Ginawaran ko na lang si Mama ng isang ngiti at saka lumabas na ng bahay.Ang sakit naman ng sinabi ni Mama. Parang pinapalayas na niya ako, ah? Sabay kaming naglakad ni Silas gaya ng nakagawian."Gusto mo bang pumunta tayo sa park kapag maaga tayong nakauwi?" tanong ko sa kaniya.Humarap siya sa akin at animo'y nag-iisip pa sa isasagot dahil sa tagal tumugon.He hummed. "Okay.""Huh?" nagtatakang tanong ko sa kaniya."Yes or no lang isasagot mo o 'di kaya ay oo o hindi, pero ang sinagot mo ay ‘okay’?" tanong ko sa kaniya.Napahagikgik naman siya na kinaasim ng mukha ko.Mukha ba akong nakikipagbiruan? Nagtatanong ako nang maayos, oh."Oo, ikaw ang bahala," paglilinaw niya sa kaniyang sinagot."Okay," tugon ko rin na kinatawa na lang din niya. Hindi ko na rin naiwasan na matawa dahil sa mga tawa niya.Pagdating namin sa bayan ay mabilis kong binuksan ang payong na dala ko dahil nagsisimula nang magpalaganap ng init at liwanag si haring araw.Nag-insist na si Silas na hindi na raw siya
Napahawak ako sa aking tuhod at napapunas ng pawis dahil kanina pa kami paikot-ikot dito ngunit wala naman kaming makita na kahit anong karatula ng morgue.Hindi naman siguro nagsinungaling si manang sa amin, 'di ba...?"Nakakapagod," bulong ko sa sarili.Uhaw na uhaw na rin ako at halos gutom na rin. Lagpas alas dose na kasi ng hapon at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakain ng tanghalian.Natigilan ako nang hawakan ni Silas ang aking braso dahilan para matigilan ako sa paglalakad."Bakit?" tanong ko sa kaniya."Kumain ka na lang kaya muna," suhestiyon niya."Kahit na gusto ko kumain, mukha naman walang restaurant o karinderya rito," paliwanag ko sa kaniya.Napatango-tango na lang din siya dahil sa kanina pa naming paglilibot ay wala talaga akong nakikitang karinderya."Anong hanap mo, Hija?" Natigilan ako sa paglalakad at napaatras dahil sa gulat nang bigla na lang may lumitaw na manang sa harapan ko. Ni hindi ko nga alam kung saan siya nanggaling.Natigilan ako nang mamukhaan
Nanlaki ang aking mga mata.No! She's trying to brainwash Silas."What?" tanong din ni Silas sa kaniya."Silas, let's go, please? Let's go home now," pagmamakaawa ko sa kaniya.Nanatili pa rin sa labi ang ngisi ng babae at saka tumingin sa akin."Are you sure that girl would really help you? She don't even know you... unlike me who knows who really you is," she said.Sinamaan ko naman siya ng paningin ngunit natigilan ako nang biglang humakbang si Silas pabalik sa kaniya. Mas lalo tuloy lumawak ang ngisi nito sa labi."Tell me... who I am," Silas said.Sunod-sunod akong umiling at saka hinila si Silas pabalik sa akin ngunit nabigo ako."Silas, huwag kang makinig sa kaniya!" sigaw ko rito ngunit patuloy pa rin siya sa paglalakad pabalik sa babae.Balak ko pa sana pigilan ito ngunit napabitaw ako sa kaniya at napasigaw ako nang may biglang humila sa paa ko.Nanlaki ang aking mga mata nang makita na may sumusubok na humila ng aking mga paa pailalim sa lupa.What the héck is this?!Nanlak
Habang palalim nang palalim ang aming halikan ay tuloy-tuloy pa rin na tumutulo ang aking mga luha. Walang tigil ito sa pagbuhos na tila ba sumasabay sa buhos ng ulan.Napamulat ako ng mata nang maramdaman ko ang pag-alis ng kaniyang labi sa akin.And our eyes met..."I love you, Averill," he whispered and caress my face.Mas lalo akong napaiyak matapos niya bitawan ang mga salitang iyon. Ang mga mata niyang kumikinang-kinang na tila ba isang bituin ay sa akin lang nakatitig.I gulped. "I-I like you too, Silas," I whispered and lower down my face so that I won't met his gaze again.Nasasaktan ako. Gusto ko sabihin at ipagsigawan na mahal din kita pero maraming tanong na gumugulo sa isip ko.Hindi naman ganito ang plano ko. Plano ko lang na tulungan ka pero bakit...? Bakit ako nahulog sa isang gaya mo? May tiyansa ba na maging tayo?I love you too, Silas...Sinubukan pa niyang titigan ang mga mata ko pero tumanggi ako kaya niyakap na lang niya ako ng mahigpit.Bakit mo 'to ginagawa la
