Mag-log inPinagmasdan ni Agatha sina Noah at Nica na magpanggap. Nakikipagkwetuhan at tumatawa kasama ang kanilang mga kausap.
Palihim na pinicturan iyon ni Agatha, at nang tumalikod siya, ang "karayom" na nakabaon sa kanyang puso ay tumusok pa rin, isang matalim, pinong sakit ang mabilis na kumalat sa dibdib niya, na nagpasakit pa sa kanyang ilong. “Agatha!” akmang aalis na siya sa mall nang biglang may tumawag sa pangalan niya. Paglingon niya ay nakita niya ang isang kakilala na pababa sa escalator at masiglang kumakaway sa kanya. Iyon ang dati niyang guro sa dance academy. “Teacher Venice!” bulalas niya na may pagtataka. Mabilis na bumaba si Teacher Venice sa escalator at lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “Akala ko ikaw, kaya tinawag kita, ikaw nga! Kamusta ka na ngayon? Limang taon na ang nakalipas.” Nakaramdam si Agatha ng kirot. Limang taon na ang nakalipas, at siya ay naging walang kwentang tao. Paano niya haharapin ngayon ang teacher niya? "May ginagawa ka ba? Kung wala, maghanap tayo ng place para makapag-kape." saad nito at hinawakan ang kamay niya. Wala siyang nagawa. Noon, baka tuluyan niya ng inihiwalay ang sarili dahil sa kanyang inferiority complex ngunit nang buksan niya ulit ang mga dance photo alum niya sa phone ay para bang nagkaroon ng liwanag sa madilim niyang mundo. Bigla siyang na-excite! Tumango siya, “Sige po, teacher,” hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman at napaluha siya. Dinala siya ng teacher niya sa isang coffee shop sa first floor ng mall. "Teacher, kamusta na pala ang mga classmates ko ngayon?” Matagal na siyang nahiwalay sa sarili niyang mundo; iniwan na niya ang lahat ng group chat ng kanyang mga kaklase. Tiningnan siya nang matalim ni Teacher Venice, "Gusto mo talagang malaman?" Alam ni Teacher Venice ang sitwasyon niya; orihinal siyang nagplano na mag-aral para sa master's degree, ngunit bigla niyang isinuko ang kanyang position, kaya tiyak na magtatanong siya. Nang maglaon, nag-special travel pa siya papuntang US para bisitahin siya. Masigla siyang tumango. Talagang kayang baguhin ng limang taon ang buhay ng isang tao. Ang ibang mga kaklase niya ay nag join sa mga dance troupe at naging mga principal dancers, ang iba naman ay nag abroad para mag-aral at nakapagtapos ng doctoral nila, ang iba naman ay nanatili nalang sa university at naging teacher na nag-aalaga ng mga bagong talents. Halos lahat ng mga kaklase niya ay maganda na ang buhay ngayon. At tanging siya nalang ang naiwan ngunit simula ngayon ay magiging iba na siya. Sisikapin niyang makahabol. Kahit hindi na siya makasayaw, hahanapin niya ang kanyang lugar sa ibang larangan! "Teacher, ako... kaya ko na rin pong ibigay ang answer sheet ko sa inyo ngayon." Ang kanyang mga mata ay kumislap at nagniningas; talagang naramdaman niya na nabigo niya ang mga inaasahan ng kanyang guro. "Good." Ngumiti si Teacher Venice. Ibinulong ni Agatha kay Teacher Venice ang mga plano niya na mag-aral sa ibang bansa. "Maganda yan! Alam ko na! Ang mga estudyante ko ay hindi mga duwag!" Niyakap ni Teacher Venice ang kanyang kamay nang may damdamin, "Nga pala, may European tour kami; pwede kang sumama at ma-experience ito, masanay sa European life!" "Pero ako..." Kaya ba ng mga binti niya? Hindi na siya makakasayaw muli; mas mabagal pa siya kaysa sa iba sa paglalakad, at ang kanyang graduate program ay sa isang theoretical field. "Walang imposible! Kung hindi ka naaksidente noon, miyembro ka na sana ng youth dance troupe. This time, sasama ka bilang messenger! Stagehand! Makeup artist!" Desididong sinabi ni Teacher Venice, hindi siya