Beranda / Romance / [Tagalog] The Mafia's Angel / Chapter Two: The Invitation

Share

Chapter Two: The Invitation

Penulis: Alex Dane Lee
last update Terakhir Diperbarui: 2023-11-14 19:41:15

Pakiramdam ni Clarisse ay pumasok siya sa isa sa mga pahina ng isang Architecture's Digest Magazine! Hindi niya maiwasang mabighani sa lahat ng nakikita niya sa loob!

Ang mga disenyo ng penthouse ay sumisigaw ng karangyaan at kagandahan.

Habang abala si Clarisse sa pagtingin sa buong lugar ay bigla naman siyang nakarinig ng boses ng isang lalaki.

"I hope you like what you see." 

Muntik nang atakihin sa puso si Clarisse dahil sa gulat nang marinig niya ang boses ng lalaki.

Humarap siya at nakita niya ang lalaking tinulungan niya ilang araw na ang nakakaraan.

Pinilit niyang tingnan ang lalaki ng diretso sa mata. Agad niyang tinitigan ang mukha ng lalaking nakatayo sa kanyang harapan.

Ito si Michele Montserrat, ang lalaking tinulungan niya ilang araw na ang nakakaraan at ang lalaking nag-imbita sa kanya para sa isang special dinner.

Nakasuot ito ng suit, at bumagay iyon dahil maganda ang height ng lalaki. Parang model ng formal clothing brand ang lalaki at puwede maging artista dahil sa kagwapuhang taglay nito.

Naputol sa pagmumuni-muni si Clarisse nang muli niyang narinig ang boses ng lalaki. 

"I'm so glad to see you again..." muling nagsalita ang lalaki.

"Ako rin. At salamat din pala sa iyong imbitasyon." ang kaswal na nasabi ni Clarisse. 

"Actually, I've been looking forward to meet you today. Please do take a seat and make yourself comfortable. Can I offer you anything like coffee, juice or tea?" ang alok ni Michele sa babae.

"Okay na po sa akin ang kape, maraming salamat." ang responde ni Clarisse.

Pinanood ni Clarisse ang lalaki habang inihahanda nito ang kape. Napansin niya na mahaba at maganda ang hugis mg mga daliring nito at mabilis ang mga kamay nito. ang lalaki na nagtitimpla ng kape. 

"Talagang naghanda ako ng special na pagkain ngayong gabi, Clarisse. Sana ay magustuhan mo lahat." imporma ni Michele. 

"Saan tayo kakain?" ang interesadong tanong ni Clarisse.

"Sa rooftop." ang misteryosong nasabi ni Michele.

"Teka, sigurado kayo? Hindi po ba nakakatakot sa rooftop?" ang ninenerbiyos na tanong ni Clarisse.

"You don't have to worry a thing. I can assure you that it's safe there." ang nakangiting paninigurado naman ni Michele.

Napatango na lamang si Clarisse pero hindi na siya nagsalita. Itinago na lamang niya ng nerbiyos na nararamdaman...

==================================

Makalipas ang ilang sandali. Napanganga si Clarisse nang makita niya ang inihanda ni Michele para sa kanya sa rooftop.

Ang akala niya ay sa mga romantikong pelikula lang nangyayari tulad nito.

Sa ngayon nga ay naglalakad sila saidang mahabang red carpet na may mga nagkalat na roses petals.

Habang naglalakad sila sa red carpet na puno ng mga petals ng bulaklak, sinalubong sila ng magandang saliw ng musika mula sa violinist.

Nakita din niya ang isang lamesa na puno ng mamahaling pagkain at may mga kandila pa.

Ipinaghila siya ni Michele ng silya at pinaupo siya. Napakagentleman talaga ni Michele.

Pakiramdam ni Clarisse ay isa siyang prinsesa dahil sa pagtrato ni Michele sa kanya.

Nagprisinta si Michele na tulungan siya sa paghiwa ng beef steak upang makakain siya ng maayos.

"Sana ay magustuhan mo ang mga pagkain, Clarisse. I made a special request to my personal chef just to make sure that everything tastes perfect." muling nagsalita si Michele, habang hindi pa rin naaalis ang mga ngiti nito sa labi. 

Kinain ni Clarisse ang steak at napangiti siya nang matikman ang pagkain. Ngayon lang siya nakakain ng ganito kasarap na karne! 

"Napakasarap nito!" ang bulalas niya.

"I'm glad you liked it." ang tumatangong nasabi ni Michele.

Mabilis na lumipas ang oras, at hindi niya namalayan na lumalalim na pala ang gabi. 

"Pagkatapos nito ay dadalhin kita sa paborito kong lugar. Sigurado akong magugustuhan mo rin doon." agad na sinabi ni Michele ang kanyang sunod na plano kay Clarisse. 

"Okay... Pero saan tayo pupunta?" tanong ni Clarisse. 

Misteryosong ngumiti si Michele kay Clarisse. 

"Sabihin na lang natin na pupunta tayo sa paraiso." ang tugon niya.

