"Excuse me. What is the matter there?" Itinuro ng may-ari ng hospital ang labas. "Sir, there is a suspicious car near the gate," sabi ng isang surgeon. "A car? Tell the guards to let that car in. It's a car with doctors in it. They are here to observe us." Utos ng may-ari ng hospital sa isa sa mga janitors. "How did you know, sir, that the car I was referring is the same sa car na sinasabi mo?" "The doctors texted me." Gusto pa sanang magtanong ng surgeon kung bakit gabi mag-o-observe ang mga doctor na sinasabi ng may-ari ng hospital subalit hindi na siya kumibo. Dahil sa ginawa ng kapatid ni Ruel kaya naging mas madali at mas safe para sa grupo ni Tamara ang makapasok ng hospital. Bagamat maraming bantay ay walang problema na nakapasok ng hospital ang mga miyembro ng Devil's Angel Mafia Organization. Maging si Tamara ay walang takot na lumakad sa corridor. Suot ang doctor's gown, in character na pumasok si Tamara sa silid ni Andrei. Ang laki ng pasasalamat niya dahil hindi siy
Pigil hininga ang mga kasamahan ni Tamara habang naglalambitin siya. Mabuti na lang at gabi kaya wala ang mga construction workers na nagtratrabaho ng bagong building na itatayo sa bahaging iyon ng hospital. "Humawak ka," wika ni Ruel. Pilit nitong inaabot ang dalaga na nanginginig na ang mga kamay. Nang makasampa ang dalawa sa hagdan na ginagamit sa fire exit, mabilis silang inalalayan ng mga kasama nila. Agad silang bumaba ng gusali at nilisan ang hospital. Sa bahay, halos hindi bitawan ni Tamara ang kaniyang anak. Panay ang halik niya rito. Hindi mawala sa isip niya ang panganib na pinagdaanan n'ya kanina. Naitanong niya tuloy sa kaniyang sarili kung worth it ba ang ginawa niyang paglagay ng sarili sa panganib kapalit ang makita lang ang lalaking kinamumuhian siya. “Baby, akala ko ay hindi na kita makikita pang muli. Natakot si mommy kanina. Paglaki mo, ayaw kong pagdaanan mo iyon. Mamuhay ka ng normal, anak,” wika ni Tamara. Umingit naman ang sanggol na para bang narinig nito
Kinapa ni Tamara ang baril sa baywang niya. Hindi man siya nakakilos agad dahil sa pagkabigla niya, gumana naman ng mabilis ang utak niya.“Sir, ipaaalala ko lang ang bayad n’yo po,” sabi ng tindero. “Pasensya na, manong,” sabi ni Andrei sabay dukot ng pera. Nang lumapit si Andrei sa sa tindero para magbayad, mabilis na sumampa si Tamara sa kaniyang sasakyan. “Wait!” sigaw ni Andrei. “Tamara, let’s talk.”Natigilan si Tamara. Natatakot siyang baka bilang ganti sa ginawa niya sa daddy ni Andrei ay kunin nito ang anak nila. Subalit gustong-gusto rin niyang magkausap sila ng binata. Marami siyang gustong itanong rito at marami rin siyang gustong linawin. "Tamara, mag-usap muna tayo." "Pagkatapos mo akong ipagtabuyan noon, gusto mo akong makausap ngayon. Para ano pa?" Ikinabit ni Tamara ang seat belt. Tiningnan ng dalaga ang anak n'ya. Kung hindi lang dahil dito ay baka pinaharurot na niya ang sasakyan. Subalit hindi niya pwedeng ilagay sa panganib ang buhay ng kan'yang baby. "Sab
"Dämn! I love Tamara," saad ni Andrei habang tinitingnan ang mga pictures. Kinuha niya ang cellphone at saka tinawagan ang kakilala niyang photographer. Gusto niyang makasiguro na totoo nga ang nasa picture. Maging ang picture na ibinigay sa kan'ya ni David na tanging ebidensya sa kamatayan ng kaniyang ama ay balak niya rin patingnan rito. "Hindi kita masisisi kung ipapasuri mo ang mga pictures na hawak mo. That's your right as an individual," sabi ni David. "Mabuti rin iyan para malinawan tayo sa mga bagay-bagay in the past." "Are you not mad, uncle?" "Why should I? You are a soldier. Alam kong mag-iimbestiga ka ano't-ano man ang mangyari. No one can fool you easily kaya expected ko na ang action mong ito.""Thank you for understanding. Kahit iyong mga audios, I will have it check by the professionals. If this are all true, I guess I have to forget Tamara." "Dapat matagal mo nang ginawa iyan, Andrei. But I truly understand you. Alam ko naman na in denial ka pa before." "Thank yo
