Share

Kabanata 123

Author: MeteorComets
last update Last Updated: 2025-07-28 19:43:51
“SIR AIDAN!” Nagmamadali si ma’am Monique na lumapit sa amin at nagulat ako nang bigla niya akong itulak.

Ilang minuto rin akong hindi nakagalaw at hindi makapaniwalang pinalitan niya ako sa pwesto ko kay Aidan. Agad niyang inalalayan si Aidan at siya mismo ang humalili dito papunta ng sala.

Nag-aalala siya pero kung umasta siya ay parang siya ang asawa.

Kumuyom ang kamao ko. Nang makita ko siyang kumuha ng isang roletang tissue, agad akong lumapit at hinablot ko yun sa kaniya.

“Ma’am!” Tinaasan niya ako ng boses.

“Tumabi ka!” Sabi ko sa kaniya at pinandilatan siya ng mata.

Sinabi ko na to noon, ayokong magkaroon ng bagong Vadessa sa buhay ko.

“Papairalin mo pa ba yang selos mo? Can’t you see anong nangyari kay sir Aidan?”

“Tumabi ka, Monique. Ako pa rin ang fiancée niya at hindi ikaw.” Sabi ko sa kaniya. Kanina pa siya. Alam kong maaasahan siya pero sobra na.

Nang hindi siya kumilos, binangga ko ang balikat niya at lumapit kay Aidan. Ako ang kusang tumulong sa kaniya para punasan ang
MeteorComets

Hi po sa lahat.

| 13
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (15)
goodnovel comment avatar
Angelica Sahi
so magulo ka Merida..kaseng gulo ng utak ko..HAHAHAHAH btw thank you always Ms. A..pa update po ulit..hehe
goodnovel comment avatar
Christine Elmo
at sana Ms.A may pov sa nakaraan nla pra maintidihan sa lahat Hindi Yung Marami pang pasikotsikot
goodnovel comment avatar
Christine Elmo
pangit na basahin kong magkapatid tlaga Sila hirap intindihin kong anung Meron si Monique at aidan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Takasan Ang Bilyonaryong Taksil   Kabanata 125

    “I’m sorry Ms. Merida,” iyon ang sabi ng doctor sa akin habang ako naman ay panay ang iyak na kahit anong pigil ay ayaw matigil.Nanginginig na rin ang kamay ko habang nakatingin sa resulta ng DNA test result.Niyakap ako ni ate Belle at si Eric na siyang nagmaneho sa akin ay titig na titig sa akin habang nanlalaki ang mata. Para akong nabunutan ng tinik sa resulta.0.1% which means, Aidan and I are not blood-related..“Ate Belle…” Hinahagod ni ate ang likuran ko. “Akala ko naman magtatalon ka sa tuwa.”Paano ako hindi iiyak? Ilang araw rin kasi akong hindi makatulog dahil sa pagbabalik ng ala-ala ko. Akala ko talaga ay magkapatid kami sa ama.“I don’t understand,” sabi ng doctor. “Masaya ka na hindi kayo magkadugo ng kapatid mo?”Natawa si ate. “Yes dahil fiancé niya yan.”Nanlaki ang mata ng doctor at napaawang naman ang bibig ni Eric.“What? Nakipagrelasyon ka sa kapatid mo—I mean sa taong to kahit na may posibilidad na magkapatid kayo?” hindi makapaniwalang tanong niya.“Ang hirap

  • Takasan Ang Bilyonaryong Taksil   Kabanata 124

    I stopped working for awhile and the wedding is still on the process kaya inaasikaso namin yun dalawa ni Aidan. Naghaharap pa rin kami ni Monique matapos ng sagutan namin pero hindi kami nag-uusap.“Ate, are you excited?” napatingin ako kay Lisa nang magsalita siya. Kasama ko siya at si Luke pati na si attorney. Namimili kami ng souvenirs habang si Aidan naman ay kausap ang magkakasal sa amin. Kasama daw niya si Aris ngayon.“Yeah.” Sabi ko kahit na kabadong-kabado ako.I decided to continue this wedding kahit na sa ala-ala ko ay magkapatid kami dahil kung hindi, magtataka si Aidan kung anong problema.Ilang araw nalang kasi ay ikakasal na kaming dalawa.Sabi ng doctor, lalabas naman ang resulta bago ang kasal namin. Kaya kung magkapatid, tatakasan ko siya ng walang kahit na anong paalam dahil takot akong magtrigger na naman yun sa memorya niya pero kung mapatunayan kong hindi kami magkapatid kami, sisipot ako sa kasal.Malaking parte sa dibdib ko na naniniwala na hindi talaga kami ma

