NAIWAN SI Secretary Belle kasama ang mag-inang Esmeralda at Sofia. Parehas pa ring hindi makapaniwala ang dalawa matapos sumunod si Theo kay Amanda na parang aso.Sinulyapan ni Secretary Belle si Sofia. "Kung ako sa 'yo, pigilan mo ang ina mong makialam. Hindi naging maganda ang huling nangyari sa pagitan nila ng stepmom ni Ma'am Amanda. Kapag tuluyang magalit si Sir Theo...""A-Ano?" kinakabahang tanong ni Sofia kahit pa may idea naman na siya sa kung anong kayang gawin ni Theo.Ngumisi si Secretary Belle. "Titigil siya sa pagfinance ng pagpapa-ospital mo. At higit sa lahat, pwede niyang i-withdraw ang pagtulong niya sa 'yo para mapalapit kay Klarisse Virtucio."Suminghap si Sofia at napatingin na rin sa ina na para bang hindi nakakalma sa mga nalaman.Umiling si Esmeralda. "Bakit ganito? Akala ko ba... tuluyan na silang maghihiwalay pero bakit... bakit may nangyayari pa rin sa kanila?!" hindi mapigilang tanong niya.Napailing si Secretary Belle. "Mag-asawa pa rin sila kaya gagawin n
BUMABA MUNA mula sa kwarto nilang nag-asawa si Amanda para makakuha ng makakain ni Theo at gamot para sa lagnat nito. Bumalik din siya agad at nadatnan niya si Theo na naroon pa rin sa sofa na nakasandal. "Lumipat ka na sa kama. Baka sumakit ang likod mo diyan," ani Amanda kay Theo.Walang sabi lang namang sumunod ang lalaki at pumwesto na sa kama. Maya-maya pa ay pinakain na ni Amanda si Theo. Sinisubuan niya ito ng sabaw na niluto kanina ng isa sa mga kasambahay dahil wala naman na siyang time para magluto pa.Pagkatikim palang ni Theo doon, mas lalo lamang siyang nainis."Hindi ikaw ang may luto nito?" tanong ni Theo na ngayon ay nakakunot na ang noo. Umandar na naman ang pagkamapili nito sa pagkain.Bumuntong hininga si Amanda at umiling. "Hindi. Isa sa mga kasambahay ang nagluto niyan. Masyado akong matatagalan kapag ako pa ang magluluto," sagot ni Amanda."Bakit hindi ikaw ang nagluto ngayon? Noon naman kapag may sakit ako, ikaw mismo ang naluluto. Alam mong mapili ako sa pagka
NATULOG SILANG dalawa no'ng gabing iyon nang hindi nagpapabsinan. Kinaumagahan, nagulat nang bahagya si Amanda dahil wala na si Theo sa tabi niya. Mas naunang nagising ang lalaki na bihira lang mangyari.Narinig ni Amanda ang pagstart ng kotse mula sa labas kaya dumungaw siya mula sa bintana ng kwarto. At doon, nakita niya si Theo na nakasandal sa kotse at naninigarilyo.Parang naramdaman naman ni Theo na may nakatingin sa direksyon niya kaya tumingla siya at nagtama ang mga mata nila ni Amanda. Ngumisi lang ng mapang-uyam si Theo na siyang ikinakunot ng noo ni Amanda.Maya-maya pa ay nasulyapan ni Amanda ang paglabas ni Secretary Belle bitbit ang ilang gamit ni Theo. Tinulungan siya ng driver na ilagay ang gamit ni Theo sa trunk ng kotse.Ilang segundo lang ang lumipas ay nagring ang telepono sa kwarto kaya agad sinagot iyon ni Amanda. Sinagot niya agad iyon at napagtantong si Secretary Belle ang tumatawag."Hello, Ma'am Amanda? Pasensya na po sa abala, pero pwede pong pakibaba ang g
