READ AT YOUR OWN RISK!!!
ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!Dark romance🖤 (This story is TRAPPED SERIES#4)RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️[Yuri]Pinigilan niya ang mapangiwi habang suot ang tube green cocktail dress na pilit na pinasuot sa kanya ni Vera. Hindi umabot sa kalahati nang kanyang hita ang suot niya. Pakiramdam tuloy niya ay pasok na pasok ang hangin hanggang sa singit niya."Yawa, ang pait!" Nalukot ang mukha niya ng husto sa pait nang alak na tinungga niya.Nagtawanan ang mga kaibigan niya nang marinig ang reklamo niya.Hindi ito ang unang beses na sumama siya kina Vera at Nikka sa ganitong lugar. Pero hindi naman siya mahilig uminom. Sumasama lang naman siya sa mga ito para hindi siya mabagot at para mabawasan na rin ang lungkot.Nilibot niya nang tingin ang paligid— Pinasingkit niya ang mata at pilit na inaninag ang mga tao sa paligi.Paranoid lang ba siya— O tama ang pakiramdam niya na mayro'ng nakamasid sa kanya?Pinilig niya ang ulo. Mukhang may tama na agad siya. Kung ano-ano na kasi ang naiisip niya."Hi, there girls!"Silang apat na magkaibigan ay napatingin sa lalaki. Sabay pang nagsipag— Ohh' ang mga kaibigan niya maliban sa kanya.Napalunok siya nang magtama ang mata nila. Sa hindi malamang dahilan ay panandaliang huminto sa pagtibok ang dibdib niya.Takbo— Bakit tila iyon ang gustong sabihin nang kanyang utak?Iniwas niya ang tingin sa lalaki. Nakangiti ito sa kanila, o mas tamang sabihin na sa kanya?Mahina niyang tinapik ang pisngi. 'Feeling super ganda lang, Yuri?' Kastigo ng utak niya."Hey. I'm Red.""Yuri." Tipid na sagot niya.Tinanggap niya ang palad ng lalaki na nakalahad, pero agad din niyang binawi ang kamay. Gumapang kasi ang kakaibang kuryente sa katawan niya nang dumikit ang mainit nitong balat sa kanya.Nang muli siyang tumingin rito ay nakita niyang nakangiti ito habang nakakikipag usap sa kanya— Pero bakit pakiramdam niya ay peke ang ngiti nito?Paglingon niya kina Vera ay napangiwi siya. Anak ng tokwa! Wala na ang mga kaibigan niya at iniwan na siya. Nakita niya ang tatlo na halos magwala na sa dance floor, lalong-lalo na si Pamela. Parang nakawala sa hawla.Nanigas ang katawan niya nang walang paalam na tumabi sa kanya ang lalaki. Teka, ano nga ulit ang pangalan nito? Rod?Umusod siya palayo mula rito. Naiilang siya sa pagkakadikit ng balat nila— Aba't!Umusod na nga siya palayo, dumikit uli ito!"Ahm, excuse me, Rod." Ininguso niya ang upuan. "May space pa, oh. Hindi mo kailangan dumikit ng husto sa 'kin." Mga lalaki nga naman. Hangga't may paraan ay gagawa ng hakbang para makapanglandi—"Well, I want to feel your warm body. Is that bad?" May mapaglaro na ngisi sa labi na wika nito.Pilit na ngumiti siya, kahit ang totoo ay naaalibadbaran siya sa sinabi nito.Kahit patay-sindi ang mga ilaw ay hindi hadlang 'yon para masilayan niya ang mukha nito.He's handsome like a greek god. Matangkad ito. Sa palagay niya ay nasa six' two ang taas nito. Makapal ang kilay na bagay na bagay sa maganda nitong mata, hindi nga lang niya sigurado kung itim ba, o brown ang kulay nito dahil madilim.Pero isa ang sigurado siya— Ang lalim nito tumingin, na para