💔
[Yuri]Lumipas ang ihalos dalawang buwan. Ito na yata ang pinakamalungkot na mga araw niya. “Riri.” Hindi siya kumibo at nanatiling nakatagilid ng higa nakatalikod mula kay Jessie. Maski kapag bumibisita si Howard ay hindi siya lumalabas ng kwarto. Wala siyang makapang dahilan para humarap sa araw-araw na lumilipas. Daig pa niya ang namatay— Hindi ang katawan ang namatay subalit ang puso niya, oo. Maging ang bakasyon na binalak nila ay hindi na rin natuloy dahil sa kanya.“Riri, aalis ako. Makikipagkita ako ngayon kay Enrile. Saglit lang ako kaya babalik agad ako.” Rinig niya ang pagbuntonghininga nito. “Hindi naman pala kaya pero piniling bumitaw.” Pagpaparinig pa nito sa kanya. Kung sa ibang pagkakataon ay baka inirapan niya ito.Nakakatawa man pero tama din naman si Jessie. Siya itong bumitaw— Pero hindi naman pala niya kaya. Heto siya ay umiiyak, nagmumukmok, at daig pa ang namatayan. Kumunot ang noo niya nang marinig ang pagbukas ng pinto. Kaaalis lang ni Jessie kayak imposible
[Yuri]Ilang beses siyang nagpakawala ng buntong hininga bago pumasok sa restaurant. Nakangiting kumaway sa kanya si Howard nang makita siya.“Howard,” nakokonsenya na nagyuko siya ng ulo. Alam niya na masasaktan ito pero ito nalang ang paraan para malaman niya kung nasaan si Red. “hihingi sana ako ng tulong sa’yo para makausap si Jack Dawson.” Walang paligoy-ligoy niyang saad.Nabura ang ngiti sa labi ng binata, dumaan ang sakit sa mata nito ng magkaro’n ito nang hinala. Alam kasi ng binata na magkaibigan ang dalawa. “Tungkol ba ito kay Mr. Gabrielle?” Nang hindi siya sumagot ay napatungo ito ng ulo. “I knew it. H-hindi talaga tayo pwede.” May pait sa boses nito. Nang mag angat ito ng tingin ay may ngiti na ito sa labi— malungkot na ngiti. “I-I’m glad you asked for my help. P-pero, Yuri, sana naisip mo na masakit sa part ko na… na tulungan ka. Alam mo naman kung gaano kita kagusto, di’ba?” Tumango siya at yumuko. Mayamaya ay hindi na niya napigilan ang humagulhol. Halatang nagulat i
[Yuri]Kung dati ay takot siya para sa sarili niya. Ngayon ay natatakot siya para kay Red— natatakot siyang mawala ito sa kanya. “R-Red, please no! H-huwag mo akong iiwan!” Pilit na ginising niya ito subalit hindi ito dumidilat. Napansin niya na ang laki ang ibinagsak ng katawan nito, patubo na rin ang balbas at bigote nito, nangingitim din ang ilalim ng mata nito— na sigurado siya na siya ang may gawa.Humahangos na dumating sina Liam at Zandro. Mabuti nalang at hindi pa umaalis ang mga ito!Pinagtulungan ng dalawa na buhatin si Red, habang siya ay patuloy lang sa pagsunod sa dalawa habang umiiyak. Nang makasakay sila sa kotse ni Zandro ay agad nitong pinaharurot ang sasakyan para dalhin sa pinakamalapit na hospital ang kaibigan.Nang makita ng mga doktor kung sino ang nasa stretcher ay dali-daling nila itong inasikaso.“Damn that fvcker! Nasobrahan na siguro sa kakainom ng sleeping pills ang gagó.” “Tsk. That’s impossible.” Ani Zandro kay Liam. “He’s a doctor. So, he knew everythi
[Yuri]Bumuntong hininga siya habang nakatingin kina Nikka at Vera. Kagagaling lang nila ng bahay ni Pamela. Nag aalala kasi sila rito lalo pa’t muntik na itong makunan. Oo, buhay pala ang kaibigan nila at kasalukuyan itong buntis sa panganay nito at ni Alaric.Muli siyang bumuntong hininga.Napansin niya na kapag kaharap nila si Pamela ay maayos naman ang trato sa kanya ng dalawa pero kapag sila na lang ay malamig pa ang dalawa yelo. “Nikka, Vera, ano ba ang problema niyo? May nagawa ba akong mali at ganyan kayo sa akin?” Tanong niya.Ang totoo ay nasasaktan siya sa malamig na trato ng dalawa. Wala naman siyang natandaan na ginawa sa mga ito. Saka hindi siya sanay na ganito ang trato sa kanya.“Nagtatanong ka pa talaga?” “Vera.” Saway ni Nikka.“Bakit, Nikka? Dapat lang malaman niya ang nararamdaman natin bilang kaibigan niya.” May pagkairita na tiningnan siya ni Vera. “Ang tanġa mo rin, no? Niloko ka na nga ni Red, nakipagbalikan ka pa!”“Vera, tama—““Shut up!” Singhal ni Vera kay
