Nagsimula na rin ang etiquette class ko at talagang nakakabobo 'yong mga tinuturo niya. Doon ko lang napagtanto kung gaano kasalaula.
Ma'am Rochelle, my teacher is teaching me the proper etiquette in eating. Naglabas siya ng mga iba't ibang kubyertos at plateware. Hindi ko madistinguish kung ano ang pagkakaiba. Ipinakita niya kung anong plato ang ginagamit kapag ka dessert o kaya sa course meal or salad or sa soup. Pati na rin ang mga kubyertos na tulad ng kutsara, tinidor, kutsilyo ay iba't iba ring uri. Mayroong pangdessert, pang salad at iba pa. Even the glass! Iba iba rin ang mga gamit at anong klaseng inumin ang ibubuhos. Tapos nagproceed kami sa paano ang paraan ng tamang pagkain ng iba't ibang klase ng pagkain. Tulad na lang ng tinapay, pasta, steak, shrimp at iba pa. Lahat ng tinuturo niya ay puro kaartehan. Pwede naman kamayin 'yong tinapay. Kailangan kutsilyo pa tapos titinidorin. Ang daming kaekekan. Pati paglagay ng butter sa tinapay, ang dami pang ka-echosan. Ultimong tamang paraan ng pagkain ng pasta, kailangan may tamang pagikot no'ng pasta noodles sa tinidor. Ultimo paghawak ng wine glass, may proseso pa. Ang mga mayayaman, maaarte. Tsaka paano ako mabubusog ako sa pagkonti-konting hiwa sa steak? Malilipasan na lang ako ng gutom sa mga pinaggagawa. "Do you understand Mrs. Dela Fuerte?" Tanong ni Ma'am Rachel. Kumurap ako ng maraming beses bago ko inangat ang tingin sa kaniya. Puro pala ako reklamo sa isip. "May sinasabi ka ma'am?" Masiyado akong pre-occupied at inaantok para marinig pa 'yong sinasabi niya. She only sighed. "I said that we're going to start to fix your posture tommorow. I'll also teach you the proper walk and expression that could help you in a social events" Tumango na lang ako. Ang mahalaga sa akin, tapos na itong klase namin. Pagkaalis ng aking teacher ay napatungo na lang ako sa study table at pinikit ang mga mata sa pagod. I was about to rest when I heard the door open again but this time, it's not Ma'am Rachel. Si Hydeo iyon. Tulad ng lagi niyang gayak, nakabusiness attire siya ngunit ngayon ay naka-loose na ang tie. Hawak na lang niya ang kaniyang suit at tanging isang dress shirt ang natira. He look worn out again but that didn't change the fact that he is handsome. Minsan talaga napapatitig ako ng matagal sa kaniya kasi isa siya sa mga naiimagine ko sa mga librong aking sinusulat. Mayroon siyang ganoong itsura e. Main character. "Are you done with your class?" He asked as he rest himself on his soft and expensive sofa. Hindi ko nga masiyado inuupuan at nakakahiya baka masira ko. "Oo. Nakakapagod" ininat ko ang katawan. Tumayo ako at nagtungo sa kaniyang pwesto. I gave him a good acting performance of mine. Actually, hindi na nga ito akto. "Sobrang nakakapagod" aking reklamo bago ko hinawakan ang aking ulo. "Ang sakit sakit ng ulo ko. Ang sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko maaga ako mamamatay!" I made it exaggerated. Kailangan maramdaman niya kung gaano ako kapagod. Sumilip ako ako kay Hydeo, umaasa na sana marunong siyang makiramdam pero...ang kumag, nakapokerface lang na nakatingin sa akin. "Your acting is not good. Train harder Mariecon" he commented. "Paano kita ihaharap na asawa ko kung hindi ka magaling umarte?" Bumagsak ang aking balikat napaupo na lang sa kaniyang mamahaling carpet. "Ano? Madadagdagan pa ba gagawin ko ah? Baka i-enroll mo na din ako sa acting workshop!" I pouted. "Why not? If it will improve your skills—" "Maawa ka naman. Kaunting awa" humiga ako sa carpet, walang pake kung madumi iyon. I saw Hydeo peeking on me. Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag mo naman ako pahirapan ng ganito! Ikaw na nga maraming atraso sa akin—" "Malapit na dumating ang mga libro at bookshelf mo" "—pero okay lang. Masaya akong gawin para sa'yo bossing ang lahat ng ito. Eto lang ba kaya mo? Kaya ko lahat para maging perfect mong asawa" pagpapatuloy ko. Kaagad akong bumangon sa pagkakahiga. I hummed in so much excitement. Ang mga libro ko! Mahahawakan ko na sila! Kung ito ang kapalit ng pagkakakulong sa isang kasal na ito, siguro pwede na. "Tss. Crazy" I heard him scoffed. Tumawa lang ako bago pumasok ng aking kwarto. Kinaumagahan, nagising ako sa malakas na yugyog. Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa kaba dahil akala ko ay lumilindol pero nang makita si Hydeo iyon, kumalma ako. "Susmaryosep. Akala ko katapusan na ng mundo" hinawakan ko ang dibdib, pinapahupa ang gulat. "Change your clothes. I'll wait for you for 10 minutes. Magjo-jogging tayo" Hindi ko pa napo-proseso ang kaniyang sinasabi ay umalis na siya ng kwarto ko. Inis kong binato ang pintuan ng unan. Nakakainis! Antok na antok pa ako e. Anong oras na pala? Tumingin ako sa orasan at nakita kong alas kwatro pa lang. Ang aga naman! Humikab ako at plano na muling humiga nang marinig ko ulit si Hydeo. "Your book will be delivered tommorow" rinig kong sambit niya mula sa labas kaya wala akong nagawa kung hindi ang bumangon kahit pa labag sa loob ko. I ended up wearing a black leggings match with white loose t-shirt. Ang buhaghag kong buhok ay inipit ko tapos nagsuot ako ng cap. Hydeo gave me a jogging shoes. Handang handa talaga siya. Pagkalabas ko ng kwarto ay antok na antok pa ako pero nang makita ko ang masamang titig sa akin ni Hydeo ay kaagad akong tumayo ng tuwid. Ngayon ko lang napansin ang suot niya. Nakasuot siya ng isang fitted sando. Kitang kita 'yong muscle niya sa braso at ang kaniyang...tiyan. Kumokorte 'yong abs. Napalunok ako. Ulalam. "Bakit ang tagal mo?" Naputol ang saglit kong pagpapantasya. "Sorry ah? Kakagising ko lang e" kumurap ako ng maraming beses bago ako umiwas ng tingin. "Don't waste my precious time" giit niya. I scoffed. Kaunti na lang talaga sasabunutan ko na siya. Mamamatay na ba siya at lagi siyang madaling madali? Pumunta kami sa isang parke malapit sa kaniyang tinutuluyan. Parang jogging spot din talaga siya sa dami ng mga nakikita kong nagjo-jogging. Hindi ako 'yong tipo ng babaeng nag-e-exercise kaya naman naninibago ako. Kinailangan kong mag-jogging kahit ang gusto ko ay magsulat na lang ng story. I encourage myself to run kahit pa bumibigat ang aking talukap. "Time pers!" Hinihingal akong tumigil. Tumatagaktak na ang pawis ko sa sobrang pagod. "You're not even in half!" Suway ni Hydeo sa akin na parang hindi napapagod. Bakas ang pawis ngunit ang bango pa rin niya tingnan. Feeling ko ang lagkit ko na. "Pagod na ako!" "You need to do atleast 3 laps" he said that in authority. Kahit napapagod na pinilit ko pa ring tumakbo. I could feel the exhaustion on my feet. Minsan ay naglalakad na lang ako pero tuwing lumilingon si Hydeo sa akin ay tumatakbo ako ulit. Pero bago ko pa matapos ang isang lap, napatigil ako nang makaramdam ng matinding sakit sa paanan ko. "Aray!" Leg cramps. Napaupo ako sa sahig sa sakit. "F*ck!" I