay. "Magpapakabait ka doon anak, ang bilin ko sa iyo ha, ingatan mo ang sarili mo.Wala kami doon para ipagtanggol ka kaya maging matatag ka," paalala ni nanay Niyakap ko si nanay at gumanti din siya ng yakap sa akin. Hinagod hagod ko ang likod ni nanay.Naramdaman kong yumuyogyog na ang kanyang balikat sa pag-iyak. "Inay, tahan na po, mabigat sa loob ko ang umalis pero kailangan natin ito, konting tiis lang nay, tatlo o anim na buwan lang hanggang makapasok na ako sa DepEd ay aalis din ako doon, magkakasama din tayo ulit," pagkukumbinsi ko sa kanya. "Hindi ko mapigilan umiyak at malungkot anak, simula't sapol hindi ka nalayo sa amin ng papa mo.Kahit mahirap tayo ay natatawid natin ang buhay na magkasama," histerya ni nanay. "Inay, iba na ito ngayon, kailangan natin ng malaking halaga para makabayad ng utang, sana maintindihan mo nay para din ito sa ating lahat, kaya huwag na malungkot nay," alo ko sa kanya. "Hoy Rita tigilan mo na iyang iyak-iyak mo diyan, tanghali na baka mahuli si Jayda sa biyahe," sabi ni tatay Dante na nakapasok na sa aking silid na hindi namin namamalayan. "Halika ka dito tay, group hug tayo," tawag ko kay tatay Dante na umiiyak na rin. Nakiyakap na rin sa amin si tatay Dante.Walang maririnig na salita sa amin kung hindi tunog ng pagtangis. "O, siya tama na ang drama, mahuhuli ka na talaga Loren, halika ka na naghihintay na traysikel sa labas, si Pareng Jun ang maghahatid sa iyo," pigil sa pag-iyak na wika ni tatay Dante. Naideposito na tatay Dante ang jeep sa pinagkakautang niya, hangga't hindi namin nababayaran ang two hundred fifty thousand at interes ay hindi namin makukuha ang jeep. Ito ang nagsisilbing deepest why ko kung bakit desidido akong magtrabaho bilang tutor kahit ang kapalit ay malalayo ako sa aking mga magulang. Ako ang bumitaw sa yakapan namin at pinunasan ko ang aking mukha na basang-basa na ng luha. "Sige po itay, tayo na po inay, ihatid n'yo na po ako sa labas," pinatatag na sabi ko. Binitbit na ni tatay Dante ang aking mga bagahe at sinukbit ko na sa aking balikat ang aking mumurahing sling bag. Bago ako tuluyang sumakay sa traysikel ay isa-isa kong hinalikan si Inay Rita at Itay Dante sa kanilang noo at pisngi. Mamiss ko talaga sila.Gaya nga ang sinabi ni Inay Rita, ngayon lang ako mapapalayo sa kanila. Kahit noong nag-aaral pa ako sa kolehiyo at sekondarya.Kahit may mga overnight group works or mga field trips ay talagang hindi ako sumasama.Maliban sa wala kaming pera pambayad at panggastos, ay ayaw ko talagang malayo sa kanila. Nagmano muli ako sa kanila bago tuluyang sumakay sa traysikel na walang lingon-lingon uli sa kanila. Ayaw kong madagdagan pa ang lungkot sa aking dibdib.Mabuti na hindi ko nakikita ang mga malulungkot nilang mukha.Mas lalo lang akong mahihirapang mapalayo sa kanila. Pinaharorot na ni Mang Jun ang traysikel.Tahimik lang ako sa loob ng traysikel habang si Mang Jun ay paminsan-minsan ding nagkukuwento ng ano-ano na lang. Inihinto ni Mang Jun ang traysikel sa bus station kung saan ako sasakay papunta ng lungsod ng Maynila. Tinulungan niya akong isakay ang aking mga bagahe sa loob ng bus, nagpaalam na rin siya sa akin at nagpasalamat din ako sa kanya. Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko dahil bumyahe na din paalis ang bus. Dahil siguro sa sobrang pag-iyak ay nakatulog ako.Hindi ko namalayan na dumating na pala kami sa Maynila kung hindi pa ako ginising ng kundoktor. Pagbaba ko ng bus ay palinga-linga ako sa buong paligid.Ayon pa kay Mrs.Santos ay may susundo sa akin papunta sa bahay ng aking pgtratrabahoan. Kinarga ko na ang aking mga bagahe at naglakad palabas ng station, maghihintay na lang ako sa waiting area. Pagkaupo ko pa lang sa waiting are ay biglang nagring ang aking phone. Sinagot ko ito kaagad baka ito na iyong susundo sa akin. "Hello, sino po sila?" magalang kong sabi. "Hello si Ms.Jayda, ikaw na ba iyan?" baritonong tanong ng lalake sa kabilang linya. "Opo, ito nga po," ganti ko. "Hi, Ms.Ako po si Dex, ako po ang na-assign na susundo sa inyo, nandito na po ako sa labas ng bus station, saan ka na ba Miss?" mariin niyang sabi. "Oh, hi Mang Dex.Nandito na po ako sa loob ng waiting area.Kararating ko lang po," sabi ko sa kanya. "Okay, Miss, hintayin mo ako diyan at ako na ang pupunta diyan sa iyo, wait for me okay?" pantastiko niyang sabi. Maya-maya lang ay may isang kalbong lalake na nakasuot ng barong puti at itim na pantalon ang lumapit sa akin. Natitiyak kong ito na nga si Tonyo dahil malayo pa lang ito ay nakangisi na sa akin. "Hello, Ms.Jayda, ako si Dex,”masaya niyang bati. "Oh, hi po, matanong ko lang po,paano ninyo po nalaman na ako si Jayda?" kuryoso kong sabi. "Ah, eh siyempre wala namang ibang magandang binibini dito kung hindi ikaw lamang, at natitiyak kong ikaw na nga iyan," ngiti-ngiti niyang sabi. "Alam ninyo po bolero po ako, hindi naman po ako maganda, haist....charis!," ganti ko sa kanya. "O sige na iyan lang ba ang dala mo, halika ka na, at para hindi tayo gabihin sa daan, matraffic na ganitong oras," mungkahi niya. Sumunod din ako sa kanya sa paglalakad.Tahimik akong sumakay sa BMW na pinagbuksan pa niya ako ng pinto sa likod ng driver seat. Nahiya naman akong pinagsilbihan niya pa.Pareho lang naman kaming trabahante ng magiging amo ko. Samutsaring emosyon ang bumulatay sa aking puso't isipan.Nagagalak akong magkatrabaho na ngunit hindi ko maiwasang mangamba sa kalalabasan ng aking panunungkulan bilang tutor. Bukod sa first time ko itong trabaho, ay nangagamba ako sa magiging ugali ng amo ko at pati na rin ng batang tuturuan ko. Wala namang ibang impormasyong sinabi sa akin si Mrs.Santos patungkol sa magiging amo ko kung hindi ay tungkol lamang sa suweldo at isang araw na day-off sa isang buwan. Bukod sa malaking suweldo ay bawal akong umuwi og magday-off.Siguro gusto lang masulit ng amo ko ang ibabayad sa akin kung kaya't isang beses lang ang day-off. Haist!Bahala na nga,basta ang importante ay may trabaho at makapag-ipon ako. Saka ko na lang iisipin ang pakikibagay sa magiging ugali ng amo at tutee ko kung nandoon na ako. "One day at a time nga," palaging sabi ni tatay Dante sa akin.Nagpakawala ako ng buntong-hininga at itinuon ang pansin sa labas ng bintana ng sasakyan.(Playing background music) Not sure if you know this But when we first met I got so nervous I couldn't speak In that very moment I found the one and My life had found its missing piece So as long as I live I love you Will have and hold you You look so beautiful in white And from now till my very last breath This day I'll cherish You look so beautiful in white Tonight What we have is timeless My love is endless And with this ring I say to the world You're my every reason you're all that I believe in With all my heart I mean every word So as long as I live I love you Will have and hold you You look so beautiful in white And from now till my very last breath This day I'll cherish You look so beautiful in white Tonight Hindi ko mapigilang maluha habang nakatanaw sa babaeng aking iniibig na naglalakad sa aisle patungo sa akin. Isang mahabang pasilyo mula sa labas ng pinto ng villa hanggang rito sa dalampasigan ang pinalamutian ng fresh wh
