TRAPPED IN HIS WRATH

TRAPPED IN HIS WRATH

last updateDernière mise à jour : 2024-04-27
Par:  SEENMOREComplété
Langue: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
16 Notes. 16 commentaires
80Chapitres
24.5KVues
Lire
Ajouter dans ma bibliothèque

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

READ AT YOUR OWN RISK!!! WARNING: MATURED CONTENT. YOU HAVE BEEN WARNED! (Red Gabrielle Story) Huminto saglit sa pagtibok ng puso ni Yuri ng magkasalubong ang kanilang mata ni Red- ang lalaking kay dilim at kay lalim tumingin. Takbo... iyon ang babala ng kanyang utak- ngunit paano siya makakawala sa mala-bakal nitong mga bisig gayong sa tuwing sinusubukan niyang lumayo ay ibinabalik siya nito sa bisig nito? TRAPPED SERIES#4. Trapped Series Titles ⬇️ 1.Trapped with him (Alaric) COMPLETED 2.The lonely billionaire and his maid. (Damon) COMPLETED 3. His intention (Zandro) COMPLETED 4.Trapped in his wrath (Red) COMPLETED 5.Broken hearts and promises (Miguel)ONGOING 6. The hidden wife tears (Nickolas) SOON 7. The billionaire's trick (Liam) SOON 8.His dangerous trap. (Tres) SOON 9.Forbidden desire (Jack) SOON 10.The billionaire's secret love (Wendell) SOON Genre: ROMANCE/DARK ROMANCE/STEAMY READ AT YOUR OWN RISK!!!!

Voir plus

Chapitre 1

1. TRAPPED SERIES#4

READ AT YOUR OWN RISK!!!

ANG STORY NA ITO AY SUPER SPG!!! KUNG MASELAN KA AY HUWAG MO NANG ITULOY ANG PAGBABASA!!!

Dark romance🖤

(This story is TRAPPED SERIES#4)

RED FLAG ANG MALE LEAD! Kung hindi mo gusto ang ganitong klase ng story ngayon palang ay tigilan mo na po ang pagbabasa. Pero may characters development naman ang ating bida. Patunay na kayang magbago ng isang tao kapag nagmahal♥️

************

“Nasaan na ang mga kuya mo? Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagbabayad sa akin ng renta. Aba'y dalawang buwan na kayong hindi nakakapagbayad! Sabihin mo sa mga kapatid mo na kung hindi nila maibibigay sa akin ngayon ang kabuohang bayad ninyo ay mas mabuti pa na lumayas na kayo! Nanggagalaiting wika ni Aling Perena habang nakapamewang na nakaharap sa anim na batang babae.

Musmos man, naiintindihan ng paslit ang mga sinasabi ng matandang kaharap. Sa hirap ng kanilang buhay, maagang nahubog ang kaniyang utak sa ganitong sitwasyon. Wala siyang pagpipilian kung hindi ang makisabay sa agos— gaya ng kanyang mga kapatid na lalaki.

"Sige po, Aling Perena. Sasabihin ko kina kuya ang bayad," sagot ni Yuri sa maliit na tinig. Pinipigil niya ang pag-iyak. Hindi siya naiiyak dahil sa bulyaw at sigaw nito, naiiyak siya dahil mahapdi na ang kanyang sikmura dahil sa gutom. Dalawang araw na mula ng magkalaman ang kanyang sikmura. Ayon sa mga kuya niya, babalik ang mga ito na mayro'ng dalang pagkain para sa kanya, subalit hanggang ngayon ay wala pa rin ang mga ito.

Umungot si Yuri nang makaramdam ng sakit ng tiyan. Hindi na niya kaya pa ang hapdi ng kanyang sikmura dahil sa gutom.

Natatakam at napapalunok siya habang nakatingin sa mga taong kumakain sa isang karinderya rito sa pinakadulong kanto ng kanilang lugar. Walang tigil ang pagkalam ng kanyang sikmura dahil sa gutom.