Napaisip si Clarisse, at nag-isip siya ng mga maraming lugar na puwede nilang puntahan. Pero ano paraiso kaya ang tinutukoy ni Michele? 

Pagkatapos nilang maghapunan ay may biglang tinawagan si Michele sa mobile phone nito.

"Where are you now?" ang tanong ng lalaki sa kabilang linya.

Palihim na pinagmamasdan ni Clarisse si Michele habang may kausap ito sa cellphone.

Saan kaya siya nito dadalhin?

Makalipas ang ilang sandali ay biglang napakunot-noo si Clarisse nang makarinig siya ng isang malakas na tunog.

"Teka, tunog ba iyon ng isang helicopter?" ang bigla niyang naitanong kay Michele. 

"Well, yes." ang maikling sagot ng lalaki. 

Curious na kumunot ang noo ni Clarisse nang marinig ang tunog ng helicopter na paparating. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang may narealize siya... 

"Seryoso? Teka, sasakay ba tayo ng helicopter?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Clarisse. 

Lumapag ang helicopter sa helipad na hindi naman kalayuan sa kanila.

Napakabilis ng mga pangyayari para kay Clarisse. The next thing she knew, they are inside the helicopter and they are already flying in the air... 

===============================

Makalipas ang ilang sandali.

Sa ngayon nga ay naglalakad sina Michele at Clarisse sa may dalampasigan, habang ang bilog at maliwanag na buwan ang nagsisilbi nilang liwanag para makita ang kanilang nilalakaran.

"Ito ang pribadong beach resort ng aking pamilya, Clarisse. Walang ibang tao sa beach na ito maliban sa ating dalawa. But of course, ang mga staff ko ay nasa beach house and we can call them at anytime." ang pagkukwento ni Michele.

"Isa nga itong paraiso, Michele." ang nakangiting tugon ni Clarisse.

Habang naglalakad silang dalawa ay bigla ring napaisip si Clarisse. Pakiramdam niya ay napakabilis ng mga pangyayari. Ilang araw pa lamang ang nakakalipas nang magkakilala sila ni Michele dahil sa isang emergency situation. At ngayon naman ay nag-dinner date sila at naglalakad sila sa isang mala-paraisong lugar na ito. At masuwerte siya dahil naranasan niya ang lahat ng ito ngayong gabi. 

Pero hanggang dito na lamang sila. Pagkatapos ng gabing ito, ay babalik na sila sa kanya-kanyang mga buhay at ang gabing ito ay magiging isang magandang alaala na lamang...

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Gemma Lintapan
super ganda ng story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Eighty-Eight: Now And Forever

    Pagkalipas ng ilang taon, naging mas matibay at mas masaya ang relasyon nina Sarah at Martin. Ang kanilang pagmamahalan ay lumago at namulaklak sa gitna ng mga masasayang alaala na kanilang binuo sa paglipas ng panahon. Nagsimula sila ng bagong buhay bilang mag-asawa, puno ng pag-ibig, kasiyahan, at walang anumang problema.Ang kanilang renewal of vows wedding ay ginanap sa isang napakagandang vineyard estate sa Tuscany, Italy, sa gitna ng mga rolling hills at grapevines. Ang lugar ay para bang nagmula sa isang kwento ng fairytale—may mga luntiang halaman, mala-ginto ang sikat ng araw, at may banayad na ihip ng hangin na naglalaro sa mga dahon.Habang naglalakad si Sarah sa stone path na may nakalatag na puting petals, hindi niya mapigilan ang mga luha ng kaligayahan. Suot niya ang isang eleganteng wedding gown na gawa sa lace at chiffon, at ang kanyang buhok ay nakalugay na may mga maliliit na perlas na nagbigay ng simpleng kagandahan. Habang naglalakad siya sa aisle, nakatingin sa k

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Ninety-Seven: A Magical Trip

    Pagkalipas ng ilang buwan ng masayang pagsasama nina Martin at Sarah, nagpasya silang magbakasyon sa Santorini, Greece kasama ang kanilang mga kaibigan: sina Tyler at Cassandra, pati na rin sina Kyla at ang kanyang asawa kasama ang kanilang kambal. Nais nilang maglaan ng oras para mag-relax, mag-enjoy, at lumikha ng mga masasayang alaala nang walang anumang problema—tanging kaligayahan at pagmamahalan lamang.Pagdating nila sa Santorini, agad silang bumungad sa nakakamanghang tanawin ng mga whitewashed buildings na may blue domes na nakaharap sa kalmadong Aegean Sea.Habang bumababa sa kanilang private villa na may infinity pool, hindi mapigilan ni Sarah ang mapangiti sa ganda ng lugar.“Oh my gosh… it’s even more beautiful in person,” bulong niya kay Martin habang hinahawakan ang kamay ng kanyang asawa.“I told you it would be magical,” sagot ni Martin, sabay halik sa kanyang noo.Pagkapasok sa villa, agad silang nagtanggal ng kanilang mga sapatos at naglakad-lakad sa malamig na marb

