Nagpaalam ako kay Sophie na hindi ako papasok ngayong araw para iproseso ng mabuti sa sarili ko ang mga kaganapan.
Sa loob ng anim na buwan, isa akong asawa ng isang bilyonaryo. Iyon pa lang ang siguradong alam ko. Hindi pa masiyadong malinaw sa akin kung ano nga ba ang papel ko sa lalaking 'yon. My room is so spacious. Napakaganda pa ng quality ng kama. Nang upuan ko iyon, para akong tumatalbog sa lambot. Panigurado ang sarap matulog dito. Una ko kaagad pinuntahan ang isang empty table. Doon ko inilagay ang aking laptop na kulay pink na may mga iba't ibang cute na sticker. Pagkalagay doon ay nagsimula ko ng ilagay ang aking mga kaunting damit sa kabinet. Masiyado nga iyong maraming espasyo kaysa sa mayroon ako. Pwede kaya ako bumili ng damit? Haist. Parang mahal na 'yong mga libro tsaka bookshelf? Nagugutom na ako kaya naman nagpunta ako sa kusina. Kaagad akong namangha sa double door refrigerator niya. Ito ba 'yong napupukpok? Sinubukan kong pukpukin at bwala! Biglang lumiwanag 'yong isang parte ng ref at nakita ko 'yong laman. "Amazing!" Napalakpak ako sa tuwa. Binuksan ko ang ref at nakita ang punong puno na stock ng pagkain. Hindi ko pa kilala 'yong ibang brands. Magluluto sana ako ng pritong itlog kaso hindi ko alam kung paano gamitin 'yong electric stove niya. Nakaka-bobo itong penthouse niya. Kape na lang kaya? Nakita ko na may coffee maker siya. Buti na lang, ito alam ko i-operate dahil mayroon sa bookstore. Iba-iba 'yong mga flavors doon. Finally, nakapag timpla rin ako ng kape. Umupo ako sa counter at doon ako saglit na namahinga. So....anong gagawin ko dito? May wifi kaya dito? Sh*t! Hindi ko naitanong 'yong wifi password— "Don't do things inappropriately in my house, woman" Muntikan ko ng mabitawan ang kapeng sinisimsiman ko sa gulat nang may biglang magsalita. "Hala. May mumu ba dito?" Nilinis ko ang mga tainga. Baka guni-guni ko lang 'yon. "Crazy" Napahawak ako sa dibdib nang may magsalita na naman. Nagpa-sign of the cross ako sa takot. "Shoo! Kung sino ka mang masamang kaluluwa, umalis ka!" Pananaboy ko. Sabi ng aking ina, epektib daw 'yon. "It's me, Hydeo. Baliw" he tsked. Ha? Hydeo? "Hindi mo ako malilinlang animal ka. Wala dito 'yong tuod na 'yon!" Ha! Matalino ako noh. Hindi ako basta basta malilinlang. 'Yong mga asawang, mahilig sila manlinlang. Parang si Satanas lang na nilinlang si Eba para kagatin 'yong mansanas. "Tss. Why I'm involve with an idiot and crazy woman like you? I'm watching you from my monitor. Idiot!" "Ha?" Doon lang ako nag-sink in sa akin na si Hydeo nga 'yon. I roam around to find where the voice is coming from. May nakita nga ako mga cctv sa loob. "Saan ka nagsasalita?" Tanong ko. "Ang high tech! Astig!" Puri ko pa. Pilit ko pa ring iniisip kung saan galing 'yong sound. "Doesn't matter. I want to remind you that my penthouse is high tech. I installed cctvs around the place except the rooms ofcourse. I could hear you and watch you even I'm not there so don't try to steal and do inappropriate things" "Huwag kang mag-alala. Motto ko ang honesty is the best policy. Wala akong gagawin dito at nanakawin sa'yo" pag-assure ko pa. "Good to know that" Napatango na lang ako. Tama lang ginawa niya. Pagkakatiwalaan niya ba ako mag-isa dito? "Anyway, kinailangan kong gamitin ang audio because I forgot to tell you my secretary's number. Call her and give her the list of the books you want to buy" That set up my mood. Napalakpak talaga ako sa tuwa. "Thank you!! Hulog ka ng langit!" "Tss. Crazy" ulit na naman niya. Oo na baliw na. Kumuha ako ng ballpen at maliit na notebook ko nang ibigay niya ang details ng secretary niya. Sa wakas. Mabibili ko na rin 'yong mga libro na hindi ko ma-afford. Kapos ako lagi sa budget. "Teka lang. Ano pala password ng wifi mo? Pa-connect naman" Dagdag ko pa. Hahanapin ko pa 'yong