LOGINPa-comment naman po ng highly recommended at rate sa mismong story. maraming maraming salamat po!
Nagdecide pa rin siyang pumunta sa clinic para sa acupuncture at rehabilitation, at pagkatapos ay uuwi na sa bahay ng lola niya. Kaya, matapos siyang mag-almusal at habang nag-eempake ng mga gamit na dadalhin sa lola niya, may pumasok. Tuloy-tuloy lang sa loob. Sa sandaling iyon, nag-aayos ng bahay si Tita Sheena , at iisang tao lang ang makakapasok ng ganon– si Noah. Inakala niyang si Noah iyon kaya hindi na siya lumingon hanggang sa may narinig siyang boses sa likod niya. “Agatha.”Si Nica Mateo. Alam pala ni Nica ang password ng bahay! Nakapasok siya ng ganon lang! Sandaling nakaramdam ng galit si Agatha, pero agad din niya itong kinalimutan. Sabagay, balak na rin naman niyang iwan ang bahay na iyon kaya hindi na sulit na magalit pa. Ang magalit ay walang saysay at sarili lang niya ang mapapahamak. Humarap si Agatha. Nakatayo na si Nica sa sala. Bakas ang pag-aalala sa tingin ni tita Sheena, na nagsasabing, “Hindi ko alam kung paano siya nakapasok.”Tumango si Agatha para ipa
Ano ba ang pakiramdam na magkagusto sa isang tao sa kabataan mo?Iyon ay kapag hindi siya pumapasok sa klase at kahit na merong isang walang lamang upuan sa classroom ay pakiramdam mo wala ring laman ang puso mo, na para bang ang buong mundo mo ay madilim. Iyon ay kapag naglakad siya sa classroom, ang mundo ay biglang nagliliwanag, ang liwanag ng araw sa labas ng bintana ay kumikinang na parang ginto, ngunit hindi iyon maikukumpara sa liwanag ng pagkakataong iyon. Iyon ay kapag ngumingiti siya, parang natutunaw ang puso mo, at kapag nakasimangot naman siya, parang pinipiga ang dibdib mo. Iyon yung kapag tahimik na lumilipas ang pras habang pinagmamasdan mo lang siya mula sa malayo, iyon yung habang lumilipas ang mga taon, handa mong ibigay ang lahat para sa kanya ng hindi niya nalalaman…Noong taong iyon, nang sa wakas ay nalaman na ni Agatha ang pagod at sakit na pilit tinatago ni Noah ay dahil malubha ang sakit ng lola niya at nasa ospital, nagsuot siya ng mas at bumangon bago pa
Umupo si Noah sa tapat niya, puno ng sarkasmo ang mga tingin nito. “Limang taon na tayong kasal at ganyan ang trato mo sa akin tuwing hahawakan kita?”Ano pa nga ba ang pwede niyang asahan?Ngumiti siya ng may haong pang uuyam. “Noah, kung hahawakan mo ako, hindi ka ba natatakot na baka madurog ang puso ng Nica mo?”Hindi sumagot si Noah bagkus ay itinulak siya nito sa kama, ngunit hindi inalis ang kumot na nakabalot sa katawan niya. Naramdaman ni Agatha ang mainit nitong palad sa kanyang hita. Minamasahe ba ni Noah ang mga pasa sa kanyang binti?Tuluyan ng sumuko si Agatha sa pagpupumiglas; pamilyar na siya sa mga taktika nito. Ang biglaang kabaitan ay laging may nakatagong pakay, siguradong may kailangan ito sa kanya. At gaya ng inaasahan, nilagyan lang nito ng ointment ang mga pasa niya, mula sa hita hanggang sabraso, sa tiyan at sa huli ay sa likod niya. Pagkatapos ay kinumutan siya nito at tinitigan ang malamig na mga mata. Malamig siyang tinitigan ni Agatha, naghihintay na
Lumabas si Tita Sheena at nagulat nang makita siya sa ganoong kalagayan. “Madam, tutulungan ko na po kayo.”Huminga ng malalim si Agatha at tumangoHindi siya nakaramdam ng hiya; matagal na siyang inaalagaan ni Tita Sheena. Noong nahihirapan pa siyang maglakad pagkatapos ng kasal nila, si tita Sheena ang laging tumutulong sa kanya sa pagligo. Tinulungan siya ni tita Sheena papunta sa bathroom a binitiwan lang siya matapos siyang maialis sa pagkaka-upo sa bathtub. Tumango si Agatha. “Okay na. Sige na, palitan mo na ang bedsheet. Bumalik ka na lang kapag tapos na akong magbabad.”Sumandal si Agatha sa bathtub, dinadama ang init ng tubig na humahaplos sa bawat pulgada ng balat niya, na nagpagaan sa kirot at nagbigay sa kanya ng ginhawa. Ipinikit niya ang mga mata niya, ninanamnam ang pagre-relax ng kanyang mga kalamnan at muntik na siyang makatulog. Dahil sa palagay niya ay okay na ang oras, tamad niyang sinabi, Tita Sheena, tama na yan.” ayaw pa rin niyang idilat ang mga mata niya.
Tinulak ni Tita Sheena ang pinto upang bumukas iyon, habang dala-dala niya ang isangbaso ng maligamgam na tubig. Tinulungan niya si Agatha na makainom ng tubig. “Paano ako nakarating dito?” naalala ni Agatha na nagkaroon siya ng malaking away sa pagitan nina Noah at ng mga kasama niya sa police station at hinimatay siya sa entrance ng presinto. “Dinala ka dito pabalik ni Sir,” sabi ni Tita Sheena. “Ang sabi ni sir ay hindi raw maganda ang pakiramdam mo, tumawag pa siya ng private doctor para pumunta at tignan ka. Ang sabi ng doktor ay okay ka lang daw at dala lang ng pagod. Sinabihan naman ako ni sir na pagpahingahin ka muna, dahil may iba pa siyang bagay na aasikasuhin.”Tumango si Agatha. Talangang nakakapagod iyon, hindi lang physically kundi pati mentally. “Siya nga pala, tumawag ang lola mo kanina, pero ang asawa mo ang sumagot. Hindi niya sinabing hindi maganda ang pakiramdam mo siguro dahil ayaw niyang mag-alala ang lola mo. sinabi niya lang na pagod ka ngayon at mas mabuti
“Tama na!” sigaw ni Noah, “Itigil niyo na yan! Kung ayaw niyong parusahan ko kayo! Tumahimik kayo!” Sa wakas ay tumahimik din ang presinto. Naglakad si Noah lampas sa lahat, lampas kay Agatha, at tumayo sa harap ng mga pulis. “Ako na ang aako ng lahat ng responsibilidad. Tutal, ako naman ang head ng kumpanya; anumang insidente ay pananagutan ko bilang leader, at wala itong kinalaman sa iba.”Dahil nagreport si Agatha, at may sunog ngang nangyari at muntik na nga siyang masunog, ang kung paano papasanin ni Noah ang pananagutang ito ay nakadepende sa gagawin ni Agatha.Iuurong ba ni Agatha ang reklamo? Muling inilatag ang tanong na iyon sa harap niya. Sa police station, inakong lahat ni Noah ang lahat ng sisi. “Kung ayaw niya, hindi ko siya pipilitin. Mangyayari kung anong mangyayari. Lahat sila ay mga tauhan ko na sumusunod lang sa lahat ng mga utos ko. Handa akong harapin ang lahat ng consequences.”“No–” napahagulgol si Nica sabay napayakap kay Noah. “Noah, indi ikaw iyon, paanong







