Sinopsis: Si Mariecon Guerrero ay isang aspiring writer na ginugugol ang kanyang mga araw sa pagtatrabaho sa isang bookstore at ang kanyang mga gabi sa pagsusulat ng mga kwentong puno ng matinding pag-ibig—mga kwentong kailanman ay hindi niya inakalang mangyayari sa kanya. Ngunit isang kasunduang kasal na orihinal na para sa kanyang pinsan ang aksidenteng napunta sa kanya, kaya’t hindi inaasahan, natagpuan niya ang sarili niyang kasal kay Hydeo Ridge Dela Fuerte—isang makapangyarihan ngunit malamig at walang pusong negosyante. Kailangan ni Hydeo ng isang asawa upang masigurado ang isang napakalaking business deal, at ang dapat sana niyang mapapangasawa ay ang glamorosang pinsan ni Mariecon na si Madeline. Ngunit dahil sa isang pagkakamali sa mga papeles, si Mariecon ang napirmang asawa sa courthouse wedding. Nang matuklasan ang pagkakamali, labis ang gulat niya nang tumanggi si Hydeo na ipa-annul ang kasal—para sa mga dahilan na hindi niya gustong ipaliwanag. Ngayon, natagpuan ni Mariecon ang sarili niyang nakakulong sa isang malamig at kalkuladong kasunduan sa isang lalaking hindi nagbubukas ng kanyang puso. Ngunit habang sinusubukan niyang alamin ang katotohanan sa likod ng kasal na ito, unti-unting nagbabago ang kanilang relasyon. Ang kasal na nagsimula sa obligasyon ay nauwi sa matitinding banggaan ng kalooban, mga lihim na sandali, at isang damdaming hindi nila maitatanggi.
View MoreHuminga ako ng malalim at inayos ang aking salamin na nahuhulog sa aking mga mata. Nakaupo ako at sumisimsim ng kape habang breaktime sa aking pinagtatrabahuhan na maliit na bookstore.
Sa labas, umuulan, at ang tunog ng patak ng ulan sa bubong ay parang background music sa isang romantic novel. Marami na namang tumatakbo sa isipan ko. Mga bagong plot na sobrang interesante na istorya. Nangangati na naman ang aking mga kamay na tumipa sa aking laptop at isulat ang aking mga naiisip. "Huy!" Nagising ako mula sa aking mga delusyon sa isang malakas na palakpak sa harapan ng mukha ko. Kumurap ako ng maraming beses bago ko inangat ang tingin kay Sophie, ang aking kaibigan, ang owner ng bookstore na ito. "Bakit? Breaktime ko pa ah?" Giit ko. "Ha? Bakit naandito ka pa?" Kumunot ang kaniyang noo at tumingin sa kaniyang relo sa pulsuhan. "Hindi ba't may a-attend-an ka pang kasal? Nagpaalam ka sa akin kahapon hindi ba? Kaya nga ako muna ang tatao ngayon" Napatingin ako sa orasan. Shit! Bakit ko nakalimutan? May a-attendan pala akong kasal! "Sh*t! Gagi! Late na ako!" Hindi ko na inubos ang aking kinakain. Dali-dali akong pumasok sa staff room at kinuha sa aking bag ang aking susuotin ngayon araw. Simpleng long sleeve na blouse at jeans lang naman ang suot ko. Inilugay ko ang tuwid at natural na dark brown kong buhok. Saglit kong tinanggal ang salamin para ayusin ng kaunti ang aking itsura sa pamamagitan ng pulbo at liptint. Matapos kong maayos ang lahat, kinuha ko ang isang envelop sa aking bag. Sinigurado ko na kumpleto ang mga papel na naando'n. Ang pinsan kong si Madeline—ang reyna ng pagiging glamorous ay ikakasal ngayong araw. Well....it's not the grandest wedding of the town. Hindi rin isang kasal na may involve na pagmamahal. Ang kasal na aking pupuntahan ay buo lamang sa isang contract marriage. Nothing romantic. Pero, as usual, may drama. "Good luck sa wedding duties!" tukso ni Sophie paglabas ko ng staff room. Nanghiram na lang ako sa kaniya ng pabango para hindi ako amoy pahina ng libro. "Hindi ako invited sa kasal," sagot ko, habang nagmamadaling lumabas. Sophie raised an eyebrow. "Pero ikaw ang inutusan niyang magdala ng papers?" I rolled my eyes and I stopped for a while to answer Sophie. "Yeah, because Madeline is busy ‘being fabulous.’" Madeline was supposed to marry Hydeo Ridge Dela Fuerte, the ultra-rich, super-serious billionaire. It was a business deal. Ang pinsan ko ay masiyadong maluho at maraming kaartehan. By this deal, Madeline gets luxury, Hydeo secures his company’s merger. Win-win. Wala namang love sa equation. Ang trabaho ko? Dalhin ang marriage contract sa civil ceremony. Simple