ibang recommendations na nakikita ko e. "Tanungin mo na lang sa secretary ko. Bye" Bigla na siyang nawala. Napanguso na lang ako bago kaagad na tinawagan ang secretary niya. Hindi ko na kinailangan pang magpakilala. Kaagad niya lang hiningi ang mga pinabibili ko na kaagad ko namang binigay. Pagka-open ng wifi ay pumasok ako ng aking temporary room. Binuksan ko ang laptop at kaagad nag-browse. If I were going to be with a guy, to be with my husband, dapat makilala ko muna siya. Sa ngayon....ang alam ko lang e tuod siya. Bossy tsaka...nanghuhusga. Pero parang mabait naman siya. I searched his name on the search box. Kaagad na lumabas ang kaniyang picture. I zoom one of his pictures. It's from the magazine. Nakabusiness suit siya sa larawan. I focused on his face features. Makapal ang kaniyang mga kilay. Kahit madilim at malamig tumitig, nakakahipnostismo angg kaniyang kulay brown niyang mga mata. His nose is big but pointed. Nanlalaban ang kaniyang panga. Detalyado iyon at walang excess na balat. Ang kaniyang mga labi ay parang isang ruler. Straight na straight. Parang never nag-curve. Hindi ata siya marunong ngumiti. Infairness. Ang pogi niya talaga. Nagtingin ako ng ilang article sa kaniya. Karamihan sa mga nakita kong information.... Isa siya sa mga magagaling na business sa mundo. He is one of the youngest business tycoon in the world. I also look to his networth. 9 digits. Billions. Tiningnan ko ang kaniyang mga business and investments. Natutulala na lang ako sa mga businesses niya. 'Yong iba, hindi ko pa akalain na pagmamay-ari niya. Though ayon naman dito na galing siya sa mayamang pamilya. He has other two siblings. Siya ang bunso. I saw some interviews about his description. Binasa ko iyon. 'He is workaholic' 'Always thinking ahead of the future' 'Good leader' 'He has strategic mindset' Napatango-tango ako. Halata namang may ganoon siyang character. First impression ko nga din 'yon sa kaniya. Kaya siguro siya successful. Sana ol na lang talaga. Ako? Wala pa ring asenso. Ganito pa rin. Nangangarap na maging isang publish author kahit alam kong mahirap at sobrang swertihan lang sa writing industry. Walang asenso pa. Hindi naman kasi sobrang competitive sa ganitong larangan. I pouted. Tinamad na ako magbrowse. Sinarado ko ang laptop bago nagtungo sa loob ng kwarto para humiga sa napakalambot na higaan. Maybe I'll just rest for this day. Kinabukasan, pumasok ako ng trabaho. Hindi na ako nakapagpaalam kay Hydeo. Wala naman siya sa penthouse e. Hindi ata siya umuwi pero nagpadala siya ng pagkain kahapon na hindi ko pa natitikman ever in my life. "Wow! Ang sarap nito! Alam mo ba ngayon lang ako nakatikim ng steak?" Giit ni Sophie. Kumakain siya sa tabihan ko, dinalhan ko siya kasi marami naman kasi pinadala si Hydeo. "Ako din. Kung alam mo lang sobrang busog ako" Hindi ko makalimutan 'yong pakiramdam. Ang sarap sarap kasi. Halos umiyak nga ako sa sobrang sarap. "Salamat kamo sa asawa mo" makahulugang tumingin si Sophie sa akin. "Tumahimik ka!" Inilagay ko ang hintuturo sa kaniyang bibig. "Secret lang natin. Hindi ko alam kung pwede ipagkalat e" Siyempre. May makakalusot ba kay Sophie? Matagal na kami magkakilala kaya nakwekwento ko lahat sa kaniya. Tsaka mababaliw ako kung walang makakaalam ano. "Pero bakit nga ba siya kumuha ng asawa? In six months?" Tanong niya. Nangalumbaba ako habang nakatingin sa glass wall ng shop. "Ewan ko din e. Basta alam ko may deal sila ng pinsan ko. Hindi kasi sobrang linaw pa" Nagkibit balikat na lang ako at nagsimula na ulit magtrabaho. Naglinis ako ng sahig at nag-sort ng mga libro na nawawala sa tamang pwesto. Habang ginagawa iyon ay biglang tumunog ang chimes sa pintuan, meaning may customer. Dadaluhan ko sana kaso narinig ko na si Sophie na nagsalita kaya ipinagpatuloy ko ang ginagawa. Akmang ilalagay