Rodriguez series 2 soon po. Sa ngayon po ay tatapusin ko po muna ang mga iba ko pang story. Thank you po sa inyong lahat at ingat po kayo palagi ❤️❤️❤️
CHE-CHE POV(AFTER 10 YEARS)“CHEMMARY PELIPA–RODRIGUEZ, C*M LAUDE!” Isang masigabong palakpakan ang naririnig ko mula sa mga tao sa paligid. Kaliwa't-kanan na pagbati mula sa kapwa ko mag-aaral.Araw ng graduation ko ngayon at napaiyak talaga ako sa sobrang saya ko. Pagkatapos ng ilang taon ay natupad ko rin ang pangarap ko na makapagtapos sa pag-aaral. Sobrang hirap ng mga dumaan na taon sa akin. Pero dahil nasa tabi ko ang asawa ko at mga anak ko ay lahat kinaya ko. Marami akong gabi na walang tulog at laging pagod. Pero ang lahat ng 'yon ay nagbunga. At ngayon ay aanihin ko na. “I’m so proud of you, Boba. Congratulations!” Malambing na bulong sa akin ni Jayson.“Thank you so much, Bubu. Hindi ko ito magagawa na ako lang. Kayo ng mga anak natin ang lakas ko at dahilan ko kaya patuloy akong nagsisikap. Para sa inyo ito.” Naiiyak na sabi ko sa kanya.“You’re the best wife and mother ever. How to be you, Boba?” pabiro na tanong niya sa akin.“Iba po kasi ang alagang Jayson Rodriguez.
CHE-CHE’S POV“Nay! Alis na po ako!” sigaw ko sa aking ina dahil nagmamadali na ako papunta sa palengke. “Sige anak, mag-iingat ka!” sigaw niya buhat sa aming kusina.“Opo, uuwi rin po ako kaagad!” Mabigat ang dala kong timba na may lamang tilapia. Nagtitinda kasi ako sa palengke tatlong beses sa isang linggo. Ako ang panganay sa pamilya namin kaya ako talaga ang inaasahan nila inay. Dalawa ang trabaho ko, minsan ay taga-linis ako sa mga condo ng mayayaman kasama ko ang kaibigan ko na si Joy.Masaya siyang kasama dahil bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya. Madalas ginagamit ko rin siya, panghugas ng plato hindi kasi maganda na gamitin ang bareta may naiiwan pa kaya magastos sa tubig. Kaya nagswitch ako sa joy isang patak 'sang katutak kasi 'sang katutak rin ang mga hugasan. Joy ang gamit ko pero 'di ako enjoy. Dahil sa mga naiisip ko ay hindi ko napansin ang paparating na sasakyan."Ayyy! Ang mga tilapia ko!" Pasigaw na bulalas ko dahil natapon sa daan ang mga isda na dala. Hi
CHE-CHE'S POV"Maiba tayo, buti binili pa ang mga tilapia?" Tanong niya sa akin."Oo binili pa rin ni Madam Deday." Sagot ko sa kanya."Madam Deday?" Parang hindi naniniwala na tanong niya sa akin."Si Madam Deday nga, alam mo ang kulit mo rin talaga.""Ang swerte mo naman," aniya sa akin."Kilala mo ba siya?" Tanong ko sa kanya."Oo naman sila ang may-ari ng malaking bahay doon sa bungad ng subdivision. Minsan na akong nakapasok sa bahay nila nang isinama ako ni inay." Sagot niya sa akin."Kanila pala 'yon. Kung nakita mo lang siya kanina ay napakasimple lang niya manamit. Kung hindi siya naka kotse ay hindi mo akalain na mayaman siya." Sabi ko kay Joy. "Ang alam ko, dating maid si Madam ng isang propesor na naging asawa niya." "Talaga! Ang swerte pala niya sa buhay." Namamangha na sabi ko."Sinabi mo pa, lahi sila ng magaganda at gwapo. Pag nakita mo siguro mga anak niya kahit na masikip ang garter ng panty mo baka bigla masira at malaglag." Humahagikgik na parang kiti-kiti na saa
CHE-CHE'S POV“Besh, salamat sa pagtulong sa akin na ilako ang mga pechay ko.” Pasasalamat sa akin ni Joy.“No, problem Joy. Your paninda is also may paninda.”Sagot ko sa kanya.“Gumagaling na talaga ang englishing mo besh.” aniya sa akin. “Diba bilib ka na naman sa 'kin? Steystey ka lang sa tabi ko dahil marami ako baon na mga wordi dito. Whenever you're in trouble just yell for help.” Sagot ko sa kanya.“Besh, diba words 'yon?” Tanong pa niya sa akin.“Kita mo 'to kinukorek pa 'ko, wala ka bang tiwala sa 'kin. Kumain nga muna tayo ng mami, doon sa mamihan ni Lome.” “Alam mo ba besh—”“Diko pa alam,” pabiro na putol ko sa sasabihin niya.“Yan ka na naman,” nagtatampo na sabi niya sa akin.“Ikaw talaga, nagbibiro lang naman ako,” sabi ko sa kanya at inakbayan ko siya.“Nagtataka lang kasi ako, doon sa may mamihan. Kasi ang pangalan MANG LOME pero mami at pares ang binebenta nila.” Sabi niya sa akin. Napaisip rin tuloy ako sa sinasabi niya.“Oo nga noh, bakit kaya? Pero alam mo baka
