"L-LAYUAN MO na ako, Theo! Patahimikin mo ang buhay ko!" pasigaw na sabi ni Amanda, hindi pinansin ang tanong ni Theo kahit ang totoo ay alam niya.
Minsan nang naaksidente at na-comatose si Theo. Dahil mahal na mahal niya noon si Theo, walang palyang binibisita niya ito. Kinakausap niya ito minsan kapag tulog. Pero minsan, plineplay niya ang recorded na tunog ng pagva-violin niya. Kapag busy siya noon, talagang nakikisuyo pa siya sa nurse sa ospital na patugtugin para sa kaniya.Gusto niyang sabihin iyon kay Theo, pero para ano pa? Hindi rin naman ito maniniwala.Tila nag-alab naman ang mga mata ni Theo sa kaniya. "Hindi ko ibibigay kailanman ang gusto mo, Amanda.""Ano bang gusto mo para tantanan mo na ako? Tuldukan na natin kung anong meron sa atin, Theo! Ilang ulit ko bang babanggitin dapat sa 'yong magdidivorce na tayo?" nanghihinang saad ni Amanda. "Hindi na tama 'to. Hindi na tamang lalapit-lapitan mo na lang ako kung kailan mo gusto!"Ngumisi ang lalaki. "Gagawin ko kung anong gusto ko. At mananatili kang kasal sa 'kin habambuhay, Amanda. Pagbabayaran mo sa mahabang panahon ang kasalanan mo sa akin ng gabing 'yon!""Wala akong alam diyan, Theo! Hindi kita drinoga-- hmp!" Naputol ang sinasabi ni Amanda nang hinalikan siya nang mariin ni Theo sa labi. Ramdam niya ang kamay ni Theo sa likod ng ulo niya, sumasabunot sa nakalaylay niyang buhok.Ang isang kamay ni Theo ay naglakbay na sa ilalim ng dress na suot niya, mapanghanap. Nang madama ang pakay ay nanginig si Amanda. Mainit. Nakakapaso ang hawak ni Theo.Hinaplos siya ni Theo doon kahit may telang nakaharang. Mahigpit din ang hawak sa kaniya ng lalaki kaya hindi siya nahulog sa sahig nang tuluyan."Ito ba ang makikipagdivorce? Hindi mo madadama ito sa ibang lalaki, Amanda. Ako lang ang makakagawa nito sa 'yo," mapang-akit na bulong ni Theo sa puno ng tenga niya bago s******n iyon.Paulit-ulit siyang hinaplos doon ni Theo. At mas naging sensitibo ang pakiramdam niya. Hanggang sa hindi na nakayanan pa ni Amanda.Sumabog siya na tila isang mainit na bulkan. At nang natapos ay parang binuhusan siya ng malamig na tubig.Hindi dapat niya nadama iyon... dahil mali. Maling-mali..."KUMUSTA KAYO, Ma?" tanong ni Amanda kay Sylvia, ang stepmom niya nang makauwi siya sa tinutuluyan nilang apartment ngayon.Maliit lang ang lugar, malayong-malayo sa bahay na kinalakihan niya na naibenta na. Pero ang mahalaga naman, nasa mabuti silang kalagayan.Ilang araw nang umuuwing pagod si Amanda. Paiba-iba kasi siya ng raket at kung saan-saan na nagpeperform sa tulong ni Loreign. Ngayon na lang ulit sila nagkakapang-abot ng stepmom niya."Ayos naman. Ikaw, kumusta? Kayo ng asawa mo?" tanong ni Sylvia."Ma, nakuwento ko na sa 'yo noong isang araw, 'di ba? Makikipagdivorce na ako kay Theo."Kumunot ang noo ni Sylvia. "Naku naman, Amanda! Bakit naman ganiyan? Kapag nagdivorce na kayo, mas lalo kang walang makukuha sa kaniya! Tandaan mo, nasa ospital ang daddy mo. Tapos ang kuya mo, kailangan ng magaling na abogado dahil sa kinakaharap na kaso. Si Theo lang ang makakatulong sa 'tin diyan!"Huminga ng malalim si Amanda. "Gagawan ko ng paraan, Ma. Natatrabaho naman ako, eh..."Umiling si Sylvia. "Sa tingin mo, magiging sapat 'yang kinikita mo? Dapat tiniis mo na lang kung ano mang hindi niyo pagkakaunawaan! Para hindi na tayo umabot sa puntong 'to ngayon. Dapat mas naging praktikal ka na lang!"Pasimpleng kumuyom ang kamay ni Amanda. Naiintindihan naman niya ang punto ni Sylvia. Pero wala naman nang silbi pa ang lahat dahil makikipaghiwalay na siya kay Theo.'Yang pera na 'yan? Kaya niyang kitain at gawan ng paraan 'yan. Pero 'yung sakit at pagkawala ng respeto niya sa sarili niya nang hibang na hibang pa siya kay Theo, hindi na basta-basta mabubura 'yon."Tulungan mo na lang ako, Ma. Humahanap ako ngayon ng buyer ng wedding ring ko."Suminghap si Sylvia. "Ano?! Amanda naman! 