lang, ‘di ba? Yeah, right. Bakit kasi sa akin pa ito inutos ni Madeline? Puro lang kasi siya arte, walang alam sa pag-asikaso. Sobrang late na late na ako. To be exact, I'm one hour late. Binuksan ko ang aking cellphone at nakita ko ang ilang missed call ni Madeline sa akin. Nasira ba ang kasal? Kaagad akong nagreply kahit kinakabahan na ako. To Madz: Sorry. Nakalimutan ko. Nag-start na ba? Wala akong nakuhang reply hanggang sa makarating ako ng courthouse kung saan gaganapin ang simpleng civil wedding. Pagdating ko sa courthouse, wala akong nadatnan. Only the judge and the billionaire I'm talking about. Hydeo Ridge Dela Fuerte. Hindi naman ito ang unang beses na makita ko siya dahil nakita ko na rin siya simula no'ng business deal nila ni Madeline. It's just that, walang pagbabago sa aura niya. He looked so serious. Parang hindi pa niya ata naranasang ngumiti. His expressions were cold and intimidating. But what I expect? Sinong hindi maiilang at mai-intimidate sa isang bilyonaryong tulad niya? Kahit sa simpleng suot niya na suit ay halatang sumisigaw ng kayamanan ang aura niya. At tsaka.... Gwapo siya. Hindi naman siya papatulan ni Madeline kung hindi. "Tapos na ba ang kasal?" Tanong ko sa aking pagpasok. "Sorry talaga. Ito na 'yong dokumento" Hydeo glance at me. His forehead creased a little. Halata ang pagkabanas sa kaniyang itsura. "Your cousin is not here yet" giit niya sa kalmadong paraan pero ramdam kong galit siya. Lumaki ang aking mga mata. "A-ano?" Late din siya? Anong nangyayari? Oh my God, Madeline, seriously?! I checked my phone—walang reply. "Nagsabi ba kung bakit wala pa?" Hydeo shook his head before looking at his watch. "Hindi ko din alam e. Baka nagpapaganda lang" dahilan ko na lang. I sighed and walked up to the official handling the paperwork. "I'm just here to deliver the documents" paliwanag ko. Kahit wala si Madeline, wala na akong pake. Problema na nila 'yon. Akmang patalikod na ako nang tawagin ako ng judge. May inilabas siyang isang papel. It says, marriage certificate. "Po?" Tanong ko. "Don't leave yet. Sign here as a witness" Tinuro ko ang sarili. "Ha?" "Witness of this wedding" ani ng judge. You can't leave. Ikaw ang inilagay ni Ms. Guererro bilang witness niya" Akala ko ba hindi ako invited dito? Para matapos na, kinuha ko na lang ang ballpen at pinirmahan 'yong tinuro ng judge. Basta ko na iyon pinirmahan para matapos na. "Hindi ko naman kailangan mag-stay? Papunta na rin siguro 'yon—" "By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife." Wait, WHAT?! Napalingon ako kay Hydeo na nakatingin sa akin ng blanko. "W-what just happened?" I stammered. Napatingin ako sa judge at kay Hydeo. "I don't have enough time to wait for your late cousin" humakbang siya palapit bago kinuha ang ballpen na hawak ko at pinirmahan ang marriage certificate. It's on beside my name. I'm still in daze when he stood in front of me. May kinuha siya sa bulsa at nakita kong isa iyong singsing. Isang singsing na may malaking mamahaling bato. I gasped in shock when he held my hand and put the ring on my finger. "Pwede ka na. I only need a wife anyway" Hydeo's jaw clenched. "Congratulations, you're now my wife" I blinked. What. The. Actual. Hell?!Nahihibang na siguro ako para isuko ang first kiss ko dahil may gusto akong patunayan sa dalawang babae kanina. Huli na para iatras ko ang lahat. Ang mga labi ko ay nakalapat na sa asawa ko. My contracted husband. My face heated instantly and immediately pulled myself away but before I could distance myself, his hand grabbed my nape and kissed me fully. Nanlaki ang mata ko at natigilan sa gulat. He tilted his head and kissed me with full of intensity. Hindi lang iyon basta smack. It was passionate. Hindi ako nakagalaw dahil hindi ko din alam kung paano tutugon. I never been kiss this way! I feel him suck my lower lip before he pulled away. Kita ko ang stain ng lipstick sa kaniyang labi dahil doon. Pakiramdam ko, hindi na lang mukha ko ang namumula. "Love.." he called. "Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap"Tumibok ng malakas ang puso ko. At that point, I really thought there's a real feelings behind those word but it eventually faded when his hands wrapped in my waist a
