Share

CHAPTER 239: The Mother Figure

Author: YULIANNE
last update Last Updated: 2025-05-04 11:38:36

NAPAILING NA LANG si Theo sa sobrnag disappointment. Alam naman niyang may mga ganito ng pahaging ang ina niya pero hindi pa rin niya maiwasang mainis lalo. Aware naman din siya na nagkakaganito si Therese dahil na rin sa kalagayan ni Amanda at ayaw nitong malagay sa alanganin ang kompaniya nila at reputasyon na niya rin.

Napabuntong hininga si Theo, sinubukan na ikalma ang sarili bago tuluyan ng pumasok. Nakita niya si Georgina na para bang nahihiya pang tumingin sa kaniya dahil halatang nanginginig ang kamay nito nang magtama ng bahagya ang kanilang tingin.

"Georgina, may ibibigay pala ako sa iyo, hija! Sana magustuhan mo itong simpleng regalo ko sa iyo," ani Therese kay Georgina at iniabot ang isang box na halatang galing pa sa isang mamahalin at sikat na brand.

Tuwang tuwa naman na inabot iyon ni Georgina. "Oh. Thanks po, tita! Nag abala pa kayo..." nahihiyang saad nito bago buksan ang box. Bumungad sa kaniya ang isang mamahaling bracelet at talaga namang nagustuhan niya iyon kaya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (10)
goodnovel comment avatar
Cristy Acevedo
Dalangin ko sa lahat ng writer lalo na ang nagsulat ng story na ito na sana bumalik sa kanya ang mga nangyari sa buhay ni Amanda na syang sinulat nya para matauhan sya buong buhay syang magdusa.
goodnovel comment avatar
nagiePangani
kailan Kya maging Masaya nman Ang bida sa kwentong eto
goodnovel comment avatar
Beng Blanca
yan kaya lasonin ng nanay mo c amanda,, kso nahuli nman cya,,
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 305: The Disappointment

    "HINDI KO MATATANGGAP iyan. Wala akong hinihingi na kahit ano sa 'yo," sagot ni Luigi kay Theo.Umigting ang panga ni Theo. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw pa nito. Marami siyang magagawa sa perang makukuha nito. Kung tutuosin ay pwedeng hindi na rin ito magtrabaho para hindi na ito mahirapan. Pero mas gusto nitong hindi tanggapin iyon.Napabuntong hininga na lang si Theo at kalaunan ay napatango. Isang maliit na ngiti ang namuo sa kaniyang labi."Okay. Wala naman akong magagawa kung iyan ang desisyon mo. Basta magmula ngayon, wala na tayong utang na loob sa isa't isa," aniya kay Luigi.Iyon ang huling sinabi ni Theo bago tuluyan nang umalis. Mabigat ang loob niya habang papalayo sa mismong apartment ng kaniyang ama.Natauhan din naman kalaunan si Luigi. Iyon na ang huli... ayaw niya! Babawi pa siya sa anak niya! Kailangan niyang makasama pa ito ng mas matagal. At kung papayagan lang siya, sana maibalik pa niya ang oras nang sa gano'n ay mas makasama pa niya si Theo. Sana mas

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 304: The Black Card

    "IKAKASAL NA SI Gio at Loreign next year. By that time, fully recovered na ang anak natin. Syempre, kasama siya sa wedding. Sa tingin mo, anong magandang regalo sa bagong mag asawa?" tanong ni Amanda kay Theo matapos ng pagniniig nila.Parang normal lang silang mag asawa. Si Amanda ay nakasandig ang ulo sa malapad na dibdib ni Theo habang pinaglalaruan ang ilang hibla ng buhok nito roon.Hindi alam ni Amanda pero mabigat ang loob niya sa hindi malamang dahilan. Kabado siya pero hindi niya alam kung bakit. Lalo pa nang nakita niya na tila may malalim na iniisip si Theo. Kumunot ang kaniyang noo."Theo?" tawag niya sa pansin nito.Doon naman tila nagbalik sa reyalidad si Theo. "Hmm?" tanong nito at napagtanto ni Amanda na hindi pala ito nakikinig.Bumuntong hininga siya. "Tinatanong ko kung ano ang magandang iregalo kina Gio at Loreign sa kasal nila," mahinahong wika niya. "At tsaka... alam ko rin na medyo close rin naman kayo ni Gio dahil ang alam ko, may connection kayo sa business. K