'Wag mo nang hiwalayan si Theo...""Pinal na ang desisyon ko, Ma. Hindi na magbabago pa ang isip ko," ani Amanda.Hindi na magawang sumagot pa ni Sylvia. Tumayo ito at iniwan si Amanda doon.Tiningnan ni Amanda ang wedding ring sa kamay at tinanggal iyon. Makinang at maganda pero hindi na kagaya noon na kaya pa niyang titigan ng matagal iyon. Ipinapaalala lang nito kung gaano siya katanga sa pag-ibig niya kay Theo.NAIBENTA NI Amanda ang wedding ring. Kahit papaano, may pandagdag ipon siya para sa medication ng ama niya pati na rin para sa abogado ng kuya niya.Pinuntahan niya ulit ang ama sa ospital at bumisita. Kasalukuyang tulog at nagpapahinga si Andres habang pinagmamasdan lang siya ni Amanda. Inayos niya rin ang kama nito para maging kumportable ito sa tulog.Pagkaraan ng ilang minuto, lumabas na si Amanda. Pero nagulat siya nang makita ang pamilyar na babaeng naka-wheelchair hindi kalayuan sa kinatatayuan niya."Sofia..."Minanipula ni Sofia ang wheelchair papalapit sa direksyon ni Amanda. Ngumiti ang babae pero pakiramdam ni Amanda, may kung ano sa ngiti niyang iyon."Pwede ba tayong mag-usap?" malumanay na tanong ni Sofia.Nag-isip pa si Amanda. Ang babaeng nasa harapan niya ngayon ay ang babaeng kinababaliwan ng asawa niya. Ang natatanging babaeng bumihag sa puso ng mailap na si Theo.May ideya na si Amanda kung ano ang pag-uusapan nila kaya tumango siya kay Sofia. Nagpunta sila sa dulo ng hallway sa ospital kung saan walang tao."Anong pag-uusapan natin?" tanong kaagad ni Amanda. "May kailangan ka ba sa 'kin?"Sumeryoso na ang ekspresyon sa mukha ni Sofia, taliwas sa magaang ngiti nito kanina. "Isa lang naman ang gusto ko ngayon. Ang layuan mo na si Theo..."Hindi mapigilan ni Amanda ang pagtaas ng kaniyang kilay. Hindi niya inaasahan na marinig ito mismo kay Sofia ngayon. Lumipas ang ilang segundo, hindi tuloy siya nakapagsalita at hinayaan lang si Sofia sa sinasabi."Alam kong kilalang-kilala mo na ako. Ako lang naman ang tunay na minamahal ni Theo kahit pa ikaw ang pinakasalan niya," sabi nito. "Kaya dapat lang na panahon na para umalis ka na sa buhay ni Theo para makapagsimula na kami ng bago. Hindi namin magagawa 'yon kung patuloy kang manggugulo sa amin."Kumunot ang noo ni Amanda. "Teka... ako? Nanggugulo?" Tumawa nang mapakla si Amanda. "Kung hindi mo pa alam, nakikipag-divorce na ako kay Theo. Kung may dapat kang pagsabihan dito, si Theo 'yon. Rendahan mo siya kung gusto mo!"Tumalim ang tingin ni Sofia kay Amanda. "Sinungaling ka! Kaya hindi magawang mahalin ni Theo sa loob ng tatlong taong kasal kayo dahil sa masahol mong ugali!""Alam kong hindi niya ako mahal, Sofia. Hindi mo na kailangang ipamukha iyon sa akin! 