I can't look at her while she's crying, especially when I know that I'm the reason why she's shedding tears right now. She's right. I destroyed her. And I deserved all the disgust I've seen in her eyes. Lahat ng mga ginawa ko bago ko siya makilala ay pinagsisisihan ko na. Kung mas naging mabuti lang sana akong tao, hindi sana siya nandidiri ng ganito. If only I could have seen it coming, I could have done something differently. But, It's too late to regret now. I already fucked up everything.Only with her I felt different emotions. It was only with her that I experienced being happy, desperate, afraid, sad, and only with her did I cry. The only woman who gave me those emotions now wants me to get lost. She's done with me now. She's done with a liar and cold hearted man like me.Iyon ang huling hiling niya. Iyon ang pakiusap niya. Ano'ng karapatan ko para hindi ko iyon ibigay sa kanya? Ayokong maging makasarili gaya nang sinabi niya kaya hahayaan ko siya dahil alam ko na hindi ko na ma
Gusto kong maiyak sa harapan ng mga kaibigan ko ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. Ipinasok ko sa bulsa ang mga nanginginig na kamay at yumuko para hindi mahalata ng mga kasama ko sa elevator na namumula ang mga mata ko.Did she really mean it? Did she really loves Creed? Kung hindi niya mahal bakit namin sila naabutan sa ganoong ayos? Parehong n*******d. Katatapos lang ba nila? Hindi na ba sila umabot sa kuwarto kaya't sa sala na nila ginawa?"Lennox! Saan ka?" Tawag ni Al nang makita ang pagtalikod ko para sumakay sa sariling sasakyan."Mauna na ako," mahina na sagot ko.Tumingala ako at ibinalik sa loob ng mga mata ang luha na muntik nang bumagsak sa loob ng elevator. Pigil na pigil ako dahil nakakabawas sa pagkalalaki ko ang pag-iyak. Subalit pagkapasok ko sa loob ng sasakyan, hindi ko naman din iyon napigilan.Ang sakit. 'Tang ina."Hoy, bakit mauuna ka? Sabay sabay na tayo!" Katok ni Al sa bintana ng sasakyan ko na hindi ko pinansin at nauna nang umalis bago pa niya makita ang
Did those women deserve what Lennox did to them? My answer, I don't know. I just know that those women didn't know their worth. I also saw one of those women in person and from what I saw in her action, she has no respect for herself. I don't want to judge them because I'm not wearing their shoes, but the action they chose has no excuse.I was angry and disgusted with Lennox because of the videos he made but he patiently accepted all my hurtful words. He never cheated on me with another woman. He never insulted me in front of other people. He was there whenever I needed him. There's no question, he deserves a second chance.He lied but he learned. Kahit pa kasalungat sa gusto niya ang paglayo ay ginawa niya dahil ayaw niya akong pilitin at ayaw niyang maging makasarili. Hinayaan niya na maging mapayapa ako sa paglayo niya kahit ang naging kapalit ay pagkawasak niyaIt took me years to finally realised that I judged him like the way they judged me after they watched my video. I did the
I was a sweet, young, and innocent girl. But, life really knows how to change people brutally.Sanay na sanay na ang mga mata ko sa dilim. Habang nagsasayaw sa entablado na halos labas ang buong kaluluwa. Nakangiti at nang-aakit ang tingin sa mga lalaki na hayok sa laman. Nagsasayaw at inaakyat ang mataas na posteng bakal para lang makapag-uwi ng malaking kita."X!"Napatingin ako sa isang manager ng club. Nagr-retouch ako nang lumapit siya at nag-abot sa akin ng mga lilibuhin na pera."Para sa akin po? Sino po ang nagbigay?" Nagtataka na tanong ko. Salitan sa pera at sa manager ang tingin ko."Pinabibigay nang nasa itaas na VIP guest! Gusto kang i-table kaya mag-ayos ka na! Babalikan kita mamaya!""Hindi po ako puwede—""Pumayag ka na! Kailangan mo ng pera, hindi ba?""Uuwi po ako nang maaga—"Nakagat ko ang dila ko upang mahinto sa pagsagot nang mapuna ko ang nakaabang na pagsimangot niya."Puntahan mo kahit sandali! Mahigit singkuwenta na pero hindi naman halata sa mukha! Huwag kang
Nakatulog ako ng ilang oras. Ngunit gumising din kaagad para tumulong kay mama na mag-asikaso sa mga kapatid ko. Sinilip ko ang kakaunti na lamang na laman ng kaldero. Hindi pa naman ako nagugutom kaya't para na lang ito sa mga kapatid ko."Ate, mayroon kang sugat sa labi mo."Napangiti ako nang haplusin ni Rico ang napansin niyang sugat ko habang pinaghahanda ko sila ng pagkain."Maliit lang iyan! Kayang kaya ni ate iyan!"Inabot ko ang pagkain sa kanya. Pabiro ko siyang tinusok ng hintuturong daliri sa tagiliran na ikinatawa niya. Nagsisimula na silang kumain nang pumasok si Mama."Tatanggap ako ng labada Xena—"Hindi pa man siya natatapos, umiling na ako. Tumatanggi ako habang sinasalinan ko ng pagkain ang pinggan niya."Hindi na, Ma. Kaya ko na. Baka kumita ulit ako mamaya. Ibibili ko kaagad ng maraming pagkain at gamot bago umuwi."Nagbuntonghininga si mama at walang nagawa. Lumabas ako at nag-igib ng tubig para makaligo na't maagang makapasok sa trabaho."Napaka-walanghiyang tao
Some dreams looks so surreal. But if it's already in front of you, you still won't believe it? Kulang na lang magpasampal ako sa kanya bilang patunay na hindi ako nananaginip."I bought you a house."Nang inulit niya nang mas malinaw, napainom ako ng tubig at hindi makapaniwala. Nakabili na? Kailan? Kahapon ba? Pero...natigilan ako at tila binuhusan ng malamig na tubig. Magkano ba ang bahay? Hindi ko alam pero sigurado ako na mahal iyon. "Ano po ang...kapalit?"Kinabahan ako sa hihingin niya na kapalit dahil baka hindi ko maibigay at mapagsisihan ko dahil nawala ang oportunidad na makaalis kami sa bahay na tinitirhan namin ngayon."Nothing. Walang kapalit. I just want you and your family to move to the new house I bought right away."Umiling ako at huminga ng malalim. Hindi pa rin makapaniwala."Pero...pero bakit po?"Bumuntonghininga siya at maliit na ngumiti."Let's just say, I just wanted to help."Tumango ako. Sino ako para tumanggi sa ganito kalaking tulong? Hindi para sa akin pe
My strange heart started pounding weirdly.He is impossibly good looking, distressingly perfect. I think he's the most beautiful man I have ever seen.Tumagilid siya sa buong klase para harapin ako."Which class are you in?" He seriously asked, unsmiling.Binitiwan ko ang pintuan ng kuwarto at sinarado iyon bago ako ngumiti at sumagot. Nanlalambot ang mga tuhod ko sa itsura ng kaharap na lalaki."Dito po, Sir. Pasensya na po kung na-late ako," nakangiti na paumanhin ko."The next time you'll be late I will not let you in." He warned firmly."Yes, Sir! Thank you, Sir!"Umawang ang labi ko nang magdilim ang tingin niya. Humarap siya sa buong klase kaya't kumilos na rin ako para makakuha ng upuan.Ngumiti ako sa katabi ko na babae pero hindi niya ibinalik iyon. Nag-iwas ako at huminga ng malalim. Mahihirapan yata akong makakuha ng kaibigan sa paaralan na ito.Tuwid akong nakaupo at pinagmamasdan ang guwapong nilalang sa harapan. Ang mga babae na nandito ay halata rin na mga kinikilig dahi
Since I was a child I dreamed of becoming a flight attendant. So when I got a chance to study, I took tourism at the school near home. Ngayon, hindi ko akalain na makakapag-aral ako sa ganitong klase na paaralan.The school policy is good and not strict. My academic history that recorded from my old school will not go waste. That means, even if I stopped before I could graduate from my former school, I could graduate with Latin honors from the school I transferred to.Hindi pa ako nakakasakay sa eroplano. Subalit sa tuwing nakikita ko ang mga sasakyan na nasa himpapawid, parang gusto kong lumipad at abutin sila. I dreamed to fly around the world and explore new places. Pangarap ko na dalhin ang pamilya ko sa ibang bansa at maranasan nila ang mga bagay na gusto kong iparanas para sa kanila."Le puedo ayudar en algo?"Nakangiti ako habang hawak ang isang libro para sa lengguwahe na inaaral ko. Nagbabasa habang patungo sa unang klase. Kumukumpas pa ang kamay ko at inaakto ang tamang galaw