ko na 'yong panibagong batch ng libro sa shelf, biglang sumigaw si Sophie. "Mariecon! May naghahanap sa'yo!" Natigilan ako. Sino naman kaya 'yon? Baka si Ka ising 'yon. Hindi pa ako nakakapagbayad ng renta! Hala paano na 'yan— "Conny!" Tawag ulit ni Sophie. Huminga ako ng malalim. Siguro madadaan pa naman sa pagpapa-cute. Inayos ko ang itsura at ekspresyon ng mukha. Ngumiti ako ng matamis bago ako lumabas sa aking pinagtataguan. "Uy Ka-Ising pwede ba next na ako—ay TUOD!" napatalon ako sa gulat nang makita ang bilyonaryo kong asawa na malinis at mukhang fresh sa suot nitong business suit and tie sa book store. Lagi siyang out of place sa ganitong mga lugar. Nakakrus ang kaniyang mga braso. Nakasalubong ang kaniyang makakapal na kilay na tumingin sa akin. "So who's Ka-Ising?" He asked. Hindi ko iyon pinansin bagkus ay nagtanong din ako. "Ikaw? Bakit ka naandito?" turo ko sa kaniya. "Tsaka paano mo nalaman ang trabaho ko?" "Doesn't matter. I'm going to fetch you. May gagawin tayo" "Now na?" "Yes" "Hindi pa tapos ang shift ko—" "Sige na. Lumayas ka na" sabat ni Sophie kaya napatingin ako sa kaniya. Strict kaya siya sa oras ano. "Sure ka?" Tanong ko. Sophie nodded. There's a hidden playf ul smirk on her face. Lumapit siya sa akin at bumulong. "I will let you go for a while sis. Sulitin mo ang pagiging newly wed. Happy honeymoon! Ang pogi pala ng asawa mo ah?" Sinamaan ko siya ng tingin. Anong pinagsasabi nito? Lumayo si Sophie sa akin bago lumingon kay Hydeo. "Oh siya. Itanan mo na ang aking bestfriend. Magpaka-enjoy kayo" Tinulak niya ako palapit kay Hydeo dahilan para samaan ko siya ng tingin. Haist. Gaga talaga.Nakatingin ako sa ceiling. Tulala. Walang tulog. I don't know how to face Hydeo after what happened last night. We kissed! Hinawakan ko ang labi ko bago ko ipinikit ang mga mata. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin 'yong labi niya sa akin. Kung paano niya sipsipin ang mga labi ko...nararamdaman ko iyon. Minulat ko ang mga mata. Napayakap ako sa sarili dahil nagtataasan ang balahibo. Ewan ko ba. May naglalarong kung ano sa tiyan ko na para bang kinilig pa ako sa halik na iyon. Ganito ba talaga ang feeling kapag nahalikan? Kinikilig? Pero...ang lambot ng labi niya. Kinagat ko ang labi para pigilan ang ngiting lumalabas sa labi ko. Bumangon na ako sa aking kama para pumasok ngayong araw sa book shop. Kailangan kong kausapin si Sophie dahil mababaliw ako kung iisipin ko ito buong magdamag. Tsaka tiningnan ko ang orasan. Alam kong wala na si Hydeo ng ganitong oras. Busy pa naman lagi 'yon. Kinuha ko ang aking tuwalya bago ako lumabas ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto, bigl
Nahihibang na siguro ako para isuko ang first kiss ko dahil may gusto akong patunayan sa dalawang babae kanina. Huli na para iatras ko ang lahat. Ang mga labi ko ay nakalapat na sa asawa ko. My contracted husband. My face heated instantly and immediately pulled myself away but before I could distance myself, his hand grabbed my nape and kissed me fully. Nanlaki ang mata ko at natigilan sa gulat. He tilted his head and kissed me with full of intensity. Hindi lang iyon basta smack. It was passionate. Hindi ako nakagalaw dahil hindi ko din alam kung paano tutugon. I never been kiss this way! I feel him suck my lower lip before he pulled away. Kita ko ang stain ng lipstick sa kaniyang labi dahil doon. Pakiramdam ko, hindi na lang mukha ko ang namumula. "Love.." he called. "Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap"Tumibok ng malakas ang puso ko. At that point, I really thought there's a real feelings behind those word but it eventually faded when his hands wrapped in my waist a
