Share

4.

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2024-02-29 11:42:17

READ AT YOUR OWN RISK!!!

ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!

Dark romance🖤

(This story is TRAPPED SERIES#4)

RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️

[Yuri]

Napailing nalang siya habang napapailing. Paranoid na naman siya. Simula nang umattend siya sa kasal ni Pamela ay ganito na palagi ang pakiramdam niya.

Hindi kaya dahil umuulan nang pogi no'ng time na 'yon?

Sinaid niya ang laman nang hawak niyang baso. Hindi siya nakontento at nagtawag pa nang waiter, this time ay hard ang pinili niyang inumin at saka uminom nang uminom.

"Ang tahimik mo d'yan, ah." Umupo si Nikka sa tabi niya na kararating lang. Bahagya pa siya nitong binangga sa balikat. "Do'n tayo sa grupo nila Ken. Tara, let's enjoy the night."

"Ikaw nalang, dito nalang muna ako." Nagtaas siya nang kamay at humingi nang panibagong alak sa nagsisilbing waiter sa event.

"Ano ba ang senisenti-senti mo d'yan?" Umakbay si Nikka sa kanya. "Si Virvin na naman ba?"

Ininom muna niya ang laman ng basong hawak bago humarap sa kaibigan na nakangiwi pa. "Maganda naman ako, di'ba, Nikka?"

"Tinatanong pa ba 'yan?! Syempre oo, maganda ka!" Agad na pakli ni Nikka. "Bulag lang ang hindi nakakakita no'n."

Bumuga siya nang hangin at malungkot na tumingin sa kawalan. "Maganda? Sampong taon ko na siyang gusto, pero hanggang ngayon hindi parin niya ako pinapansin. Ano ba ang kulang sa akin?"

"Yuri..." May awa sa mukha na tumingin sa kanya si Nikka.

"A-Ang tagal ko nang naghihintay sa kanya... U-Umaasa na isang araw bigla nalang niya akong papansin at mamahalin. Pero hanggang ngayon wala pa rin nagbabago... ako lang ang nagmamahal sa aming dalawa."

Humawak sa baba si Nikka. "Hindi kaya dahil sa kalagayan mo kaya hindi ka niya magustuhan?"

Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan.

"Ulila ka, walang pamilya... hindi kaya 'yon ang pumipigil sa kanya na magustuhan ka?" Humawak ito sa balikat niya. "Don't get me wrong, Yuri, huh. Pero hindi ba't isa 'yon sa mga tinitingnan ng mga lalaki, or babae sa pinipinili nilang karelasyon."

Dumaan ang lungkot sa mukha ni Nikka.

"Isa kasi 'yon sa dahilan kaya hindi ako kayang mahalin ng lalaking mahal ko... H-Hindi daw ako pang girlfriend material. W-Wala na nga akong pamilya, wala akong maipagmamalaki, wala pa daw akong pakinabang."

"N-Nikka." Kahit ilang beses na niya itong narinig sa kaibigan ay naaawa pa rin siya rito hanggang ngayon.

Bakit kasi may gano'ng klase ng tao? Ano naman kung ulila sila at walang pamilya? Hindi naman nila ginusto 'yon.

"Kung ako sayo, hanapin mo ang kuya mo. Di'ba sabi mo sa tingin mo ay may kapatid ka pa?" Tumango siya rito. "Find him, Yuri. Hindi ka pa ulilang lubos kagaya ko... Pwede pa kayong mabuo... mas magiging masaya ka kung hindi lang si Virvin ang makukuha mo. Di'ba mas masaya kung may pamilya ka pa at mabuo kayo."

Hindi nalang siya kumibo. Hindi rin naman siya sigurado kung may kapatid pa nga ba talaga siya.

Pagkaalis ni Nikka ay muli siyang uminom ng alak. Nakarinig siya ng komusyon pero isinawalang bahala nalang niya 'yon.

Ilang beses siyang kumurap nang mahagip ng tingin niya ang isang lalaking nakatayo sa dulo. Pamilyar ang tindig nito sa kanya.

Ilang beses siyang kumurap— Teka, bakit parang nakatingin ito sa kanya? Napaawang ang labi niya.

Ito ang lalaki sa bar!

Teka, ano nga ulit ang pangalan nito? Rod?

Napalunok siya. Hindi niya maipaliwang kung bakit biglaan ang paggapang ng takot sa buo niyang katawan dahil sa titig nitong kay lalim, at kay dilim.

Nagmamadali siyang tumayo. Napadaíng siya nang mahulog ang basong hawak niya at mabasag kaya masugatan siya sa kamay.

