LOGIN(Playing background music) Not sure if you know this But when we first met I got so nervous I couldn't speak In that very moment I found the one and My life had found its missing piece So as long as I live I love you Will have and hold you You look so beautiful in white And from now till my very last breath This day I'll cherish You look so beautiful in white Tonight What we have is timeless My love is endless And with this ring I say to the world You're my every reason you're all that I believe in With all my heart I mean every word So as long as I live I love you Will have and hold you You look so beautiful in white And from now till my very last breath This day I'll cherish You look so beautiful in white Tonight Hindi ko mapigilang maluha habang nakatanaw sa babaeng aking iniibig na naglalakad sa aisle patungo sa akin. Isang mahabang pasilyo mula sa labas ng pinto ng villa hanggang rito sa dalampasigan ang pinalamutian ng fresh wh
"Mission accomplished, boss!," turan ng abogadong may hawak ng mga isinampang kasong laban kay Ledesma. "The pleasure is mine, Attorney, I'll send the full payment in your account immediately today, my secretary will arrange that for you, thank you!," sagot ko bago ibinaba ang linya. Sinigurado kong hindi na makakapagpiyansa si Ledesma sa mga mabibigat nitong mga kaso ngunit noong isang buwan ay nabalitaan ko na lang na ang ibang mga kasong isinampa kay Ledesma ay nabasura dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya. Ano pa ba ang kulang sa mga eprinisintar na mga ebidensiya upang mapatunayang guilty at criminal si Ledesma? Nanginginig ang buo kung kalamnan sa galit sa nagdaang mga araw. Gusto kung harapin si Ledesma ngayon din upang kastiguhin. Hindi ako makapanti hangga't hindi nahahatulan. Mabuti na lang ay malakas ang aking koneksiyon at impluwensiya. Ako ang nagkuha at nagbayad ng pinakamagaling at pinakabihasa na abogado sa bansa upang humawak ng mga kaso ng mga nabiktima
"Nay.... pa--kar--ga po ni Prince...," biglaang sabi ko ng biglang dumilim ang paningin ko. "Naku, anak...ano nangyari sa iyo?," natarantang sabi sa akin ni inay matapos akong maalalayan paupo sa mahabang upuan sa labas ng klinika ng pediatrician ng anak ko. Kalalabas lang namin sa loob ng pedia clinic ni Prince. Pinaturukan namin si Prince ng polio vaccine dahil saktong apat na buwan na rin siya noong isang araw. Sobra ngang nakakaawa ang anak ko sa kaiiyak kung puwede lang sana ako na lang ang makadama ng sakit kasi parang hinihiwa ang puso ko. Mabuti na lang sinamahan ako ni inay at itay. Si itay ang nagmaneho ng bagong multicab nito habang si inay naman ang sumama sa akin sa loob mismo ng klinika. Magkatuwang nga si inay at itay sa pag-aasikaso sa aming mag-ina sa halos nakalipas na dalawang buwan. "Aywan ko nay bigla na lang umikot ang paningin ko... ah, baka dala lang ng stress kanina sa kaiiyak ni Prince!," sagot ko pa. "Baka nga anak... o siya dito ka muna at tatawag
"Jayda, anak, handa na ang hapunan, halika na at sabay- sabay na tayong kumain," anya ng aking inay Tilde. Kasalukuyan akong nasa malapad naming terasa at nakatanaw sa maliwanag na kalangitan. Kay rami ng mga bituin sa gabing ito, tila nakikisabay rin sa aking kasayahan na sa wakas ay nakauwi na rin ako sa aming tahanan. "Opo nay!," tugon ko pa at nagpakawala ng buntong- hininga. Ngayon lang ako muling nakadama ng kaginhawan. Iyon bang hindi pilit at walang pagkukunwari. Iba talaga ang hangin sa probinsiya at isa pa ay panatag na aking kalooban dahil wala ng manggugulo pa sa akin at sa aking buong pamilya. Sumunod na ako kay Inay Tilde. Maaliwalas ang kabuuan ng native house. Hindi ko pa naggawang magtanong sa malaking pagbabago ng aming munting tahanan kaninang pagdating ko dahil mas inuna pa naming magdrama ni inay at itay. Naalala ko pa kanina na imbes kagalitan nila ako ay isang mahigpit na yakap ng ibinigay sa akin ni inay at itay. Wala akong natanggap na sermon o anum