'Wag kang mag-alala. Sa 'yong sa 'yo na si Theo. I*****k mo pa siya sa baga mo kung gusto mo!"Pagak ding natawa si Sofia. "Sa kalagayan natin ngayon, mas kawawa ka pala talaga. Siguradong kapag legal na kayong magkahiwalay ni Theo, mas mahirap ka na sa daga. At ako... magpapakasasa ako sa bagay na dapat napunta sa 'kin nung una pa lang." Ngumisi ito."Sa tingin mo, may pakialam pa ako diyan, Sofia? Wala na!"Ngumisi si Sofia. "Gusto ko lang ipamukha sa 'yo ang mawawala sa 'yo. Mamatay ka sa inggit, Amanda!" Halakhak nito. "Sa ilang taong kasal kayo, hindi ka niya itinuring na asawa. 'Yung pamilya mong naghihikahos ngayon ni hindi nga niya matulungan, eh."Tumalim ang tingin ni Amanda. "Hindi niya matulungan ang pamilya ko? Ayos lang dahil kaya ko namang maghirap at magtrabaho para natulungan sila. Hindi ako kagaya mong manggagamit ng tao para umangat. Magkaibang-magkaiba tayo, Sofia. Magkaibang-magkaiba..." Ngumisi siya. "At si Theo... gaya ng sabi ko, sa 'yong sa 'yo na. Tutal naman mahilig kang mamulot ng basura..."Iyon lamang ang huling sinabi ni Amanda bago umalis doon at iniwan ang nanggagalaiting si Sofia.SA SOBRANG TUWA, hindi na napigilan pa ni Amanda na dambahin ng isang mahigpit na yakap si Theo. Inikot ikot siya nito hanggang sa makalabas sila sa banyo. Tumili si Amanda sa takot na mahulog kaya naman pati mga binti nito ay naikawit na niya sa bewang ni Theo.Wala siyang maramdamang pagkailang. Para bang natural lang ang lahat. At hindi nagrereklamo si Amanda.Mayamaya pa ay biglang nawalan ng balanse si Theo at nahiga sila sa kama. Si Amanda ang nasa ilalim ni Theo na maagap na nabalanse ang sarili upang hindi tuluyang mabagsakan si Amanda."T-Theo..." nahihiyang sambit bigla ni Amanda kay Theo na sumeryoso na rin.Umigting ang panga ni Theo na tila ba nagpipigil. Lalo pa nang bumaba ang tingin nito sa labi ni Amanda. Kitang kita ni Amanda ang pag alon ng lalamunan nito, senyales na napalunok.Bumigat ang paghinga nila pareho at para bang may sarili silang mundo bigla. Napakapit nang mahigpit si Amanda sa balikat ni Theo na para bang may gusto itong iparating.At tuluyan na ngang
PAKIRAMDAM NI AMANDA ay nag init bigla ang pisngi niya. Inaamin niya sa sariling nakaramdam siya ng hiya bigla."A-Akala ko tulog ka na. Sorry kung nadisturbo ko ang tulog mo," ani Amanda at marahang tumikhim para mapagtakpan ang pamumula ng kaniyang pisngi. Umiwas siya agad ng tingin. "M-May kukunin lang ako sa baba--""Teka lang, Amanda..." ani Theo at hinawakan ang kamay ni Amanda upang mapigilan ito sa akmang pag alis nito."Bakit?" kabadong tanong ni Amanda. Wala namang masama sa sinabi niya habang nakapikit kanina si Theo. Pero ewan ba niya at nakaramdam siya ng hiya!"Tama ba ang narinig ko? Babalik ka... sa 'kin?" paniniguradong tanong pa ni Theo at bahagyang napabangon.Bumuntong hininga si Amanda. Bahagya pa siyang nag isip kung sasagutin niya ito. Pero... wala na rin lang naman siyang takas pa. Kaya... sige."Oo, Theo. Pangako iyan sa iyo. Kaya sana... 'wag kang tuluyang susuko. Nandito lang ako para sa iyo..." sambit ni Amanda at bahagyang lumamlam ang mga matang nakatingi
"PUPUNTA TAYONG ospital para sa check up mo," ani Amanda kay Theo isang araw.Nakaupo ang lalaki malapit sa bintana at pinagmamasdan ang langit. Tila malalim ang iniisip nito kanina pa. Hindi rin ito sumagot na para bang hindi narinig ang sinabi ni Amanda."Theo?" pukaw muli ni Amanda sa atensyon ng lalaki.Doon lang tumingin si Theo sa kaniya. Napabuntong hininga muna bago sumagot. "Sige. Mag aayos lang ako." Tumango si Amanda. Nagpunta siya sa walk in closet at naghanap ng maisusuot ng lalaki. Nang makahanap ay agad niya itong pinuntahan. Nakahubad na ang lalaki at hindi napigilan ni Amanda ang pagtikhim nang naramdaman na nag iinit ang pisngi niya dahil nasulyapan niya ang kalamnan ni Theo.Hindi na ito gaanong toned gaya noon dahil bumagsak nga ang timbang ni Theo. Pero lately, naggegain naman na ulit ito ng weight at hindi na gaanong maputla kaya may dating na ulit ito. Hindi alam ni Amanda kung dahil ba ngayon na lang ulit niya nakitang hubad ang lalaki kaya nakaramdam siya ng