"Hindi ba siya ang anak ng mag-asawang Dessa at Yolando? Iyong mag-asawa na nagpakamatay isang taon na ang nakararaan?" Wika ng isang customer na kumakain sa karinderya.

Nagsimulang magbulong-bulungan ang mga tao sa paligid ni Yuri. Bakas ang awa sa mga mukha ng mga tao habang nakatingin sa paslit.

Nang marinig nito ang pangalan ng magulang, nagsimula itong humikbi. "N-Nanay, T-tatay!" Tawag ni Yuri sa magulang at nagsimula na itong umatungal ng iyak.

Ang alam lamang ng bata ay bumili ng pagkain ang kanyang magulang. Ito ang sinabi sa kanya ng kanyang dalawang nakatatandang kapatid. Subalit matagal na siyang naghihintay, hindi pa rin ito dumarating. Nasasabik at nangungulila na siya na makita ang mga ito.

Nakaramdam ng habag ang ilang mga kumakain kay Yuri. Bukod sa marumi ito at tadtad ng sugat ang maliit na katawan dahil sa kagat ng mga lamok, napakapayat rin nito na tila wala nang sustansiya sa katawan.

"Heto, kumain ka na muna." Inabutan siya ng matandang tindero ng karinderya. "Palagi kong sinasabi sa'yo na kung magugutom ka ay magpunta ka lamang rito para mabigyan kita ng pagkain. Tigilan mo na ang paghihintay sa talipapa dahil hindi na babalik sina Dessa at Yolando. Hindi ba sinabi 'yon ng mga kuya mo sa'yo?"

Hindi sumagot si Yuri. Natuon ang atensyon nito sa pagkain. Maski maiinit pa ito at magkapaso-paso ang kaniyang dila ay patuloy siya sa paglantak sa pagkaing hawak.

Napabuntong hininga na lang ang matanda habang awang-awa na nakatingin sa bata.

"Nasaan na ba ang dalawang kuya mo? Imbis na alagaan ka ay pinabayaan ka na simula nang mawala ang magulang ninyo. Huwag mong sabihin sa akin na sumama na naman sila kila Basilyo?" Pumalatak ang matandang tindero ng tumango si Yuri rito.

Umiling-iiling pa ito na tila hindi nagustuhan ang nalaman. "Matagal ko nang binalaan ang mga kuya mo na huwag sasama sa magkapatid na iyon pero ang titigas ng ulo nila. Simula ng mawala ang magulang ninyo ay siya namang pagbabago ng mga ugali nila, hindi na sila marunong makinig ngayon. Sayang at matatalino ang mga kapatid mo. Sana lang ay hindi sila malihis ng landas katulad nila Basilyo." Tukoy nito sa mga sikat na kawatan sa kanilang lugar.

Matapos magpasalamat ay umalis na si Yuri at nagtungo sa talipapa para hintayin ang magulang. Narinig na nito na wala na, o patay na ang kanilang magulang. Subalit hindi iyon matanggap ng kanyang murang isipan. Binura ng paslit ang imahe ng magulang na nakasabit sa kisame habang may lubid sa leeg. At itinatak sa kanyang isip na hindi pa patay ang mga ito— Na buhay ang kanyang magulang at babalik pa ang mga ito.

Alas onse nang gabi... Isa-isa nang nagsisialisan ang mga taong dumaraan, subalit nanatili si Yuri sa kanyang kinatatayuan. Sa gilid ng poste kung saan mayro'ng ilaw para magbigay liwanag sa daan ay naghihintay siya na baka sakali ay darating ang mama at papa niya.

"Yuri!"

"Kuya!" Ang kaninang malungkot na mukha ni Yuri ay nabahiran ng tuwa at pagkasabik ng makita ang nakatatanda niyang kapatid na si Dolan.

Nagpalinga-linga ang kinse anyos na si Dolan sa paligid habang buhat si Yuri. Pagdating sa kanilang bahay ay ibinaba ng binatilyo ang kapatid. Ang pagkain niyang dala ay inihanda niya upang kainin nito.