bang may ang dami nitong itinatago... Napaka-misteryoso nang dating...Bagay na bagay ang makapal nitong kilay at matangos na ilong sa prominente nitong panga. Maamo kung titingnan ang mukha nito— Pero nagsusumigaw ang kakaibang awra nito... Na para bang hindi ito ang totoong pinapakita nito ngayon.Sandali.Bakit pamilyar ito sa kanya? Parang nakita na niya ito.Tumayo siya ng hahawakan sana siya nito sa balikat. "A-Ah, sige, Rod, ha. M-Maiwan nakita... Tinatawag na kasi ako ng mga kaibigan ko!" Pagdadahilan niya at mabilis itong iniwan.Nawala ang tama niya dahil dito.Habang papalayo siya ay ramdam niya ang nakasunod nitong tingin. Pagdating niya sa restroom ay bumuga siya nang hangin.Isa 'to sa dahilan kung bakit hindi niya magawang magpakalasing sa mga bar. Nakakatakot dahil baka mamaya ay magising nalang siya na may katabi nang lalaki sa kama.Ang dami pa naman lalaki na mapagsamantala— Katulad nang lalaki kanina. Akala yata nito ay makakaisa ito sa kanya.Inilabas niya ang cellphone sa bulsa. Napangiti siya habang nakatingin sa stolen shot photo ni Virvin na ginawa niyang wallpaper ng cellphone niya."Kung pinapansin mo sana ako, eh di masaya!" Kausap niya rito. Hinalikan pa niya ang screen habang kilig na kilig. "Ayy kabayo!"Halos mapalundag siya sa gulat nang pagdilat niya ay nakatayo na sa likuran niya si Nikka. Umiiling-iling pa ito habang nakatingin sa kanya na tila nababaliw na siya."Hoy, Yuri. Tigilan mo ang pagpapantasya kay Virvin dahil hindi ka niyan mamahalin." Pinagkrus nito ang braso sa dibdib. "Aba, ang tagal mo nang nangangarap pero ni katiting na pag asa wala naman!"Sinamaan niya ito nang tingin. "Pakialam mo ba? Ikaw nga nakita kitang patay na patay kay Miguel, eh. May narinig ka ba sa' kin?"Umilap ang mata nito. "Ako? Kay Miguel? Idol ko lang 'yon, noh."Idol lang daw."Idol mo mukha mo!" Pangbabara niya rito.'Virvin, naman kasi. Kailan mo ba ako papansinin?' Naitanong nalang niya sa isip niya.*******Panay ang asar ni Nikka kay Pamela tungkol sa flat nitong dibdib. Napailing nalang siya dahil gigil na gigil ang kaibigan nilang si Pamela sa pang aasar rito, mas lalo din itong naaasar kapag napapatingin sa mga kababaihan na mayro'n naglalakihang dibdib. Ito kasi ang pinaka-flat ang dibdib sa kanilang apat.Inayos niya ang suot na palda na napaikli. Pare-pareho sila nang suot, magkakaiba lang nang kulay. Ang pag itaas naman nila ay tube lang at hindi umabot sa pusod nila ang haba kaya ang flat nilang mga tiyan.Narito sila ngayon sa birthday party ng pinsan ni Vera. Lahat ay nagkakasiyahan at kanya-kanyang trip.Tipikal na party ng mayayaman— Sagana sa drinks at sa mga foods.Madalas silang nasa party magkakaibigan maliban kay Pamela noon— Dahil kay Vera na binansagan na 'Party Queen. Paano kung nasaan ang party ay palagi itong naro'n. Kahit nga yata hindi mo ito i-invited ay pupunta ito sa party mo. Gano'n kasugapa si Vera sa mga parties. Ewan ba niya sa kaibigan niyang 'to kung bakit parang uhaw na uhaw ito sa ganitong klase ng event.Nakita nalang niya si Vera na gumigiling na habang napapalibutan ng mga kalalakihan at kababaihan. Si Nikka at Pamela ay bigla nalang nawala.Nagkahiwa-hiwalay na naman sila.Umupo siya sa gilid ng pool at nilubog ang paa rito habang may hawak ng cocktail drinks sa isang kamay.Humawak siya sa batok— Heto na naman ang pakiramdam niya na mayro'ng mga matang nakamasid sa kanya. Dama niya ang kakaibang pakiramdam at kilabot na gumagapang sa katawan niya.'Hindi kaya may stalker ang kagandahan niya?