heard Hydeo cursed. Kaagad siyang dumalo sa akin. He held my feet into right position. Ininat niya ang aking paa at saglit na minasahe. Napapadaing ako sa sakit. Parang may naipit na ugat. "Mamamatay na ata ako. Kapag may nangyaring masama sa akin, kakasuhan kita" giit ko pa. Naluluha na ako sa sakit. "Stop being oa. Stupid!" "Ako pa talaga naging stupid? Bakit kasi kailangan pa ako mag-jogging e—ah!" He tsked as he lift me up on the floor. I gasp at the sudden move. I immediately wrapped my arms around him. "Shut up or I'll f*cking leave you here" banta niya. I pouted but still glaring at him. Ngunit hindi rin iyon nagtagal lalo na't napagtanto ko ang posisyon namin. He is carrying me in a bridestyle position na para bang isa akong prinsesa na sinagip ng isang prinsipe. I...blushed. This is the first time I'm carried like this. "Tss...buti na lang talaga gwapo ka" I whispered in myself.Nakatingin ako sa ceiling. Tulala. Walang tulog. I don't know how to face Hydeo after what happened last night. We kissed! Hinawakan ko ang labi ko bago ko ipinikit ang mga mata. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin 'yong labi niya sa akin. Kung paano niya sipsipin ang mga labi ko...nararamdaman ko iyon. Minulat ko ang mga mata. Napayakap ako sa sarili dahil nagtataasan ang balahibo. Ewan ko ba. May naglalarong kung ano sa tiyan ko na para bang kinilig pa ako sa halik na iyon. Ganito ba talaga ang feeling kapag nahalikan? Kinikilig? Pero...ang lambot ng labi niya. Kinagat ko ang labi para pigilan ang ngiting lumalabas sa labi ko. Bumangon na ako sa aking kama para pumasok ngayong araw sa book shop. Kailangan kong kausapin si Sophie dahil mababaliw ako kung iisipin ko ito buong magdamag. Tsaka tiningnan ko ang orasan. Alam kong wala na si Hydeo ng ganitong oras. Busy pa naman lagi 'yon. Kinuha ko ang aking tuwalya bago ako lumabas ng kwarto. Pagbukas ko ng pinto, bigl
Nahihibang na siguro ako para isuko ang first kiss ko dahil may gusto akong patunayan sa dalawang babae kanina. Huli na para iatras ko ang lahat. Ang mga labi ko ay nakalapat na sa asawa ko. My contracted husband. My face heated instantly and immediately pulled myself away but before I could distance myself, his hand grabbed my nape and kissed me fully. Nanlaki ang mata ko at natigilan sa gulat. He tilted his head and kissed me with full of intensity. Hindi lang iyon basta smack. It was passionate. Hindi ako nakagalaw dahil hindi ko din alam kung paano tutugon. I never been kiss this way! I feel him suck my lower lip before he pulled away. Kita ko ang stain ng lipstick sa kaniyang labi dahil doon. Pakiramdam ko, hindi na lang mukha ko ang namumula. "Love.." he called. "Saan ka galing? Kanina pa kita hinahanap"Tumibok ng malakas ang puso ko. At that point, I really thought there's a real feelings behind those word but it eventually faded when his hands wrapped in my waist a
I adjusted the hem of my dress while sitting inside of Hydeo's car. Kinakabahan ako. Ilang minuto na lang at kailangan na naming bumaba para sa unang public appearance nilang mag-asawa.Correction: Peke niyang asawa.Nasa backseat kaming dalawa ni Hydeo at mayroon kaming driver. Infairness, akala ko pati pagdadrive, hindi niya ipagkakatiwala sa iba. He usually drive his own car. “This is ridiculous,” mahina kong sambit habang habol ko ang hininga. Para akong kinakapos ng hangin sa sobrang kaba. “Wala naman akong alam sa high society events.”“That's why I prepare you so you won't be naive” Hydeo said flatly. "Why do you need a wife? What's my purpose? Parang need ko malaman ang dahilan para hindi ako mangmang sa set up na ito" He glanced at me, looking so irritated. "Can you just do your part?" "Bakit nga? Ako itong bigla mong pinasok dito e" sinundot ko 'yong tagiliran niya. Napaisod siya ng kaunti palayo sa akin. Nagsalubong ang kaniyang kilay. "What the heck—""Sabihin mo