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 303: The Last Time

    "BAKIT BA HINDI mo man lang naisip ang sarili mo?" frustrated na wika ni Harold kay Theo dahil sa desisyon nito. Napailing na lang siya at halatang halata ang disappointment sa ekspresyon nito.Isang matamlay na ngiti ang namuo sa labi ni Theo. "Iniisip ko lang ang kapakanan ng mag ina ko. Sila ang dapat na inuuna ko bukod sa ibang bagay. Wala na akong pakialam sa iba... sa kapangyarihan o sa sarili ko... basta ang mahalaga, okay sila," sabi pa niya.Umigting lang ang panga ni Harold. Alam niyang buo na ang desisyon ni Theo. Kaya wala na siyang magagawa pa kundi ang sundin ang gusto nito. Sa mga oras na iyon, may napagtanto si Harold. Totoo ang nararamdaman ni Theo kay Amanda. Totoo ang pagmamahal nito para sa babae. At alam niyang kahit siya na may nararamdaman kay Amanda ay hindi kayang tapatan iyon."Sige. Ako ang magpeperform ng surgery. Pero ipangako mo sa akin na kailangang magpakatatag ka. Hindi pwedeng hindi maging successful ito," seryosong wika ni Harold kay Theo.Tumango l

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 302: The Donor

    "TINULUNGAN KAMI ng ama mo. Bata palang ako, sakitin na ako. Namatay na ang tunay kong ama noong ipinanganak ako kaya hirap ang Mama ko noon. Pero dahil sa pagtulong ng ama mo sa amin, nag iba ang tingin ng mommy mo sa kaniya. Akala niya... kabit ng tatay mo ang Mama ko."Hindi alam ni Theo kung paano iproproseso lahat ng iyon sa utak niya. Parang ang hirap paniwalaan! Iba ang namulat sa utak niyang katotohanan. Tapos ngayon ito... maririnig niya ang bersyon ng katotohanan ni Harold... ang taong kinamumuhian niya dahil para sa kaniya, inagaw nito ang atensyon na dapat ay nasa kaniya sa ama nito.Napailing na lang si Theo. "Hindi... Hindi ko alam kung paano tatanggapin lahat ng iyan ngayon..." para bang nanghihinang wika na lang niya.Tumango lang si Harold. Naiintindihan naman niya kasi alam niyang hindi basta basta lahat ng iyon. Ang hindi nila alam pareho ay may taong nakikinig sa usapan nila pareho. Walang iba kundi si Therese.Tila natuklaw ng ahas si Therese sa mga nalaman tungko

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 301: The Talk With The So-called Brother

    UMIGTING LANG ANG panga ni Theo nang makita ang lungkot sa mga mata ni Therese. Gustuhin man niyang yakapin ito, hindi niya ginawa upang mas marealized ng ina niya ang mga kamaliang ginawa. Nanatili lang siya sa pwesto nito."A-Alam ko namang mali lahat ng iyon pero... ganito na lang ba talaga tayo? I-Iiwan mo na rin ako kagaya ng ama mo? Hahayaan mo na lang akong mag isa? Ganito na lang ba talaga ako hanggang sa pagtanda ko?" Sabi pa ng ina nito. Iniisip palang ni Therese ang lahat, parang pinanghihinaan na siya.Kahit ilang ulit niyang sinasabi sa sarili na kakayanin niya, alam niyang hindi gano'n kadali iyon. Kahit nakaya niya ng ilang taon, hindi ibig sabihin no'n ay makakaya pa niya sa mga susunod pa. Dahil sobrang hirap mag isa. Malungkot... at ang dilim ng mundo kapag mag isa lang siya.Nag iwas ng tingin si Theo. Hindi na niya nakayanan pa ang pagtitig sa mga mata ni Therese. "Kung nalulungkot ka, pwede ka namang maghanap ng ibang kasama mo dito," wika pa niya. "Aalis na ako..

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 300: The Bracelet

    "ALAM MO NA kung ano ang sagot ko diyan, Theo. Kung ano man itong mayroon sa atin ngayon, pansamantala lang. At 'yung tungkol sa singsing pala na binigay mo sa 'kin..." Bahagyang tumigil si Amanda at bumuntong hininga. "Walang ibig sabihin iyon sa akin. Sa huli, buo pa rin ang desisyon kong... umalis."Wala ng pakialam si Amanda kung masyado siyang naging marahas sa sinabi. Ang gusto lang niya ay tumatak sa isipan ni Theo ang orihinal niyang mga plano na hindi naman talaga lingid sa kaalaman nito."'Wag mo ring pigilan ang sarili mong magkagusto sa iba, Theo. Dahil ayos lang talaga sa 'kin... walang problema..." dagdag pa ni Amanda.May dumaang sakit sa mga mata ni Theo. Pero kahit na gano'n, sinikap pa rin nitong ngumiti at umaktong hindi ito nasaktan sa mga sinabi ni Amanda. Nilunok niya ang bata sa lalamunan bago muling nagsalita."May mga regalo ka sa kabilang kwarto na mula sa mga ilang kakilala. Pwede mong puntahan para mabuksan mo," sabi na lang niya at iniba ang usapan.Tumang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status