Share

Tainted Series 2: The Broken Billionaire
Tainted Series 2: The Broken Billionaire
Author: LadyAva16

Prologue

"Welcome back Chrystelle!" Napatigil ako sa paglalakad papasok ng bar ng marinig ko ang malakas na tili ni Cassandra. Kahit na malakas ang tugtog sa loob dinig ko pa rin ang tela nakatrumpang boses nito. And this bitch really has the guts to shout my name,tuloy dami-daming nakapansin sa aming dalawa.

Nakadipa pa ang dalawang kamay nito para salubungin ako ng yakap. She's my college bestfriend,actually dalawa silang malapit si akin noong college pa kami, siya at si Kathiana. But I cut my friendship with Kathiana 'coz we found out that she cheated on my brother, and I can't accept that. I don't wanna be friends with cheater. I hate cheaters. Mas feel ko pang mag-solo ako kesa pumatol sa mga manloloko.

Dito namin napag-usapang magkita pagkatapos nang ilang taong pamamalagi ko sa Paris. I'm a freelance model, kaya minsan kung saan-saang bansa ako nakakaabot. At nitong huli nga sa Paris ang show namin.

"Hello Cassy! I miss you babe." Bati ko sa kanya sabay beso.

Hinawakan nito ang kamay ko at giniya ako sa table na nakareserve para sa amin.

"I miss you too gurl...but wait, wala kang kasama? I mean boyfriend or you know fling...."

Halos malalaglag ang panga ko sa tinanong nito sa akin? Like seriously first time naming nagkita after some time pero ito yong pambungad niya sa akin? She really never changed, playgirl pa rin ang lukaret na ito.But in fairness to her, hindi niya naman pinagsasabay-sabay ang mga karelasyon niya. It so happened na madali itong magsawa sa pag-ibig.

"Duh?! As if naman...wala pa rin!" Mataray kong sagot sa kanya.

"Alam mo gurl, napag-iwanan ka na talaga. Look at me I have lots of exes and meron na naman akong bago ngayon." Natatawang sabi nito. "And you know what's good about it?" Bulong nito sa akin, kaya napataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya. "Palagi akong nadidiligan."

"What?!" I exclaimed

"Yes girl, that's the best part of having a relationship. Sex!" Sagot nito sa akin na tila normal lang ang ganung bagay.

"Your mouth Cassandra!" I spatted. Ang babaeng to napaka bulgar magsalita. Though I'm open minded pero slight conservative naman ako pagdating sa ganitong mga bagay.

"I'm just telling the truth gurl. But anyway hahanapan na lang kita dito."

"Alam mo ikaw Cassandra..."

"Cassy...it's Cassy,kanina ka pa Cassandra ng Cassandra dyan."

"Ang arte mo...Anyway, as I was saying I don't need boys, busy ako sa work ko gurl. " I said while sipping in my champagne.

"Naku gurl rason mo lang work work na yan. Pwede ka namang hindi magtrabaho, tsaka gurl mashonda ka na. Malapit ka nang lumagpas sa kalendaryo." Natatawang sabi nito. As if there is something funny on what she's talking.

"Excuse me? Babe kahit may edad na ako kaya ko pa ring makipagsabayan sa mga bata noh? Tsaka sa ganda kong to? Helleeeeer..." pagmamayabang ko sa kanya sabay flip ng hair ko.

"Weh talaga lang ha?"

"Talaga! I can always charm boys babe. Kalabaw lang ang tumatanda, lumalaban pa rin ang ateng mo!"

Sabay kaming nagkatawanan dalawa na tila walang pakialam sa mga taong nasa paligid. Kanina pa namin nahahalata na may ilang boys ang gustong magpapansin sa amin. But the night is still young. Mamaya na kayo,mag-eenjoy muna kami ng bitchesa kong kaibigan.

Inilibot ko ang tingin sa palibot. Too many youngsters ang nandito ngayon, madami din namang may mga edad na, na katulad ko. Actually I'm not that old, 25 is still young though. Busy lang ako kaka work for my future kaya wala akong boyfriend.I'm tired depending on my parents money kaya kailangan kong magtrabaho.