Pagkalipas ng bente-kuwatro oras, nakapamaywang na Kryzell ang makikita sa isang silid ng hospital habang pinapanood nito si Tamara at ang nurse na nag-aasikaso sa dalaga. Salubong ang kilay ng asawa ng mafia boss at gustong-gusto na nitong tumalak. Hinihintay lang talaga niya na umalis ang nars. "Honeypie, let's go," sabi ni Kaizer. Paraan iyon ng mafia boss para ilayo ang asawa niya sa kaibigan nito. "Mauna ka na kung gusto," seryosong sagot ni Kryzell. "Gusto ko munang makausap ang babaeng ito." Napangiwi si Tamara. Hindi dahil sa injection na ginawa ng nars kung hindi dahil sa sinabi ni Kryzell. Batid niyang raratratin siya ng matapang na kaibigan niya. Nang natapos na ang nars sa gawain nito, inihanda na ni Tamara ang sarili niya. Nagtalukbong pa siya ng kumot para hindi makita si Kryzell pero hiniklas iyon ng galit na kaibigan niya. "Tamara, ano ang pumasok diyan sa kukuti mo at sumugod ka roon sa park nang mag-isa? Hindi ba dapat ay nasa Bulacan ka? Bakit sumunod ka rito s
"Maghanda kayo riyan sa hospital! Ilipat si Tamara ng kwarto. Ngayon din!" Dumadagundong ang utos ni Kaizer kaya parang buhawi na kumilos ang mga sundalo ng Devil's Angel Mafia Organization. "Ano ang nangyayari?" tanong ni Tamara. "Hindi namin alam. Basta ipinalilipat ka ni boss ng silid. Baka may nakuhang report ng intel natin kaya kailangan nating gawin ito," sabi ng isang lalaki. "Mukhang hinahabol ka yata ngayon ng disgrasya. Masyado ka kasing sikat kaya marami rin ang gustong pataubin ka, Tamara." "Tigilan n'yo ako. Hindi nakakatuwa ang biro n'yo," nakaingos na sabi ni Tamara pero hindi naman siya galit. Sanay na siya sa kan'yang mga kasamahan. Madalas talaga siyang biruin ng mga ito. Tinawagan ni Tamara si Kryzell para malinawan siya sa sitwasyon. Ayaw niya kasing mag-alala ng walang dahilan. "Sumunod ka na lang muna sa kung ano man ang utos ni Kaizer. Nagtext kasi sa akin ang magaling na tatay ng anak mo na binabalak ng pinuno ng Triangulo na dukutin kang muli," saad ng ka
Hinabol ni Andrei si Gen. Gomez. Subalit mabilis na sumibad ito sakay ng kaniyang sasakyan. Panay ang mura niya habang naglalakad pabalik sa kan'yang sasakyan. Sinipa pa ng binata ang gulong ng kaniyang sasakyan at saka sinuntok ang gilid nito. "What is he doing here?" tanong ng binata sa kaniyang sarili. "Posible kayang alam niya ang mga ikinikilos ko? Sino kaya ang spy niya?" Habang nagmamaneho pabalik ng mansion ng mga magulang niya sa Quezon City, naging malikot ang mata ni Andrei. Pinakikiramdaman din niya kung mayroong sumusunod sa kan'ya. Pagdating sa bahay nila ay naabutan niyang naghihintay si Rod. Ang malawak na bakuran ay nagsilbing training ground ng kaibigan ni Andrei habang wala siya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay madalas silang mag-ensayo ni Rod sa harapan ng mansion. Ang mga carabao grass roon ay magsisilbing proteksyon nila kung sakaling matumba sila sa tuwing may sparring sila. "Kanina ka pa ba?" tanong ni Andrei. "Wala pang thirty minutes ako rito. Pasen
"Don't go. Please, don't leave me," pakiusap ni Andrei kay Tamara. Lasing na lasing ang lalaki at hindi halos makatayo. Mahigpit din nitong hinawakan ang kamay ni Tamara. Itinapat ni Andrei ang likod ng kamay ni Tamara sa kaniyang mukha, habang nakapikit ito. Naantig naman ang puso ng dalaga. Gusto niyang umupo at yakapin ang binata subalit umiyak ang kanilang anak. Mabilis na hinila ni Tamara ang kamay n'ya mula sa pagkakahawak ni Andrei at parang may sariling isip ang kaniyang mga paa nang humakbang ito patungo sa living room. "Baby, bakit ka umiiyak?" tanong ng dalaga kahit alam niya na hindi pa siya kayang sagutin ng kan'yang anak. Dinampot niya ito at saka dinala sa tapat ng kan'yang dibdib. "Don't tell me na hindi ko siya anak, Tamara, dahil dama ko na ako ang daddy niya. Kamukha ko nga siya," sabi ni Andrei na susuray-suray na sumunod pala sa dalaga. Hindi umimik si Tamara. Umupo siya sa couch at saka nahihiyang pinadede ang sanggol. Wala na siyang choice kung hindi gawin i