Home / Romance / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 215

Share

TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 215

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-06-19 00:31:48

Kinabukasan, muling bumalik sa Santa Lorenza sina Sara, Adrian, Joy, at Totoy. Sa pagkakataong iyon, mas determinado silang makakuha ng matibay na ebidensiya. Hindi sapat ang mga litrato. Kailangan nila ng pruweba—isang imahe, galaw, kahit anong detalye na puwedeng mag-ugnay sa babae sa beach at sa misteryosong pagkatao ni Sara.

Pagdating nila sa resort, lumapit si Adrian sa manager mismo. Nakasuot siya ng formal polo at dala ang kanyang ID bilang may-ari ng Crystal Clear J Resort, isang kilalang lugar sa kabilang isla.

“Good morning po, sir,” bati ng manager.

“Good morning din,” sagot ni Adrian, diretso sa punto. “Ako po si Adrian Jasendo, may-ari ng Crystal Clear J Resort sa kabilang isla. May hinihiling po sana kaming tulong. Tungkol ito sa isang guest na maaaring nakita sa resort n’yo noong isang araw. May kinalaman po kasi ito sa nawawalang bahagi ng pagkatao ng fiancée ko.”

Napatingin ang manager kay Sara na noon ay tahimik lang sa gilid, mahigpit ang hawak sa kanyang bag.

“Sens
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 216

    Pagkababa ng sasakyan, agad bumungad sa kanila sina Aling Glenda Pamplana at Mang Romero na nakatayo sa may tarangkahan, halatang kanina pa naghihintay. May hawak pang tasa ng kapeng medyo nauupos na ang init.“Anak,” salubong ni Glenda kay Sara, agad nitong sinalubong ang anak-anakan at hinaplos ang pisngi. “Kumusta ang lakad ninyo? Nakita mo ba?”Saglit na napatingin si Sara kay Adrian na noon ay tahimik lang na isinara ang pinto ng sasakyan. Si Joy at Totoy ay nagpaalam na rin kaagad.“Uuwi na kami po, Nay,” sabi ni Joy, sabay hawak sa braso ni Totoy. “Malapit lang naman bahay, may ulam pa raw si Nanay.”“Salamat sa pagsama n’yo, ha,” sabay ngiti ni Sara kahit halata sa mukha ang pagod. “Mag-iingat kayo.”Pagkapasok sa loob ng bahay, dinala ni Aling Glenda ang tray ng tinapay at kape sa lamesa habang si Mang Romero ay naupo sa bangko malapit sa bintana, pinagmamasdan pa rin si Sara.Tahimik ang lahat sa unang mga sandali. Hanggang sa suminghot si Glenda at nagsalita.“Hindi mo siya

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 215

    Kinabukasan, muling bumalik sa Santa Lorenza sina Sara, Adrian, Joy, at Totoy. Sa pagkakataong iyon, mas determinado silang makakuha ng matibay na ebidensiya. Hindi sapat ang mga litrato. Kailangan nila ng pruweba—isang imahe, galaw, kahit anong detalye na puwedeng mag-ugnay sa babae sa beach at sa misteryosong pagkatao ni Sara.Pagdating nila sa resort, lumapit si Adrian sa manager mismo. Nakasuot siya ng formal polo at dala ang kanyang ID bilang may-ari ng Crystal Clear J Resort, isang kilalang lugar sa kabilang isla.“Good morning po, sir,” bati ng manager.“Good morning din,” sagot ni Adrian, diretso sa punto. “Ako po si Adrian Jasendo, may-ari ng Crystal Clear J Resort sa kabilang isla. May hinihiling po sana kaming tulong. Tungkol ito sa isang guest na maaaring nakita sa resort n’yo noong isang araw. May kinalaman po kasi ito sa nawawalang bahagi ng pagkatao ng fiancée ko.”Napatingin ang manager kay Sara na noon ay tahimik lang sa gilid, mahigpit ang hawak sa kanyang bag.“Sens

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 214

    Malamig ang simoy ng hangin habang tahimik na nakaupo si Belle sa passenger seat ng sasakyan ni Luke. Hindi na niya matandaan kung gaano na sila katagal sa biyahe. Tila ba ang daan ay walang katapusan, kasabay ng mabibigat na tanong na paulit-ulit na bumabalik sa isipan niya.Sa kanyang mga palad ay mahigpit niyang hawak ang isang lumang pendant. Ang pendant na iyon ang huling bagay na nakita niya kay Ana. At ngayong may pag-asang buhay pa ito, para bang muling nabuhay ang mga alaala at sakit na matagal na niyang tinangka limutin.“Belle,” mahinang tawag ni Luke habang iniwas sa lubak ang sasakyan. “Sigurado ka bang gusto mong ituloy ito? Wala tayong kasiguraduhan kung may madadatnan pa tayo.”Hindi agad sumagot si Belle. Sa halip, tumingin siya sa bintana at pinagmasdan ang mga aninong dumaraan — mga punong walang dahon, mga bahay na lumipas na ang kintab ng pintura, at mga taong tila walang pakialam sa bigat ng mundo niya.“Luke,” sagot niya sa wakas, halos pabulong, “kailangan kong