"Mission accomplished, boss!," turan ng abogadong may hawak ng mga isinampang kasong laban kay Ledesma. "The pleasure is mine, Attorney, I'll send the full payment in your account immediately today, my secretary will arrange that for you, thank you!," sagot ko bago ibinaba ang linya. Sinigurado kong hindi na makakapagpiyansa si Ledesma sa mga mabibigat nitong mga kaso ngunit noong isang buwan ay nabalitaan ko na lang na ang ibang mga kasong isinampa kay Ledesma ay nabasura dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya. Ano pa ba ang kulang sa mga eprinisintar na mga ebidensiya upang mapatunayang guilty at criminal si Ledesma? Nanginginig ang buo kung kalamnan sa galit sa nagdaang mga araw. Gusto kung harapin si Ledesma ngayon din upang kastiguhin. Hindi ako makapanti hangga't hindi nahahatulan. Mabuti na lang ay malakas ang aking koneksiyon at impluwensiya. Ako ang nagkuha at nagbayad ng pinakamagaling at pinakabihasa na abogado sa bansa upang humawak ng mga kaso ng mga nabiktima
"Nay.... pa--kar--ga po ni Prince...," biglaang sabi ko ng biglang dumilim ang paningin ko. "Naku, anak...ano nangyari sa iyo?," natarantang sabi sa akin ni inay matapos akong maalalayan paupo sa mahabang upuan sa labas ng klinika ng pediatrician ng anak ko. Kalalabas lang namin sa loob ng pedia clinic ni Prince. Pinaturukan namin si Prince ng polio vaccine dahil saktong apat na buwan na rin siya noong isang araw. Sobra ngang nakakaawa ang anak ko sa kaiiyak kung puwede lang sana ako na lang ang makadama ng sakit kasi parang hinihiwa ang puso ko. Mabuti na lang sinamahan ako ni inay at itay. Si itay ang nagmaneho ng bagong multicab nito habang si inay naman ang sumama sa akin sa loob mismo ng klinika. Magkatuwang nga si inay at itay sa pag-aasikaso sa aming mag-ina sa halos nakalipas na dalawang buwan. "Aywan ko nay bigla na lang umikot ang paningin ko... ah, baka dala lang ng stress kanina sa kaiiyak ni Prince!," sagot ko pa. "Baka nga anak... o siya dito ka muna at tatawag
"Jayda, anak, handa na ang hapunan, halika na at sabay- sabay na tayong kumain," anya ng aking inay Tilde. Kasalukuyan akong nasa malapad naming terasa at nakatanaw sa maliwanag na kalangitan. Kay rami ng mga bituin sa gabing ito, tila nakikisabay rin sa aking kasayahan na sa wakas ay nakauwi na rin ako sa aming tahanan. "Opo nay!," tugon ko pa at nagpakawala ng buntong- hininga. Ngayon lang ako muling nakadama ng kaginhawan. Iyon bang hindi pilit at walang pagkukunwari. Iba talaga ang hangin sa probinsiya at isa pa ay panatag na aking kalooban dahil wala ng manggugulo pa sa akin at sa aking buong pamilya. Sumunod na ako kay Inay Tilde. Maaliwalas ang kabuuan ng native house. Hindi ko pa naggawang magtanong sa malaking pagbabago ng aming munting tahanan kaninang pagdating ko dahil mas inuna pa naming magdrama ni inay at itay. Naalala ko pa kanina na imbes kagalitan nila ako ay isang mahigpit na yakap ng ibinigay sa akin ni inay at itay. Wala akong natanggap na sermon o anum
