Share

Chapter Two: Starting All Over Again

"Salamat, Manang Lydia."

Nang makaalis na ang matanda ay saka naman itinuon ni Dana ang kanyang atensiyon kay Garrett.

Dana almost forgot how to breath while looking at her very handsome husband. 

"Bakit hindi ka pa natutulog, Dana? Tela, nainom mo na rin ba ang mga gamot mo?" ang nag-aalalang tanong ni Garrett sa kanya.

"Don't worry, I already did." ang nakangiti g sagot ni Dana. 

"Naku, I already did. Nakipag-chat lang ako kay Nana Lydia kasi feeling ko marami tayong aabutan." Nakangiting tugon ni Dana.

"That's good to know." Garrett nodded in approval. 

"Kumain ka na ba ng hapunan? Kung gusto mo, I can ask Nana Lydia to prepare something for you." mungkahi ni Dana. 

"It's alright. Nag-dinner na ako kasama ang mga harvester sa mango farm." sabi ni Garrett. 

Pinapanood ni Dana ang kanyang asawa habang hinuhubad nito ang kanyang jacket na ginagamit niya sa kanyang trabaho sa farm.

"Kumusta ang trabaho mo sa farm, mahal?" ang interesadong tanong ni Dana sa kanyang asawa.

"Well, same as usual. Iha-harvest na namin ang mangga bukas, at ihahanda natin ito for i-export." ang pagbabahagi ni Garrett. 

"Mukhang masaya yan! Pwede ba akong pumunta sa mango farm at panoorin ka habang nagtatrabaho?" biglang mungkahi ni Dana. 

"I'm sorry, but you can't do that. Kakalabas mo lang ng ospital at hindi kita papayagan na manatili sa farm. Napakainit sa mango farm. at baka ma-heatsroke ka pa. Nasa recovery period ka pa, remember?" paalala ni Garrett sa asawa.

"Please, Garrett?" sinubukan ni Dana na magpa- cute sa asawa. 

"No, don't give me that look. I'm not going to change my mind. Anyway, you need to sleep now. Maliligo lang ako." bilin ni Garrett sa kanya. 

At bago pa man makapagprotesta si Dana, pumunta na si Garrett sa banyo para maligo.

Nagpasya si Dana na hintayin ang kanyang asawa hanggang sa matapos itong maligo. Plano niya na bigyan ito ng isang goodnight kiss, and she's expecting something magical to happen between her and her husband.

She giggled at the thought, while feeling naughty. 

Inihahanda ni Dana ang sarili sa mga mangyayari ngayong gabi... 

===============================

Kinabukasan. 

Isang mahinang ungol ang pinakawalan ni Dana habang dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Nakikita niya ang sinag ng araw sa umaga na nagsisilbing liwanag sa buong silid.

Nang tuluyan na siyang magising ay agad siyang tumingin sa kanyang tabi, kung saan karaniwang natutulog ang kanyang asawa. 

Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang mapansin niya na wala ang kanyang asawa.

Lalong lumalim ang pagkunot ng noo niya nang mapansin niyang walang lukot ang unan ni Garrett... 

Naalala niya na dapat ay hihintayin niyang matapos maligo si Garrett, and she is planning to make passionate love with him.

But she's such a fool to let herself fall asleep, kaya hindi rin niya nagawa ang kanyang plano... 

Ngunit ang ibig bang sabihin ay hindi natulog ang kanyang asawa sa kanilang kama kagabi? Kung oo, saan ito natulog kagabi? At ano ang dahilan kung bakit hindi ito natulog kasama siya?

Naputol sa pagmumuni-muni ni Dana nang marinig niyang may kumakatok sa pinto. 

"Dana, anak?" narinig niya ang boses ni Manang Lydia mula sa labas.

"Pumasok po kayo, Manang Lydia."

"Dinalhan kita ng almusal, iha. Ipinaghanda kita ng light breakfast. Toasted bread na may strawberry jam, isang tasa ng decaffeinated coffee, ilang hiniwang prutas, at isang baso ng orange juice. Kailangan mo rin para uminom ng gamot sa umaga." paalala ng matandang babae sa kanya.

"Manang, nasaan po si Garrett?" ang tanong agad ni Dana. 

"Umalis siya ng madaling araw, Dana. Mag-aani sila ng mangga, kaya magiging abala siya ngayon." ang sagot ng matanda. 

"Ano ang plano mo ngayong araw? Gusto mo bang pumasyal sa hardin para makalanghap ng sariwang hangin? Pwede kitang samahan kung gusto mo..." nakangiting mungkahi ni Manang Lydia. 

Biglang napangiti si Dana nang bigla siyang makaisip ng isang magandang ideya. 

"Gusto kong bisitahin ang asawa ko sa mango farm, Manang! Let's bring him some lunch there!" ang excited na nasabi niya.