tinatrato bilang isang pilay. Hindi napigilan ni Agatha na tumawa. Nagustuhan niya ang pakiramdam na hindi siya tinatrato bilang isang pilay. Kaya pa niyang gumawa ng ibang bagay kahit hindi siya makasayaw, sa halip na maging walang kuwentang tao dahil lang hindi siya makasayaw. Nang matapos siyang magsalita, nag-vibrate ang phone ni Teacher Venice. May message. "Asawa ko. Okay lang ba kung papuntahin ko siya dito para magkape?" Humingi ng opinyon si Teacher Venice. "Siyempre naman, bakit hindi?" ngumiti siya. Sa totoo lang, medyo natatakot siya. Limang taon niyang inihiwalay ang sarili at hindi nakakilala pa ng ibang tao ngunit kailangan niyang magsimula ulit, hindi ba? "Sige, papapuntahin ko siya," sagot ni Teacher Venice. Ngunit nagulat siya nang makita ang asawa nito. Ito ang business partner ni Noah na kanina ay kinakawayan. "Pumunta siya sa US para sa negosyo, at dumaan ako ng ilang araw. Hindi ko inaasahang magkikita tayo rito; tadhana talaga..." Sabi ni Teacher Venice na ipinakilala ang asawa niya. Pinanuod ni Agatha sina Nica at Noah at maging ang asawa ni Teacher Venice habang papalapit ito sa kanila sa lamesa. Nakaupo lang doon si Agatha habang pinapanuod kung paano magbago ang ekspresyon ng mukha ni Noah at Nica. Naging pula, puti at pula ulit ang mukha ng mga ito. "Halika, maupo kayo. This is my wife, Venice Lauchengco, isa siyang dance teacher,” pagpapakilala ng asawa niya kay Teacher Venice. "Ito naman si Mr. Noah Villanueva, nandito siya para makipag collaborate sa atin, at siya naman ang asawa niya.” Nang marinig ang salitang "asawa," bahagyang nanginig ang kamay ni Noah, at kinakabahan naman si Nica, hindi sigurado kung sa kaliwa o kanan titingin. Pareho silang nakatingin kay Agatha nang may pag-aalala. Tiningnan lang sila ni Agatha at ngumiti nang bahagya. Ipinakilala ni Teacher Venice ang asawa niya,” This is my husband, Mr. Salvador, at heto naman ang estudyante kong si Agatha, yung sinasabi ko sayo na may pinakamalaking chance na manalo ng Taoli Cup noon.” Nang marinig ni Noah ang salitang "Taoli Cup," ay nagdilim ang mga mata nito at tumingin sa baba na animo’y gustong tignan ang mga binti ni Agatha. Nakita iyon ni Agatha; sa sandaling iyon ay napuno ng sakit ang kanyang mga mata. Paanong hindi siya masasaktan? Kung hindi siya napilay noon, hindi sana siya pinakasalan ni Noah, at ang babaeng nasa tabi nito ngayon ang dapat na asawa nito. Ngumiti si Agatha "Teacher Venice, Mr. Salvador, sa totoo lang ako ang..." "Ah—" bigla namang napahinto si Agatha nang mapatili si Nica. Natapon ni Nica ang kape, ang napakainit na kape ay tumama sa kanyang mga kamay at katawan. “Oh my god! Sorry! Pasensya na po kayo!” Mabilis siyang kumuha ng napkin para punasan ang kape. "Okay lang. Okay lang." Saad naman ni Teacher Venice na nag-abot pa ng napkin kay Nica dahil wala itong ka-malay-malay. Isang tasa ng kape ang pumigil kay Agatha sa pagsasabi niya ng totoo. Ngunit kung gustong ituloy ni Agatha ang mga sasabihin niya, mapipigilan ba siya ni Nica? Nagmamakaawa naman ang tingin ni Noah kay Agatha at tila sumesenyas na “Wag mong sasabihin, wag mong sasabihin.” Sa totoo lang ay ayaw niya rin namang sabihin, gusto niya lang makita ang mga ito na mag-panic. Sa pagkakaharap-harap nila, sina Noah at Nica ay parang nasa tinik at karayom habang siya naman ay panatag. Habang nagse-serve si Agatha ng kape ay napansin ni Teacher Venice ang kamay niya, “Oh, Agatha, nakasuot ka pala ng wedding ring, sino ang asawa mo?” tanong nito. Parang sinabuyan naman ng malamig na tubig si Noah at Nica sa kabilang lamesa. Tinignan ni Agatha ang kamay ni Noah na