Share

Chapter Six: Ang Paparating Na Pagsubok

Minamaneho ni Celeste ang kanyang Mercedes Benz habang papunta siya sa condominium unit ni Michele sa gitna ng Metropolitan City. Tapos na siya sa kanyang shopping spree for the day, at kalahati ng mga damit na binili niya ay para sa kanyang magiging asawa. She is very excited to see him again after her three-month European tour.

Isa pang dahilan kung bakit niya gustong makipagkita at makausap si Michele ay kailangan na nilang pag-usapan ang ilang detalye ng kanilang nalalapit na engagement at kasal. 

Pagkatapos niyang iparada ang kanyang sasakyan sa VIP area ng condominium building, sumakay si Celeste sa elevator, habang hawak-hawak niya ang mga paper bags na puno ng mga ipinamili niya para kay Michele.

Pinindot niya ang "P" button na siyang Penthouse na tinutuluyan ni Michele. Nang makarating siya sa Penthouse, mabilis niyang pinindot ang ilang numero na siyang passcode ng pinto ni Michele. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga numerong iyon dahil iyon ang araw ng birthday ni Michele.

Nakahinga siya ng maluwag nang tuluyang bumukas ang pinto. Ibig sabihin, hindi pa pinapalitan ni Michele ang kanyang passcode... 

Pumasok si Celeste sa bahay at inilapag niya ang lahat ng mga shopping bag sa golden center table. Dumiretso siya sa kwarto ni Michele. 

Pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto ay napabuntong-hininga siya sa paghanga nang makita niya si Michele na natutulog na walang pang-itaas na suot. She can see his back, and he looked so ripped. Napakasexy ng kanyang biceps at triceps...

Natigilan si Celeste, at pagkatapos noon ay pinakalma niya ang sarili. 

Nagpasya siya na maghanda ng almusal para kay Michele. At dahil hindi siya marunong magluto, she decided na mag-order na lamang sa Isang food delivery app.

Sinimulan na niyang mag-order sa kanyang smartphone, at pinili ang lahat ng mga paborito ni Michele...

==============================

Dahan-dahang iminulat ni Michele ang kanyang mga mata nang makarinig siya ng kumakanta labas ng kanyang silid.

Agad niyang tinignan ang oras, and he realized that it was already afternoon. Late na siyang nakatulog kagabi dahil kausap niya si Clarissa sa telepono.

Anyway, gusto niyang malaman kung sino ang nasa loob ng pamamahay niya...

"Sino ang pumasok sa bahay ko?" ang nagtatakang tanong niya sa sarili. 

Maingat at walang ingay niyang kinuha ang kanyang baril na nakatago sa kanyang pintuan. Gusto niyang maging handa kung sakali man na kaaway ng kanilang pamilya ang nasa loob ng kanyang pamamahay...

Dahan-dahan siyang binuksan ang pinto. Iginala niya ang kanyang mga mata at nagpakawala ng buntong-hininga si Michele nang makita niya ang kanyang kababata na si Celeste Vitale na abala sa pagsi-set up ng lamesa na puno ng mga pagkain.

Si Celeste Vitale ay ang nag-iisang anak ni Carlos Vitale, isa sa mga miyembro ng La Famiglia at ang pinakamatalik at tapat na kaibigan ng kanyang ama.

At dahil sa pagiging matalik na magkaibigan ng kanilang ama ay napagkasunduan ng mga ito na ikasal sila ni Celeste. Pero hindi siya papayag sa engagement at kasal dahil ang babaeng gusto niyang pakasalan ay si Clarissa... 

"Anong ginagawa mo dito, Celeste?" tanong ni Michele dito.

Mabilis siyang niyakap ng mahigpit ni Celeste. 

"Oh, Michele! Na-miss kita ng sobra!"

Agad naman na kumalas si Michele mula sa pagkakayakap ni Celeste.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Anong ginagawa mo dito at paano mo nalaman ang passcode ko?" muli niyang tanong. 

Nag-pout naman si Celeste habang nakaupo sa couch. 

"Nandito ako dahil na-miss kita at gusto kitang makita! At naaalala ko pa rin ang passcode mo, at natutuwa akong hindi mo ito binago sa nakalipas na ilang taon." ang sagot ng babae.

Lihim na naisip ni Michele na kailangan niyang palitan ang kanyang passcode pagkaalis ni Celeste sa kanyang bahay...

"Anyways, I'm glad you woke up at a perfect time. I prepared your favorite dishes, and I'm sure magugustuhan mo ang mga ito." biglang iniba ni Celeste ang usapan, habang hinihila nito si Michele papunta sa dining table.

Wala nang nagawa si Michele kung hindi ang sundin ang kapritso ni Celeste, para hindi na ito mangulit.

Habang kumakain si Michele ng kanyang brunch, walang namang tigil sa pagkukuwento si Celeste 3-month trip na paglilibot sa buong Europa...

Hindi na lamang nagsasalita si Michele kahit na bored na siya sa mga kuwento ni Celeste...  

Sigurado na siya sa kanyang sarili na wala siyang planong magpakasal kay Celeste. Naniniwala siya na magpapakasal lamang siya sa babaeng kanyang minamahal at hindi niya hahayaang lumaki ang kanyang mga magiging anak sa mundo ng mafia organized crime group.

Siguro ito na ang tamang oras para kausapin si Celeste at ituwid ang lahat. 

