Hi lovely people! Sorry for the late--- super late update. Sana hindi niyo naman ako sinumpa. Na sobrang busy lang lately ang ante niyo. Merry Christmas sa inyong lahat. Mwahmwah, spread love, kindness and happiness. Mwah!
Danie POV Bawat pagsubo sa aking pasta, ang bigat sa lalamunan. Hindi ko malunok ito dahil sa pares ng mga matang nakatingin sa akin. Pasimple ko siyang sinulyapan at nahuling nakahinang sa akin ang mga mata niya. Binabantayan bawat galaw ko. Iniawang n’ya ang kanyang pagkain sa bibig habang wala man lang hiyang nakatitig sa akin, nakikinig sa mga sinasabi ng ama niya ngunit ang utak niya alam kong nasa akin pa rin. Kapal ng mukha! Tumikhim ako at inabot ang juice sa aking harapan. Nasa garden kami at nagmemeryenda. Nasa harap ko siya at sa kaliwa ko naman ang Don. Sa kanan ang attorney. Pasta, cake and plain toasted bread na request ng Don ang nakahain sa pabilog na lamesa. Tumutugtog ang isang kantang masarap sa tenga na paboritong pinapakinggan ng Don kapag gusto niyang mag-relax. Wala talagang pakiramdam ang taong ‘to. Wala man lang isip tumigil sa paninitig na akala mo ako ang kinakain niya. I cringed. Duh, may mga kasama kaming iba! At kahit wala kaming kasama, hindi siya da
Danie POVIniiyak ko ang buong gabi.Ang haba ng gabing iyon para sa akin.Hindi ako lumabas ng kwarto buong araw at sinabi na lang na masama ang pakiramdam ko. Na partly true naman. I felt exhausted, drained and guilty.Ilang beses pumasok dito si Mamang para dalhan ako ng makakain. Maging si Liam, kumatok rin. Hindi ko siya pinagbuksan ng pinto.Mabuti na lang na ‘di siya nagpumilit. Tumawag ang Don sa telepono ko nang hapon na iyon para kamustahin ako. Sinagot ko iyon para hindi na siya mag-alala pa. Gusto niyang umakyat dito sa kwarto ko para siguraduhin ayos lang ako. Bawat sinasabi niya, pinapakinggan kong mabuti. Napapapikit. Na gu-guilty ako ng sobra. Hindi ko dapat ginawa iyon.Hindi ko naman balak itago. Hindi ko lang alam kung paano sisimulan.Binuksan ko ang laptop ko para simulan ang mga gagawin. Kahit na mabigat ang katawan, kailangan kong gawin ang mga trabaho ko. Naupo ako sa kama, nilagay sa kandungan ko ang nakabukas na laptop. Nag-type ako ng email sa unang-unang em
Danie POV“Tatay naman!” Lumapit ako sa kanya. Sinubukan na magmakaawa sa ‘di ko mabilang na beses na. “Hindi ko na po alam ang gagawin ko. ‘Tay naman, napapagod na po ako.” Humagulgol ako sa harap niya. Papaupo na sana ako sa kawayang upuan namin nang manlaki ang mga mata ko sa biglaang pagkilos niya. Napaigtad ako sa gulat.“Aba, nagrereklamo ka na?” malakas niyang tanong. Natakot ako sa boses niyang iyon. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko."H-hindi naman po sa ganoon, ‘tay. Ang laki na po kasi. . .”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang padarag siyang tumayo sa lamesang kinauupuan niya. Natumba ang plastic naming upuan na naglikha ng malakas na tunog kasabay ang pagbalibag nito sa kutsarang hawak.Nanlalaki ang mga mata ko sa takot. Sa kung anong susunod niya pang gagawin. Yumuko ako sa mga kamay kong magkasalikop. Nilalaro ang mga daliri ko para maibsan ang takot ko sa katawan.“Sinusumbatan mo na ba ako, ah? Namatay lang ang nanay mong walang kwenta ganyan na ang pinapa
Danie POV“Hoy babae, gumising ka nga d’yan! Hindi ka prinsesa dito. Tayo na!”“Batugan!” sikmat niya muli bago ko marinig ang pagsara ng pintuan.Nagising ako sa isang malakas na sipa sa binti ko. Napaigit ako sa sakit na naramdaman. Napaungol ako nang sipain niyang muli ang isang binti ko, napahawak ako dito’t namaluktot sa sakit na naramdaman. Nabungaran ko siya sa harapan ko na nakangiwi. Kitang-kita ko ang inis niya sa mukha niya. Nakarolyo sa pulang rollers ang mahaba niyang buhok. Wala siyang saplot sa katawan kung hindi tuwalyang puti lamang.Mabilis akong umusog sa malamig na pader. Niyakap ko ang mga paa ko sa labis na takot. Nang maisara na niya ang pinto, bumuhos ang mga walang katapusang mga luha ko. Pagod na ako. Masakit ang buong katawan ko. Mugto ang mga mata ko na walang patid sa pagluha. Nanunuyo na din ang lalamunan ko. Ni wala pa akong ininom kahit tubig man lang pang-alis ng uhaw.Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong posisyon. Umiyak akong muli sa narar
