"Salamat, Ate," ngiting wika ko sa kaniya at saka hinalikan siya.Pagkalabas ko ng gate ay tila mas gugustuhin ko na lang ulit na pumasok sa loob ng bahay dahil sa mga titig sa akin ng mga kapit-bahay namin."Calm down," wika ni Silas.Pasikreto na lang akong tumango at saka sumakay sa tricycle nang makarating na kami sa kanto.Gaya noon ay sa bubong na naman sumakay si Silas dahil sa may mga sumunod din na sumakay na pasahero."Manong, dito na lang po," wika ko at saka dahan-dahan din naman niya tinigil ang tricycle sa tabing kalsada.Mabuti na lang at hindi traffic ngayon kaya mabilis lang din ang naging byahe namin.Pagkatapos ko magbayad ay tumabi muna ako sa bangketa para makaandar ang tricycle paalis."Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin."Tumabi ka lang sa akin. Baka mawala ka dahil sa dami ng taong namimili," sagot ko sa kaniya.Agad naman niyang sinunod ang utos ko at saka hinawakan ang kamay ko para manigurado. Hindi man halata ngunit hinawakan ko rin 'yon nang mahigpit d
Tumayo ako nang mapansin na nasa tagiliran ko na siya. "Pasimple pa 'yang galawan mo, ha," pang-aasar pa niya sa akin."Manahimik ka nga," bulong ko sa kaniya at may riin ang bawat salita para naman mahalata niya na hindi ako nakikipagbiruan sa kaniya.Nang makarating sa lugar ay nilibot ko ang bawat gilid ng daan at napangiti ako nang makita ang isang karatula na nagsasabi na isa iyong morgue.Dahil sa kasiyahan ay dali-dali akong tumakbo papunta roon habang hawak-hawak ang kamay ni Silas.Siyempre ay hindi ko nakalimutan na tumingin sa kanan at kaliwa pagtawid ko.Kumatok muna ako rito bago pumasok at maya-maya ay may nagbukas din ng pinto."Anong kailangan mo, Ineng?" tanong sa akin ni manong."Maaari ko po bang makita ang mga katawan na bagong dating dito o kahit noong isang linggo pa?" tanong ko sa kaniya."Ay, sige. Pasok. Baka ikaw na ang isa sa pamilya ng mga ito," wika niya.Tumango naman ako at saka pumasok. Sa aking pagpasok ay napatigil na lang ako sa aking paghinga dahil
Pag-uwi namin ay swerte ako dahil hindi pa umuuwi si Kuya Elias mula sa trabaho."Where did you go, Tita Vivi?" tanong sa akin ni Seya.Tinukod ko ang aking mga tuhod at saka isang malaking ngiti ang ginawad ko sa kaniya.Agad siyang sumilip sa aking likuran nang mapansin na may sinusubukan akong itago ngunit mabilis ko rin naman nabasa ang mga galaw niya kaya mas lalo kong tinago ang isang balot ng pagkain mula sa Jollibae na pasalubong ko sa kaniya."Ano po 'yon?" tanong niya sa akin.Tumawa na lang ako imbes na sagutin ang kaniyang tanong at saka sunod na ginulo ang kaniyang buhok bago ibigay ang pasalubong ko sa kaniya."Wow!" sigaw niya at nagningning ang mga mata nang makita ito.Agad niya akong niyakap at nagpasalamat. Napahagikgik na lang ako nang agad niyang kuhanin ang supot sa akin."Saan mo nakuha ang pera mo?" tanong ni Mama sa akin at saka tinignan si Seya na sabik na sabik na binuksan ang pagkain."Galing sa naipon ko 'yon, Ma," paliwanag ko sa kaniya.Nagtaka ako dahil
Umupo ako sa tabi niya at saka binuksan ang aking laptop. Sa pagbukas ko ay roon bumungad ang sunod-sunod na email ng kumpaniya sa akin.Isa-isa ko itong binasa at napailing-iling na lang ako nang makita na halos noong mga nakaraang araw pa ang mga ito."Hello. Good day, Miss Fuentes. May I know what's the reason of your sudden absence today? Other employee says that you suddenly went out of the company while it's still work hours," basa ko sa unang message."Miss Fuentes? Please kindly answer my messages ASAP," pagbabasa ko ulit.Napangiwi na lang ako habang binabasa ang iba pang messages sa akin."Gano'n ba talaga ako kahalaga sa kanila kaya ganito sila ka-desperado?" tanong ko sa sarili.Napailing-iling na lang ako dahil nagsisimula na namang bumalik ang masalimuot na huling ala-ala ko sa kumpaniya nila."I'm sorry for my sudden action. I know I'm not professional for acting like that. If you didn't like what I did, you can cut off some of my income and then I'll get the remaining
Mabilis kong natulak si Silas nang biglang nagbukas ang pinto at niluwa noon si Seya.Kaya ang naging kinalabasan ay nakaupo sa sahig si Silas habang ako ay nakaupo rin sa kama pero hindi maitago ang kaba.Si Seya naman ang nagtatakang tumingin sa amin at papalit-palit ang tingin ng mga mata nito sa amin."Did something happened before I came?" she asked confusedly.Sunod-sunod akong umiling at mabilis na inalok siya na umupo sa tabi ko.Sikreto ko naman pinanliitan si Silas ng mga mata at sinabi na 'lagot ka sa akin mamaya'. Inakbayan ko siya habang si Silas ay nakaupo pa rin sa sahig kung saan ay nasa harapan namin siya."You can sit here," wika ni Seya kay Silas at saka tinapik ang tabi niya.Sunod-sunod na umiling si Silas at saka natawa."No need. I'm more comfortable here," aniya at saka pasikretong kumindat pa sa akin.Nangasim naman ang aking mukha dahil doon. Ang cringe!Nagulat ako nang biglang hawakan ni Seya ang dibdib ko at saka unti-unting nilapit ang tainga niya rito.