Huminga muna ng malalim si Michele bago siya muling nagsalita. 

"Celeste, kailangan nating mag-usap." ang panimula niya.

"Gusto mo bang pag-usapan ang engagement natin at sa magiging kasal natin? Well, marami akong naiisip na plano---!" biglang nahinto si Celeste nang biglang nagsalita muli si Michele.

"Yes, we need to talk about those things. But I'll go straight to the point, Celeste. I'm sincerely sorry, pero wala akong planong pakasalan ka." ang diretsong pag-amin ni Michele.

Na-shock naman si Celeste matapos niyang marinig ang sinabi ni Michele. Makalipas ang ilang segundo ay nakabawi ito sa pagkabigla at muli itong nagsalita.

"Baka inaantok ka pa, Michele. Hindi mo alam ang sinasabi mo. You know what, iiwan na muna kita para makatulog ka ulit at bukas na tayo mag-usap."

"No, Celeste. I'm in my right state of mind. I've already decided on this ever since we were in the University College. I might sound overly romantic and old-fashioned, pero gusto kong pakasalan ang babaeng mahal ko, at hindi para sa negosyo, kapangyarihan o kung ano pa man." ang pahayag ni Michele.

"Alam ko na hindi mo ako mahal, Michele. Pero naniniwala at umaasa pa rin ako na mamahalin mo rin ako balang araw. Why don't you give us a chance?" ang naluluhang pakiusap ni Celeste.

"I don't want you to go through that torture. We need to break ourselves free from the marriage for convenience tradition between the La Famiglia. I really believe that you will fall inlove with someone else and you will be happy." ang taos-pusong sinabi ni Michele. 

Galit na pinunasan ni Celeste ang kanyang mga luha at tinitigan si Michele. 

"You're making a lot of excuses, Michele! 

 Just tell me the truth, inlove ka na ba sa iba? May ibang babae ba?" tanong niya. 

Kumunot ang noo ni Michele dahil hindi niya gusto ang mga salitang "ibang babae."

"Let me clear one thing. Una, wala talaga tayong relasyon. We're family by affinity, nothing more, nothing else. And besides, I never said I like you, nor I love you in the past... At isa pa... Oo, na-inlove ako sa isang napaka-espesyal na babae at hindi lang siya "ibang babae." ang diretsong sagot ni Michele.

Hindi nakapagsalita si Celeste ng ilang minuto dahil nabigla siya sa biglang panlalamig ni Michele sa kanya.

"I will not give up on you that easily, Michele! You know me very well. I'll make sure that you'll fall inlove with me. We'll get engaged and get married in no time." siya enunciated.

Pagkatapos noon ay kinuha na niya ang kanyang branded na bag sa sofa at padabog na umalis. 

Pinapanood lang ni Michele si Celeste mag- walk out hanggang sa mawala na siya sa paningin niya.

Kahit na hindi maganda ang kinalabasan ng kanilang pag-uusap, at least ay nasabi niya ang totoo Kay Celeste...

Bigla niyang naisip si Clarissa. Since the very first day he saw her, alam na niyang siya na ang babaeng gusto niyang pakasalan.

Nagpasya siyang tumayo at tinungo ang kanyang walk-in closet. Kumuha siya ng blue velvet box sa isa sa mga closet niya at binuksan niya ito. 

Napangiti si Michele nang makita niya ang hugis-peras na engagement ring na kumikinang sa liwanag. 

Binili niya ang singsing na ito ilang linggo na ang nakakaraan, at hanggang ngayon ay hindi niya ito naibigay kay Clarissa. 

Nag-iisip siya ng iba't ibang mga senaryo ng proposal ngunit hindi niya mahanap ang perfect timing...

Ngunit kailangan niyang gawin ito one of these days. The sooner, the better before his father, the Godfather, will try to stop him from his plans to marry Clarissa. 

=============================

Ilang araw na ang nakalipas mula nang mangyari ang pagtatalo nila ni Michele, ngunit walang natanggap na tawag si Celeste mula sa kanya. 

She is very much aware that Michele doesn't feel the way she does, but she keeps on wishing, hoping and praying that he will fall inlove with her, and they will have their own happy ending. 

Iniisip ni Celeste kung sino ang babaeng iniibig ni Michelle. Gusto niyang malaman ang lahat tungkol sa kanya, at paano niya naakit ang kanyang magiging asawa. 

Mabilis siyang bumangon sa kanyang kama nang may biglang pumasok sa kanyang isipan. Kinuha niya ang cellphone niya sa bedside table at nagsimulang mag-dial ng numero. May kakilala siya mula sa isang Investigating Agency, at hihilingin niya itong magsagawa ng background check sa misteryosong babae ni Michele... 

At kapag nalaman na ni Celeste ang lahat tungkol sa kanyang karibal, haharapin na niya ito. 

===============================

Kasalukuyang nagkakaroon ng late-night date sina Michele at Clarissa sa isa sa beach resort na pag-aari ng pamilya Montserrat. Hindi ito ang parehong beach na pinuntahan nila noong una nilang dinner date, pero sa pagkakataong ito, ibang property ang pinuntahan nila para hindi sila magkaharap ni Mr. Michael at Mrs. Katherine Montserrat.. . 

"Michele, may gusto sana akong itanong sa'yo..." biglang tanong ni Clarissa, habang magkahawak-kamay silang na naglalakad ni Michele.

"Go ahead." ang nakangiting responde ni Michele.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status