nakapatong sa tasa ng kape, sarkastiko siyang ngumiti dahil pagkatapos ng kasal nila ay hindi na nagsuot ng wedding ring si Noah. "Opo, 5 years na akong kasal," kalmadong sabi ni Agatha. "Mr. Villanueva din siya.” “Oh? Coincidence ah, Villanueva din ang apelyido?” agad na tanong ni Noah. Malinaw na naunawaan iyon ni Agatha. Gusto ni Noah na tumigil na siya sa pagsasalita. "Yes, Villanueva din, and nasa business industry din, hindi lang kasing laki ng business ni Mr. Villanueva," sabi ni Agatha na humigop ng kape. Napabuntong hininga naman si Noah. "Coincidence ka dyan! Sa susunod isama mo ang Mr. Villanueva mo para makapag-kape tayo.” Dahil estudyante siya ni Teacher Venice, bumati sa kanya si Mr. Salvador na puno ng respeto na hindi nagawa ni Noah para sa kanya. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Noah ngunit nakakatawa iyon para kay Agatha dahil sa hapon lang na iyon, sa loob ng limang taong pagsasama nila ay ngayon niya lang nakita na nagpabago-bago ang ekspresyon nito. Dahil sa nangyari ay nagpaalam na si Noah at sinabi na may kailangan pa syang gawin ngunit nag-aalala siya na iwan mag-isa si Agatha doon dahil natatakot siyang baka magsalita ito ng kung anu-ano kung kaya’t sinenyasan niya na ito na umalis na rin kaagad.Sa pagkakataong iyon, si Agatha at tita Sheena na lang ang naiwan sa bahay. Sobrang lungkot ni tita Sheena, ang mga mata niya ay namumula, pinahid niya ang mga luha niya at humingi ng tawad kay Agatha, “Madam, sorry po, kasalanan ko ang lahat ng ito,kung hindi sana ako naging impulsive masyado ay hindi kayo mapipilitang iurong ang kaso.”Ngumiti naman si Agatha, “walang kinalaman iyon sayo. Hindi ko na rin naman gustong ituloy pa iyon and on the contrary, talagang masaya ako na kahit na sa sitwasyon ko ngayon ay may mga tao pa rin pala na pumapanig sa akin.” “Pero Madam, muntik ka ng mapahamak!” saad ni tita Sheena na parang naargabyado pa rin. “Okay lang naman ako, diba?” kumislap ang mga mata ni Agatha. “Pero tita SHeena, kailangan mo na talagang i-consider kung anong gagawin mo sa hinaharap.”“Madam?” gulat na tanong ni tita Sheena. Hindi na nagsalita pa si Agatha ng kahit ano dahil hindi pwedeng malaman ng kahit sino ang binabalak niya bago pa man siya makaalis sa pamilyang ‘t
“Una, kailangang umalis ni Nica sa kumpanya mo. hindi na siya pwedeng magtrabaho sayo kahit kailan, bawal siyang humawak ng shares sa company mo at hindi ka pwedeng mag-open ng branch company para sa kanya.” Tila walang threat ang kondisyon na iyon para kina Noah at Nica, kaya agad na sumang-ayon si Noah, “Sige.” “Pangalawa, lahat ng ginastos mo kay Nica– simula sa mga luxury goods hanggang sa bahay– ay marital property, kailangan kong mabawi lahat iyon, Noah. Bukod pa doon, simula ngayong araw, hindi mo na pwedeng bigyan si Nica ng kahit anong pera sa kahit anong dahilan.” Iyon ang ikamamatay ni Nica. Lagi niyang sinasabing para iyon sa pag-ibig, pero kung si Noah ay isang binatang wala ng pera, papansinin niya pa kaya ito? “Noah! Hindi pwede!” biglang sigaw ni Nica. Matapos sabihin iyon ni Agatha, narealize ni Nica na sumobra siya sa reaksyon niya kaya agad siyang bumawa, “Regalo mo iyon lahat sa akin, may mga sentimental value iyon, hindi ko kayang mawalay sa mga iyon… bukod
