Share

Lennox Aigel (POV 04)

Gusto kong maiyak sa harapan ng mga kaibigan ko ngunit pinipigilan ko ang sarili ko. Ipinasok ko sa bulsa ang mga nanginginig na kamay at yumuko para hindi mahalata ng mga kasama ko sa elevator na namumula ang mga mata ko.

Did she really mean it? Did she really loves Creed? Kung hindi niya mahal bakit namin sila naabutan sa ganoong ayos? Parehong n*******d. Katatapos lang ba nila? Hindi na ba sila umabot sa kuwarto kaya't sa sala na nila ginawa?

"Lennox! Saan ka?" Tawag ni Al nang makita ang pagtalikod ko para sumakay sa sariling sasakyan.

"Mauna na ako," mahina na sagot ko.

Tumingala ako at ibinalik sa loob ng mga mata ang luha na muntik nang bumagsak sa loob ng elevator. Pigil na pigil ako dahil nakakabawas sa pagkalalaki ko ang pag-iyak. Subalit pagkapasok ko sa loob ng sasakyan, hindi ko naman din iyon napigilan.

Ang sakit. 'Tang ina.

"Hoy, bakit mauuna ka? Sabay sabay na tayo!" Katok ni Al sa bintana ng sasakyan ko na hindi ko pinansin at nauna nang umalis bago pa niya makita ang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ma Teress Osias Delpilar
next episode pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status