Share

6.

[Yuri]

Para siyang baliw na tumatawa habang nakatingin sa bote ng gayuma na binili niya. Desperada na siya— Gagamitan niya ng ganito si Virvin. Gusto niya bago siya maka-graduate ngayon taon ay magnobyo na sila.

Tapos kasal na ang sunod!

"Tingnan ko nalang kung hindi mo ako mapansin." Natigil siya sa paghalakhak ng makarinig ng katok.

Tumingin siya sa relong nasa bisig— Alas onse na nang gabi. Siguradong si Aling Maryang ito. Baka mangungutang.

Sumilip muna siya sa maliit na butas ng pinto niya bago magbukas. Maganda na ang sigurado. Marami pa naman masasamang loob sa panahon ngayon.

Nanlaki ang mata niya nang makitang hindi ito si Aling Maryang, kundi si Red!

Yawa! Paano nito nalaman ang bahay niya? Saka bakit nandito ito? May kailangan ba 'to?

Sumandal siya sa pinto at hindi nagsalita. Tiis lang, siguradong aalis din naman ito— Napangiwi siya. Hindi lang ang katawan niya ang naalog sa lalong paglakas ng katok nito, maging ang utak niya.

Galit na binuksan niya ang pinto. "Ano ba?! Gabing-gabi na kaya bakit nandito ka? Saka tulog na ang mga tao kaya magpatulog ka naman!" Ang bastòs naman nito. Walang modo!

"Magbubukas ka rin pala. Pinatagal mo pa." Turan nito bago pumasok sa nang walang babala.

"Hoy, labas!" Hinila niya ang damit nito sa likuran para hilahin ito palabas pero hindi ito natinag.

Samantalang malakas siya kumpara sa normal na babae! Kaya nga niyang makipagsuntukan sa lalaki, e.

Nang umupo ito sa sofa niya ay nasakop nito ang espasyo nito dahil sa laki nito.

Ang kapal naman ng mukha nito! Feel at home lang!

Red tapped his lap. "Come."

"Ano?" Tama ba ang pagkaintindi niya? Pinapaupo siya nito sa hita nito?

Napaatras siya sa takot ng pumilig ang ulo ni Red. Parang nagdilim ang paligid nila dahil sa kakaibang awra na nagmumula rito. His hazel brown eyes are now looking at her intensely— looks like he could kill her right away if she disobey his command.

Umatras siya nang makita niya ang paggalawan ng panga nito— Tila hindi nito nagustuhan ang hindi niya pagsunod sa utos nito.

"Hindi mo ba ako narinig, Yuri?"

Natatakot may ay nilabanan niya ito nang tingin. "Narinig kita, Red. Pero bakit naman kita susundin?"

'Wag kang matakot, Yuri! Wala kang sinabing masama!' Aniya ng utak niya. Saka gagò ba 'to? Pauupin siya sa hita nito? Ano sila lovey-dovey? Couple gano'n?

Malakas na tumawa ito— Tawang para sa kanya ay parang tawa ng isang demonyó.

"Ano ang nakakatawa?" Nagsimulang umusbong ang inis sa dibdib niya. "Kakatok ka nang dis-oras nang gabi para mang istorbo ng tao, tapos uutusan mo na parang akala mo kung sino ka... tapos ngayon tatawa ka?" Kumuyom ang kamay niya. "Trip mo ba ako, ha?"

Akala niya ay makakalayo na siya rito sa pag iwas niya sa tuwing pupunta ito sa university nila— Pero hindi pala. Nagawa nitong malaman ang tinutuluyan niya at puntahan siya.

"Kung gusto mo 'ko, pasensya ka na ha... ngayon palang binabasted na kita!" Aniya sabay ekis ng dalawang braso sa harap nito. "May boyfriend na ako at buntis ako. Ikakasal na kami in two weeks." Dagdag kasinungalingan niya.

Eh, mukha malaki yata ang pagkakagusto nito sa kanya kaya ngayon palang dapat matauhan na ito at tigilan siya.

"Really, huh?" Amusement crept into Red's eyes while leaning in the sofa.