"Haist. Mayroon pala talagang mga taong masama ano?" I said to Sophie while mopping the floor of her bookstore. Tatlong araw na ang nakakalipas pero naiisip ko pa rin ang sinabi ng kapatid ni Hydeo. Kung bakit sobrang galit niya sa akin at binabantaan pa ako. Siguro marami na nagtangka kay Hydeo. Kaya ba mas pinili niyang mag-isa sa bahay? I mean, may napasok naman na naglilinis every week sa penthouse niya pero kailangan naando'n siya kapag naglilinis. Tapos...'yong sa tubig. Bigla kong naalala na ayaw niya ipabukas iyon sa akin. Maaari kayang may lumason na sa kaniyang inumin noon? Sino naman kaya 'yon? Ayaw ko mag-assume pero minsan talaga curious ako sa mga bagay-bagay. Gumagana ang pagiging writer ko, gumagawa ako ng plot.Naalala ko na nagalit siya dahil lang minurder ko siya at pinapangit ko sa aking story. Bakit? Tingin niya may lihim na galit ako sa kaniya? Naalala ko pa ang sinabi niya na 'You're all fake'Akala niya peke din ako? "Malamang bilyonaryo 'yon e. May
Padabaog akong kinuha ang heels sa kwarto na may taas na 5 inches. Lagi lang kasi akong flat shoes at rubber shoes. Hindi talaga ako naghe-heels! "It is just a heels. Bakit hindi mo mailakad ng ayos 'yang paa mo?" Masungit na sambit ni Hydeo habang nanonood sa way ko ng paglakad. Mas strict pa siya kaysa sa teacher ko. "Ikaw kaya pagsuotin ko ng heels? Teka nga! Ang hirap kaya. Ang sakit." Reklamo ko habang dahan-dahan kong inilakad ang aking mga paa. Nanginginig pa ang mga binti ko habang hinahakbang. "Walk straight. Be confident" turo pa niya. Huminga ako ng malalim bago sinunod ang gusto ni Hydeo. Pinatigas ko ang binti at sinigurado ko na malalaki ang buka ko kada lakad. "Ano ka? Nagmamarcha?" Ayan na naman ang lintaya niya. Nanggagalaiti na ang mga ngipin ko kakakiskis. "Imbis na magsalita ka diyan, alalayan mo ako" Tumaas ang kilay niya. "Me?" "Oo. Para naman huwag kang bunganga diyan. Si Teacher, inaalalayan niya ako" "Inuutusan mo ako?" Tanong niya ulit. Nameywan
He requested to stay so I stayed. Kahit naman tulog siya ay mas pinili kong tumambay sa kwarto niya. Wala akong ginalaw na kahit ano sa kwarto niya. Ayaw ko na maulit noong isang araw. Though, nag-email ako sa kaniyang secretary para iinform na may sakit ang boss niya. Sana naman mabasa no'ng secretary at siya na mismo ang pumilit na huwag pumasok ang boss niya. I just feel like he will not rest. Buong gabi kong ni-check ang kaniyang temperatura. Habang nasa kwarto ni Hydeo ay naisipan ko na lang magsulat para mawala ang aking antok. Ang huling alaala ko ay nakatulog ako sa desk ngunit nagising ako na nasa isa na akong malambot na kama. Kinuha ko ang salamin at doon ko napagtanto na nasa kwarto pa rin ako ni Hydeo—Binuhat niya ako? Namula ang aking pisngi bago ko ni-check ang aking labi kung may panis na laway ba. Sh*t. Parang medyo meron. Bumangon ako upang i-check si Hydeo. Saan naman kaya nagpunta ang lalaking iyon? Nilibot ko ang loob ng kwarto at halos mapatalon ako