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 213

    Napabuntong-hininga si Sara at tiningnan muli ang litrato sa kanyang cellphone—ang babaeng kahawig niya, na tila anino ng isang nakaraang pilit niyang inuunawa. Pilit niyang pinanatiling matatag ang sarili, pero dama ni Adrian ang bigat ng hinanakit at tanong sa mga mata nito.“Ganoon ba, miss? Salamat,” saad ni Sara sa receptionist bago sila umalis sa lobby.Paglabas nila ng resort, tinanaw niya ang malawak na dagat. Tahimik ang paligid, pero sa puso niya’y may unos.“Paano na ‘to, Adrian?” mahina niyang tanong, lumingon sa nobyo. “Paano ko siya mahahanap kung kahit pangalan niya hindi natin tiyak? Parang wala akong hahawakan…”Hinawakan ni Adrian ang balikat niya, marahang pinisil, sinubukang ipadama ang suporta. “Huwag ka mag-aalala, Sara. Gagawa tayo ng paraan. Hindi na ‘to basta curiosity lang—mahalaga na ‘to para sa’yo. Pwede tayong maghanap ng private investigator.”Napatingin si Sara kay Adrian. “PI? Hindi ba… parang sobra naman yata ‘yon?”“Hindi, Sara. Kung may kakambal ka—o

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 212

    Nagtagpong muli ang kanilang mga mata.“Adrian,” marahang tawag ni Sara, na tila nanunuyo ang lalamunan. “May alam ka ba… tungkol sa babaeng kamukha ko?”Napalingon si Joy at si Aling Glenda. Lahat ay naghihintay ng sagot. Ang buong paligid ay tila tumigil—maging ang huni ng mga ibon sa tabing-dagat, tila nawala.Huminga nang malalim si Adrian. Inalis niya ang jacket niyang basa ng pawis at ipinatong sa upuan ng karinderya. Hindi na siya nagkunwari. Hindi na rin siya nagngiti.“May isang bagay akong hindi ko pa nasasabi sa’yo, Sara…” panimula niya, mabigat ang tinig. “Noong nag-aaral pa ako sa Australia, may kabatch akong babae. Pangalan niya—Belle Smith. Half-Filipina rin siya. Tahimik, matalino, may kakaibang aura. At…”Tumingin siya kay Sara—diretso sa mga mata nito.“…ikaw ang itsura niya. Wala kang pagkakaiba sa kanya. Mula ulo hanggang paa. Maski ang hugis ng tenga, ang ngiti, pati ‘yung mga mata mo ngayon—lahat ‘yon, nakita ko na sa kanya noon.”Napasinghap si Joy, si Tatay Rom

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 211

    Kinabukasan, habang abala sila sa pagbubuklat ng mga dokumentong posibleng mag-ugnay sa pagkatao ni Sara, isang hindi inaasahang bisita ang dumating.Si Joy.May dala itong isang plastik na may mga printed photos.“Sara! Buti nandito ka! Tignan mo ‘to!”Binuksan ni Joy ang plastic at inilapag sa mesa ang mga litrato. Kuha mula sa cellphone. Medyo malabo, pero sapat para makita ang imahe ng isang babaeng kasalukuyang naglalaro sa tabing-dagat kasama ang batang babae.Pumintig ang puso ni Sara. Tila lumundag ito sa loob ng kanyang dibdib. Hindi niya mapigilan ang mapalapit sa litrato.Tila siya iyon. Nakaputing summer dress. Bahagyang nakaside-view, pero ang ngiti… ang hugis ng panga… ang mata…“Parang ako…”“Hindi lang ‘parang’ Sara,” giit ni Joy. “Ikaw ‘yan. O kung hindi man, siguro ‘yung kakambal mo.”Hawak-hawak ni Sara ang litrato, nanginginig ang mga daliri. “Joy… saan mo ‘to kinunan?”“Sa kabilang isla. Doon sa Santa Lorenza. May resort doon, ‘di ba?” tuloy-tuloy na kwento ni Joy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status