Sa aking paghawak ay nagulat ako dahil pagtingin ko sa kamay ko ay puno na ito ng lupa kaya gulat akong napatingin dito ngunit mabilis din siyang naglaho at bumungad sa akin si Mama."Ano bang ginagawa mo? Ano 'yang lupa sa kamay mo? Naglalaro ka ba?" sunod-sunod na tanong niya.Umiling-iling naman ako. "Hindi po, Ma," sagot ko."Saan mo naman 'yan nakuha?" tanong ni Mama at tinuro ang lupa sa kamay ko.Imposible naman na makukuha ko sa sahig na inaapakan ko dahil naka-tiles ang sahig namin."Ah—" Nang biglang pumasok si Seya ay napahinga ako nang maayos.Hinila niya si Mama palabas ng kusina kaya nginitian ko naman siya at napailing-iling na lang ako nang kindatan niya ako.Mabilis kong hinugasan ang kamay ko at nagulat ako dahil may ilang mga letra na biglang lumitaw sa palad ko."S... a... f... e...?" sunod-sunod na basa ko sa bawat paglitaw ng mga letra.Naghintay pa ako ng ilang minutos ngunit nagtaka ako nang wala ng sumunod na letra.Hinugasan ko ulit ang kamay ko bago umupo sa
Averill's POV:Sa pagmulat ng aking mga mata ay nagtaka ako dahil ang bumungad sa akin ay si Shi no Tenshi."Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko sa kaniya."Tinawag mo 'ko, 'di ba? Kaya nandito ako para tulungan ka," saad nito.Dahan-dahan akong umupo pero napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ang paghilo kaya napasandal na lang ako sa aking headboard."Huwag kang mag-alala. Ligtas ka na. Nandito na ako," wika niya.Hindi ko pinansin ang sinabi niya at saka inikot ang aking buong paningin sa aking kwarto."Nasaan si Silas?" tanong ko pero natigilan ako nang maalala na si Tenshi pala ang kaharap ko.Nangunot ang kaniyang noo dahil sa pagtataka. "Silas? Sino naman 'yon?" nagtatakang tanong nito.Umiling-iling ako. "Wala.""Sigurado ka ba?" tanong pa nito.Tumango-tango ako bilang sagot."O' siya. Mukhang ayos ka naman na. Aalis na ako," aniya."Sandali," pagpigil ko sa kaniya."Bakit?" tanong nito."Nakuha mo na ba 'yong kaluluwa na 'yon?" tanong ko sa kaniya.Sumeryoso
Napatango-tango naman si Seya nang ma-realize ang aking sinabi at sunod na napahagikgik din."Thank you, Tita Vivi, but I hope that someday I can touch ghost too so that I could hug them like you do," she said.I just smiled and ruffled her hair.Napatingin naman ako kay Silas na hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin kaya mas lalo akong napahagikgik.Niyakap ko ulit siya at saka tinapik-tapik ang kaniyang likod."Oh, ayan na. Nagka-indirect hug na kayo ni Seya," bulong ko sa kaniya."Ah..." aniya at napatango-tango.Hindi ko naman naiwasan na matawa dahil sa kaniyang reaksyon. Ngayon niya lang talaga na-realize.Hindi ko alam na may pagka-slow rin pala siya minsan.Natigil kami sa paghaharutan nang marinig ko ang sigaw ni Ate."Gising na si Averill!" sigaw niya.Dali-dali siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako. Sunod ko naman nakita ang pagtakbo papunta rito ni Kuya at ganoon na rin si Mama."Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Kuya."Nagugutom ka ba?" tanong naman sa akin ni