"Bilisan mong kumain, Yuri. Wala na tayong oras kailangan nating makaalis sa lalong madaling panahon." Mariing utos ni Dolan habang abala sa paglalagay ng mga damit sa isang bag.

Napatingin si Yuri sa bag na nakabukas. Puno ito ng pera— Agad na kinuha ito ng Kuya niya at agad na itinabi.

"Kuya, ang dami na nating pera... hindi na tayo magugutom." Tuwang-tuwang saad nito.

"Oo, Yuri. Hindi na tayo magugutom! Bilisan mo na dahil aalis na tayo." Muling utos ng binatilyo.

Nakangiting tumango si Yuri. Masaya ito dahil umuwi na ang kuya Dolan niya at marami pa silang pera. Habang abala siya sa pagkain ay abala naman ang kuya niya sa paghanda para sa kanilang pag alis.

"Kuya, nasaan si kuya Dino?" Tanong ni Yuri pagkalipas ng ilang sandali.

Natigil sa pag iimpake si Dolan. Nanginig ang katawan nito at mayamaya pa ay nagsimula na itong lumuha. "P-Patawad, Yuri... p-pero hindi na siya babalik pa." Lumapit si Dolan sa kapatid. "H-Hindi na siya babalik pa dahil wala na siya..." Dugtong nito sabay hagulhol.

Nang humawak si Dolan sa kamay ni Yuri, saka lamang napansin ni Yuri na mayro'ng bahid ng dugo ang kamay nito. Ang musmos na isipan ni Yuri at mukha ay puno ng pagtatanong sa kanyang kapatid. Gusto man paniwalaan ni Yuri ang kanyang sarili na babalik ang kuya Dino niya katulad ng magulang, ay hindi na niya nagawa... ibayong sakit na naman ang nararanasan ng kanyang murang isipan. Walang salitang namutawi sa kanyang labi kundi ang mahihinang paghikbi.

'K-Kuya Dino..." Panaghoy ni Yuri. Sumagi sa alaala niya ang nakangiting imahe nito sa kanya bago umalis.

'Pangako, ibibili ka namin ng masarap na pagkain!' Iyon ang sinabi nito sa kanya bago umalis.

Binalot ng awa, sakit, at galit ang puso ni Dolan habang nakatingin sa kanyang kapatid. Niyakap niya ito ng mahigpit. Pareho silang lumuluha at nagluluksa. "Gusto lang naman namin ni Dino na gumanti sa mga Gabrielle." Ramdam ni Dolan ang pagkirot ng kanyang dibdib ng banggitin ang pangalan ng kanyang kakambal. "P-Pero hindi namin akalain mangyayari 'to..."

Hinawakan ni Dolan ang nakababatang kapatid sa balikat. Puno ng lungkot ang mata nito. "Y-Yuri, patawad. Sa ngayon ay kailangan kitang iwan. Hindi makabubuti na sumama ka sa akin. Sa oras na mahuli niya ako ay tiyak na papatayin niya ako."

"Wag mo akong iiwan, kuya Dolan!" Yumakap ng mahigpit si Yuri rito at humahagulhol na nagmakaawa. "Please po, kuya, wag mo akong iiwan mag-isa. Natatakot akong mag-isa, kuya!" Ang maisip na mawawala pati ang kanyang kuya Dolan ay tila ikamamatay ni Yuri. Ang mga ito na lamang ang nagpapaalala at nagpaparamdam sa kanya na mayro'n pang nagmamahal sa kanya.

"G-Gusto mo bang mabuhay ako, Yuri?"

Natigilan si Yuri sa tanong ng kanyang nakatatandang kapatid. "K-Kuya, ayaw po kitang mamatay... please po wag mo ako iiwan..."

Pinahid ni Dolan ang luha sa pisngi ng kapatid. Ang makitang nagmamakaawa ito ngayon sa kanya upang huwag niyang iwan ay ikinadudurog ng puso niya. Kung may magagawa lamang sana siya.