CHE-CHE’S POV“Besh! Tikman mo na nga ito!” Sigaw ko kay Joy galing dito sa kusina.“Luto na, besh?!” Tanong niya sa akin.“Hindi pa besh, hilaw itong titikman mo.” pabiro na sabi ko sa kanya.“Mukhang masarap, amoy pa lang ulam na.” Sabi niya sa akin.“Ulam naman talaga ‘yan, besh.” “Besh, huhuhu!” umiiyak na tawag niya sa akin.“Bakit ka umiiyak? Nagbibiro lang ako, tahan kana.” sabi ko sa kanya.“Hindi naman ako umiiyak dahil sa sinabi mo.” Sagot niya sa akin.“Eh, saan ka naiyak?” Tanong ko sa kanya.“Sa niluto mo, huhuhu!”“O, bakit ka naman umiyak lalo?” Tanong ko sa kanya.“Kasi….”“Kasi ano?” Tanong ko sa kanya kasi pinutol pa niya ang sasabihin niya.“Kasi sobrang sarap,” sagot niya sa akin na ikinatulala ko. Ang buong akala ko talaga ay kung ano na ang nangyari sa kanya pero ‘yun lang pala. Nasarapan lang pala siya.“Kinabahan ako sa ‘yo, next time ‘wag ka naman umiyak na para bang may nangyari sa ‘yo.” Sabi ko sa kanya.“Okay besh, pahingi ako nito ha. Ipapatikim ko rin sa
CHE-CHE’S POV“Beshy! Gising kana ba?!” naririnig kong sigaw ni Joy mula sa labas ng bahay.“Yes, beshy. Ready ka rin na ba?” Tanong ko rin sa kanya.“Hindi nga ako makatulog dahil excited akong pumunta doon sa Academy.” “Ako rin eh,” sagot ko sa kanya.“Let’s…..go!” Masayang sabi niya sa akin.Naglakad lang kami papunta sa Academy dahil wala kaming extrang pera para sa pamasahe. Ngayon kasi kami mag-apply at talagang inagahan namin ang pagpunta. Pagdating namin ay talagang namangha ako sa laki ang ganda ng school nila. Dati tuwing napapadaan ako dito ay pangarap ko na makapasok dito pero may mga bagay na mas mahalaga kaysa sa sarili ko. Kaya hanggang tingin lang muna ako sa ngayon.Pumasok kami at nagtanong sa guard kung saan ang canteen nila. Nang ituro niya sa amin ay kaagad kaming pumunta. Pagdating namin ay wala pa gaanong mga tao. May mga itinanong lang sa amin at sinagot naman namin ng maayos ni Joy. Hindi ko rin nagawang magbiro dahil seryoso na ako ngayon.“Tanggap na kayo,”
CHE-CHE'S POV“Lumayo ka nga sa akin?!” Naiinis na sabi ko sa kanya at itinulak ko siya palayo sa akin. Kinakabahan kasi ako sa mga sinasabi niya na ibang paraan. Hindi ko maiwasan na hindi mag-overthinker dahil sa mga sinasabi. niya.“Ang arte mo akala mo type kita.” Supladong sabi niya kaya kaagad na kumulo ang dugo ko sa kanya.“Bakit tingin mo ba type rin kita?! Hindi ka naman ganun ka-gwapo kaya ‘wag kang feeler d’yan!” Naiinis na sabi ko rin sa kanya.“Bayaran mo ako, kung sa tingin mo makakatakas ka sa akin ay nagkakamali ka. Kahit saan ka pa magtago mahahanap pa rin kita.”“Magbabayad ako basta maghintay ka lang dahil ikaw lang naman ang babayaran ko. Hindi ko kaya ang two gives na sinasabi mo. Twenty gives ang kaya ko. TWENTY GIVES,” diniinan ko pa talaga ang twenty give na sabi ko sa kanya.“Wala akong pakialam kung saan ka kukuha ng pera basta bayaran mo ako. At hindi twenty gives kundi TWO GIVES. Dahil kung hindi ipapakulong kita.” Pinagbabantaan pa ako.“Alam mo fvcking bo
CHE-CHE’S POV Ang ganda ng ngiti ko habang papalapit sa kotse. Panay din ang yuko ko para maghanap ng pwede kong gamitin para butasin ang gulong. Lalong lumawak ang ngiti ko ng may makita akong may kalawang na pako. Kaagad ko itong dinampot.“Butas ka sa akin ngayo—”“Miss, anong ginagawa mo dito?” Tanong sa akin nang guard.“Hello kuya. Nahulog kasi ang singsing ko. Hinahanap ko lang,” palusot na sagot ko sa kanya.“Tulungan na kita.”“Naku! Nakita ko na, sige alis na po ako.” Paalam ko sa kanya.Mabilis akong naglakad palayo kay kuyang guard. Mabuti na lang hindi ko pa nabubutas ang gulong dahil kapag ako nahuli baka ipakulong ako ng may-ari. Mukha pa namang mamahalin ang kotse niya. Pero kahit na mamahalin pa ay kailangan kong makaganti sa kanya."Sayang, pero may next time pa naman." Saad ko sa sarili at umuwi na ako sa bahay namin."Nandito na po ako!" Sigaw ko pagpasok ko sa bahay namin."Mabuti naman at nandito kana anak, sakto ang dating mo kumain na tayo." Masigla na sabi sa