"Oo naman, kung yan ang gusto mo. Maghanda tayo ng tanghalian ni Garrett at magpapahatid tayo sa driver sa farm." responde ni Manang Lydia. 

Maganang kumain ng almusal si Dana, while she is looking forward on visiting her husband at the mango farm... 

===============================

Sa mango farm... 

"Sa tingin mo handa na ba tayong anihin ang mga mangga?" tanong ni Garrett sa pinuno ng mga mang-aani, habang nililibot niya ang kanyang mga mata sa malawak na lupain, na puno ng daan-daang puno ng mangga. 

"Yes, Boss. Handa na silang lahat para sa pagpitas ng mga mangga." ang siguradong sagot ni Jimmy, ang lider ng mga manggagawa.

"Mabuti naman kung ganoon. Tara na at simulan na nating magtrabaho." ang nakangiting anunsiyo ni Garrett. 

 

May sasabihin pa sana si Garrett ngunit hindi na niya naituloy iyon nang makarinig siya ng busina mula sa isang sasakyan...

Nasorpresa siya nang makita niya si Dana na nakasakay sa wheelchair, at may hawak iting basket. Itinutulak naman ni Manang Lydia ang wheelchair ni Dana...

"Hello, mahal!" ang kumakaway na bati sa kanya ng asawa. 

"Bakit ka pumunta dito sa mango farm, Dana?" ang nagtatakang tanong ni Garrett.

"Well, naisip ko lang naman na bisitahin ka at bisitahin ang farm. Oo nga pala, naghanda rin kami ni Manang Lydia ng tanghalian para sa lahat mamaya." ang masiglang sagot ni Dana.

"Dapat ay nagpapahinga ka." ang seryosong nasabi ni Garrett.

"I'm getting bored just staying in the house, mahal! Teka, ayaw mo ba akong makita?" ang nagtatampong sabi ni Dana. 

 

"Of course not! I'm glad to see you here. Nag-aalala lang ako sa kalusugan mo." Garrett tries to reason out.

"Look, you don't have to worry about me. I feel perfectly okay. Nasa isang tabi lang kami ni Manang Lydia, and I promise, we're not going to get into your way." Dana cajoled. 

"Sige, kung yan ang gusto mo. Babalikan na lang kita kapag tanghalian na. Sabay na tayong mag-lunch." Garrett finally gave in. 

"Okay, mahal. Gawin mo ang best mo sa trabaho!" Dana cheers up her husband.

Bumalik na si Garrett sa trabaho kasama ang mga ibang trabahador...

Nakangiting pinagmasdan ni Dana ang kanyang asawa. She can't help herself but to gulp an imaginary lump on her throat while looking at her husband's biceps. She can see him involuntarily flexing his muscles, and he really looks manly. 

Natigil ang kanyang malikot na pag-iisip nang maramdaman niyang may dumampi sa kanyang likuran. Hindi isang beses, hindi lamang dalawang beses, ngunit tatlong beses! 

Nanlaki ang mata niya sa gulat nang maramdaman niyang may gumagapang sa likod niya. At dahil dito, tumili siya nang pagkalakas-lakas.

Samantala... 

Biglang napalingon si Garrett nang makarinig siya ng malakas na sigaw. Bigla siyang kinabahan at nag-alala nang makita niyang sumisigaw si Dana, habang namimilipit sa kanyang wheelchair. 

Tumakbo siya patungo kay Dana... 

"What's wrong, Dana? May masakit ba sayo?"

"May mga langgam na gumagapang sa katawan ko!" ang nagpa-panic na sagot ni Dana.

Kaagad namang binuhat ni Garrett si Dana at inihiga sa likod ng jeep, para magkaroon sila ng sariling privacy. Mabilis niyang tinulungan si Dana na hubarin ang damit niya, saka niya inisa-isang tanggalin ang mga gumagapang na langgam sa katawan ng asawa.

Deep inside, Garrett can feel something inside his body, while looking at Dana's body. Nakasuot siya ng bra, at kitang-kita niya ang perpektong hugis ng katawan nito...

Garrett tried his damn best to focus his atensiyon to something else.

Matapos matiyak na wala nang langgam na gumagapang sa katawan ni Dana, hinubad niya ang kanyang plaid jacket at ibinalot iyon sa katawan ni Dana.

"Kailangan mo nang umuwi, Dana. Kailangan mo nang magpahinga." ang pormal na nasabi ni Garrett. 

"Pero---!" magpoprotesta na sana si Dana, ngunit muling nagsalita ang kanyang asawa. 

"No buts. Kita nalang tayo sa bahay mamaya." ang istriktong tugon ni Garrett 

Walang choice si Dana kung hindi sundin ang kanyang asawa. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status