Nakakahiya na rin kay Kuya Hendrick.Kahit hindi ito nagrereklamo ako na mismo ang nagpaputol sa allowance ko. I'm earning naman kahit papano.Tsaka he has a family to take care na. Iba na ang priorities nito.

And speaking of Kuya I think his friends are here. I'm not sure kung andito din ba siya at si Kuya Derick.

"Gurl, c'mon...show me what you got." Hamon ni Cassandra sa akin. "See that guy there near the counter?" Turo nito sa lalaking nakatalikod sa amin.

"Ahuh..."

"Tingnan nga natin kung uubra pa yang karisma mo." Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang pa.

Well I'm just wearing my black Balmain sequined strapless minidress that ensures an after dark glamour that perfectly fir my hour glass body paired with my Jimmy Choo dochas stiletto.

I shrugged my shoulder na tila wala lang ang hamon niya sa akin. Boys will always be boys konting dikit mo lang sa mga ito tiyak na bibigay na agad.

"Okay then...pero ano naman ang kapalit?"

"Full day spa and shopppiinnggggg." She giggled. Tila excited itong makita kung kaya ko bang gawin ang sinsabi niya.

"Easy peasy..." Sabi ko sabay kindat ko sa kanya.

"But wait, not as easy as that sistah..." sabi nito sabay taas sa shot glass niya. I can feel that she's a little bit tipsy. Ako din naman, madami na rin ang naubos namin inumin.

"Yeah?"

"You have to kiss him first para makuha ang premyo mo...Ano kaya ba?" Paniniguro niya sa akin.

"Of course! Wala ka bang tiwala sa akin bestie? May edad lang ako babe pero kaya ko pang makipagsabayan."sabi ko sa kanya sabay tayo.

I straightened my dress first and put my beachwave curls at the back para ma-emphasize ang collar bone ko. This is one of my best assets kaya dapat ilabas.

Actually I was eyeing at that guy kanina pa. He kinda looks mysterious. Ang matapang nitong aura ay lalong nakadagdag sa kakisigan niya.

He's wearing a white button down long sleeves that was folded until his forearm and a black pants and shoes. His hair is styled into an ivy league hair cut that makes him look more handsome and hot. Nevertheless, he's my type of guy.

I noticed that he's just sitting there and not minding the ladies whose ogling at him. Kanina ko pa napapansin na madami na ang lumalapit dito pero hard to get si kuya. Seryoso lamang itong sumisimsim sa alak niya at tila walang pakialam sa paligid.

Well, let's see kung kaya niya bang hindian ang isang Veronica Chrystelle Valderama. The most sought after lingerie model this year.

I walked seductively towards him trying to get his attention but he remained unbothered. I swayed my hips sexily na tila ba rumarampa ako sa runway para makuha man lang ang attention niya pero hari ng deadma talaga si kuya. Well...he's a challenge huh?!

Nung makalapit na ako sa kanya una kung napansin ang maugat nitong mga kamay. His veiny and muscled arms looks so attractive for me. He looks so masculine in it. Parang ang sarap magpabuhat dito. What the f-*ck are you thinking Veronica? Kapag nalaman ito ng mga kapatid mo tiyak 'sang katerbang sermon na naman ang mapapasayo.

"Hi..." I greeted using my sweet voice.

I was expecting him to take a look at me but he didn't. Maybe the music was too loud that he didn't hear me?

I cleared my throat trying to get his attention but the jerk remained unbothered. Parang wala itong narinig kahit pa siguro mag-uubo na ako dito sa tabi niya wala siyang pakiaalam.

"Hi handsome..." I tried again.

Good. Nakuha ko rin ang atensyon niya. Tumingin ito sa akin na tila naiirita. But, I don't care, lalo lang akong ginaganahan sa pinapakita nito.

Tumingin ito sa mga mata ko and the moment he did that I feel something stirred up inside me. Hindi ko napaghandaan ang biglang pagkislot ng puso ko. What the?