Teka, bakit parang hindi ito naniniwala sa sinasabi niya?

"How come 'a woman who has never had a boyfriend since birth gets pregnant by a man."

P-Paano nito nalaman na wala pa siyang naging nobyo?

"Stalker kita? Patay na patay ka sa 'kin kaya inalam mo ang lahat tungkol sa buhay ko?" Nahintatakutan siyang umatras nang tumayo ito at lumapit sa kanya.

Nahigit niya ang hininga nang tumama ang pader sa likuran niya. Wala na siyang maatrasan pa. Agad na nilagay ng binata ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng ulo niya nang magtangka siyang umalis sa pagkakasandal sa pader.

"Liar." Anito habang nakatingin nang walang emosyon ang mata sa kanya.

"H-Hindi ka naman bobò, di'ba? Kaya ako nagsinungaling sa'yo kasi gusto kong tigilan mo na ako. Wala akong gusto sa'yo... may mahal na akong iba kaya wala kang aasahan sa akin. Gabi na, mabuti pa umalis ka na at wag ka nang babalik rito ulit." Takot man ay nagawa niyang sabihin lahat ng 'yon rito.

Halos huminto ang dibdib niya sa pagtibok ng yumuko ito. Gumapang ang kilabot sa katawan niya nang madama ang pagtama ng mainit na hininga nito sa leeg at tenga niya.

"It doesn't matter to me if you like me or not. Feelings aren't needed while you're in hell." Makahulugan nitong turan. "Brace yourself, Yuri... One of these days you will be a kitten in my hell I have prepared for you."

Malakas niya itong itinulak palayo sa kanya. Nakahinga siya nang maluwag nang kusa itong lumayo.

Ngayon lang niya napansin— Pigil pala niya ang kanyang paghinga sa sobrang takot. Wala siyang kasalanan, hindi dapat siya matakot. Pero hindi niya magawa lalo pa't nakakatakot ang lalaking kaharap niya. Para itong isang demònyo!

"Kitten in your hell?" Ano ba ang pinagsasabi nito— Hindi kaya...

Yawa naman, oh! Sa dinami-dami nang makaka-interest sa kanya, adik pa!

Tinuro niya ang pinto.

"Umalis ka na, Red. Wag mo akong idamay sa trip mo. Maghanap ka nang babaeng kapareho mong... adik!" Sayang ang kagwapuhan nito. Nalulong sa pinagbabawal na gamot. Wala na ito sa katinuan.

Tumayo ito ng tuwid habang nakapamulsang nakatingin sa kanya. "Believe me, Yuri. You will be there soon."

Nang lumabas ito ay agad niyang isinara ang pinto. Dinouble lock pa niya dahil sa takot. Kaya pala nakakatakot itong tumingin dahil isa itong adik.

Bumuntong hininga siya at nanghihina na umupo sa sofa. Hindi mawala sa isip niya ang nakita niyang galit kanina sa mukha nang binata.

Iba talaga mag isip ang mga adik— Magulo at hindi maintindihan lalo na kapag walang k*****a. Katulad ng mga adik dito sa kanilang lugar.

Inalis niya sa isip si Red at kinuha ang maliit na bote sa bulsa. Mabuti pa ay isipin nalang niya ang plano niyang gagawin para makuha si Virvin.

SEENMORE

Shout out sa readers na nagbigay agad sa akin ng GEMS🔹 Thank you💙 Please support me with giving GEMS and RATE🥰 Kahit na slow update ang story ko sana patuloy kayong sumuporta. READ AT YOUR OWN RISK!!! ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!! Dark romance🖤 RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️

| Like
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Welcome po🫶 Nandito ka na po pala🥹🫶 Thank you po sa support 🫶🫶🫶
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Welcome po🫶🫶🫶 Dami niyo po pala nag aabang🥹🫶 Thank you po sa support 🫶🫶🫶
goodnovel comment avatar
Jenra Ocampo
super thank u miss a!!inaabangan ko talaga story ni red and finally meron na,kakikita ko lang ngaun,,tenkyu tenkyu...️...️.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status