SA SUMUNOD NA araw, nagkaroon ng simpleng salo-salo sina Theo at ang mga business partners niya. Kasali pa rin sina Ms. Huang sa small party na iyon. Syempre, nagkatuwaan silang lahat. Madami rin silang natake na mga pictures.Nagulat pa si Theo nang makunan siya ng larawan kasama si Ms. Huang na para bang magkayakap. Mabilis lang naman iyon pero kahit sinong makakakita ng litrato ay iisiping may namamagitan sa kanila.Pero naalis na rin iyon sa isip ni Theo dahil nagpatuloy ang party.Nang mas lumalim ang gabi ay nakita silang dalawa sa isang hotel na magkasama at nakunan ng picture. Pero para hindi masyadong halata, humiwalay ng daraanan si Ms. Huang at nagsuot pa ng mask. Dahil doon, kumalat ang rumor na magkasintahan silang dalawa.Nakarating ang balitang iyon kay Amanda pero hindi niya gaanong dinamdam. Nagsasanay siya sa pagtugtog nang biglang tawagan siya ng kaibigang si Loreign."Hello? Ano, may nabalitaan ka ba tungkol sa asawa mo? Hay naku! Pare-parehas lang ang mga lalaki n
NAGULAT PAREHO ang mag-ina at parang hindi alam kung ano ang sasabihin. Halatang sarkastiko ang pagsagot ni Theo at tila wala rin siya sa mood na nakatingin sa kanila pareho.Makailang segundo, si Sofia na ang naunang nagsalita. "Theo, pasensya na kung pakiramdam mo, parang nanggugulo kami dito ngayon. Pero ang totoo niyan, nag-aalala talaga kami kay Amanda. Kung hindi sinasadyang nadisturbo namin siya, humihingi na kami ng paumanhin..." pekeng sabi ni Amanda.Halos rumulyo naman ang mga mata ni Amanda sa narinig. Halata namang labas sa ilong ang sinasabi ni Sofia. Kunyari pang naluluha na ito!Hindi naman nagsalita agad si Theo. Pinagmasdan niya ang dalawa na para bang tinatantya kung totoo nga ang lumalabas sa labi ni Sofia."At... totoo ang sinasabi ko. Hinding-hindi ako magsisinungaling sa taong walang ibang ginawa kundi maging mabuti sa akin matapos ko siyang tulungan para gumising noon nang naka-coma pa siya..." patuloy pa ni Sofia.Napatitig lang ng matagal si Theo kay Sofia. D
PARANG WALANG nangyari sa kanila pareho nang dumiretso si Theo sa banyo. Hinang-hina naman si Amanda na naiwan sa kama matapos gawin ni Theo ang lahat ng gusto niyang gawin sa kaniya.After makapagshower ni Theo sa banyo ay lumabas na siya agad. Hindi na lang niya pinansin pa si Amanda na nakatulala sa kama at halos hindi gumalaw sa pwesto niya after nilang magtalik kanina.Nang nakapag-ayos si Theo ay lumabas na siya sa kwarto nang hindi man lang sila nagkausap ni Amanda. Dumiretso siya sa kotse niya pero nanigarilyo muna siya habang pumasok bigla sa isip niya ang napag-usapan nila ni Amanda kanina."Pagmamahal, huh?" Napangisi siya nang mapakla. Love? Hindi siya marunong no'n. Walang kwenta iyon kay Theo lalo pa at wala naman siyang nakalakihang gano'n. Lumaki siya sa magulong environment kahit pa nakukuha niya lahat ng gusto niya. Kaya wala talaga siyang planong magmahal pa.Pero kay Amanda... siguro ang nararamdaman niya sa babae ay pawang makamundo lamang. Obsessed ba siya sa bab
"KUNG ANO man ang napag-usapan natin ngayon, pwede bang 'wag mong sabihin kay Theo?" ani Amanda at hindi gaanong pinansin ang sinabi ni Atty. Hernaez.Ngumiti nang bahagya ang abugado. "Sure. 'Wag kang mag-alala. Wala akong sasabihin sa kaniya."Tumango lang si Amanda. Tumayo na kinauupuan kanina at medyo nanginig pa ang tuhod niya dahil sa pag-iisip tungkol sa binitawang mga salita ni Atty. Hernaez. Akmang tatalikod na siya pero nagsalita muli ang abugado."Kunin mo itong calling card ko. Baka kailanganin mo ito balang araw."Napatingin doon si Amanda at napaisip. Naalala na naman niya ang kapatid ang sinabi nito sa kaniya noon. Na tanging si Atty. Hernaez lang ang makakatulong sa kaniya.Wala sa sariling kinuha iyon ni Amanda. "Bakit parang sa nakikita ko ngayon, mas gusto mo akong tulungan? Hindi ba dapat si Theo ang inaalok mo ng tulong mo?" hindi na niya napigilan pa ang sariling itanong iyon.Hindi nagsalita si Atty. Hernaez at makahulugan lang nagkibit balikat at napasandal sa
