Share

Chapter 35

Averill's POV:

Sa pagmulat ng aking mga mata ay nagtaka ako dahil ang bumungad sa akin ay si Shi no Tenshi.

"Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Tinawag mo 'ko, 'di ba? Kaya nandito ako para tulungan ka," saad nito.

Dahan-dahan akong umupo pero napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ang paghilo kaya napasandal na lang ako sa aking headboard.

"Huwag kang mag-alala. Ligtas ka na. Nandito na ako," wika niya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at saka inikot ang aking buong paningin sa aking kwarto.

"Nasaan si Silas?" tanong ko pero natigilan ako nang maalala na si Tenshi pala ang kaharap ko.

Nangunot ang kaniyang noo dahil sa pagtataka.

"Silas? Sino naman 'yon?" nagtatakang tanong nito.

Umiling-iling ako. "Wala."

"Sigurado ka ba?" tanong pa nito.

Tumango-tango ako bilang sagot.

"O' siya. Mukhang ayos ka naman na. Aalis na ako," aniya.

"Sandali," pagpigil ko sa kaniya.

"Bakit?" tanong nito.

"Nakuha mo na ba 'yong kaluluwa na 'yon?" tanong ko sa kaniya.

Sumeryoso
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status