Home / Romance / [Tagalog] The Mafia's Angel / Chapter Three: Romance in the Air

Share

Chapter Three: Romance in the Air

Author: Alex Dane Lee
last update Huling Na-update: 2023-11-14 19:42:05

Pagkaraan ng ilang oras, nagpasya sina Michele at Clarisse na bumalik sa beach house upang magpahinga ng kaunti bago sila bumalik sa siyudad at ihatid si Clarisse sa kanyang tinutuluyan.

Binati sila ni Celia, ang mayordoma at caretaker sa beach house. 

"Sir, bigla pong dumating ang inyong mga magulang. Halos kararating din lang po nila." ang imporma agad ng matandang babae sa kanila.

Hindi alam ni Clarisse kung bakit siya tinignan ni Michele. Pagkatapos noon ay muli nitong itinuon ang atensiyon sa matandang babae.

"Nasaan sila ngayon?" 

"Nasa sala sila ngayon at nagpapahinga." ang sagot ng caretaker. 

"Let's go, Clarisse. Let me introduce you to my parents." ang biglang imporma Michele.

Bago pa nakapagprotesta si Clarisse ay hinawakan na ni Michele ang kamay niya, at sabay silang naglakad papunta ng salas. 

"Michele, my son!" nakangiting tumayo ang ina ni Michele, at pagkatapos noon ay dumiretso ito sa anak na lalaki at niyakap ito ng mahigpit 

"Good evening. Dad... Mom. I want you to meet a good friend of mine, Clarisse Marshall." pagpapakilala ni Michele kay Clarisse sa kanyang mga magulang. 

Magiliw na nginitian ng ina ni Michele si Clarisse, habang kumikislap ang mga mata nito sa tuwa. 

"Oh, wow! You have a very pretty friend, Michele. Nice to meet you, Clarisse." ang mainit na pagbati ni Mrs. Montserrat kay Clarisse. 

"Ikinagagalak kong po kayong makilala, Ma'am." ang magalang na sagot ni Clarisse. 

"Honey, bakit hindi natin yayain sina Michele at Clarisse na magkape?" ang suhestiyon ng tatay ni Michele, ngunit walang makikitang kahit anong ekspresyon sa mukha ng matandang lalaki.

Napalunok si Clarisse dahil sa sobrang nerbiyos habang palihim na tinitignan ang matandang lalaki. Mukha kasi itong istrikto. 

"Tigilan mo na ang masyadong pag-iisip, Clarisse. Walang mangyayaring masama sa'yo hanggat kasama mo si Michele." ang pagpapakalma ni Clarisse sa kanyang sarili.

Natigil ang pag-iisip ni Clarisse nang marinig niyang muli ang boses ni Mrs. Montserrat.

"Tama ka, honey.... Celia, pwede bang paghandaan mo kami ng kape at mga pastries and cookies?" ang nakangiting pakiusap ni Mrs. Montserrat sa kanilang mayordoma.

"Yes, Madam." ang tugon naman ni Celia. Matapos noon ay naglakad na ito papuntang kusina. 

Ibinalik naman ni Mrs. Montserrat ang kanyang atensiyon kay Clarisse.

"So tell me, Clarisse. Paano kayo naging magkaibigan ni Marco?" ang tanong nito.

Nagkatinginan sina Michele at Clarisse. 

"Una po kaming nagkakilala sa pnagtatrabahuhan kong convenience store. Nakita ko po na hindi maayos ang kalagayan ni Michele dahil sa hypoglycemia. Binigyan ko po siya ng nararapat na first aid at tumawag na rin po ako ng ambulansya. At doon na po nagsimula ang lahat." ang pagkukwento ni Clarisse.

"Maraming salamat sa pagligtas mo sa buhay ng anak namin, Clarisse." ang sinserong pasasalamat ni Mrs. Montserrat. 

"Sounds like a scene in a romantic movie." 

Hindi nakaligtas sa pandinig ni Clarisse ang sarkastikong tono sa boses ng tatay ni Michele.