NAPAIWAS AGAD si Amanda dahil halatang iritado na agad si Theo. Tinitigan niya ng masama ang hawak niyang condom."H-Hindi gano'n ang ibig kong sabihin, Theo," kalmadong sagot ni Amanda.Hindi maiwasan ni Theo ang mapangisi ng mapakla. "Hindi ko maiwasang hindi mainsulto diyan sa ginagawa mo, Amanda."Hindi naman tanga si Theo para hindi malaman kung ano ang iniisip ni Amanda. Siguro iniisip nitong madumi na siya dahil maraming babae na ang nalilink sa kaniya. At hindi niya masisisi si Amanda doon dahil kung anu-anong rumor na lang ang kumakalat sa kaniya! Kahit anong asikaso niyang ipatanggal lahat ng iyon, meron at meron pa ring natitira."Hindi 'yon ang kaso, Theo... m-meron ako ngayon. Kailangan mo 'yan," nahihiyang sagot ni Amanda. Naiinis siya sa sarili dahil talagang nakalimutan pa niya ang tungkol do'n gayong pag-iisahin na dapat ni Theo ang katawan nila kanina! Gano'n na ba talaga siya kadistracted sa halik at haplos nito na hindi na niya namalayan pa lahat?Hindi agad sumago
NANG NAIWAN NA lang na mag isa si Theo, napahilot na lang siya ng sentido dahil sa stress kay Jennie. Sumagi rin sa isip niya si Amanda. Mas lalong bumigat ang loob niya dahil doon. Pakiramdam niya, ang habang panahon ng hindi niya nakita si Amanda kahit pa nasa kalagitnaan pa lang naman ng isang buwan.Aminin man ni Theo o sa hindi, namimiss na niya ang presensya niya Amanda."Amanda..." naiusal na lang ni Theo ang pangalan ng asawa. Hanggang sa hindi na siya nakapagtiis pa. Hindi na niya kayang kimkimin ang pagpipigil niya. Tumayo siya sa sofa at lumabas ng kaniyang opisina. Natagpuan na lang niya ang sariling nasa loob na ng kaniyang sasakyan at nagmaneho papunta sa ospital kung nasaan si Amanda ngayon."Kahit saglit lang, gusto kitang makita," naibulong na lang ni Theo sa sarili at mas binilisan ang pagmamaneho. Wala siyang planong magpakita kay Amanda. Gusto niya lang itong makita kahit sa malayo. Pagkakasyahin niya ang sarili sa ganoong sitwasyon pansamantala dahil hindi iyon m
TEKA. SIR THEO? Hindi naman siya tinatawag na gano'n ni Amanda, ah! Doon palang parang nabuhusan ng malamig na tubig si Theo. Nagising tuluyan ang diwa niya at nagulat na lang sa nakita.Si Jennie ay dikit na dikit sa kaniya at puno ng pag asa ang ekspresyon kanina ngunit agad iyon nabura nang bigla siyang itulak ni Theo. Napalitan iyon ng confusion at para bang maiiyak ito bigla."S-Sir Theo...?" tanong pa nito at halatang gulat sa ginawa nito.Masama ang tingin na ipinukol ni Theo sa babae. "Sino ang nagpapasok sa iyo dito?!" nagpipigil ng galit na tanong niya sa babae na para bang nagpapaawa sa harapan niya. Para kasing kaunting kalabit na lang ay maiiyak na ito bigla.Pero kahit ganoon ang reaksyon ni Theo, hindi pa rin sumuko si Jennie. Sinubukan nitong lumapit muli kay Theo pero agresibo lang siya nitong itinulak bigla. Hindi na nito inalintana na masasaktan ito. Napalagapak na lang si Jennie sa carpeted floor. Pero kahit na nasaktan, hindi man lang nabura ang determinasyon sa m
