Share

CHAPTER 89: The Fireworks

Author: YULIANNE
last update Last Updated: 2024-08-29 09:27:33

MULA SA SALAMIN ay nakatanaw si Theo sa ibaba. Nasa opisina siya ngayon pero hindi siya makapag focus sa mga trabaho. Lumilipad lang ang isip niya kay Amanda. At isa pa, parang bigla niya itong hinahanap. Bigla na lang niya itong... namiss.

Parang may sariling isip ang kaniyang kamay at bigla na lang kinuha ang phone niya sa bulsa. Ilang saglit lang ay idinial niya ang numero ni Amanda. Pero sobra ang pagkadismaya niya nang binababaan lang siya ni Amanda!

Napatawa na lang ng mapakla si Theo habang napapailing. May naramdaman siyang lungkot sa loob niya lalo dahil do'n. Kaya naman nang natapos ang trabaho niya sa araw na iyon, pinuntahan niya si Amanda.

Pero kumunot ang noo ni Theo nang nakita ang babaeng sumakay sa isang sasakyan na may pamilyar na plate number.

"Hindi pwede 'to. Hindi ako papayag..." pabulong na usal ni Theo nang mapagtanto kung sino ang may ari ng sasakyan kung saan sumakay si Amanda.

Walang iba kundi si Harold na naman!

Nakaramdam ng galit si Theo dahil do'n. Naii
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Elenard Tumalip
hmmmp..parang paulit ulit nalng ang eksena walanf exitement.kailan paba malaman ni theo na di si sofia ang dahilan ng paggising niya.o baka hindi na malalaman para humaba pa ang kwento na wala namang patutunguhan.kakatamad
goodnovel comment avatar
Edlien Soriano
di makanood ng ads
goodnovel comment avatar
YULIANNE
hi, thank you so much for your support! i hope you continue reading the story until i finish it. stay safe alway! ;)
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 316: The Envelope

    NANGINGINIG PA RIN talaga ang tuhod ni Amanda pagkalabas ng bahay. Parang kinakapos siya ng hininga dahil sa maikling interaksyon nila ni Theo. Pero hindi niya maiwasang mas mainis sa sarili.Bakit hanggang ngayon ay apektado pa rin siya kay Theo?Nandoon pa rin ang malakas na tibok ng kaniyang puso na hindi na niya napigilan pang mapasapo doon. Napapikit na lang siya ng mariin. Hindi na niya alam kung paano siya nakauwi nang matiwasay sa gabing iyon.Pagkarating niya sa bahay ay para bang nanghihina siya bigla. Kumuha siya ng malamig na tubig sa loob ng ref at nilagok iyon sa nanginginig na kamay.Mayamaya pa ay biglang tumawag si Damien sa kaniya. Kinalma naman niya ang sarili bago sinagot iyon."H-Hello?""Hi. Nadisturbo ko ba ang pagpapahinga mo?" bungad na tanong ni Damien."Ah... hindi naman. Bakit?" sagot ni Amanda. Hindi nga pala nito alam na hindi naman siya dumiretso agad ng uwi."Wala naman. Gusto lang kitang kumustahin. Mayamaya ay uuwi na rin ako. Nagbook ako ng malapit n

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 315: The Love

    "IPAPAHATID NA kita," pag offer ni Theo matapos matahimik ni Amanda ng ilang segundo. Nang nakabawi ay iniba na lang ni Theo ang usapan. Napansin niyang kanina pa gustong umuwi ni Amanda kaya naman hindi na napigilan pa ni Theo ang mag offer na ihatid ito.Agad na umiling si Amanda. "Hindi na kailangan. Kaya ko ang sarili ko," pagtanggi niya.Tumango si Theo. "Pero... pwede ba kitang samahan umuwi na lang?" lakas loob na tanong niya."At bakit?""Kasi... gusto kong makita ang mga anak natin," pag amin ni Theo.Pakiramdam ni Amanda ay binuhusan siya ng malamig na tubig. Hindi niya naisip na darating agad ang araw na ito. Pero hindi naman maiiwasan. Mangyayari at mangyayari pa rin ito. Hindi niya pwedeng alisin na lang basta si Theo sa buhay nila lalong lalo na sa mga anak nila. May karapatan pa rin ito bilang ama ng mga bata."Sige," tipid na sagot ni Amanda.Parang gustong magtatalon bigla ni Theo sa tuwa. Pero pinigilan niya ang sarili. Sa halip ay nagpasalamat na lang siya sa babae