"Maraming salamat sa maikling panahong pinasaya mo kami, hija... hindi ka namin malilimutan," ang huling sinabi sa akin ng mag-asawang Ledesma na sina tita Zab at tito Zack. Hindi sila makapaniwala sa mga anomaliya at karumaldumal na gawain ng kanilang unico hijo. Maayos naman daw ang kanilang pagpapalaki kay David at hindi sila nagkulang ng paalala sa kung ano ang tama o mali. Sa huli ay wala na rin silang naggawa sa ebidensiyang ipineresenta ko sa kanila. Pero kahit pa may ebidensiya na sa kanilang harapan na nagdidiin kay David sa mga krimeng naggawa nito ay nanaig pa rin ang pagiging mga magulang nila tita Zab at tito Zack. Naaawa man ako sa kanila pero mas minabuti ko na lang magpaalam sa kanila at hindi na sumama pa sa kanila sa presento. Nagmadali na akong gumayak ng aking mga gamit at ni baby. Tulog na tulog ito sa kanyang crib ng abutan ko ito sa nursery na binabantayan naman ng isang katulong. May taxi ng naghihintay sa akin sa labas ng gate para ihatid ako sa ter
"Ann, hija, bakit ngayon ka lang...? Alam mo bang nag-alala na kaming lahat lalong- lalo na ang mapapangasawa mo, buong magdamag kang nawala, ni hindi namin alam kung saan ka hahagilapin, ano bang nangyari sa iyo hija?," sunod- sunod at may pagtatakang turan ni tita Zab ng makapasok ako sa malaking bungalow house ng mga Ledesma. "Ahmnnn... ti-ta nasaan po ang baby ko?," imbes na sagutin siya ay ginantihan ko rin siya ng tanong dederetso pa sana ako paakyat sa nursery upang kunin ang anak ko ngunit pinigilan niya ako. "Wait, hija... samahan na kita, nasa nursery si Junior kasama ang ama niya, ang tito Zack mo naman nakikipagcoordinate na sa kapulisan upang hanapin ka, mabuti na lang nakauwi ka ng ligtas hija!," bigla ako nitong niyakap kaya't napayakap na rin ako sa kanya. Naawa ako sa mga magulang ni David. Ang hinala ko walang alam ang mga ito sa kasamaan na pinanggagawa ng anak nila. Wala namang magulang ang gustong mapahamak ang mga anak nila. Puwera na lang kung minana lang
"Kaya mo yan Jayda, fight," pampalakas ko sa aking sarili habang naglalakad palabas ng villa. Tumatambol tambol pa ang aking dibdib sa nerbiyos, dinaig ko pa ang ang teenager sa una nitong eyeball sa textmate.Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan eh, magkikita lang naman kami doon ni Lance p
"Ayieeeeh...," tili ko sa unan na ipinatong ko sa aking mukha para hindi ako marinig ng sinuman baka isipin nila na nasisiraan na ako ng loob. Nang halos mapaos na ako sa kakatili ay itinigil ko na rin at isang malapad na ngiti ang sumilay sa aking mukha. Panibagong umaga na naman na hitik sa s
"For you, hope you like it," malamyos nitong sabi na tila nahihiya. "Naku, Jethro, tapos mo na nga akong nabayo at naangkin mahihiya ka pa," sabi ng maharot kong puso. "Sus, Jayda, umayos ka, bulaklak lang yan, tandaan mo laro lang ito lahat, sakyan mo na lang pero huwag kang maiinlab," sabi
Subtle SPG Read at your own risk!!! Inilapag at ipinaupo ako ni Jethro sa ibabaw ng kama habang masuyo pa rin kaming naghahalikan.Ang akala ko'y mas patatagalin at pailalimin niya pa ang kanyang pagsakop sa aking labi ay bigla itong tumigil na ikinatigil ko rin. Ikinalukot ng aking mukha ng bi