HINIHINGAL NA BUMANGON si Theo mula sa isang panaginip. Basang basa ng pawis ang mukha niya pababa sa kaniyang dibdib.Ilang gabi na siyang ganito. Hindi siya makatulog ng maayos dahil paulit ulit niyang napapanaginipan si Amanda. Sa unang parte ng panaginip niya ay masaya naman sila ni Amanda. Ang kaso nga lang, sa kalagitnaan noon, dumarating na sa puntong sinisisi siya ni Amanda at umiiyak ng todo kung kaya't napapabalikwas na lang siya ng bangon.Napahilamos sa mukha si Theo at pilit na kinalma ang sarili. Parang nitong mga nakaraang hindi siya matahimik. Pakiramdam niya parang nababaliw na nga siya, eh!Dumaan sa isip niya ang kalagayan ni Amanda. Natatandaan pa niya ang naging usapan nila ng doktor nito."Kumusta ang asawa ko?" tanong ni Theo sa doktor."Wala kayong dapat ipag alala, Mr. Torregoza. Maayos ang kalagayan ng asawa niyo. Nakikipagcooperate ito sa treatment nito para gumaling agad. Sa katunayan nga ay nililibang niya ang sarili. Nagbabasa siya minsan ng libro at nags
MALAMIG ANG TINGIN na ipinukol ni Theo kay Amanda. Sinisikap niyang 'wag maglabas ng kahit anong reaksyon matapos sabihin iyon kay Amanda. Pero sa likod ng isip niya, kaya niyang baguhin ang naging desisyon tungkol sa pagpapagamot ni Amanda ng patago.Dahil isang sabi lang ni Amanda na ayaw niyang umalis at magpagamot sa ibang lugar, ibibigay agad ni Theo ang gusto nito. Gagawin niya ang lahat upang hindi sila tuluyang magkahiwalay ni Amanda.Pero walang sinabi si Amanda. Wala naman na kasing bago dito sa desisyon ni Theo. Sanay na siya sa mga gusto nitong ipagawa sa kaniyang labag sa loob niya. Sa tagal nilang mag asawa, alam na niya talagang may kapalit ang lahat.Ayaw niyang kinokontrol siya ni Theo. Pero naisip niya si Baby Alex. Ang anak nila ang pinakaapektado dito. Maaapektuhan ito sa magiging desisyon niya. Pero gusto naman ni Amanda na maayos na bersyon ng sarili niya ang deserve na magpakaina sa anak niya.Gusto ni Amanda na kapag lumaki na si Baby Alex, tumatak sa isipan ni
HINDI MAKATULOG SI Theo ng gabing iyon. Hindi pa rin kasi matahimik ang utak niya sa pag iisip. Ang daming nangyari sa loob lang ng isang araw. At ang hindi makapagpatahimik ng diwa niya ay naaalala niya ang dugo ni Amanda na nagkalat sa banyo. Naaamoy niya pa iyon. Kahit ilang baling ni Theo sa kama, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Nandiyan din si Baby Alex na iyak ng iyak. Ang hirap para kay Theo na umidlip man lang. Hanggang sa nakapag isip si Theo na ipaalaga muna si Baby Alex sa isa sa mga kasambahay pansamantala."Pakiasikaso muna ang anak ko," utos niya.Tumango ang kasambahay. "Sige po, Sir.""Sa study lang muna ako. Katukin mo lang ako do'n kapag kailangan ako ng anak ko," dagdap pa ni Theo."Masusunod po."Dumiretso na agad si Theo sa study. Doon, nagsindi siya ng sigarilyo, umaasa na kumalma kahit papaano ang mga tumatakbo sa isipan niya. Ang kaso, tila mas lumala lang iyon dahil ang dami niyang naaalala sa study.Ito ang lugar na naging saksi ng pagpapahiya niya ka
UMIGTING ANG PANGA ni Theo lalo at napabuntong hininga na para bang nagpipigil. Nagpatuloy ulit magsalita si Amanda."Hindi namin kailangan ang yaman mo, lalo na ang anak ko. Hindi niya kailangang manahin ang kompaniyang pinagmamalaki mo..." dagdag pa ni Amanda."Nasasabi mo lang iyan ngayon pero pagdating ng panahon--""Hindi, Theo! Sigurado na ako sa desisyon ko!" putol pa ni Amanda sa sinasabi ni Theo.Hindi na sumagot pa si Theo. Gusto niyang sagutin si Amanda pero ayaw niya ring magsalita ng kung ano pang ikasasama lang lalo ng loob nito. Baka mas lalo lang itong mastress.Kaya naman kahit labag sa loob niya, iniwan niya si Amanda muna doon para makahinga muna ito kahit saglit lang. Umalis muna siya at nag isip isip.Nang naiwang mag isa si Amanda, napapikit na lang siya ng mariin habang tahimik na lumuluha. Pumunta siya sa banyo at halos hindi niya makilala ang sarili nang mapatingin siya sa salamin. Namumutla pa rin siya at bumagsak ang timbang. Walang kabuhay buhay ang mga mat