He has a deep set black eyes,pointed nose and prominent jaw with stubbles in it.Sh*t kaya pala mayabang si kuya may karapatan na man pala. Kung nakakaakit na ito sa malayo mas nakakait ito sa malapitan. He has this aura that screams danger but at the same time challenging, na alam kong kahit sinong babae dito ngayon ay siyang nagustuhan sa kanya.

"Uhm...I just wanted to—"

"Not interested." Putol nito sa akin. At ibibalik ang tingin sa alak na iniinom niya.

What the hell just happened? Para akong nabingi sa sinabi nito. Hindi niya ba ako kilala?

"Excuse me?" I said. Nakataas pa ang isang kilay ko sa kanya. Seriously? This man has the audacity to say that his not interested in me? Kapal lang ng face mo kuya!

"Go away. I want my peace." He said boredly. Talagang hindi siya interesado huh? Well no one dares to reject Veronica Chrystelle Valderama. I have to save myself from humiliation. I know marami ang nakatingin sa amin ngayon.

Ano na lang ang sasabihin ng kaibigan ko kung hindi ako nanalo sa hamon niya. I'm a born winner. I get what I want. Pano pang naging Valderama ako kung aayawan lang ako ng kumag na ito.

"Oh oh..." I chuckled. "Not to fast... bakla ka ba? " I saw his grip tightened on his glass. Siguro nainsulto ito sa sinabi.

"No offense meant kuya...It's okay I have so many gay friends. Actually I'm a model...so I'm used to work with your kind and I'm so fine with it kaya no worries I understand. It's just that I didn't expect that your one of them. But well...you surprised me." Mahaba kong litanya sa kanya.

I saw that his mouth formed into an O shape na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko sa kanya. Nakita ko pang nag-isang linya ang mga kilay niya at ang pag-igting ng kanyang mga panga.

"What did you just say?" Maigting nitong tanong sa akin. Oh my gosh,I think I went over board.Dahil halatang nagalit ito sa sinabi ko sa kanya.

I gasped and covered my mouth with my one hand. Pero kailangan kong tapangan. He just insulted me, so bawi ko lang yon sa kanya. You deserve that a**hole!

"So, you called me gay 'coz you're not my type?" Dagdag nito na lalong ikinainis ko.

"Are you insulting me?" Wala na akong pakialam kong matatalo ako sa hamon ni Cassandra. This jerk don't have the right to scrub in my face that I'm not his type. First time...first time in my entire life ang may nagreject sa akin.

"No brat. I'm just being honest." He smirked and I even hear his low chuckle.

"Well you're not my type as well! I just approached you kasi pinagpustahan ka namin. But I guess I lost, but I won't mind losing kung katulad mo lang din naman.Salamat na lang!" Mataray kung sabi sa kanya.

"And hey let me tell you this, you'll regret this day...I hope that our paths will not cross again. Matandang mayabang! Bye!"

Taas noo akong tumalikod sa kanya. Nasira ang mood ko dahil sa gurang na yon. Pagbalik ko sa upuan namin hindi ko na makita si Cassandra. That bitch left me again.

I wanted to scream and slap whoever comes my way tonight. I'm so pissed and irritated. Pero ang mas nakakapag-init ng ulo ko ay ang pangre-reject sa akin ng lalaking yon. Oo gwapo siya pero ang yabang yabang niya.

Palabas na ako ng bar nang may lasing na humarang sa akin. He's trying to touch me pero dahil mainit ang ulo ko, isang sampal ang sumalubong sa kanya.

"What the f*ck bitch?!" Humakbang ito palapit sa akin pero agad ko itong sinuntok sa mukha. I'm trained in self defense. Pinag-aral ako ni Kuya Hendrick para maprotektahan ko ang aking sarili.

Nakita kong napasuray ang tayo nito dala siguro sa kalasingan nito at sa lakas nang pagkasuntok ko sa kanya. Wag ngayon kuya mainit ang ulo ko. Nakita kong ikinuyom niya ang kanyang kamao pero bago niya pa ito maisuntok sa akin, inunahan ko na siya kaya ayon bagsak sa kalsada. Sorry kuya,kasalanan mo rin naman tsaka warm up pa lang yan.

