Share

Chapter 34

Sa aking paghawak ay nagulat ako dahil pagtingin ko sa kamay ko ay puno na ito ng lupa kaya gulat akong napatingin dito ngunit mabilis din siyang naglaho at bumungad sa akin si Mama.

"Ano bang ginagawa mo? Ano 'yang lupa sa kamay mo? Naglalaro ka ba?" sunod-sunod na tanong niya.

Umiling-iling naman ako. "Hindi po, Ma," sagot ko.

"Saan mo naman 'yan nakuha?" tanong ni Mama at tinuro ang lupa sa kamay ko.

Imposible naman na makukuha ko sa sahig na inaapakan ko dahil naka-tiles ang sahig namin.

"Ah—" Nang biglang pumasok si Seya ay napahinga ako nang maayos.

Hinila niya si Mama palabas ng kusina kaya nginitian ko naman siya at napailing-iling na lang ako nang kindatan niya ako.

Mabilis kong hinugasan ang kamay ko at nagulat ako dahil may ilang mga letra na biglang lumitaw sa palad ko.

"S... a... f... e...?" sunod-sunod na basa ko sa bawat paglitaw ng mga letra.

Naghintay pa ako ng ilang minutos ngunit nagtaka ako nang wala ng sumunod na letra.

Hinugasan ko ulit ang kamay ko bago umupo sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status