[Yuri]“Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Riri?” Tanong ni Jessie habang tinutulungan siyang mag impake ng mga gamit. Tumango siya sa kaibigan. “Oo, Jessie. Gusto ko kasi na alagaan at makasama si Red.” Pagsasabi niya ng totoo.Napapansin niya kasi na mas lalong nababawasan ang timbang ni Red. May hinala siya na umiinom pa rin ito ng gamot para makatulog. Saka ito naman ang pinangako niya sa sarili niya nang maging maayos ang mga bagay-bagay sa pagitan nilang dalawa— na aalagaan niya ito simula ngayon.Nang tumingin siya kay Jessie ay napansin niya ang pagguhit ng kalungkutan sa mukha nito. Bumuntong hininga siya.Hindi niya ito masisisi. Siya rin naman ay nalulungkot dahil magkakahiwalay na silang dalawa.“Hindi pa nga ako umaalis pero mukhang miss mo na agad ako.” Biro niya para pagaanin ang mood nito. “Hayaan mo dadalaw naman ako rito kapag may libreng oras ako. Ako na lang ang tatanggap ng orders sa online business natin pagdating sa Maynila.”“Ako miss ka? Hindi kaya!” Ingos nit
[Yuri]Nagising siya ng hindi maramdaman si Red sa tabi niya. “Manang, si Red nasaan ho?” Pupungas-pungas pa na tanong niya.“Naku, ma’am, hindi ba nagpaalam sa inyo? Umalis siya nang makatanggap ng tawag sa telepono.” Sagot ng matanda.“Sige salamat ho.” Tiningnan niya ang wall clock. Alas dyis na pala nang umaga. Nakakainis naman! Hindi siya nagising para lutuan ito ng almusal bago umalis!“Manang, sa susunod pwede ba na pakigising ako ng alas sais? Para makapagluto ako ng almusal at masabayan sa pagkain si Red.” “Ma’am, gigisingin dapat kita ng alas sais dahil alam ko naman na gusto mong malutuan at makasabay si Sir sa pagkain. Pero ang sabi ni Sir ay masyado pang maaga para gisingin ka. Hayaan daw muna na matulog ka. Babalik naman daw siya ng maaga ngayong araw.”Kumunot ang noo niya. “Masyadong maaga? Bakit, anong oras ba siya umalis?” “Six thirty ho, ma’am.” Six thirty?! Napakaaga naman yata! Dalawang linggo na siyang narito. At sa loob ng dalawang linggo na ‘yon ay alas ot
[Yuri]Nakangalumbaba na nakatingin siya ngayon kay Red na abala sa pagbabasa ng mga files dito sa office nito. Hindi niya maiwasan ang matuwa dahil nakikita niya na tama ang pag aalaga niya rito. Hindi na nangangayayat ang mukha nito at hindi na rin ito namumutla.“Why are you looking at me, sweety? Gusto mo bang sa kwarto tayong dalawa magtitigan?” Binaba nito ang hawak na mga papeles at may pilyong ngiti sa labi na tumingin sa kanya.Magtitigan daw. Ang sinungaling naman. Baka kamo magtitikiman.Mahina itong natawa ng makita ang nakabusangot niyang mukha. “What’s that for?” “Nagtanong ka pa talaga, eh halos hindi mo na nga ako tinitigilan.” Lumakas ang tawa nito sa sinabi niya. Di’ba, tinatawanan lang siya. Palibhasa totoo kasi. Wala itong ginawa kundi ang kalabitin siya— na siyempre ay gustong-gusto naman niya. Natigilan siya ng biglang maalala ang mga kaibigan niya. Birthday ni Vera sa susunod na araw. Kahit na nagsabi na ito sa kanya na hindi siya gustong makita ay pupuntahan p
[Yuri]Mariin niya itong sinuri. Pamilyar ang hikaw na ito sa kanya. Hindi lang niya matiyak kung saan nga ba niya ito nakita noon.‘Hikaw lang ‘yan, Yuri. Kaya sigurado na maraming kapareho iyan ng design.’ Pakli ng utak niya.Pagkalabas niya ng gusali ay nagpahatid siya sa driver. Isa kasi ito sa bilin ni Red. Ang magpapahatid at magpapasundo siya sa tuwing aalis siya sa tabi nito para masiguro daw ng binata na ligtas siya.Nakapagtataka man dahil humigpit na naman ito sa kanya ay hinayaan na lang niya. Sanay na siya kay Red at walang kaso sa kanya ang ganito kaliit na bagay. Alam naman kasi niya na hindi lang nito gusto na mapahamak siya.“Manong sandali!” Agad na utos niya sa matanda ng makita ang pamilyar na babaeng naglalakad. Si Jessie!Pagkababa niya ng kotse ay hinanap ito ng kanyang mata subalit wala na ito. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kaibigan. “Jessie, dadalawin mo ba ako ngayon? Ano ang gusto mong lutuin ko sa’yo bukod sa sisig?” Ngiting-ngiti na tanong ni