Share

Chapter 49

Nanatili lang kaming dalawa ni Silas na tahimik sa kuwarto habang nagmumuni-muni. Ayaw ko rin naman kasi magbukas ng topik kahit na marami akong gustong itanong sa kaniya.

Napatingin ako sa aking pinto nang may kumatok dito.

"Kain na raw, Averill," ika ni Kuya.

"Bababa na!" sigaw ko at mabilis na sinuot ang tsinelas at saka tumakbo palabas.

Pagbaba ko sa kusina ay tahimik ang lahat. Halatang hindi pa rin nakaka-get over sa nangyari kanina.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay nagulat ako nang makitang nakaupo si Silas sa tabi ko.

Hindi ako nagpahalata sa kanilang lahat pero pinanlakihan ko siya ng mha mata. Alam kong nakita rin iyon ni Seya kaya nagpipigil na siya ng tawa ngayon.

Nang mapatikhim si Ate ay nalipat ang atensyon ko sa kaniya.

"Averill," paninimula niya, "iyong kaninang sinabi ni Mama. May gusto lang ako linawin..."

"Anong sinabi ko?" singit naman sa usapan ni Mama habang nakakunot ang noo.

Napabuntong hininga naman si Kuya at saka tinigil ang pagkain bago tumingin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status