Danie POVMaingay ang buong kwarto. Aligaga ang lahat para sa ngayong gabing performance nila. Rinig na rinig ko ang kanilang mga boses habang nakapikit ako ngunit mas malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ako dumilat at hinayaan lang sila. Hindi mapakali ang mga daliri ko kakapisil sa isa’t isa sa aking kandungan.“Dilat ka nga, ganda!” anas ng babaeng tinatawag nilang Bebang. Siya ang assistant ng lahat dito. Taga-ayos ng mga damit at mga kalat na iiwanan ng lahat para mamaya.“A-ate, tulungan niyo po ako. . .” mahinang pagmamakaawa ko sa kanya.Hinawakan ko ang kamay niyang nakatapat sa akin. May hawak siyang brush na ginagamit sa mukha ko. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Luminga siya sa paligid at ganoon din ang ginawa ko. Pagbalik sa kanya, malamlam na ang mga mata nitong nakatunghay sa akin. Ibinaba niya ang hawak na compact sa lamesa kaharap ang malaking salaming may mga umiilaw na bumbilya sa gilid. Hinawakan niya ang kamay ko sa aking kandungan.“Ineng, huwag ka nang umasa
Danie POV Dinala niya ako sa isang pasilyo. Madilim dito at panay lakad ng mga waiter. May dala silang tray sa kanilang isang kamay. Iba’t ibang kulay ng inumin ang madalas na nakikita kong hinahatid nila sa loob ng isang kwarto. Tanging led lights lang sa baba ang meron para maaninag namin ang aming dadaanan. Ang naririnig ko, ito ang VVIP room na sinasabi nila. Kung saan nangyayari ang auction sa mga babaeng baguhan. “Ready ka na ba?” “Ale. . . maawa po kayo. H-hindi ko po talaga kaya.” “Hija, ano na nga ulit pangalan mo? Wala ka pa palang code name.” Napatampal siya sa kanyang noo. “And that Ale, eww. . .ganda ko kaya!” “Danie, ho. . .” May sinenyas siya sa isang waiter. Huminto kami sa isang pintuan. “Makinig ka, kung gusto mo maka-survive ngayong gabi, ayusin mo. Tumayo ka lang doon, mas maganda huwag ka ngumiti. Mas okay magmukha kang natatakot. Patok ‘yan dito karamihan ‘yan hinahanap. Mga baguhan sa ganitong klase ng kalakaran.” Hinagilap ko ang braso niya. “Huwag niy
Danie POV “Okay, girls. Kembot pa! That’s right. To the left and right— oh, spacing!” sigaw ng taga-turo ng sayaw. Nasa akin lagi ang mga mata niya. Naiinis na siya sa paulit-ulit kong mali. Halos alam na ng dalawang kasama ko, maging si Marga ang step. Ginagawa ko naman ang kaya ko pero ang hirap ikimbot ang bewang ko. Parang nag-uunahan ang mga paa ko kung sino ang unang gagalaw. “Stop!” sigaw niya. “Danie, ikaw nga lang mag-isa.” Pumalakpak siya. Ito ang ginagawa niya kung nagmamadali. “A-ako ho? Ay, hindi ko ho kasi maiganire ang balakang ko. . .” reklamo ko. Inimustra ko sa kaniya ang step na hindi ko makuha. “Kaya nga ikaw muna mag-isa. Atsaka, lahat ng step hindi mo talaga makuha.” Pumalatak siya’t umakyat ng stage. Ang ganda niyang babae, kay puti at payat ng legs. Hindi nga lang matangkad pero cute naman sa height niya. Hindi siya nagta-trabaho dito sa bar. College student daw ito at nakatira sa kabilang kanto. Cheerleader daw siya kaya malambot ang katawan. Libre pang
Danie POV Look in the mirror. I'm not surprised.I sympathize, ah.I can't deny. Your appetite, ah. Hinagod ko ang balakang ko paakyat sa leeg ko sabay inikot ang ulo ‘gaya ng sinabi nila. Sinabay ang katawan ko sa bawat halinghing ng babae sa kanta. Mabagal. . . Pumikit ako, dinama ang bawat lyrics. Pagdilat ko, tumitig ako sa unang taong makita ko. Tinignan ko siya ng masama. Sa una, hindi ko nagawa ng tama. Sa sumunod, humiga ako. Ipinitik ang mga daliri sa hangin, nilingon siya at giniling ang balakang. Tinuro siya bago ang sarili, pinapahiwatig ko na sa akin siya tumingin. Sa akin lang. Nagpalakpakan sila. Sinigaw ang mga bago sa pandinig ko. Tumalikod ako sa kanila’t tumuwad. Ini-slide ang isang paa ko and looked at them. “Fetish for my love. . .” “Grabe!” Pumapalakpak siyang pumasok sa dressing room. Napalingon ang lahat sa pagpasok niya. “Good luck sa inyo!” Bati niya sa mga lumalabas na babae. Sila ang susunod na magpe-perform sa labas. “I-beat niyo ang sigawan sa l