"Bwísit naman kasi, oh!" Ano ba kasi ang problema nang lalaking 'yon?! Hindi ba nito alam na hindi dapat tumitingin ng gano'n sa ibang tao?

Hindi niya tuloy matukoy kung nagagandahan ba ito sa kanya, o naghahanap ito ng away.

Away? Napangiwi siya sa naisip. As if naman mananalo siya sa suntukan rito. Baka isang suntok lang sa kanya ay tumalsik na siya sa ibang planeta.

Saka bakit pakiramdam niya ay may galit ang tingin nito.

"Ano ba 'tong pinag iisip ko." Natatawang saad niya.

Imposible naman 'yon. Wala naman siyang ginawang masama dito. Ganda at kabaitan lang naman ang mayro'n siya at wala nang iba.

Napahagikhik siya sa naisip niya. Nagsisimula nang umikot ang paningin niya— Mukhang may tama na siya.

"You're drunk. Let me drive you home."

Malagom ang boses at lalaking-lalaki ang dating. Ang sarap sa pandinig... Pero bakit nakakatakot ang dating?

Namumungay ang matang tumingin siya sa lalaking humapit sa bewang niya para alalayan siya.

"R-Rod—"

"It's Red, Yuri." Nakangiti ang lalaki sa kanya— Pero naro'n parin ang tingin nitong malalim at kakaiba. "Mahirap bang tandaan ang pangalan ko?"

Napalunok siya. Kanina lang ay nasa malayo ito— Paanong nasa harapan na niya ito ngayon?

"Tandaan mo ang pangalan ko, Yuri. Tandaan mo ang pangalan ng lalaking magpaparanas sa'yo ng impyerno."

Umiikot na ang paningin niya— Hindi na niya narinig ng malinaw ang sinabi nito. Ang tanging gusto nalang niya sa ngayon ay mahiga at matulog.

"Yuri!" Narinig niya ang boses ni Vera. "The hell! Lasing ka na agad nagsisimula palang akong mag enjoy!" Turan ng kanyang kaibigan na may halong reklamo.

"H-Hindi pa ako lash-lashing—hik."

"Anong hindi lasing, eh pulang-pula na nga 'yang mukha mo." Ani naman ni Nikka na kararating lang din. "Teka, nasaan si Pamela?"

"Take care of Yuri. Ako na ang maghahanap kay Pamela." Ani Vera kay Nikka.

"S-Sandali..." Pigil niya kay Nikka ng alalayan siya nito na dalhin sa guest room na ipapagamit sa kanila ng pinsan ni Vera. "N-Nasaan si..."

Rod? Bigla nalang itong nawala.

Pumikit siya at hindi na nagsalita pa.

Napabalikwas siya ng bangon. Sapo niya ang ulo na kumikirot pa.

"Ay yawa! Late na ako!" Nagmamadali siyang bumangon— Pero agad din siyang napaupo.

Hang over!

Gaano ba karami ang nainom niya kagabi at sobrang sama naman yata ng pakiramdam niya?

Ginising niya agad sina Vera at Nikka na mga katabi lang niyang natutulog.

"Ouch, my head," D***g ni Vera. Katulad ni Nikka ay magulo ang buhok nito na parang bruha.

Para silang tanġang tatlo na panay ang reklamo habang sakay ng taxi. Hindi kasi kayang magdrive ni Vera ngayon dahil masakit ang ulo at katawan nito.

Pare-pareho ba naman silang may hang over, e.

"Ako naghihintay lang na diligan ni Virvin." Heto na naman siya nangangarap na madiligan nito— Kahit na suntok sa buwan kung papansinin ba siya nito.

"Wag ka na umasa, Yuri. Mabubulok nalang 'yang pokilya mo, hindi ka papansinin no'n." Basag ni Nikka sa kanya.

"May chance ako, Nikka. Ikaw ang wag umasa na papansinin ng idol mo, suntok sa buwan na mapansin ka no'n." Ganti niya saka malakas na humalakhak. Lakas ng loob nito na sabihin na wag na siyang umasa, eh sa kanilang dalawa ay mas wala itong chance na mapansin ni Miguel.

"Kung dati wala akong chance, ngayon mayro'n na, di'ba, Pamela?" Nakangisi na tumingin si Nikka kay Pamela. "Nakita ko si Miguel ng kasal mo, Pamela. Sigurado ako kilala siya ng asawa mo."

Lumipat si Nikka nang upuan palapit kay Pamela— Na ngayon ay napapangiwi na habang nakatingin rito. Paano ay halos kuminang ang mukha ni Nikka at kulang nalang ay lumuhod pa.