“You may kiss the bride!” Lahat ay pumalakpak matapos halikan ni Alaric ang asawa nitong si Pamela. Maliban kay Red na wala ang atensyon sa kinakasal, dahil ang mata nang binata ay nakatuon sa babaeng nakaagaw nang kanyang atensyon. Agad pansin ang morenang balat nang dalaga. Matangos ang maliit na ilong, bilugan ang mata na bumagay sa maliit nitong mukha. Walang pilat ang makinis nitong balat. Bawat galaw nang mapula at makipot nitong labi ay siya namang alon nang kanyang lalamunan. Is she good when it comes to kissing? Pinilig ni Red ang ulo. Bigla ang paggagalawan nang kanyang panga. Maisip pa lang nang binata na mayro’n nang nakauna sa kanya na maangkin ang labi nito ay tila nag iinit ang dugo niya. Sa reception. Napahawak ang binatang doktor sa labi nang makita kung paano kumibot ang mapulang labi nang dalaga habang kausap ang asawa nang groom. Namumula ang mata nang dalaga sa sobrang tuwa para kaibigan nito. “Masaya ako para sa’yo, Pamela.” Bati nang dalaga sa kaibigan.
[Yuri]Malakas na singhap ang kumawala sa labi niya nang magising siya. Agad na nilibot niya nang tingin ang paligid. Mukhang nasa hospital siya.Tumingin siya sa mainit na bagay na pumisil sa kamay niya. Si Red, nakatingin sa kanya habang hawak ang kamay niya. “R-Red…” Agad na nag unahan sa pagpatak ang luha niya. Hindi na niya napigilan ang pagbuhos ng emosyon sa kanyang dibdib.Sana panaginip lang ang lahat— Pero alam niyang totoo ang lahat nang nangyari. Wala na ang kaibigan niya, wala na si Nikka.“A-ang sakit, Red!” Sa tuwing maaalala niya ang pagbaril nito sa ulo ay nahihirapan siyang huminga sa sakit. Parang dinudurog ang dibdib niya.Akala niya handa na siyang mawala ito, o kalimutan ito bilang kaibigan niya, pero hindi pa rin pala. Sa kabila nang ginawa nito ay mayro’n pa rin itong puwang sa puso niya. Mahirap burahin ang pagkakaibigan nila dahil sa tagal nang pinagsamahan nilang dalawa.Hinayaan siya ni Red na umiyak sa bisig nito. Alam nito kung gaano siya nasasaktan ngay
[Yuri]Dumating si Red!Walang pagsidlan ang kaligayan sa puso niya dahil dumating ito para iligtas siya. Kahit delikado, dumating pa rin ito.Lumamlam ang mata ni Red nang magkasalubong sila ng tingin. Pero ang lamlam sa mga mata nito ay agaran na nawala nang makita ng binata ang dugo na umaagos sa leeg niya.Marahas na napalunok sina Virvin at Nikka nang makita kung paano dumilim ng sobra ang ekspresyon ni Red. Maging siya ay napalunok. Sumigid sa kanilang kalamnam ang nakakatakot na awra nito. Nakakatakot!Wala pa itong ginagawa subalit dama na nila ang bagsik nito.Ang tapang sa mukha ng dalawa kanina lang ay nawala. Ang kamay ni Virvin ay mas lalong nanginig dahilan para mas lalong dumiin ang patalim nito sa kanyang leeg.Dumating si Miguel, malaki ang ngisi nito. Samantalang si Tres at Jack ay hindi maipinta ang mukha. Nakasuot ng masikip na bestida ang dalawa, sa sobrang sikip ay punit na ang harapang bahagi ng bestida, nakasuot din ang dalawa ng wig na pula.Napapitlag sina Vi
