Share

Chapter Five: The Godfather

5

"I can't believe I'm telling you this, but it all boils down to my father's greed and obsession with power. At kailangan mo na ring malaman ang sikreto ng aming pamilya, Clarisse... Well, here it goes-- ang aking ama ay lider ng isang organized mafia crime group, at ito ay tinatawag na "La Famiglia." nagsimulang magkwento si Michele. 

"Hindi ko akalain na talagang may mafia pala sa totoong buhay. Akala ko ay sa mga pelikula lang nangyayari iyon..." iyon na lamang ang nasabi ni Clarisse.

"Ang grupo na iyon ay nagpapatakbo ng maraming negosyo. But their main business is manufacturing and selling firearms." ang pagpapatuloy ni Michele.

"Kasama ka rin ba sa pagpapatakbo ng negosyo, Michele?" ang biglang naitanong ni Clarisse.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong hindi?" ang balik-tanong ni Michele. 

Tumingin si Clarissa kay Michele ng diretso sa kanyang mga mata. Deep inside her heart, naniniwala siya sa lalaking ito dahil buong tapang nitong pinagtapat sa kanya ang sikreto ng kanilang pamilya...

"Oo, naniniwala ako sayo." ang sinserong tugon niya.

Nagpakawala ng ngiti si Michele matapos niyang marinig ang sagot ni Clarisse.

"I appreciate your trust in me, love. Anyway, let me tell you everything about my family... Sinabi ko na sa iyo na ang aking ama ay miyembro ng isang organisadong mafia crime group na tinatawag na "La Famiglia." Gusto ko ring sabihin sa iyo na ang aking ama ay ang "Godfather" ng "La Famiglia." Siya ay nasa ibabaw ng pyramid at kinokontrol niya ang iba pang apat na miyembro ng kompanya. And eversince I was born, I was already destined to take over the "Godfather" seat in the future. Ngunit sinabi ko sa aking ama sa simula pa lang na ayaw kong maugnay sa La Famiglia, ngunit pinipilit pa rin niya akong ilagay sa upuan ng kapangyarihan dahil ako ang kanyang nag-iisang tagapagmana." muling nagpaliwanag si Michele.

"Don't tell me that your father is trying to scare me because of you? Iniisip ba niya na ilalayo kita sa kanila?" ang tanong ni Clarisse.

"Tama ka, ngunit meron pang isang dahilan. Ipinagkasundo ako ng aking ama na ipakasal sa anak na babae ng kanyang kumpare, na miyembro rin ng La Famiglia. Nakipagusap ako sa aking ama at sinabi ko sa kanya na wala akong plano na pakasalan ang babaeng nais niya para sa akin. Bukod pa riyan ay nagpasya na akong putulin ang aking relasyon sa aking ama." ang pagpapatuloy ni Michele.

"I'm sorry to hear that... Okay ka lang ba?" ang nag-aalalang tanong ni Clarisse sa kanyang kasintahan.

“To be honest, mahirap iwan ang pamilya ko, but I didn’t have any choice... We have to be mentally, emotionally and physically ready from now on, Clarisse. My father is not giving up yet. But I promise you, I will do anything and everything within my power to protect you." ang pangako ni Michele kay Clarisse.

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Clarisse na nagkasundo ang mag-ama... 

=============================

Samantala.

"Kailan mo ipapaalam ang engagement namin ni Michele, daddy?" Tanong ni Celeste Vitale sa kanyang ama, habang sila ay naghahapunan...

"I know you're excited, but please wait for a bit longer. Huwag kang mag-alala, kakausapin ko. ang ama ni Michele bukas upang pag-usapan ang engagement ninyo." ang paninigurado ni Mr. Vitale sa kanyang unica hija. 

"That's a good idea, Dad." Celeste nodded in agreement.

"You'll be Mrs. Celeste Montserrat very soon, sweetheart." ang nakangiting sabi ni Mrs. Vitale, ang kanyang ina. 

"Oh, yes, mommy. I will be Mrs. Michele Montserrat soon, and I feel like I'm walking on clouds because of happiness." tugon ni Celeste, habang kumikinang ang kanyang mga mata sa sobrang pananabik. 

Magkaibigan na sila ni Michele noong bata pa sila, at hindi na sila halos mapaghiwalay. Eventhough hindi naman talaga sila official at kahit wala silang label sa kanilang relasyon, they are very much aware that they are going to get ready in the future because of their father's deal.

Matagal nang may gusto si Celeste kay Michele. Matagal na niyang pangarap na maging asawa si Michele, at maging ina ng mga anak nito...

She can't wait to get married with him! 

=============================

Lumipas ang ilang araw. 

Si Michael Montserrat ay kasalukuyang nasa isang pulong kasama ang isa sa pinuno ng La Famiglia na si Carlo Vitale. 

"What do you mean Michele is having a problem? Can you elaborate what problem are you talking about?" ang anong ni Carlo, habang nakakunot ang noo nito.

Huminga muna ng malalim si Michael bago siya muling nagsalita.

"My son is going all loco with a certain woman. But I can assure you that our deal is still on, and we can still go ahead with our Michele and Celeste's engagement." he tries to reassure his old friend.

"At ano naman ang gagawin mo sa babaeng iyon?" biglang tanong ni Carlo. 

Nagsalin si Michael ng vodka sa dalawang baso, at ibinigay ang isa kay Carlo. 

"Alam mo naman ang kadalasang ginagawa natin sa mga walang kwentang basura, hindi ba?" misteryosong sabi ni Michael, habang nakangisi ito.

Ngumiti naman si Carlo.

"Cheers to that." ani nito.

Both of them raised and clinked their glasses for a toast... 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rosemarie A Araneta
wla po bang update nito?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status