I went home tired and upset. Hindi ko matanggap na may isang lalaking hinindian ako. That jerk! Wag lang siyang magpapakita sa akin.

Isa pa yong kaibigan ko, walang silbi ang hamon niya dahil iniwan naman ako nito.

Im about to sleep when my phone rang. Speaking of the b*tch.

"Gurl, bestie, babe I'm sorry...Jordan picked me up. Hindi na ako nakapagpaalam sayo." Sabi nito . "Oooh...Oh babe wait..."ungol nito sa kabilang linya.

Ang malanding babae pinarinig pa talaga sa akin.

"It's okay Cassandra...goodnight babe, see you when I see you.."paalam ko,di ko na hinintay ang sagot nito dahil wala naman na itong matinong sagot sa akin.

I woke up feeling dizzy. Nasusuka pa ako siguro sa dami ito nang nainom ko kagabi. And speaking of last night, bigla na namang uminit ang ulo ko. Bago pa masira ang buong araw ko pumasok na ako sa banyo para maligo.

Wala naman akong planong gawin ngayong araw.Siguro magsho-shoping na lang ako at isasama ko si Ava.

I think I need to go to salon na din. Ako na lang ang magpa pamper sa sarili ko. No need for me to wait for Cassandra dahil naiinis pa rin ako sa rason kung bakit ako lumapit sa lalaking yon.

Mabilis na lumipas ang mga araw. Nalilibang ako sa pag-stay sa mansion dahil sa makukulit kong mga pamangkin, but one day, something bad happened to Kuya Hendrick's wife and kids kaya napilitan ang mga itong kumuha ng security for safety purposes.

I told dad and mom that I'm fine and no need to provide me one because I can protect myself. But they insisted, dahil gusto nilang makasiguro sa kaligtasan ko. Ayaw ko man wala na akong magawa,but I told them I don't want my guards to be visible. The thought that I have guards following me around, annoys me.

Natigil ako sa pagbaba sa hagdan ng mapansing kong madaming lalaking nakaitim sa labas. Kita ko rin na may kausap si Daddy at ang dalawa ko pang kapatid.

I shrugged my shoulder continue walking. Siguro ito na yong mga sinasabi nilang magbabatay dito sa amin.

Lalagpasan ko na sana sila ng tinawag ako ni Daddy.

"Princess come here..."

Imbes na pupunta ako sa kusina,pumihit ako papunta kay daddy. Pero ilang hakbang pa lang ang nagawa ko nang pakiramdam ko nagsiakyatan ang lahat ng dugo ko sa aking ulo dahil ang lalaking kinaiinisan ko sa buong buhay ko ay andito sa harap ko ngayon.

"Baby, about what we decided last time, you having your personal bodyguard—"

"Dad,kuya..please" maktol ko. "Kaya ko pong alagaan ang sarili ko,tsaka you already agreed that the guard will be invisible right?" I whined not minding the guy whose now looking at me with blank expression on his face. The brute! Akala mo naman hindi ako ininsulto nung nakaraan. How could he act that he don't know me. Kapal ng face huh?!

"Don't worry princess this guy is your brothers' trusted friend. Kaya sigurado kaming ligtas ka kapag siya ang magbabantay sayo.

"Dad..." maktol ko ulit.

"No buts princess,this is for your own good,okay? Dad said patting my head like a kid.

Wala na akong magawa kundi ang sumunod sa kanila. Tumingin pa ako sa mga kuya ko pero walang sinabi ang mga ito. I know that they agreed to Dad kaya ganun ang reaksyon nila.

"Princess meet Nathaniel..." kuha ni Dad sa atensyon ko.

Our eyes met. Kita ko ang pagseryoso ng tingin niya sa akin.

"Nathaniel this my daughter Veronica Chrystelle." Pakilala ni dad sa akin at kita kung tumango lamang ito.

"Princess, this is Nathaniel Castillo your personal bodyguard." Dad said.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ayan nah cross ulit ang landas nyo nathaniel at chrystele
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status