I adjusted the hem of my dress while sitting inside of Hydeo's car. Kinakabahan ako. Ilang minuto na lang at kailangan na naming bumaba para sa unang public appearance nilang mag-asawa.Correction: Peke niyang asawa.Nasa backseat kaming dalawa ni Hydeo at mayroon kaming driver. Infairness, akala ko pati pagdadrive, hindi niya ipagkakatiwala sa iba. He usually drive his own car. “This is ridiculous,” mahina kong sambit habang habol ko ang hininga. Para akong kinakapos ng hangin sa sobrang kaba. “Wala naman akong alam sa high society events.”“That's why I prepare you so you won't be naive” Hydeo said flatly. "Why do you need a wife? What's my purpose? Parang need ko malaman ang dahilan para hindi ako mangmang sa set up na ito" He glanced at me, looking so irritated. "Can you just do your part?" "Bakit nga? Ako itong bigla mong pinasok dito e" sinundot ko 'yong tagiliran niya. Napaisod siya ng kaunti palayo sa akin. Nagsalubong ang kaniyang kilay. "What the heck—""Sabihin mo
"Haist. Mayroon pala talagang mga taong masama ano?" I said to Sophie while mopping the floor of her bookstore. Tatlong araw na ang nakakalipas pero naiisip ko pa rin ang sinabi ng kapatid ni Hydeo. Kung bakit sobrang galit niya sa akin at binabantaan pa ako. Siguro marami na nagtangka kay Hydeo. Kaya ba mas pinili niyang mag-isa sa bahay? I mean, may napasok naman na naglilinis every week sa penthouse niya pero kailangan naando'n siya kapag naglilinis. Tapos...'yong sa tubig. Bigla kong naalala na ayaw niya ipabukas iyon sa akin. Maaari kayang may lumason na sa kaniyang inumin noon? Sino naman kaya 'yon? Ayaw ko mag-assume pero minsan talaga curious ako sa mga bagay-bagay. Gumagana ang pagiging writer ko, gumagawa ako ng plot.Naalala ko na nagalit siya dahil lang minurder ko siya at pinapangit ko sa aking story. Bakit? Tingin niya may lihim na galit ako sa kaniya? Naalala ko pa ang sinabi niya na 'You're all fake'Akala niya peke din ako? "Malamang bilyonaryo 'yon e. May
Padabaog akong kinuha ang heels sa kwarto na may taas na 5 inches. Lagi lang kasi akong flat shoes at rubber shoes. Hindi talaga ako naghe-heels! "It is just a heels. Bakit hindi mo mailakad ng ayos 'yang paa mo?" Masungit na sambit ni Hydeo habang nanonood sa way ko ng paglakad. Mas strict pa siya kaysa sa teacher ko. "Ikaw kaya pagsuotin ko ng heels? Teka nga! Ang hirap kaya. Ang sakit." Reklamo ko habang dahan-dahan kong inilakad ang aking mga paa. Nanginginig pa ang mga binti ko habang hinahakbang. "Walk straight. Be confident" turo pa niya. Huminga ako ng malalim bago sinunod ang gusto ni Hydeo. Pinatigas ko ang binti at sinigurado ko na malalaki ang buka ko kada lakad. "Ano ka? Nagmamarcha?" Ayan na naman ang lintaya niya. Nanggagalaiti na ang mga ngipin ko kakakiskis. "Imbis na magsalita ka diyan, alalayan mo ako" Tumaas ang kilay niya. "Me?" "Oo. Para naman huwag kang bunganga diyan. Si Teacher, inaalalayan niya ako" "Inuutusan mo ako?" Tanong niya ulit. Nameywan
He requested to stay so I stayed. Kahit naman tulog siya ay mas pinili kong tumambay sa kwarto niya. Wala akong ginalaw na kahit ano sa kwarto niya. Ayaw ko na maulit noong isang araw. Though, nag-email ako sa kaniyang secretary para iinform na may sakit ang boss niya. Sana naman mabasa no'ng secretary at siya na mismo ang pumilit na huwag pumasok ang boss niya. I just feel like he will not rest. Buong gabi kong ni-check ang kaniyang temperatura. Habang nasa kwarto ni Hydeo ay naisipan ko na lang magsulat para mawala ang aking antok. Ang huling alaala ko ay nakatulog ako sa desk ngunit nagising ako na nasa isa na akong malambot na kama. Kinuha ko ang salamin at doon ko napagtanto na nasa kwarto pa rin ako ni Hydeo—Binuhat niya ako? Namula ang aking pisngi bago ko ni-check ang aking labi kung may panis na laway ba. Sh*t. Parang medyo meron. Bumangon ako upang i-check si Hydeo. Saan naman kaya nagpunta ang lalaking iyon? Nilibot ko ang loob ng kwarto at halos mapatalon ako