Alam niya ang gustong ipahiwatig ni Mr. Montserrat.  Halata namang may ipinapahiwatig siya, pero ayaw niyang magsimula ng gulo, kaya naman nagpasya na lamang siyang manahimik. 

Natigil ang pag-iisip ni Celia nang marinig niya ang boses ni Henry. 

"Nandito na po ang inyong kape." ang imporma ni Celia, habang may hawak itong tray na may mga tasa ng kape at iba't-ibang klaseng pastries.

Naisip ni Clarisse na maganda ang timing ng pagdating ni Celia dahil nabasag ang tension sa pagitan nila ni Mr. Montserrat.

Habang nagkakape sila ay panay naman ang kuwento ni Mrs. Montserrat kay Clarisse.

Pero napapansin din ni Clarisse na nakatitig sa kanya ang tatay ni Michele na parang sinusuri nito ang bawat galaw niya.

Hindi maikakaila na hindi siya gusto ng matanda, at nagtataka siya kung bakit.

Pero gaya nga ng sinasabi ng iba, hindi lahat ng tao ay magugustuhan ang isang tao, at iyon ang realidad ng buhay... 

===============================

Mabilis na lumipas ang linggo.

Matapos ang kanyang dinner date kasama si Michele at ang aksidenteng pgkikita nila ng mga magulang ng lalaki, ay nagpasya si Clarisse na putulin na ang ugnayan nila ni Michele at ipagpatuloy ang kanyang normal na buhay... 

Mas makakabuti na kalimutan na niya si Michele Montserrat para hindi na maging mas komplikado ang kanyang buhay. 

Kasalukuyang busy sa pagtatrabaho si Clarisse sa convenience store nang bigla siyang tawagin ng kanyang katrabaho.

"Okay nandiyan na ako---!" hindi na natapos ni Clarisse ang kanyang sasabihin nang makita niya si Michele.

"Anong ginagawa mo dito, Michele?" ang agad na tanong ni Clarisse sa lalaki.

"Please hear me out, Clarisse. First of all, I want to sincerely and genuinely apologize to you for what happened few weeks ago. Hindi ko alam na pupunta rin ang mga magulang ko sa beach resort!" Michele started explaining.

"Wala kang dapat ihingi ng sorry, Michele." ang tugon ni Clarisse.

"Pero gusto kong humingi ng paumanhin dahil sa malamig na pagtrato sa'yo ng aking ama. Kahit ako ay naramdaman ko din iyon." muling nagsalita si Michele.

"Wala kang ginawang masama, at ganoon din ang tatay mo. Sa totoo lang ay wala akong masama na masasabi sa'yo. Napakabait mo at gentleman pa. Pero magkaiba pa rin tayo ng mundong ginagalawan at kailangan na nating bumalik sa realidad.

"But I want to meet you as much as possible. Gusto kitang makilala pa, gusto kong mapalapit sa'yo, and I want to spend more time with you!" ang muling giit ni Michele.

"Pero bakit pa?" ang curious na tanong ni Clarisse.

"Isn't it obvious? I am madly in love with you, Clarisse! I fell in love with you at first sight!" umamin na rin si Michele sa kanyang nararamdaman.

Nanlaki ang mga mata ni Clarisse sa labis na pagkagulat nang marinig niya ang love confession ni Michele sa kanya. Hindi niya nakuhang makapagsalita...

"Please give me a chance to prove myself and show my love to you, Clarisse." muling nagsalita ang lalaki. 

Kahit papaano ay naantig si Clarisse sa mga sinabi ni Michele. Kitang-kita sa mukha nito ang sinseridad at katapatan nito.

 

As of the moment, hindi pa rin niya masabi kung ganoon din ang nararamdaman niya kay Michele, pero sigurado siya na attracted siya rito.

Huminga muna ng malalim si Clarisse, at nagpasya siyang magsalita ulit.