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Ninety-Six: Almost Paradise

    Pagkalipas ng ilang araw ng masasayang adventures sa Tuscany, nagpasya sina Martin, Sarah, at ang kanilang mga kaibigan na gawing espesyal ang kanilang huling araw sa villa. Nais nilang magdiwang ng isang engrandeng farewell party, puno ng tawanan, kasiyahan, at walang anumang problema—tanging mga ngiti at pagmamahalan lamang ang namayani.Nagising ang lahat sa masarap na amoy ng freshly brewed coffee at homemade croissants na inihanda ng villa’s in-house chef. Sa terrace, nagsama-sama ang grupo para sa kanilang Italian-style breakfast—mga flaky pastries, fresh fruits, prosciutto, at creamy cappuccino.Habang nagkakape, nagbigay ng ideya si Tyler:“Hey, why don’t we spend the morning at that lavender field we passed by yesterday? The kids will love it!”Sumang-ayon ang lahat at dali-daling nag-empake ng picnic basket na puno ng masasarap na pagkain at inumin.Pagdating sa lavender field, namangha sila sa ganda ng tanawin—isang malawak na karagatan ng purple blossoms na sumasayaw sa ih

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Ninety-Five: Happily Ever After

    Makalipas ang isang taon, nagdesisyon sina Martin at Sarah na dalhin ang kanilang pamilya sa isang masarap at romantikong bakasyon sa Tuscany, Italy. Kasama nila sina Lucas at Lily, pati na rin ang mga malalapit nilang kaibigan—sina Tyler at Cassandra, na ngayon ay may isang taong gulang na anak na si Emma, at sina Kyla at ang kanyang asawa, kasama ang kanilang kambal na apat na taong gulang.Nagrenta sila ng isang malaking villa na napapalibutan ng mga taniman ng ubas at mga olive tree. Sa kanilang bakasyon, tanging kasiyahan, pagmamahalan, at tawanan ang namayani.Pagbaba ng private van mula sa Florence airport, napatigil si Sarah sa ganda ng villa na kanilang titirhan. Ang mga pader nito ay gawa sa lumang bato, may mga bintanang may asul na shutters, at isang malawak na hardin na puno ng mga namumulaklak na bulaklak.“Oh my gosh, Martin! Ang ganda rito!” masayang sabi ni Sarah habang nakatingin sa paligid.“I told you, only the best for my queen,” sagot ni Martin, sabay halik sa ka

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Ninety-Four: Happy Wife, Happy Life

    Limang taon na ang lumipas mula nang ikasal sina Martin at Sarah. Sa paglipas ng mga taon, lalong naging matibay ang kanilang pagsasama. Ngayon ay mayroon na silang dalawang anak: si Lucas, na pito na ngayon, at si Lily, isang tatlong taong gulang na malikot at masayahing bata.Mayroon na ring sariling restaurant empire si Martin—limang sikat na branches sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Samantalang si Sarah ay nagtagumpay na rin sa kanyang art gallery, kung saan marami na siyang naging exhibit at nabenta ang kanyang mga obra. Ang kanilang buhay ay puno ng pagmamahalan, tagumpay, at saya.Maagang nagising si Sarah sa tabi ni Martin. Habang nakasandal siya sa dibdib ng asawa, marahan niyang ginuhit gamit ang daliri ang pangalan nito sa kanyang dibdib. Napangiti siya nang magising si Martin at hinalikan siya sa noo.“Good morning, my love,” bulong ni Martin sa paos na boses, halatang bagong gising.“Good morning, handsome,” sagot ni Sarah, sabay ngiti.Pagkatapos ng ilang minuto ng lambin

  • [Tagalog] The Mafia's Angel   Chapter Ninety-Three: Happy Together

    Tatlong taon na ang lumipas mula nang ikasal sina Martin at Sarah. Sa panahong iyon, mas lalo pa nilang napagtibay ang kanilang pagsasama at mas napatunayan ang tibay ng kanilang pagmamahalan.Ngayong araw, nagdiriwang sila ng ikatlong wedding anniversary sa kanilang bagong beach house, isang pangarap na kanilang natupad matapos ang maraming taon ng pagsusumikap. Kasama nila ang kanilang anak na si Lucas, na ngayo’y apat na taong gulang na, at puno ng sigla at kalikutan.Maagang nagising si Sarah sa amoy ng nilulutong almusal. Nang bumaba siya sa kusina, nakita niya si Martin na abala sa paghahanda ng kanilang paboritong breakfast-in-bed: crispy bacon, scrambled eggs, at pancakes na may maple syrup. Si Lucas naman ay nakaupo sa countertop, tumutulong sa paglalagay ng berries sa plato, habang puno ng pancake batter ang kanyang pisngi.“Good morning, my love,” masayang bati ni Martin sabay lapit kay Sarah at binigyan siya ng isang matamis na halik sa labi.“Happy anniversary.”Napangiti

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status