During the first day na hindi nagkita ang magkasintahan, panay ang text at tawag ni Andrei sa dalaga. Bukod paroon ang video calls at chats. Kinikilig naman si Tamara. Halata kasi sa kaniyang nobyo na hindi pa rin ito mapakali dahil sa nangyari bago siya umalis ng mansion ng mga Montillano. Ang mga mata naman ng mga kasamahan ng dalaga ay nakabantay sa kaniya. Maging si Kryzell na malaki na ang tiyan ay hindi rin nagpapahuli sa pang-aasar kay Tamara. Subalit kung ang mga kasamahan ng dalaga ay tuwang-tuwa sa nangyayari sa kaniya, hindi sina Gen. Gomez at Allan na nagbabantay lang mula sa malayo at naghihintay ng pagkakataon. Hanggang isang araw ay napansin ng mga kasamahan ni Tamara ang mga sasakyan na sumusubaybay sa dalaga kahit saan ito magpunta. “May mga nagmamanman sa iyo, Tamara,” bulong ng isa sa mga miyembro ng Devil’s Angel Mafia Organization habang nasa bangko sila. Sila kasi ang naatasan ng kanilang pinuno na magdeposito ng pera ng organisasyon. “Baka mga holdaper lang
Nakatulog si Tamara habang binabantayan siya ni Ruel. Dumating din ang ilang mga kasamahan nila at sa kanila siya ibinilin ng binata na hanggang ngayon ay lihim pa rin na minamahal ang dalaga. Tanggap na ni Ruel na tapos na ang relasyon nila ni Tamara. Batid ni Ruel na wala siyang ibang dapat sisihin sa paghihiwalay nila ni Tamara dahil siya ang nagkamali. Subalit sadyang hindi niya pwedeng pabayaan ang dalaga sa mga panahon na wala itong pwedeng kapitan. “Tumawag ba si Andrei?” tanong ni Tamara sa babaeng kasamahan niya nang ito ang una niyang nakita pagkagising niya. Tiningnan niya ang orasan, almost five in the morning na. “Dumating ba siya?” dagdag pa niyang tanong. Umiling ang babae. Napakunot ang noo ni Tamara at dahan-dahan siyang umupo sa kama. Inabot niya ang kaniyang cellphone at sinubukan niyang kontakin si Andrei. Subalit can not be reached pa rin ang number ng binata. Dahil hindi sanay na ganoon ang kaniyang kasintahan, tinawagan ni Tamara si Rod kahit minsan na siyang
"I hate you."Iyon lang ang narinig ni Tamara mula sa kaniyang nobyo. Naputol na agad ang tawag at hindi man lang nakasagot ang dalaga ng kahit na ano. Napatingin lang siya sa nakangising si Melvin at sa nagagalit na si David. Nakatayo sila sa lobby ng gusali na pagmamay-ari ng mga Montillano. Nalaman niya ang lugar na iyon dahil sa tulong ng mga kagrupo niya. "Sir, ano po ba ang nagawa kong mali?" tanong ng dalaga sa nanginginig na tinig. "Ask yourself, Tamara. What have you done in the past?" "Past?" bulong ng dalaga. "Sir, wala po akong maalala." "I don't buy your fücking lie, hija. Go away and never come back here." "Pero, sir, nagsasabi po ako ng totoo." Umiling si David. Nilagay nito ang mga kamay sa kaniyang bulsa at saka hinarap muli si Tamara. "Kapag hindi ka pa umalis, tatawag na ako ng mga guwardiya. You are wasting my precious time," sabi nito. "Tara na, Tamara. 'Wag mo nang hintayin pang ipakaladkad ka nila sa mga guwardiya," bulong ni Ruel na noon ay nasa likuran
Sa isang madilim na lugar dinala ng kung sino ang nakapiring na si Tamara. Ang nasasaktan na dalaga ay hindi man lang nakakaramdam ng takot. Kalmado siyang naupo sa malamig na sahig at pilit niyang inaalala ang eksena na nasa picture kanina sa bar ng mansion ng mga Montillano. "Ang tibay mo talaga, Tamara. Hindi ka man lang ba lalaban? Excited pa naman akong maka-sparring ka dahil isa ka raw sa pinakamagaling sa grupo ninyo,” saad ng isang bagong miyembro ng Triangulo. “Sino ka?” matatag na tanong ni Tamara. “Hindi mo ako kilala,”sagot ng lalaki. Si Allan na nanonood at nakikinig lang sa usapan ng kaniyang tauhan at ni Tamara ay biglang binatukan ang lalaking kanina pa nang-iinis kay Tamara. Sinenyasan niya ito na lumabas na ng silid. Pansamantalang nanatili si Allan sa tabi ni Tamara. Pinagmasdan niya lang ang relax na dalaga. Nakakaramdam ng matinding hilo si Tamara. Ang init sa silid na kaniyang kinaroroonan ay ay nagpapalala ng kaniyang nararamdaman. Dama niyang may mga matan