Kinailangan kong alalayan si Hydeo papunta sa kwarto niya. Turns out, hindi na pala siya makapaglakad sa sobrang panghihina. "Tingnan mo. Para ka ng lantay na gulay pero nagtatrabaho ka pa rin" pagalit kong sabi. Hay dapat pala hinayaan ko na lang siya hanggang sa mategok. "I have deadlines to finish—" he cough. Tingnan mo, inuubo pa pala. Naihatid ko naman siya sa kaniyang kama matapos ang ilang attempt na muntikan na kaming matumba. I immediately wrapped him into a thick comforter lalo na nang nanginig ang katawan niya. Nagbutil-butil na ang kaniyang pawis at nagsisimula na siyang mamula. He look so pale, halatang kulang sa dugo ang katawan. Umalis ako saglit para kumuha ng maligamgam na tubig tsaka towel. Kumuha na rin ako ng electrolyte inflused water para mas magkaroon siya ng energy tsaka ako nag-painit ng tubig. Buti may binili akong instant noodles na tinatago ko kaya kinuha ko iyon at binuksan iyon. Habang naghihintay na kumulo ang tubig, pumasok ako sa loob bago
Hindi ako nakatulog ng ayos. Iniisip ko kung galit pa rin ba sa akin si Hydeo? Importante ba talaga 'yong papeles? Ano mangyayari? Mag-a-alas dos na pero mulat na mulat pa rin ang aking mga mata. I don't like overthinking. Masakit sa ulo. Bumangon ako ulit. Hindi talaga ako papatulugin kung alam kong galit siya sa akin. Nakakakonsensiya naman kasi talaga. Kasalanan ko lahat. Inayos ko saglit ang itsura. Isinuot ko ang salamin bago ako lumabas ng kwarto. I made it sure that it will not create any sound. I tiptoed while going to Hydeo's room.Magso-sorry lang ulit ako. Maybe I can do any of help? Inilapat ko ang mga tainga sa pinto. Pinakikinggan ko kung gising pa siya sa loob. I heard a loud tap of a keyboard. Naririnig ko din ang faint na boses niya. Gising pa siya. Kakatok pa ba ako? Maybe I'll do it tommorow. Panigurado galit pa siya. I was about to go back to my room when his door opened. Lumabas doon si Hydeo na natigilan din nang makita ako sa labas ng kaniyang pi
My training to be a perfect wife continued. 3 times a week akong bumibisita sa clinic para sa session. Umaayos na ang kutis ng aking mukha. Nagda-diet ako kahit labag sa loob ko. Hindi ko alam kung requirements ba talaga iyon pero gusto ni Hydeo na baguhin ang eating style ko. Sinasanay niya ako sa mga pagkaing mayayaman. They had a weird tastebuds. 'Yong iba hindi ko talaga gusto. Kahit 'yong caviar? Yak! Patuloy ang pagpunta ko sa aking klase. I had to practice my posture and the way I walk. Mahinhin dapat. Straight ang likod. Always chin up. Minimal lang dapat ang mga expression sa mukha. Kinakailangan ko na rin magsuot ng heels. Hindi ko alam kung ilang beses ako natumba sa pagsusuot ng heels. Ang hirap palang maging pinsan ko. At mas lalong ayoko si Hydeo noh! Parang araw-araw na lang akong nahihirapan dahil sa kaniya. May sugat at paltos ang paa ko kaya nilagyan ko ng bandaid. Habang naglalagay ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Si Hydeo iyon. I look at the c
Nagsimula na rin ang etiquette class ko at talagang nakakabobo 'yong mga tinuturo niya. Doon ko lang napagtanto kung gaano kasalaula. Ma'am Rochelle, my teacher is teaching me the proper etiquette in eating. Naglabas siya ng mga iba't ibang kubyertos at plateware. Hindi ko madistinguish kung ano ang pagkakaiba. Ipinakita niya kung anong plato ang ginagamit kapag ka dessert o kaya sa course meal or salad or sa soup. Pati na rin ang mga kubyertos na tulad ng kutsara, tinidor, kutsilyo ay iba't iba ring uri. Mayroong pangdessert, pang salad at iba pa. Even the glass! Iba iba rin ang mga gamit at anong klaseng inumin ang ibubuhos. Tapos nagproceed kami sa paano ang paraan ng tamang pagkain ng iba't ibang klase ng pagkain. Tulad na lang ng tinapay, pasta, steak, shrimp at iba pa. Lahat ng tinuturo niya ay puro kaartehan. Pwede naman kamayin 'yong tinapay. Kailangan kutsilyo pa tapos titinidorin.Ang daming kaekekan. Pati paglagay ng butter sa tinapay, ang dami pang ka-echosan. Ult
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments