Aling Mameng: Narinig niyo ba ang balita?Mariin kong kinuyom ang aking kamao. Kakalabas ko lang ng bahay dahil may pasok ako at ito agad ang bungad sa akin. Nandito naman ang tatlong radyo bombo, maaga palang nagsisimula ng magbroadcast. At alam ko na ako na naman ang topic nila. "Kaya pala na-ospital ang anak ni Mildred ng isang linggo dahil daw natipuhan ito ng Mayor pero ang balita inayawan daw si Mayor. Nainsulto daw ang Mayor kaya ayun abugbog berna. Naku sumalangit nawa ang kaluluwa ni Mayor Rigor, ambait pa namang bata. Na-trigger lang siguro."Langit? Hindi tinatanggap sa langit ang mga demonyo. Aling Mameng: Totoo kayang si Mayor ang bumugbog kay Cara? Mukhang hindi naman yun magagawa ni Mayor. Baka ibang tao pa, kita niyo naman ang kagaspangan ng ugali ng ampon nina Mildred at Ador. Malamang maraming nakaka-away yan sa paaralan. Pero kung si Mayor man, sigurado akong may ginawa yang ampon nila. Tayo nga kinakaya-kaya eh, ka-malditang bata.Bakit parang kasalanan ko pa n
"Ma'am Cara, good morning po." Siya si Kuya Alex, isa sa mga tauhan ni Knoxx. Alam kong hindi lang siya ang nagbabantay sa akin. Hindi ko man nakikita ang iba pero nararamdaman ko ang presensya nila. Kahit sa loob ng campus alam kung may nakabantay din sa akin. Pero para saan pa ang mga bantay? Wala naman nang silbi. Kung sana noon niya ito ginawa hindi ko pinagdaanan lahat ng mga naranasan kong paghihirap sa kamay ni Miracle na kampon ni satanas. " Ihahatid ko na po kayo sa school, Ma'am." Alam kong inutusan na naman ito ni Knoxx. Ilang beses ko na itong tinanggiha pero ayaw pa din paawat. Speaking of Knoxx, maaga itong nagpaalam sa akin kanina dahil may aasikasuhin daw sa Maynila at uuwi din mamaya para dito matulog. Sa totoo lang wala na akong pakialam kung saan at anong gagawin niya. Alam kong mali na isisi ko sa kanya ang kasalanan ng iba pero feeling ko mas mabuti na ring ganito ako sa kanya. Hindi na ako ang babaeng para kay Knoxx. Dahil sa mga nangyari narealize ko
"And oh! By the way, forty percent of Yturralde's Med were owned by the De Lima's and twenty percent by the Sarmiento's. That means the remaining forty percent is owned by? Hmm? Who do you think?" tinaas-baba niya ang dalawang kilay niya sa akin. Lalong kumunot ang noo ko sa kanya. Pakialam ko ba sa mga porsyento na yan. Hindi naman ako ang nagmamay-ari ng ospital na yan, so anong paki ko? Ano additional knowledge lang? Tsaka manghuhula pa ba ako kung sino ang nagmamay-ari nung natitirang forty percent? Buti sana kung ikakayaman ko yun. Pambayad ng a ospital bills ng mga magulang ko inutang ko pa."Think about it, girl. I'm telling you all these because I don't like that Miracle, she's a bitch."Hah! It takes one to know one talaga. Malamang parehas sila ng pag-uugali kaya hate nila ang isa't -isa. Pagtingin ko ulit sa doktora, pumasok na ito sa sasakyan niya ng may malawak na ngiti. "Bye Knoxx' girl, see you when I see you." She said before driving her car away waving at me. A
"Tara na Ma'am." Ani Kuya Alex. Tumango lang ako kay Kuya Ales saka sumunod na. Pinagbukas niya ako ng pintuan ng sasakyan. Pumasok ako doon at naupo. Hindi na ako nag-inarte pa. Nakakahiya na kay Kuya Alex. Nagmamadali si Kuya Alex na umikot sa driver's side pagkatapos may kinuha itong envelope sa upuan sa likuran at inabot sa akin. "Ma'am pinapabigay po pala ni Sir Knoxx." Nagtataka man pero tinanggap ko ang envelope na inabot niya sa akin at ganun nalang ang pagkagulat ko ng makita ko ang laman nito. Ticket to Maldives for two. Kasama ang passport ko at passport ni Knoxx doon. Meron pang card doon na nakapangalan sa akin. Tiningnan ko si Kuya Alex, nagtatanong pero nagkibit balikat lang ito. Muli kong binalik ang tingin sa loob ng envelope at kinuha ang maliit na note at may nakasulat. Much needed vacation for both of us, Baby. Don't worry about Nanay and Tatay, I got them. By the way, I arranged this card for you for your personal needs. The card has no limit, buy anythi
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa gitna ng kakahuyan. Basta ang alam ko lang pagkatapos kong narinig ang lahat na sinabi ni Knoxx para akong paulit-ulit na sinaksak sa dibdib. Ang sakit malaman na lahat pala ng pinakita niya sa akin ay puro kasinungalingan lang. I was sweating bullets. Magkahalo na ang pawis at luha ko. Halos hindi ko na makikita ang dindadaanan ko. Nararamdaman ko ang hapdi sa balat ng mga sanga at dahong sumusugat sa akin. Halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko. Takbo lang ako ng takbo at hindi ko alam kung saan ang aking pupuntahan. Para akong mababaliw sa aking narinig. All these time puro kasinungalingan lang pala ang lahat. Ang taong akala ko totoong nagmamalasakit sa akin ay nagkukunwari lang pala. Bakit?! Of all the people, bakit si Knoxx pa?I trusted him. I gave him everything. I gave him my all.Oh God. Why do I have to go through all these pain again? Hindi pa ba tapos? Ano bang kasalanan ko? Bakit mo ba ako pinaparusahan ng ganito?Hindi
Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin pero may kakaiba akong naramdaman sa aking dibdib. Pakiramdam ko bigla nalang itong nanikip na hindi ko maipaliwanag. Nagmamadali akong kumuha ng hoodie dahil pakiramdam ko lalagnatin ako. Sobra akong nilalamig pati talampakan ko sobrang lamig din. Pagkatapos pumunta na ako sa silid ni Nanay at Tatay. Nadatnan kong tahimik silang dalawa. Si Tatay ay nasa kama nila nakaupo habang si Nanay ay nasa tabing upuan sa gilid nito. Maliit lang ang silid ng mga magulang ko, maliit lang din itong bahay namin. "Ang laki na ng anak natin, Mildred." Nakangiting sabi ni Tatay pero ang mga ngiti niya ay hindi man lang umabot sa mga mata niya. Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Inabot niya ang ulo ko at marahang hinaplos ito. Pag-angat ko ng tingin sa kanya nakita ko ang agad ang pag-ulap ng mga mata niya pero agad itong ngumiti sa akin. "Parang kailan lang nung hinahabol habol ka pa namin ng nanay mo dahil naliligo ka sa ulan ng o di kaya sa tuwin
Why life is so unfair?Kailangan ko ba talagang pagdaanan lahat ng pagsubok na 'to para matawag akong matatag? Hindi ba pwedeng kalma lang muna, isa-isa lang? Pakiramdaman ko kasi, konting-konti nalang mauubos na ako. Pakiramdam ko pinagkaisahan ako ng lahat ng tao.Buhay nga ako pero pakiramdam ko unti-unti naman akong pinapatay sa sakit. Bakit sa dinami dami ng tao dito sa mundo sa akin pa ito kailangang mangyari? Nung nagparaffle ba ng problema ako lang ang gising at nasalo ko lahat?Ang malas ko naman! Bakit sa daming dapat mapunta sa akin yun pa talaga? Hindi ko ba deserve maging masaya?Sayang naman ang ganda nitong mata ko, binigay lang ata sa akin para mas maganda ang daanan ng mga luha ko. Sana yung ordinaryong kulay nalang, siguro hindi pa ganito ang naging drama ng buhay ko.Lintek Cara! Sa dami ng problema mo naisip mo pa yun?Panay lang ang agos ng mga luha ko. Pakiramdam ko namamanhid na ako sa sakit pero ayaw pa rin paawat ng mga mata ko. Panay parin ang pag-uunahan ng
In my entire life, I never experienced any pain as much as I do now. Akala ko sagad na yung sakit pero may isasakit pa pala. Pakiramdam ko ang puso ko sobrang durog na. Hindi ko na alam kung paano ko pa ito pupulutin isa-isa. Ang nag-iisang lalaking nagmamahal sa akin ng totoo ay iniwan na rin ako. Wala na ang tatay Ador ko. Hindi ko na matutupad ang mga pangako kong ipapasyal sila nanay sa mga lugar na gusto nila. Hindi na niya matitikman ang mga mahahaling pagkain na gustong-gusto kong ipatikim sa kanila. Hindi niya na maisusuot ang mga gamit na gusto kong ipasuot sa kanya. Hindi niya na makikita kung paano ko pagsisikapan ang lahat para matupad lahat ng mga pangarap nila ni nanay para sa akin. Hindi na nahintay ni tatay na makamit ko ang tagumpay. Wala na ang tatay. Tuluyan niya na kaming iniwan. Nadala pa namin siya sa ospital pero dead on arrival na. Cardiac arrest.Ang lungkot at sobrang sakit sa pakiramdam na sa ganito magtatapos ang lahat.Nangako pa ako sa kanya na kahit