Mas madrama si Nica sa kahit sino habang hawak ng mahigpit ang manggas ni Noah at hinahatak iyon, “Noah, hindi… ayokong mag sorry si Agatha sa akin, paano ko naman maaatim na mag sorry siya? Pumunta ako dito para ako ang humingi ng tawad sa kanya! Noah, wag na kayong mag-away ni Agatha, ayokong nag-aaway kayo…”“Oo!” saad ni Agatha, “Ayaw mo kaming mag-away, gusto mo lang akong mamatay!”“Agatha!” matalim na sigaw ni Noah. “Alam mo ba kung gaano kabigat na krimen ang paggpatay? Paano mo nasisikmura na ibintang ang ganyang klaseng kabigat na bagay kay Nica?”Ngumisi ng mapait si Agatha. “Nagawa niya nga akong tangkaing sunugin ng buhay, bakit hindi ko magagawang pagbintangan siya?” “Isang libong beses ko ng sinabing aksidente iyon, aksidente lang! Hanggang ngayon ba naman ay yan pa rin ang iniisip mo?” muling uminit ang ulo ni Noah. “Nagpunta siya dito para mag sorry sayo, ano pa bang gusto mo?”“Magso-sorry?” tinignan ng diretso ni Agatha si Nica. “Sinasabi mong pumunta ka dito para
Nakatitig si Nica sa phone ni Agatha, nag-aalalang baka na-record nga nito ang lahat. “Burahin mo yang recording sa phone mo!”Ibinalik ni Agatha ang phone niya sa bag niya, may record man o wala, hindi niya ito ipapakita kay Nica. Dahil doon, nataranta si Nica. sa pag-aakalang mas malakas siya dahil pilay si Agatha, sumugod siya para agawain ang bag nito. Syempre, hindi iyon ibinigay ni Agatha. Si tita Sheena naman, nang makitang dehado ang amo niya ay mabilis na lumapit para tumulong. Eksakto namang tumunog ang doorbell. Sa pagkakataong iyon, si Noah na talaga ang dumating. Nang bumukas ang pinto, biglang natumba si Nica sa sahig. Pagkakita ni Noah, humiga siya at umiyak ng may mapupulang mata. “Noah…”Kasama ni Noah ang guard ng subdivision. Si Agatha ang nag-utos kay tita Sheena na tumawag ng guard dahil ine-expect niya na ang pagwawala ni Nica, ngunit hindi niya akalaing darating din si Noah sa oras na iyon. Nakaupo si sahig si Nica habang tumtingala kay Noah na may mga l
Nagdecide pa rin siyang pumunta sa clinic para sa acupuncture at rehabilitation, at pagkatapos ay uuwi na sa bahay ng lola niya. Kaya, matapos siyang mag-almusal at habang nag-eempake ng mga gamit na dadalhin sa lola niya, may pumasok. Tuloy-tuloy lang sa loob. Sa sandaling iyon, nag-aayos ng bahay si Tita Sheena , at iisang tao lang ang makakapasok ng ganon– si Noah. Inakala niyang si Noah iyon kaya hindi na siya lumingon hanggang sa may narinig siyang boses sa likod niya. “Agatha.”Si Nica Mateo. Alam pala ni Nica ang password ng bahay! Nakapasok siya ng ganon lang! Sandaling nakaramdam ng galit si Agatha, pero agad din niya itong kinalimutan. Sabagay, balak na rin naman niyang iwan ang bahay na iyon kaya hindi na sulit na magalit pa. Ang magalit ay walang saysay at sarili lang niya ang mapapahamak. Humarap si Agatha. Nakatayo na si Nica sa sala. Bakas ang pag-aalala sa tingin ni tita Sheena, na nagsasabing, “Hindi ko alam kung paano siya nakapasok.”Tumango si Agatha para ipa
Ano ba ang pakiramdam na magkagusto sa isang tao sa kabataan mo?Iyon ay kapag hindi siya pumapasok sa klase at kahit na merong isang walang lamang upuan sa classroom ay pakiramdam mo wala ring laman ang puso mo, na para bang ang buong mundo mo ay madilim. Iyon ay kapag naglakad siya sa classroom, ang mundo ay biglang nagliliwanag, ang liwanag ng araw sa labas ng bintana ay kumikinang na parang ginto, ngunit hindi iyon maikukumpara sa liwanag ng pagkakataong iyon. Iyon ay kapag ngumingiti siya, parang natutunaw ang puso mo, at kapag nakasimangot naman siya, parang pinipiga ang dibdib mo. Iyon yung kapag tahimik na lumilipas ang pras habang pinagmamasdan mo lang siya mula sa malayo, iyon yung habang lumilipas ang mga taon, handa mong ibigay ang lahat para sa kanya ng hindi niya nalalaman…Noong taong iyon, nang sa wakas ay nalaman na ni Agatha ang pagod at sakit na pilit tinatago ni Noah ay dahil malubha ang sakit ng lola niya at nasa ospital, nagsuot siya ng mas at bumangon bago pa