I adjusted the hem of my dress while sitting inside of Hydeo's car. Kinakabahan ako. Ilang minuto na lang at kailangan na naming bumaba para sa unang public appearance nilang mag-asawa.Correction: Peke niyang asawa.Nasa backseat kaming dalawa ni Hydeo at mayroon kaming driver. Infairness, akala ko pati pagdadrive, hindi niya ipagkakatiwala sa iba. He usually drive his own car. “This is ridiculous,” mahina kong sambit habang habol ko ang hininga. Para akong kinakapos ng hangin sa sobrang kaba. “Wala naman akong alam sa high society events.”“That's why I prepare you so you won't be naive” Hydeo said flatly. "Why do you need a wife? What's my purpose? Parang need ko malaman ang dahilan para hindi ako mangmang sa set up na ito" He glanced at me, looking so irritated. "Can you just do your part?" "Bakit nga? Ako itong bigla mong pinasok dito e" sinundot ko 'yong tagiliran niya. Napaisod siya ng kaunti palayo sa akin. Nagsalubong ang kaniyang kilay. "What the heck—""Sabihin mo
"Haist. Mayroon pala talagang mga taong masama ano?" I said to Sophie while mopping the floor of her bookstore. Tatlong araw na ang nakakalipas pero naiisip ko pa rin ang sinabi ng kapatid ni Hydeo. Kung bakit sobrang galit niya sa akin at binabantaan pa ako. Siguro marami na nagtangka kay Hydeo. Kaya ba mas pinili niyang mag-isa sa bahay? I mean, may napasok naman na naglilinis every week sa penthouse niya pero kailangan naando'n siya kapag naglilinis. Tapos...'yong sa tubig. Bigla kong naalala na ayaw niya ipabukas iyon sa akin. Maaari kayang may lumason na sa kaniyang inumin noon? Sino naman kaya 'yon? Ayaw ko mag-assume pero minsan talaga curious ako sa mga bagay-bagay. Gumagana ang pagiging writer ko, gumagawa ako ng plot.Naalala ko na nagalit siya dahil lang minurder ko siya at pinapangit ko sa aking story. Bakit? Tingin niya may lihim na galit ako sa kaniya? Naalala ko pa ang sinabi niya na 'You're all fake'Akala niya peke din ako? "Malamang bilyonaryo 'yon e. May
Padabaog akong kinuha ang heels sa kwarto na may taas na 5 inches. Lagi lang kasi akong flat shoes at rubber shoes. Hindi talaga ako naghe-heels! "It is just a heels. Bakit hindi mo mailakad ng ayos 'yang paa mo?" Masungit na sambit ni Hydeo habang nanonood sa way ko ng paglakad. Mas strict pa siya kaysa sa teacher ko. "Ikaw kaya pagsuotin ko ng heels? Teka nga! Ang hirap kaya. Ang sakit." Reklamo ko habang dahan-dahan kong inilakad ang aking mga paa. Nanginginig pa ang mga binti ko habang hinahakbang. "Walk straight. Be confident" turo pa niya. Huminga ako ng malalim bago sinunod ang gusto ni Hydeo. Pinatigas ko ang binti at sinigurado ko na malalaki ang buka ko kada lakad. "Ano ka? Nagmamarcha?" Ayan na naman ang lintaya niya. Nanggagalaiti na ang mga ngipin ko kakakiskis. "Imbis na magsalita ka diyan, alalayan mo ako" Tumaas ang kilay niya. "Me?" "Oo. Para naman huwag kang bunganga diyan. Si Teacher, inaalalayan niya ako" "Inuutusan mo ako?" Tanong niya ulit. Nameywan
He requested to stay so I stayed. Kahit naman tulog siya ay mas pinili kong tumambay sa kwarto niya. Wala akong ginalaw na kahit ano sa kwarto niya. Ayaw ko na maulit noong isang araw. Though, nag-email ako sa kaniyang secretary para iinform na may sakit ang boss niya. Sana naman mabasa no'ng secretary at siya na mismo ang pumilit na huwag pumasok ang boss niya. I just feel like he will not rest. Buong gabi kong ni-check ang kaniyang temperatura. Habang nasa kwarto ni Hydeo ay naisipan ko na lang magsulat para mawala ang aking antok. Ang huling alaala ko ay nakatulog ako sa desk ngunit nagising ako na nasa isa na akong malambot na kama. Kinuha ko ang salamin at doon ko napagtanto na nasa kwarto pa rin ako ni Hydeo—Binuhat niya ako? Namula ang aking pisngi bago ko ni-check ang aking labi kung may panis na laway ba. Sh*t. Parang medyo meron. Bumangon ako upang i-check si Hydeo. Saan naman kaya nagpunta ang lalaking iyon? Nilibot ko ang loob ng kwarto at halos mapatalon ako