"Okay then. Let's try to spend more time together and let's see what will happen. But I'm not promising you anything, okay? We'll just take everything slow." sa wakas ay nakapagdesisyon na siya.

Nagliwanag ang buong mukha ni Michele at lalong lumawak ang ngiti nito na para bang nanalo ito sa lotto.

"You don't have any idea how happy I am, Clarisse! Salamat sa pagbibigay mo sa akin ng tsansa at pag-asa." ang tuwang-tuwa pahayag nito.

"Basta huwag tayong magmadali at maging masaya na lamang tayo, okay?" ang nakangiting tugon ni Clarisse... 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Eighty-Eight: Now And Forever

    Pagkalipas ng ilang taon, naging mas matibay at mas masaya ang relasyon nina Sarah at Martin. Ang kanilang pagmamahalan ay lumago at namulaklak sa gitna ng mga masasayang alaala na kanilang binuo sa paglipas ng panahon. Nagsimula sila ng bagong buhay bilang mag-asawa, puno ng pag-ibig, kasiyahan, at walang anumang problema.Ang kanilang renewal of vows wedding ay ginanap sa isang napakagandang vineyard estate sa Tuscany, Italy, sa gitna ng mga rolling hills at grapevines. Ang lugar ay para bang nagmula sa isang kwento ng fairytale—may mga luntiang halaman, mala-ginto ang sikat ng araw, at may banayad na ihip ng hangin na naglalaro sa mga dahon.Habang naglalakad si Sarah sa stone path na may nakalatag na puting petals, hindi niya mapigilan ang mga luha ng kaligayahan. Suot niya ang isang eleganteng wedding gown na gawa sa lace at chiffon, at ang kanyang buhok ay nakalugay na may mga maliliit na perlas na nagbigay ng simpleng kagandahan. Habang naglalakad siya sa aisle, nakatingin sa k

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Ninety-Seven: A Magical Trip

    Pagkalipas ng ilang buwan ng masayang pagsasama nina Martin at Sarah, nagpasya silang magbakasyon sa Santorini, Greece kasama ang kanilang mga kaibigan: sina Tyler at Cassandra, pati na rin sina Kyla at ang kanyang asawa kasama ang kanilang kambal. Nais nilang maglaan ng oras para mag-relax, mag-enjoy, at lumikha ng mga masasayang alaala nang walang anumang problema—tanging kaligayahan at pagmamahalan lamang.Pagdating nila sa Santorini, agad silang bumungad sa nakakamanghang tanawin ng mga whitewashed buildings na may blue domes na nakaharap sa kalmadong Aegean Sea.Habang bumababa sa kanilang private villa na may infinity pool, hindi mapigilan ni Sarah ang mapangiti sa ganda ng lugar.“Oh my gosh… it’s even more beautiful in person,” bulong niya kay Martin habang hinahawakan ang kamay ng kanyang asawa.“I told you it would be magical,” sagot ni Martin, sabay halik sa kanyang noo.Pagkapasok sa villa, agad silang nagtanggal ng kanilang mga sapatos at naglakad-lakad sa malamig na marb

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Ninety-Six: Almost Paradise

    Pagkalipas ng ilang araw ng masasayang adventures sa Tuscany, nagpasya sina Martin, Sarah, at ang kanilang mga kaibigan na gawing espesyal ang kanilang huling araw sa villa. Nais nilang magdiwang ng isang engrandeng farewell party, puno ng tawanan, kasiyahan, at walang anumang problema—tanging mga ngiti at pagmamahalan lamang ang namayani.Nagising ang lahat sa masarap na amoy ng freshly brewed coffee at homemade croissants na inihanda ng villa’s in-house chef. Sa terrace, nagsama-sama ang grupo para sa kanilang Italian-style breakfast—mga flaky pastries, fresh fruits, prosciutto, at creamy cappuccino.Habang nagkakape, nagbigay ng ideya si Tyler:“Hey, why don’t we spend the morning at that lavender field we passed by yesterday? The kids will love it!”Sumang-ayon ang lahat at dali-daling nag-empake ng picnic basket na puno ng masasarap na pagkain at inumin.Pagdating sa lavender field, namangha sila sa ganda ng tanawin—isang malawak na karagatan ng purple blossoms na sumasayaw sa ih