"Yuri, alam mo naman na mahal na mahal ka namin di'ba? Mahal na mahal ka namin ni Dino kaya kahit gusto na naming sumunod kina mama at papa ay hindi namin magawa. Gusto ka namin alagaan at mahalin pa. Pero hindi namin kayang manahimik." Nagbara ang lalamunan niya. "H-hindi namin maatim na tayo ay nagdurusa samantalang ang kanilang pamilya ay masaya. "G-Gusto lang namin na gumanti... P-Pero b-bakit nangyari 'to..."

Hinampas ni Dolan ang dibdib at tila kinapos ng hininga dahil sa labis na pag-iyak. Kapag sumasagi sa kanyang isipan kung paano sinalo ng kakambal ang balang para sa kanya ay parang pinapatay siya sa labis na sakit.

'S-Si Yuri a-alagaan mo siya'

Iyon ang katagang sinabi ni Dino bago malagutan ng hininga.

"Mahal na mahal kita, Yuri, kaya kailangan ko itong gawin. Sa sandaling mahuli niya ako ay tiyak akong papatayin niya ako, at sigurado akong idadamay ka niya. Ang iwan ka ang tangi kong naiisip na paraan para maging ligtas ka."

"K-Kuya ko..." Lumuluha at puno na kalungkutan na panaghoy ni Yuri.

(May mga SCENE na hindi angkop sa mga banal na mambabasa! Huwag nang ituloy ang pagbasa kung ayaw sa mga baliw na lalaki)

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Latest chapter

Plus de chapitres

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Commentaires

user avatar
Shila Mae Galleon Culentas
saan na po ang iba ? lima pa lang nabasa ko ..may plano pa ba kayu e released yun? baka naghihintay lang ako sa wala miss a.. baka naman may hint jan kong kailan
2025-04-15 07:49:07
1
user avatar
Dianne Kharengiel Manuel Segobre
nice story po..
2025-02-11 23:46:37
1
user avatar
John Khuer Canonio
saan na po ang ibang kwento ng friends nila po,apat na kasi sa kanila ang nabasa ko at meron kayo..
2024-06-07 17:17:17
2
user avatar
SEENMORE
Sa mga gustong mabasa ang ibang TRAPPED SERIES ko. Hanapin ninyo ito sa profile ko. 1. TRAPPED WITH HIM 2. THE LONELY BILLIONAIRE AND HIS MAID 3. HIS INTENTION 4. TRAPPED IN HIS WRATH
2024-06-03 14:41:30
6
user avatar
SEENMORE
Maraming salamat po sa pagsubaybay ng story nila Red at Yuri🫶...️...️
2024-06-02 11:22:41
3
user avatar
SEENMORE
Maraming salamat po sa pagsubaybay sa Love storu nila Red at Yuri🫶...️
2024-05-31 01:47:21
1
user avatar
Astraia Spring
Dagdag mo ako sa suppornters mo mhiiieee (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)⁠...... Hello malabs, Red. ...‍♀️
2024-05-07 12:46:23
1
user avatar
Batino
hello po...️...️, support here...️
2024-04-17 23:50:42
1
user avatar
Anne
hi beh... support !!!!
2024-04-06 17:03:26
1
user avatar
Norielle
Author seenmore,,, nasaan na ang story ni marshall?
2024-03-30 03:53:13
1
user avatar
Ciejill
Highly recommended story....supporttt bebs🫶...️
2024-03-20 23:09:08
2
user avatar
Ruffa Mae Guirnaldo Mahinay
pa update nman po author ...
2024-03-18 21:01:49
2
user avatar
Ruffa Mae Guirnaldo Mahinay
sna tuloy2x.ang update naka abang aku nito,...
2024-03-17 10:14:00
2
user avatar
Ronna Staana
one of the best series ive read... ......
2024-03-09 10:10:19
2
user avatar
1ionhart
Highly Recommendeeeeed! Support, Seeniiii!
2024-03-08 14:04:22
1
  • 1
  • 2
80
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status