  • Takasan Ang Bilyonaryong Taksil   Kabanata 123

    “SIR AIDAN!” Nagmamadali si ma’am Monique na lumapit sa amin at nagulat ako nang bigla niya akong itulak.Ilang minuto rin akong hindi nakagalaw at hindi makapaniwalang pinalitan niya ako sa pwesto ko kay Aidan. Agad niyang inalalayan si Aidan at siya mismo ang humalili dito papunta ng sala.Nag-aalala siya pero kung umasta siya ay parang siya ang asawa.Kumuyom ang kamao ko. Nang makita ko siyang kumuha ng isang roletang tissue, agad akong lumapit at hinablot ko yun sa kaniya.“Ma’am!” Tinaasan niya ako ng boses.“Tumabi ka!” Sabi ko sa kaniya at pinandilatan siya ng mata.Sinabi ko na to noon, ayokong magkaroon ng bagong Vadessa sa buhay ko.“Papairalin mo pa ba yang selos mo? Can’t you see anong nangyari kay sir Aidan?”“Tumabi ka, Monique. Ako pa rin ang fiancée niya at hindi ikaw.” Sabi ko sa kaniya. Kanina pa siya. Alam kong maaasahan siya pero sobra na.Nang hindi siya kumilos, binangga ko ang balikat niya at lumapit kay Aidan. Ako ang kusang tumulong sa kaniya para punasan ang

  • Takasan Ang Bilyonaryong Taksil   Kabanata 122

    Sinamahan muna ako ni ate Belle sa kaibigan niyang doctor bago ako umuwi ng condo. Sa taxi pa lang, panay na tawag sa akin ni Aidan. Hindi ko siya sinasagot.At hindi na ako nagtaka nang makita ko siya sa labas ng building na naghihintay sa akin. Nakakunot ang noo niya at nakakrus ang kamay sa dibdib.Napatitig ako sa mukha niya at bumuntong hininga. Saang banda kami magkapatid ng lalaking to? Hindi naman kami magkamukha. Sobrang gwapo niya. Kahit man lang sana sa mata o di kaya ay kilay same kami ng sa ganoon, may maganda naman sa akin.Mas maganda kasi yung kaniya e.“Saan ka galing?” tanong niya. Salubong pa ang kilay. Kahit galit siya, gwapo pa rin.Naiiyak na naman ako.“Sa dati naming bahay.” Mahinang sabi ko at nagpipigil lang ng sarili na huwag tumakbo sa kaniya at yakapin siya o di kaya ay haIikan hanggang sa magsawa ako.Papa kung nasaan ka man ngayon, sorry…“Bakit? Anong ginawa mo doon?”“May hinanap lang ako sa mga kagamitan ni papa.”Tumango siya at lumapit pa sa akin sak

  • Takasan Ang Bilyonaryong Taksil   Kabanata 121

    Dinala ako ni ate Belle sa basement. Nang sabihin ko kung may mga gamit pa ba kami dati, sabi niya nasa basement niya nilagay. Dalaga pa si ate Belle kaya siya lang mag-isa dito sa bahay kasama ang aso niya.“Naku Merida, hindi ko tinapon kasi iniisip kong babalikan niyo ni Vadessa ang mga gamit niyo.”“Salamat po talaga ate…” Sabi ko sa kaniya.“Oh siya, tawagin mo lang ako ah kung may kailangan ka.”“Opo ate.”Iniwan na niya ako at ako naman ay napatingin na lamang sa maalikabok na basement. Maraming nakatambak na gamit kaya for sure, mahihirapan ako sa paghahanap ng mga bagay na hinahanap ko.Nakita ko pa yung mga lumang laruan ko at mga laruan ni Vadessa.Nakita ko rin ang mga gamit ni tita Mercid. Namiss ko siya ng sobra. Kahit gaano kasama si Vadessa, yung mama niya ay walang kasing bait. Si tita ang tumayong pangalawang ina ko lalo’t namuhay ako na hindi nakilala ang mama ko.Nakita ko lang siya sa pictures dahil namatay na siya no’ng baby pa lang ako sabi ni papa.Nagsimula na

  • Takasan Ang Bilyonaryong Taksil   Kabanata 120

    Nang bumukas ang pinto at pumasok si Aidan kasama ang doctor, lumayo na rin sa akin si ma’am Monique. Tumikhim ako lalo na nang lumapit si Aidan sa akin para tabihan ako habang tinitignan ako ng doctor.Hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit ko siya kinalimutan. Matapos akong magising noon sa isang aksidente, nasa hospital na ako at tanging isang concern na kapitbahay lang namin ang nag-asikaso sa akin at kay Vadessa.Pamilyang Rendova ang nag-asikaso sa burol ni papa at tita. Ilang buwan ang nakalipas, 18 na ako, kinasal na rin ako kay Evos.At yung ala-ala ko no’ng 17 ako ang kinalimutan ko kasi sa taon na iyon kung saan ko nakilala si Aidan, ang pinakamasakit at nakaka-trauma na pangyayari sa buhay ko.When papa said na kapatid ko siya, nilayuan ko siya… Hindi ko na siya kinotak pang muli. I blocked him, I deactivated my account and yes, huminto ako sa pag-aaral at pinili maghome-schooled na lang para lang maiwasan ko si Aidan.But something came up. Bigla siyang lumitaw sa hara

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status