Bumuntong hininga ulit siya dahil sa aking sinabi at hindi ko na naiwasan pa na humagikgik dahil doon.Ngunot-noo na tumingin naman siya sa akin dahil sa aking paghagikgik."Why are you laughing at me?" she asked and pouted.I cleared my throat and stop giggling."I'm not. Ang cute mo lang kasi mas iniisip mo pa kami kaysa sa sarili mo," wika ko, "pero gaya nga ng sabi ko, 'pag problema ng matanda ay hindi na kasama roon ang bata, okay?"Napatango-tango naman siya dahil sa aking sinabi. Mabuti naman at naiintindihan na niya ang gusto kong sabihin."But I can't handle it when both of you are ignoring each other," wika pa niya.Napabuntong hininga na lang ako dahil sa kakulitan niya. Akala ko ay naintindihan na niya ang gusto ko sabihin!Nilagay ko sa likod ng kaniyang tainga ang hibla ng kaniyang mga buhok na napupunta sa kaniyang mukha."Hindi mo na kailangan problemahin pa 'yon. Problema na namin 'yon," paulit-ulit kong paliwanag sa kaniya."But—""Seya." Napatingin ako kay Silas nan
Napatingin naman ako kay Silas matapos mapansin na tahimik siya. Pagtingin ko ay nakita kong nakatitig lang siya sa kwintas na hawak-hawak ko na may malamlam na mga mata.Hinawakan ko ang balikat niya na dahilan para tumingin siya sa akin na gulat na gulat. Hindi ko naman naiwasan na mapahagikgik dahil doon.Binitawan ko ang kwintas na hawak-hawak ko at saka hinimas-himas ang buhok niya."Tenshi, gave this to me. It's my safety locket," I explained to him.Napatango-tango naman siya pero hindi niya naitago sa akin ang lungkot ng kaniyang mga mata kaya agad kong hinawakan ang kaniyang baba para magkasalubong ang aming mga mata.When I our eyes met, I smiled widely."Don't worry. There are more things that I really treasure," I whispered, "including you."Napahagikgik naman ako matapos makita ang mukha niya na tila nangasim ngunit ang tainga niya na namumula na halata mong kinilig din."Corny mo," bulong niya.Napa-roll eyes naman ako. "Tse!"Nang magkatitigan kami ay wala sa sariling
Maya-maya pa ay nagising na si Mama. "May multo," saad pa nito."Ma, kalma," wika ko at saka hinawakan ang mga balikat niya.Nagtaka ako nang mabilis niya na ni-check ang mini table ko."Nasaan na ang rosaryo na nilagay ko rito?" natatarantang tanong niya."Tinago ko," sagot ko.Pumitik naman si Mama kaya napapikit naman ako."Kaya minumulto ang kwarto mo, e! Nasaan? Nasaan ang rosaryo?" nagmamadaling tanong niya.Napahilot na lang ako sa aking sintido dahil kay Mama.Hinawakan naman ni Ate ang kamay ni Mama. "Kalma, Ma. Si Seya lang 'yon. Naglalaro lang siya kanina no'ng pumasok ka," paliwanag ni Ate sa kaniya."I-Imposible. Masyadong matangkad—"I hushed. "Kumalma ka muna, Ma."Nang kumalma na si Mama ay agad siyang tumingin kay Seya."Totoo ba 'yon, apo?" mahinahong tanong niya rito.Sunod-sunod na tumango si Seya bilang sagot.Nakahinga naman siya nang maayos pero nagulat ako nang sinamaan niya ako ng paningin."Kahit na naglalaro lang kanina si Seya, dapat hindi mo pa rin tinat
Maaga na akong nagising pero tanghali na ako bumaba para kumain ng umagahan. Sinadya ko iyon para hindi makasabay sila Mama na kumain sa lamesa.Sa aking pagbaba ay hindi ako pinansin o pinasadahan man lang ng tingin ni Mama kaya nagtungo na lang ako sa kusina.Tahimik akong kumakain nang biglang lumitaw sa tabi ko si Tenshi kaya gulat na gulat naman akong tumingin dito.Sinilip ko muna sila Mama at Ate na nasa sala bago siya kausapin dahil baka mas lalong magduda talaga si Mama na may multo sa bahay."Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya nang maalala ang nangyari kahapon.Dahan-dahan siyang tumango bilang tugon. "Pero nakatakas siya mula sa akin kaya magdoble ingat ka na simula ngayon."Ngumiti ako sa kaniya para sabihin na ayos lang ako."Huwag ka na mag-alala pa sa akin," sambit ko rito."Kahit na may iba ng nagbabantay sa iyo, huwag ka pa rin maging panatag... bakit? Kasi hindi ka naman niya talaga kayang protektahan," ika niya.Natigilan ako sa pagsubo dahil sa kaniy