PARANG WALANG nangyari sa pagitan nila. At patago na lang talagang napapangisi si Amanda dahil tila ba nahihiya si Theo dahil namumula rin ang tainga nito. Iyon ang unang beses niyang nakitang gano'n ang lalaki. Noon kasi ay hindi naman ito ganito. Parang proud ito lagi sa sarili. At ngayong may nakitang kakaiba si Amanda sa lalaki, hindi niya maiwasang hindi matuwa.Sa nga sumunod na araw, halos hindi na umalis si Amanda sa tabi ni Theo. Mas napapanatag naman ang loob ng huli at mas naging ganado lalo na sa pag inom ng mga gamot nito. Pero hindi naman lagi. Dahil may mga oras pa rin talagang nawawalan ng pag asa si Theo."Tama na. Ayaw ko na..." halos pabulong na sambit ni Theo nang maisuka niya lahat ng kinain matapos nitong uminom ng gamot.Naiiyak na lang si Amanda nang makita kung gaano manghina si Theo. "K-Kaunti na lang naman, Theo..." pagpapalakas niya ng loob nito.Umiling si Theo at napasandal na lang sa headboard ng kama at pumikit ng mariin. "Hindi na ako gagaling..." ani
WALANG MARAMDAMAN na galit si Amanda sa loob niya. Ang totoo niyan ay tila payapa ang puso niya sa kabila ng nakita. Umalis na muna siya saglit dahil nakareceived siya ng tawag mula kay Damien kanina at gusto siya nitong makausap. Hihintayin daw siya nito sa isang cafe sa malapit. Sumunod naman agad si Amanda sa lalaki.Namataan niya si Damien sa dulo na halatang wala sa sarili at kabado. Nang magtama ang tingin nila ay agad napatayo ang lalaki at dumalo sa kaniya."A-Amanda..." Nanginig agad ang boses nito.Ngumiti si Amanda. "Maupo muna tayo at mag order," kalmadong aniya sa lalaki na mabuti na lang ay sumunod. Bahagya pang kumalma ito kaya napanatag ang loob ni Amanda.Umorder sila ng makakain at tahimik sa una. Pero hindi na nakatiis pa si Damien at binuksan agad ang usapan."'Yong picture... nakita mo na ba?" kabadong tanong nito.Humigop muna sa kape si Amanda at unti unting tumango. "Oo. Nakita ko na. Hindi ko alam kung sino ang nagsend no'n pero alam kong walang halong daya o
"KAUNTI NA lang..." ani Amanda kay Theo habang sinusubuan niya ito ng soup na siya mismo ang nagluto. Umiling si Theo. "Hindi ko na kaya," nanghihinang sambit nito at bahagyang inilayo ang bibig sa kutsara na hawak ni Amanda."Please, Theo. Kailangan mong kumain para mas magkalakas ka pa," pagmamakaawa ni Amanda, bahagyang naiiyak pa. Hindi niya maiwasang hindi maging emosyonal dahil talaga namang humina kumain si Theo. Bumagsak lalo ang timbang niya pero hindi sumusuko si Amanda. Kahit na walang gana lagi si Theo dahil sa sunod sunod na gamutan nito, hindi siya tumitigil. "S-Sige..." sambit ni Theo at muling kinain ang soup kahit na talagang nanghihina ito.Napangiti na lang si Amanda doon. Nagkatinginan sila pareho at napangiti na lang din si Theo. Hindi na niya napigilan pang mahawa.Bahagyang namula si Amanda at ramdam niya ang tila nagrarambulang mga paru paro sa tiyan niya. Pero bago pa siya tuluyang madistract, ipinagpatuloy na lang niya ang ginagawa.Nang natapos si Theo na