Share

Lennox Aigel (POV 01)

"Lennox!"

Napangisi ako nang makita si Bob at Al na nanlaki ang mga mata. Nasa likod namin ang mga nakaaway ko noong nakaraang araw.

"Tumakbo na tayo!" Naduduwag na suhestiyon ni Bob.

Natawa kami ni Creed sa kanya. Umiling ako at hinarap ang mga tumawag sa akin. Isang kilalang gangster ang mga ito sa kabilang eskuwelahan. Naglalakad kami sa eskinita ng mga kaibigan ko. Kadadaan lang namin sa bahay ni Roiland kaya apat na lang kami na nasa masikip at madilim na lugar na ito.

"Why? Do you want to say hello to my fist again?"

Napahawak si Creed sa tiyan niya at tumawa ng malakas dahil sa sinabi ko. Wala pang isang linggo nang makaaway namin ang mga ito. Mas marami siyang kasama ngayon. Nakaraan kasi'y lima lang sila. Ngayon, walo na pero puro mga patpatin naman ang mga kasama kaya't lahat sila'y mayroon mga dala na mga panghampas na tubo at mga kahoy.

"Ang yabang mo! Pinagbigyan lang kita nang nakaraan!" Galit na sigaw nito.

"Pinagbigyan?" Natawa ako. "Kaya pala puro pasa iyang mukha mo h
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status