LOGINKapag ayaw ninyo sa story, pwede po ba tahimik niyo na lang pong iwan? wag na sana kayong magsalita ng masama tungkol sa Author kasi ginagawa lang po namin trabaho namin. Kayo ang nagbabasa, kayo po ang pumili ng story, nagsusulat lang kami. Sana maliwanag po ito, salamat po sa mga nakakaunawa at salamat po sa mga magbabasa pa, sa mga willing akong samahan hanggang matapos ko ang story na ito, maraming salamat!
“Anong masama? Kumakanta lang naman kami e, sige na, sa inyo na ‘to!” sabi ni Ryan sabay abot ng mic kay Nica. Inabot din ni Sean ang mic kay Noah. “Oh ayan, kayong dalawa naman ang kumanta. Ang awkward para sa aming dalawa ni Ryan na kantahin ito!” Isang napakalumang kanta iyon…Nang kunin ni Noah ang mic, nagsisimula na ang lyrics: “I will love you forever and ever…”Ngunit hindi iyon nasabayan ni Noah, kaya si Nica ang sumalo, sabay siko kay Noah para ipahiwatig na part niya na ang kasunod. Tumingin si Noah sa screen at itinuloy ang pagkanta: “I will accompany you until the sea dries up and the rocks crumble, even if we go back to the past, this is my only decision…” Habang kumakanta, bigla siyang napatigil. Huminto ulit ang kanta.“...you chose me, this is our choice…”Si Nica ang tumapos sa kanta. “Noah!” hawak ni Nica ang mic at tinignan siya ng nagniningning ang mga mata. “Sana mahalin mo ako hanggang sa wakas, sana samahan mo ako hanggang sa dulo ng mundo… Noah, turn mo
“Agatha, tapos na ang klase!” walang nagawa si Noah kundi sakyan ang kalasingan ni Agatha at binuhat ito papasok sa elevator. “Kahit tapos na ang klase, kailangan pa rin nating magpractice! Bumalik tayo! Bumalik tayo sa practice room!” nagpupumiglas si Agatha sa mga bisig niya. Niyakap siya ng mahigpit ni Noah. “sige, okay, babalik na tayo, babalik na tayo ngayon. Nandito na tayo, malapit na.” Diretsong umakyat ang elevator at huminto sa floor nila. Muling binuhat siya ni Noah papasok sa loob at dinala diretso sa bathroom para hilamusan at pagmumugin. Buti na lang at hindi narumihan ang damit niya pero gusto pa rin ni Noah na bihisan siya para makaligo at makapagpahinga na ng maaga. Kahit ganon, nang hinuhubaran na siya ni noah, nagsimula na namang maglikot si Agatha. “Ayaw ko, ano ba?! Ayaw kong magpalit ng practice clothes, gusto ko pang magpractice…” nag-isip si Agatha sandali at biglang lumabas sa isip niya ang pangalan ng male dancer na kapareha niya, si Johnford. “Johnford…
Mabilis na tumibok ang puso ni Agatha. Talaga bang ganong klase ng tao ang boyfriend ni Alex?“Edi si Alex…” inabot niya ulit ang pinto ng kotse. “Wag kang malikot! Dito ka lang!” pinigilan siya ni Noah. “Alam ni Alex ang nangyayari, wag ka ng makialam pa!” “Pero…” nag-aalala si Agatha para kay Alex. “Walang pero-pero, kaya na ni Alex ang sarili niya, hindi siya kasing hina mo.” Kailan ba siya naging mahina?“Kaya sa tingin mo, ano ang intensyon ni Luigi sa pagsulat sayo ng love letters?”Lalong kumunot ang noo ni Agatha, at lalong tumitindi ang pagkalasing niya. Tila nagiging apat ang mukha ni Noah sa paningin niya. Umiling siya, sinusubukang itaboy ang tatlong iba pang Noah. “hindi ganong klase ng tao si Luigi.” “Kung ganon, anong klaseng tao siya?” biglang itinaas ni Noah ang boses niya. “Anong klaseng tao siya?” “Mabait siya. Kapag mabait siya sa isang tao… palagi na siyang magiging mabait dito…” hindi naman talaga kilala ni Agatha ng husto si Luigi, hindi sila masyadong nag