[Yuri]“Mamaya kayo sa amin, beybi gerls!” Pinigilan niya ang masuka ng mag-flying kiss pa ang dalawang lalaki sa kanina ni Jessie bago umalis.Kumuyom ang kamay niya ng marinig ang matinis na halakhak ni Nikka, animo’y tuwang-tuwa itong makita na tila asong ulvl ang mga kasama nito at nakahanda silang lantakan mamaya pagbalik ng dalawa.Nang pumuwesto sina Virvin at Nikka sa upuang nakaharap sa gawi nila ni Jessie ay pumikit siya agad at nagkuwanri na tulog. “Ohh, V-Virvin, ohhh lick me more!” Malakas na unġol ni Nikka.Mga walanghiya! Nagawa pang mag-sex kahit na narito sila ni Jessie. Hindi niya akalain na ganito ka-cheap si Nikka.‘Mamatay sana kayo sa sarap!’ “Babe, ano ang ginagawa mo?” Natigil si Nikka sa paghithit ng sigarilyo at kunot ang noo na bumaling kay Virvin. Katatapos lang magtalik ng dalawa. Ngumisi si Virvin matapos ilagay sa bag na dala nito ang laman na pera at alahas ng mga bag nila Tonyo at Manuel, ang parte ng dalawa.“Aalis na tayo habang wala sila! Hindi n
[Yuri] Mahigpit na hinawakan niya ang kamay ni Jessie. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil may malay na ito. Mabuti na lang din at kinalagan siya nina Virvin kanina bago sila sumakay rito. Mas mapapdali nga naman kung nakakalakad siya ng maayos kesa ang magkatumba-tumba siya dahil sa pagkakatali sa kanyang kamay at paa. “J-Jessie,” Niyakap niya ito. Para itong lantang gulay ngayon. Halata na nanghihina ito dahil sa mga sugat na natamo. Kapag tumagal pa sila at hindi nakatakas ay baka maubusan na ito ng dugo. Agad na pinilig niya ang ulo ng sumagi sa isip niya ang pwedeng mangyari rito. Kung mag iisip siya ng gano’n ay lalo lang siyang paghihinaan ng loob. Naalala niya ang kuya niya. Kamusta kaya ito? Paano kung hindi ito masaklolohan at madala agad sa hospital? “Y-Yuri, I-I’m sorry. H-hindi ko pala kaya naging pabigat pa ako sa inyo ni Red. I-imbis na makatulong ay n-naging pasanin lang ako.” Nanghihina at lumuluha na usal ni Jessie. Kada bitaw nito ng salita ay napapang
[Yuri]Naalala niya ang malabong panaginip na madalas na dumalaw sa kanya noon. Hindi pala isang panaginip ang eksenang iyon… kundi totoo!“N-napakasama niyo, Virvin! Napakasama niyong magkapatid!” Hindi lang ang magulang niya ang pinatay ng mga ito. Maging ang kuya Dino niya, ang magulang at ang kapatid ni Red!Hindi lang ang pamilya niya ang biktima, maging ang pamilya ni Red.Lalo na si Red!Lahat ng sisi ay ibinuhos niya sa binata, pati ang kuya niya ay si Red din ang sinisi sa pagkamatay ng kakambal nito, pero wala pala itong kasalanan!“K-kuya!” Napahiyaw siya ng biglang barilin pa ito ni Virvin sa dibdib. “K-kuya! Walanghiya ka! N-napakasama mo talaga!” Sinugod niya ito, pero dahil nakatali ang paa at kamay niya ay wala siyang nagawa. Natumba pa siya kaya tumama ang mukha niya sa malamig na sahig. Sakto na bumagsak siya paharap sa kinaroroonan ng kapatid. Binalot ng pag aalala ang dibdib niya ng makita kung paano umagos ang masaganang dugo sa katawan ng kapatid niya. “K-k-kuy