"Ipakilala mo naman ako, please!" Dagdag ni Nikka.

Napapitik siya sa hangin nang may maalala. Tama! Kaya pala pamilyar sa kanya ang lalaki na na-encounter niya sa bar dahil nakita niya ito sa kasal ni Pamela.

Kaibigan ito ni Alaric Martin! Kaya pala pamilyar ito sa kanya— Natigil siya sa pag iisip nang makita ang lalaking nasa isip niya ngayon.

"Ano na naman ba ang ginagawa ng lalaking 'yon dito?" Nakasimangot na ngayon niya habang nakatingin rito.

Napalunok siya— Bakit pakiramdam niya ay siya ang hinahanap ng mata nito? O baka naman paranoid lang siya?

"Guys, pagnagtanong wag niyo ako ituturo, ha!" Nagmamadali siyang tumakbo palayo.

Ewan ba niya. Hindi naman siya sigurado kung siya ba talaga ng hinahanap nito— Pero ito ang sinasabi nang instinct niya.

Ang tumakbo at umiwas rito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hula ko si red yong sinasabi ng kuya mo nuon na papatayin sila oras na makita sila nito
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TRAPPED IN HIS WRATH   80. SPECIAL CHAPTER

    “You may kiss the bride!” Lahat ay pumalakpak matapos halikan ni Alaric ang asawa nitong si Pamela. Maliban kay Red na wala ang atensyon sa kinakasal, dahil ang mata nang binata ay nakatuon sa babaeng nakaagaw nang kanyang atensyon. Agad pansin ang morenang balat nang dalaga. Matangos ang maliit na ilong, bilugan ang mata na bumagay sa maliit nitong mukha. Walang pilat ang makinis nitong balat. Bawat galaw nang mapula at makipot nitong labi ay siya namang alon nang kanyang lalamunan. Is she good when it comes to kissing? Pinilig ni Red ang ulo. Bigla ang paggagalawan nang kanyang panga. Maisip pa lang nang binata na mayro’n nang nakauna sa kanya na maangkin ang labi nito ay tila nag iinit ang dugo niya. Sa reception. Napahawak ang binatang doktor sa labi nang makita kung paano kumibot ang mapulang labi nang dalaga habang kausap ang asawa nang groom. Namumula ang mata nang dalaga sa sobrang tuwa para kaibigan nito. “Masaya ako para sa’yo, Pamela.” Bati nang dalaga sa kaibigan.

  • TRAPPED IN HIS WRATH   79.

    [Yuri]Malakas na singhap ang kumawala sa labi niya nang magising siya. Agad na nilibot niya nang tingin ang paligid. Mukhang nasa hospital siya.Tumingin siya sa mainit na bagay na pumisil sa kamay niya. Si Red, nakatingin sa kanya habang hawak ang kamay niya. “R-Red…” Agad na nag unahan sa pagpatak ang luha niya. Hindi na niya napigilan ang pagbuhos ng emosyon sa kanyang dibdib.Sana panaginip lang ang lahat— Pero alam niyang totoo ang lahat nang nangyari. Wala na ang kaibigan niya, wala na si Nikka.“A-ang sakit, Red!” Sa tuwing maaalala niya ang pagbaril nito sa ulo ay nahihirapan siyang huminga sa sakit. Parang dinudurog ang dibdib niya.Akala niya handa na siyang mawala ito, o kalimutan ito bilang kaibigan niya, pero hindi pa rin pala. Sa kabila nang ginawa nito ay mayro’n pa rin itong puwang sa puso niya. Mahirap burahin ang pagkakaibigan nila dahil sa tagal nang pinagsamahan nilang dalawa.Hinayaan siya ni Red na umiyak sa bisig nito. Alam nito kung gaano siya nasasaktan ngay

  • TRAPPED IN HIS WRATH   78.

    [Yuri]Dumating si Red!Walang pagsidlan ang kaligayan sa puso niya dahil dumating ito para iligtas siya. Kahit delikado, dumating pa rin ito.Lumamlam ang mata ni Red nang magkasalubong sila ng tingin. Pero ang lamlam sa mga mata nito ay agaran na nawala nang makita ng binata ang dugo na umaagos sa leeg niya.Marahas na napalunok sina Virvin at Nikka nang makita kung paano dumilim ng sobra ang ekspresyon ni Red. Maging siya ay napalunok. Sumigid sa kanilang kalamnam ang nakakatakot na awra nito. Nakakatakot!Wala pa itong ginagawa subalit dama na nila ang bagsik nito.Ang tapang sa mukha ng dalawa kanina lang ay nawala. Ang kamay ni Virvin ay mas lalong nanginig dahilan para mas lalong dumiin ang patalim nito sa kanyang leeg.Dumating si Miguel, malaki ang ngisi nito. Samantalang si Tres at Jack ay hindi maipinta ang mukha. Nakasuot ng masikip na bestida ang dalawa, sa sobrang sikip ay punit na ang harapang bahagi ng bestida, nakasuot din ang dalawa ng wig na pula.Napapitlag sina Vi

  • TRAPPED IN HIS WRATH   77.