Samantala, nagpupumiglas si Luigi sa hawak ng ilang mga kalalakihan nilang kaklase. “Bitiwan niyo ako! Bubugbugin ko hanggang sa mamatay ang bastos at mapagpanggap na Noah na yan!” “Luigi, lasing ka na, wag kang mag eskandalo dito.” ayaw siyang bitawan ng mga kaklase niya, sa takot na baka habulin nitya talaga si Noah para makipag-away. “Paano nakapunta dito si Noah? Sinong tumawag sa kanya?” tanong ng isa. “Ako.” itinaas ng isang lalaki ang kamay niya, mukhang dismayado. “Sabi niya kasi susunduin niya si Agatha. Dapat pala hindi ko na lang sinabi sa kanya kung nasaan tayo.” “Bakit mo sinabi?” umangal pa rin si Luigi. “Tatawagan ko siya. Tuturuan ko siya ng leksyon!” “Luigi!” “Wag niyo akong pigilan! Alam niyo ba kung gaano kamahal ni Agatha ang pagsayaw? Sumasayaw siya tuwing morning exercises, pagkatapos ng klase at pagkatapos ng evening self-study. Minsan nagta-tumbling pa siya habang naglalakad. Napaka-passionate niyang dancer, isang taong healthy. Ngayong may injury ang bin
Tumingin si Agatha kay Noah na nakatayo sa pintuan, ang amoy ng alak ayunti-unting gumuguhit sa mga mata niya, mahapdi at nakakapagpalabo ng paningin. “Hindi iyon sikat na brand, gawa lang iyon ng pamilya ko noong bata pa ako.”Nagsimulang magreklamo ang mga classmates niya. “Totoo yan, pakiramdam ko napakaraming magarbo at mamahaling mooncake ngayon, pero hindi kasing sarap ng mga simpleng mooncake noong bata pa tayo.”“Ako rin, mas gusto ko ang mga old fashioned na mooncakes.” “Uy, si Noah!” Sa wakas ay may isang nakakita sa kanya na dumating. “Pasok ka dito, Noah! Late ka na!” Agad na umalis ang taong nasa tabi ni Agatha para bigyan si Noah ng upuan. Medyo hilo na si Agatha at sa paningin niya ay nagdadalawa na si Noah. Pinanood niya ang dalawang Noah na pumasok. Ayaw niya itong maupo sa tabi niya at hinila pa ang damit ng kaklaseng katabi niya, pero hindi siya nakakapit ng maayos at tuluyang naupo si Noah. “Noah, ang tagal mo, diba dapat parusahan ka namin ng tatlong shot
Nanatiling tahimik si Agatha. “Pupunta na ako ng kumpanya ngayon, may kailangan akong asikasuhin, nagmamadali ako.” kinuha ni Noah ang bag niya at sumakay sa kotse, mabilis na humarurot iyon palayo. Pinanood ni Agatha ang paglaho ng kotse sa kalayuan at bigla siyang nakaramdam ng pagod at pagkawalang-laman sa loob. Matapos ang accupuncture session niya sa clinic ay halos tanghali na. Kumain muna siya ng mabilis sa labas bago bumalik para maghintay sa rehabilitation. May mga kama sa rehabilitation room kung saan pwedeng magpahinga. Bandang alas-dos ng hapon, sinimulan na niya ang pagpapractoce sa tulong ng nurse. Mas mabuti ang araw na ito kesa kahapon, hindi ganon kasakit, at kahit pagod na pagod siya, naging maayos naman ang performance niya. Pagkatapos ng rehabilitation, naligo siya, nagpalita ng dalang damit, at ipinadala ang mga maruming damit niya sa bahay. Pagkatapos ay pumunta na siya para makipagkita kay Alex. Kakarating lang ni Alex mula sa byahe sa eroplano ngayong ara