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Ninety-Five: Happily Ever After

    Makalipas ang isang taon, nagdesisyon sina Martin at Sarah na dalhin ang kanilang pamilya sa isang masarap at romantikong bakasyon sa Tuscany, Italy. Kasama nila sina Lucas at Lily, pati na rin ang mga malalapit nilang kaibigan—sina Tyler at Cassandra, na ngayon ay may isang taong gulang na anak na si Emma, at sina Kyla at ang kanyang asawa, kasama ang kanilang kambal na apat na taong gulang.Nagrenta sila ng isang malaking villa na napapalibutan ng mga taniman ng ubas at mga olive tree. Sa kanilang bakasyon, tanging kasiyahan, pagmamahalan, at tawanan ang namayani.Pagbaba ng private van mula sa Florence airport, napatigil si Sarah sa ganda ng villa na kanilang titirhan. Ang mga pader nito ay gawa sa lumang bato, may mga bintanang may asul na shutters, at isang malawak na hardin na puno ng mga namumulaklak na bulaklak.“Oh my gosh, Martin! Ang ganda rito!” masayang sabi ni Sarah habang nakatingin sa paligid.“I told you, only the best for my queen,” sagot ni Martin, sabay halik sa ka

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Ninety-Four: Happy Wife, Happy Life

    Limang taon na ang lumipas mula nang ikasal sina Martin at Sarah. Sa paglipas ng mga taon, lalong naging matibay ang kanilang pagsasama. Ngayon ay mayroon na silang dalawang anak: si Lucas, na pito na ngayon, at si Lily, isang tatlong taong gulang na malikot at masayahing bata.Mayroon na ring sariling restaurant empire si Martin—limang sikat na branches sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Samantalang si Sarah ay nagtagumpay na rin sa kanyang art gallery, kung saan marami na siyang naging exhibit at nabenta ang kanyang mga obra. Ang kanilang buhay ay puno ng pagmamahalan, tagumpay, at saya.Maagang nagising si Sarah sa tabi ni Martin. Habang nakasandal siya sa dibdib ng asawa, marahan niyang ginuhit gamit ang daliri ang pangalan nito sa kanyang dibdib. Napangiti siya nang magising si Martin at hinalikan siya sa noo.“Good morning, my love,” bulong ni Martin sa paos na boses, halatang bagong gising.“Good morning, handsome,” sagot ni Sarah, sabay ngiti.Pagkatapos ng ilang minuto ng lambin

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Ninety-Three: Happy Together

    Tatlong taon na ang lumipas mula nang ikasal sina Martin at Sarah. Sa panahong iyon, mas lalo pa nilang napagtibay ang kanilang pagsasama at mas napatunayan ang tibay ng kanilang pagmamahalan.Ngayong araw, nagdiriwang sila ng ikatlong wedding anniversary sa kanilang bagong beach house, isang pangarap na kanilang natupad matapos ang maraming taon ng pagsusumikap. Kasama nila ang kanilang anak na si Lucas, na ngayo’y apat na taong gulang na, at puno ng sigla at kalikutan.Maagang nagising si Sarah sa amoy ng nilulutong almusal. Nang bumaba siya sa kusina, nakita niya si Martin na abala sa paghahanda ng kanilang paboritong breakfast-in-bed: crispy bacon, scrambled eggs, at pancakes na may maple syrup. Si Lucas naman ay nakaupo sa countertop, tumutulong sa paglalagay ng berries sa plato, habang puno ng pancake batter ang kanyang pisngi.“Good morning, my love,” masayang bati ni Martin sabay lapit kay Sarah at binigyan siya ng isang matamis na halik sa labi.“Happy anniversary.”Napangiti

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status