"Maraming salamat sa maikling panahong pinasaya mo kami, hija... hindi ka namin malilimutan," ang huling sinabi sa akin ng mag-asawang Ledesma na sina tita Zab at tito Zack. Hindi sila makapaniwala sa mga anomaliya at karumaldumal na gawain ng kanilang unico hijo. Maayos naman daw ang kanilang pagpapalaki kay David at hindi sila nagkulang ng paalala sa kung ano ang tama o mali. Sa huli ay wala na rin silang naggawa sa ebidensiyang ipineresenta ko sa kanila. Pero kahit pa may ebidensiya na sa kanilang harapan na nagdidiin kay David sa mga krimeng naggawa nito ay nanaig pa rin ang pagiging mga magulang nila tita Zab at tito Zack. Naaawa man ako sa kanila pero mas minabuti ko na lang magpaalam sa kanila at hindi na sumama pa sa kanila sa presento. Nagmadali na akong gumayak ng aking mga gamit at ni baby. Tulog na tulog ito sa kanyang crib ng abutan ko ito sa nursery na binabantayan naman ng isang katulong. May taxi ng naghihintay sa akin sa labas ng gate para ihatid ako sa ter
"Ann, hija, bakit ngayon ka lang...? Alam mo bang nag-alala na kaming lahat lalong- lalo na ang mapapangasawa mo, buong magdamag kang nawala, ni hindi namin alam kung saan ka hahagilapin, ano bang nangyari sa iyo hija?," sunod- sunod at may pagtatakang turan ni tita Zab ng makapasok ako sa malaking bungalow house ng mga Ledesma. "Ahmnnn... ti-ta nasaan po ang baby ko?," imbes na sagutin siya ay ginantihan ko rin siya ng tanong dederetso pa sana ako paakyat sa nursery upang kunin ang anak ko ngunit pinigilan niya ako. "Wait, hija... samahan na kita, nasa nursery si Junior kasama ang ama niya, ang tito Zack mo naman nakikipagcoordinate na sa kapulisan upang hanapin ka, mabuti na lang nakauwi ka ng ligtas hija!," bigla ako nitong niyakap kaya't napayakap na rin ako sa kanya. Naawa ako sa mga magulang ni David. Ang hinala ko walang alam ang mga ito sa kasamaan na pinanggagawa ng anak nila. Wala namang magulang ang gustong mapahamak ang mga anak nila. Puwera na lang kung minana lang
"Mag-iingat kayo sa biyahe, mga anak, Jethro, ingatan mo sana ang prinsesa namin, ha?" bilin ni itay Ramon ng magpaalam na kaming babalik na sa lungsod. Kanina pang nakaantabay ang sasakyan na dala ni Manong Tonz buhat sa lungsod.At kanina pa din na hindi matatapos ang pamamaalam namin kay inay a
Warning Rated SPG!!! SOME MATURED AND SEXUAL CONTENTS, READ AT YOUR OWN RISK!!! Nilibang ko ang maghapon sa pag-aayos sa mga pinagkainan namin sa cottage. Naisipan kong mag-order na lang ng pagkain para sa dinner namin mamayang gabi. Tinungo ko ang reception desk ng resort at nag-order ng
"Congratulations, anak, hijo," sabay sabay na bungad ni inay at itay sa amin ni Jethro. "Thanks po, inay tay!" wika ko na nagbeso beso pa sa kanilang dalawa. "Paano ba iyan, Jethro, hijo, magpapatali ka na ba dito sa aming prinsesa? eh, agad agad yata ang pagdesisyon mo hijo, hindi na ba yan
"Dahan-dahan naman sa pagsubo anak, baka ka mabulunan niyan," sabi ni itay na nag-alala para sa akin. "Uhmnn.. paano kasi ang sarap sarap pa rin kasi ng adobong manok mo nay, wala kang kapareha nay, you are the simply best cook ever, talagang na miss ko ang luto mo nay," mahaba kong sabi matapos