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 314: The Slap

    "'WAG PO KAYONG mag alala, Ma'am. Wala po akong sasabihin kay Sir Damien tungkol dito," makahulugan na sabi pa ng driver.Natigilan nang bahagya si Amanda doon. Bakit pakiramdam niya nagtataksil siya kahit na hindi naman? Wala naman siyang gagawing masama. Tumango lang si Amanda at kalaunan ay naglakad na papasok sa dating bahay.Tahimik ang paligid. Para bang mas lalong naging walang kabuhay buhay ang lugar. May kung anong bigat siyang nararamdaman sa loob loob niya habang naglalakad.Rumagasa muli sa isipan niya ang mga alaala sa bahay. Hindi naging maganda ang mga memorya niya doon pero hindi rin naman niya maitatanggi na kahit papaano, may mga bagay na talaga namang masasabi niyang sumaya siya. Nagsama sila nila Theo at ang anak nila na tila isa silang normal na pamilya. Pero may lamat nga lang dahil hindi naman sila okay ni Theo.Mas naglakad pa patungo sa loob si Amanda at muli siyang sinalubong ng katahimikan. Nang mas pumasok pa siya, nagulat siya nang nakita si Theo sa may

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 313: The Old House

    SA LOOB LOOB NI THEO ay parang pinapatay na siya sa sakit. Sa kabila ng kaniyang ngiti ay sobra siyang nasasaktan. Inaasahan naman na niyang tuluyang makakamoved si Amanda sa kaniya. Pero ang sakit sakit pa rin pala kapag isinasampal na mismo sa mukha niya ang katotohanan.Tinalikuran na siya ni Amanda at hindi pa man din ito gaanong nakakalayo, saka naman dumating ang lalaking sinasabi nito. Nilapitan ni Damien si Amanda at nagpatong ng coat sa balikat nito upang hindi ito lamigin.Umigting ang panga ni Theo dahil sa sobrang selos. Siya dapat iyon, eh. Pero dahil ganito ang sitwasyon niya, ni wala man lang siyang magawa.Parang ang sweet sweet nilang dalawa. May pinagbubulungan sila na sila lang ang nakakaalam. Pasikretong kumuyom ang kamay ni Theo dahil do'n."Malamig..." ani Damien kay Amanda matapos ipatong ang coat.Napahawak doon si Amanda upang hindi mahulog ang coat. Pero para siyang natuklaw ng ahas nang may mapagtanto. Ang perfume sa coat ay parang kaamoy ng kay Theo. Sa is

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 312: The New Man In Her Life

    SUMAPIT ANG PANIBAGONG taon. Bumalik si Amanda sa syudad nang walang pinagsasabihan na iba para dumalo sa isang importanteng okasyon. Inimbitahan siya ni Mrs. Madriaga para doon.At dahil nga kahit papaano ay close sila ng babae, nagkwentuhan na sila ng kung anu ano at hindi na nga mapigilan pang ungkatin ang tungkol sa buhay ni Amanda."Kumusta ka na, Amanda?" tanong ng ginang habang may maliit na ngiti sa labi."Maayos naman po. So far, nakakayanan naman namin ng mga anak ko araw araw kahit na mahirap," sagot ni Amanda."Mabuti naman kung gano'n. Eh, 'yung kaibigan mo? Ano nga ulit pangalan no'n? Loreign ba?"Tumango si Amanda. "Opo. Ayon nga... medyo hindi maayos ang lagay ng kaibigan kong iyon. Namatay kasi ang asawa niya..." pagkukwento niya. Nalulungkot pa rin siya sa sinapit ng kaibigan niya pero wala naman na siyang magagawa do'n. Nangyari na at ang tanging ipinagdarasal na lang niya ay sana balang araw, maging maayos din ang lagay ng kaibigan niya.Naiba pa ang usapan hanggan

  • TWISTED MARRIAGE: When The Good Wife Finally Wants A Divorce   CHAPTER 311: The Baby's Cry

    "DADDY, NASAAN po kayo?"Halos maluha si Theo pagkarinig iyon sa kaniyang anak habang kausap ito sa telepono. Halatang kyuryuso ang bata kung ano na ang nangyayari sa kaniya pero hindi niya masabi ang totoo."A-Ah... nasa abroad si Daddy, anak," sagot ni Theo at kinagat ang ibabang labi upang mapigilan ang sariling maging emosyonal.Hindi sumagot si Baby Alex. Pero halatang dismayado ito. Naiintindihan naman iyon ni Theo. Syempre, sino ba namang anak ang hindi makakaramdam ng tampo kung hindi man lang niya nakikita ang ama nito.Naging madalang ang komunikasyon nilang mag ama kalaunan. Hanggang sa natigil na nga iyon nang tuluyan. Kasabay nang pagbigat ng loob ni Theo ay ang paglala rin ng kondisyon niya. Sa halos isang taon, nakawheelchair lang siya lagi at minsan, nakatitig sa kawalan. Mabuti na lang at kahit papaano nakakapagtrabaho pa rin siya sa bahay. Hindi naman niya pwedeng pabayaan ang kompaniya ng basta. At isa pa, mas nakakatulong iyon sa kaniya para maging okupado ang uta

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status