NAITAKBO NI THEO si Amanda sa ospital. Sa loob ng private room nito, tahimik lang si Theo habang nakatanaw sa bintana. Bumabalik sa isip niya ang namumutlang si Amanda kanina na para bang... walang buhay.Maayos naman na ang lagay nito. At nasabihan na siya ng doktor na kailangan nitong magstay muna sa ospital ng ilang araw para maobserbahan ito at matingnan ng maayos ang lagay.Pumasok muli ang doktor at may ilan pang sinabi kay Theo."Tatapatin na kita, Mr. Torregoza. Nasa delicate stage pa rin si Mrs. Torregoza lalo pa at kapapanganak lang din. May postpartum pa ito kaya maraming tumatakbo sa isipan niya ngayon... kaya rin siguro naisipan nitong uminom ng sleeping pills. Ang maipapayo ko lang ay ilayo mo siya sa stress na maaaring makapagpalala sa sitwasyon niya," advice pa ng doktor kay Theo.Tumango si Theo. "Sige, Dok," simpleng sagot niya."Mas mabuting 'wag niyo siyang bibigyan ng ikasasama ng loob niya dahil baka makasama lang sa kaniya. Mabuti na lang din at naitakbo niyo si
NAESTATWA SI THEO sa kinatatayuan. Bakas na bakas ang gulat sa kaniyang mukha sa ginawa ni Jennie. Hindi niya nagawang alisin agad ang kamay na nakapulupot sa kaniyang bewang dahil may dumaang alaala sa kaniyang isipan.Parang ganito rin noon... kung paano nagconfess si Amanda sa kaniya tungkol sa nararamdaman niya.Parehas silang malakas ang loob at walang paligoy ligoy. Naibalik si Theo sa panahong iyon. Ngunit mabilis din siyang nagbalik sa kaniyang katinuan. Mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Jennie sa kaniyang bewang at hinarap ito at tinapunan ng nagbabagang tingin. Umigting ang kaniyang panga dahil sa kapangahasan ni Jennie."Baliw ka ba? Kasal na akong tao!" asik ni Theo.Napayuko na lang si Jennie dahil sa pagkakapahiya. Doon palang alam na niyang rejected na agad siya. Alam na niyang ganito ang mangyayari pero masakit pa rin pala. Sumisikip ang dibdib niya na parang hindi na siya makahinga.Pero pilit niya pa ring pinatatag ang ekspresyon at tumingin kay Theo. Nagawa pa
ANG LAHAT AY PUTI.Sobrang maliwanag para kay Amanda ang lahat. Pakiramdam niya ay mabubulag na ang mga mata niya sa sobrang liwanag ng paligid. Tinakpan niya iyon gamit ang kamay ngunit lumulusot pa rin. Naiiyak na lang si Amanda sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ngunit naestatwa siya sa pwesto nang makarinig siya ng pamilyar na boses..."Kumusta ka na, anak?"Namilog ang mga mata ni Amanda sa narinig. Mas lalo lang siyang naluha. May naramdaman siyang sakit sa dibdib ngunit mas nanaig ang saya."P-Pa?" tawag ni Amanda. "Ikaw ba iyan?" tanong pa niya. Hindi alam ni Amanda kung tama ba ang narinig niya o pawang kathang isip lang. Pero parang totoo! Narinig niya ang boses ng ama!"Ayos ka lang ba? Ang Mama at ang apo ko? Kumusta na?" tanong pa ng boses na hindi maaninag ni Amanda.Napahikbi si Amanda sa sobrnag frustration. Wala siyang makita dahil sobrang liwanag."Pa! Please, magpakita ka!" sigaw ni Amanda at pilit lumingon at tinanggal ang harang sa mga mata. Ang kaso wala talaga