    [Yuri]“Mamaya kayo sa amin, beybi gerls!” Pinigilan niya ang masuka ng mag-flying kiss pa ang dalawang lalaki sa kanina ni Jessie bago umalis.Kumuyom ang kamay niya ng marinig ang matinis na halakhak ni Nikka, animo’y tuwang-tuwa itong makita na tila asong ulvl ang mga kasama nito at nakahanda silang lantakan mamaya pagbalik ng dalawa.Nang pumuwesto sina Virvin at Nikka sa upuang nakaharap sa gawi nila ni Jessie ay pumikit siya agad at nagkuwanri na tulog. “Ohh, V-Virvin, ohhh lick me more!” Malakas na unġol ni Nikka.Mga walanghiya! Nagawa pang mag-sex kahit na narito sila ni Jessie. Hindi niya akalain na ganito ka-cheap si Nikka.‘Mamatay sana kayo sa sarap!’ “Babe, ano ang ginagawa mo?” Natigil si Nikka sa paghithit ng sigarilyo at kunot ang noo na bumaling kay Virvin. Katatapos lang magtalik ng dalawa. Ngumisi si Virvin matapos ilagay sa bag na dala nito ang laman na pera at alahas ng mga bag nila Tonyo at Manuel, ang parte ng dalawa.“Aalis na tayo habang wala sila! Hindi n

  • TRAPPED IN HIS WRATH   76.

    [Yuri] Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ni Jessie. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil may malay na ito. Mabuti na lang din at kinalagan siya nina Virvin kanina bago sila sumakay rito. Mas mapapdali nga naman kung nakakalakad siya ng maayos kesa ang magkatumba-tumba siya dahil sa pagkakatali sa kanyang kamay at paa. “J-Jessie,” Niyakap niya ito. Para itong lantang gulay ngayon. Halata na nanghihina ito dahil sa mga sugat na natamo. Kapag tumagal pa sila at hindi nakatakas ay baka maubusan na ito ng dugo. Agad na pinilig niya ang ulo ng sumagi sa isip niya ang pwedeng mangyari rito. Kung mag iisip siya ng gano’n ay lalo lang siyang paghihinaan ng loob. Naalala niya ang kuya niya. Kamusta kaya ito? Paano kung hindi ito masaklolohan at madala agad sa hospital? “Y-Yuri, I-I’m sorry. H-hindi ko pala kaya naging pabigat pa ako sa inyo ni Red. I-imbis na makatulong ay n-naging pasanin lang ako.” Nanghihina at lumuluha na usal ni Jessie. Kada bitaw nito ng salita ay napapang

  • TRAPPED IN HIS WRATH   75.

    [Yuri]Naalala niya ang malabong panaginip na madalas na dumalaw sa kanya noon. Hindi pala isang panaginip ang eksenang iyon… kundi totoo!“N-napakasama niyo, Virvin! Napakasama niyong magkapatid!” Hindi lang ang magulang niya ang pinatay ng mga ito. Maging ang kuya Dino niya, ang magulang at ang kapatid ni Red!Hindi lang ang pamilya niya ang biktima, maging ang pamilya ni Red.Lalo na si Red!Lahat ng sisi ay ibinuhos niya sa binata, pati ang kuya niya ay si Red din ang sinisi sa pagkamatay ng kakambal nito, pero wala pala itong kasalanan!“K-kuya!” Napahiyaw siya ng biglang barilin pa ito ni Virvin sa dibdib. “K-kuya! Walanghiya ka! N-napakasama mo talaga!” Sinugod niya ito, pero dahil nakatali ang paa at kamay niya ay wala siyang nagawa. Natumba pa siya kaya tumama ang mukha niya sa malamig na sahig. Sakto na bumagsak siya paharap sa kinaroroonan ng kapatid. Binalot ng pag aalala ang dibdib niya ng makita kung paano umagos ang masaganang dugo sa katawan ng kapatid niya. “K-k-kuy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status