Napasalampak si Andrei sa upuan nang mahimasmasan siya. Punong-puno ng pag-aalala ang kan'yang puso pero mas nananaig pa rin ang galit. "Akala ko ba hahanapin natin si Tamara. Tutuloy pa ba tayo, Andrei?" tanong ni Rod sa kaibigan niya. "Hindi na, buddy. Baka kasama niya lang na tumakas ang ibang lalaki. Probably, bukod sa amin ni Ruel ay may iba pa siyang lalaki. And her way to get away with it is magkunwari na kinidnap siya. I don't buy her drama." "Paano kung hindi? Paano kung nasa panganib pala ang buhay niya ngayon?" "Hindi ko na problema iyon, Rod. Tapos na ang relasyon naming dalawa at wala na akong pakialam pa sa kan'ya. Bukod sa pagpatay niya sa dati ko ay nahuli ko pa siyang niloloko niya ako. That's too much to bear, buddy." Tiningnan ni Rod ang kan'yang kaibigan. Sa tagal na nilang magkasama at magkakilala, ngayon niya lang ito nakitang nanlulumo. Alam ni Rod na labis na nasasaktan si Andrei. For the meantime, habang binabalutan ng galit ang puso nito, kikilos siya pa
Hindi nagawang pumunta ni Andrei sa lugar kung nasaan ang dating driver ng kaniyang ama. Hindi kasi siya mapakali magdamag kaya bago pa magising si David ay nakaalis na ang binata. Tinawagan niya si Rod at hiniling dito na tulungan siya sa paghahanap kay Tamara. "Nananaginip ba ako, Andrei? Madaling araw pa, buddy. Pwede bang ipagpabukas na lang natin ito? 'Di ako pwedeng lumabas dito sa kampo ng ganitong oras." Inaantok na pahayag ni Rod. Narinig pa ni Andrei ng humikab ito. "Sige ako na lang ang lalakad mag-isa. Actually, nasa kalsada na ako ngayon. Lihim akong magmamanman sa lugar kung saan nakita ang sasakyan ni Tamara," saad ni Andrei. "Pwede kang pumunta ng presinto. Malay natin, baka may bago nang natuklasan ang mga pulis," suhestiyon ni Rod. Nagpasalamat si Andrei sa kan'yang kaibigan. Agad siyang tumungo sa istasyon ng pulisya. Ngunit katulad nang sinabi ng mga pulis kaya Rod, wala pa rin silang impormasyon tungkol sa pagkawala ni Tamara. Ilang araw na ang lumipas ngunit
Lumipas ang isang taon. Walang kasal na naganap sa pagitan nina Andrei at Diane. Kahit maimpluwensya ang pamilya ng babae ay hindi niya napatiklop ang isang Lieutenant Andrei Montillano. Ginawa ni Diane ang lahat hanggang sa umabot pa siya sa puntong siniraan niya sa social media at maging sa telebisyon at radyo ang lalaking gustong-gusto niya pero hindi siya nagtagumpay. Noong una ay pinaniwalaan si Diane ng mga tao. Nagawa n'yang paikutin ang madla hanggang sa lumitaw ang tunay na ama ng kan'yang anak. Sa labis na kahihiyan ay itinakwil si Diane ng kaniyang mga magulang at tinanggalan din siya ng mana. Si David ay punong-puno ng pagsisisi at panay ang hingi ng tawad kay Andrei. Nangako siya sa kan'yang pamangkin na hindi niya na pakikialaman pa ang binata kahit sino pa ang piliin nitong maging asawa. Pilit niyang kinukumbinsi ang binata na bumalik na ng Rizal o Quezon City at huwag na ulit hilingin pa sa mga pinuno nito na ilipat ito muli ng assignment. Subalit mas pinili pa rin
Nakatulala si Tamara habang pinapanood ang early news sa telebisyon. Tanging iyak ng kan'yang anak ang nakapagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Maging ang mga kasama niya sa living room ay biglang nanahimik at nakatingin lang sa kaniya. "Oh, God, grabe ang balitang ito," sabi ni Kryzell. "Expected na yan sa gan'yang trabaho," seryosong saad ni Kaizer. "Sanay na tayo sa gan'yan." "Ang insensitive mo talagang lalaki ka." Inginuso ni Kryzell si Tamara na noon ay tahimik lang habang isinasayaw ang anak. "Itikom mo ang bibig mo, Kaizer, dahil baka ako ang magsara niyan gamit itong mga labi ko." "What are we gonna do now? Gusto mo bang dalawin si Andrei sa hospital, Tamara?" "Hindi ko po alam, boss." "Agaw-buhay siya ngayon dahil sa tama sa dibdib niya. Sabi ng doktor ay napakaliit ng chance na mabuhay siya pero gagawin nila ang lahat. Baka sakaling makatulong si Tamara para magkaroon siya ng dahilan para mabuhay," sabi ni Kryzell. "Pwede rin na maka-sama ako sa sitwasyon," malu