Ilang araw na ang lumipas mula noong bagyo, pero naiwan sa dibdib ni Salvi ang bigat ng panaginip. Paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang imahe ng batang babae. Hindi lang niya ito kamukha—para bang may bahagi ng sarili niyang nakalimutan… o tinanggal.
Habang abala si Hector sa pag-aayos ng mga nasirang bahagi ng villa, si Salvi naman ay abala sa pagpapanggap na okay lang siya. Pero sa loob-loob niya, hindi siya mapakali. Kung minsan, nahuhuli niyang tinititigan si Hector habang pawisan itong nagtatrabaho sa ilalim ng araw—shirtless, muscles glistening in the heat. Tila ba mas lalo itong naging misteryoso para sa kanya.
That night, habang naglalakad siya papuntang kusina, muling dumaan siya sa harap ng library room nito. Nakabukas ang ilaw. At gaya ng dati, nandoon si Hector—nakatayo sa harap ng mesa, may hawak na lumang kahon. Ngunit ngayon, may bitbit itong alak. Palagi niya itong nakikita sa library, ngunit nagbabasa lamang ito, ngayon, umiinom itong mag-isa.
"Can’t sleep?" tanong nito nang mapansin siya.
Tumayo siya nang maayos
“Hindi na rin naman ako inaantok,” sagot niya. “At parang ikaw din.”
He poured a glass of scotch and offered it to her. “Drink?”
Napatitig si Salvi rito at ngumiti. “Am I allowed to enter here?”
Napahalakhak si Hector at umiiling-iling. “I told you. Pwede mong pasukin ang lahat ng silid dito sa bahay ko. Except – ”
“I get it.”
Pumasok siya ng library room at ipinaikot ang mga mata. Maraming libro sa loob, halos luma at parang hindi lang ordinaryong libro. Halos tungkol sa batas ang mga nandito sa loob.
“Drink,” he said, offering again the glass of wine.
She hesitated, then took it. “One drink won’t kill me.”
Ngumiti si Hector. At natutuwa siya sa nakikita dahil hindi na puro sarkasmo ang nakikita niya.
“I made you happy.”
“You are funny!” agad na sabi nito kaya napasimangot siya.
They sat on the old leather couch. The storm’s memory still hung over them, but this moment felt warmer. Softer. Parang humina ang mga pader sa pagitan nila.
“May tanong ako,” sabi ni Salvi.
“I’m not promising an answer.”
She turned to him, pouting her lips. “Seryoso ako.”
“Mas seryoso ako,” anito na hindi na ngumingiti.
Hindi muna umimik si Salvi at tiningnan nang mariin si Hector bago muling nagsalita.
“Yung litrato. Yung batang babae…”
Napatingin si Hector sa baso. “Not yet, Salvi.”
“Why?”
“Because I said… not yet. Not now!”
Tahimik silang dalawa. Wala ni isang salita, ni isang kaluskos — kundi ang marahang paghinga at ang kalabog ng pusong parang ayaw magpakalma. Hanggang sa ang katahimikan ay nauwi sa titigan. Hindi mapakali si Salvi. Hindi rin kumikibo si Hector. Hindi nila namamalayan na unti-unting naglapit ang kanilang mga mukha.
She whispered, “Y-you’re not stopping me this time?”
“I’m tired of pretending,” he murmured, and this time—he kissed her.
Mainit. Mabagal. Mapanganib. Parang bawat galaw ng labi nila ay may kasamang pagsabog. Nagsimula ito sa simpleng halik—pero nang maramdaman ni Salvi ang kamay ni Hector sa bewang niya, hindi na siya umatras. Sa halip, siya pa ang humila palapit.
Napaupo siya sa kandungan nito. "Tell me to stop," bulong niya sa gitna ng halik.
Hector's grip tightened. “I don’t want to.”
Naghalo ang hininga nila habang unti-unting bumababa ang mga halik ni Hector sa leeg niya. Napaungol si Salvi, bahagyang humawak sa balikat nito, naramdaman ang init ng katawan ng lalaki laban sa kanya. Hindi na nila alintana kung saan sila pupunta. Ang mahalaga, naroon sila—naghahanap ng laya sa isa’t isa.
Pero bigla siyang umatras. “Wait…”
Hector stopped, breathing heavily. “Salvi…”
She looked into his eyes. “I don’t want this to be just because we’re stuck. Or because it’s easy. I want it to be real.”
He stared at her, eyes dark with longing and something deeper. “Then let me prove it is.”
But she stood, still catching her breath. “Not yet.”
He didn’t force her. Just nodded. “Okay.” Kasama ng salitang iyon ang malalim na pagbuntong-hininga.
“You are right.”
Napatingin si Salvi sa lalaki. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito.
“We shouldn’t be doing this.”
No! Hindi iyon ang ibig niyang sabihin.
“I-I am sorry, Salvi. This is wrong. Please… get out…”
Napatitig siya sa lalaki at saka marahang tumango.
Tahimik siyang umalis sa study, magulo ang kanyang buhok, nanunuyo ang labi, at puno ng pagnanasang napatingin siya sa huling sandal bago niya tuluyang lisanin ang silid.
Sa kwarto niya, Salvi leaned against the door, puso’y kumakabog, at isipan ay puno ng tanong.
Bakit parang mas natatakot akong mahalin siya kaysa halikan siya? Goodness, Salvi!
Kinabukasan, sa veranda, nadatnan ni Salvi si Hector na tahimik na nagkakape. Naka-puting sando ito, simple lang ang ayos, pero hindi maikakaila ang presence nito.
“G-good morning,” bati niya. Hindi niya alam bakit naiilang siya rito. Naaalala kaya nito ang nangayri sa kanila kagabi? O may nangyari ba dahil baka nananaginip lang siya.
“Did you sleep well?” tanong nito na labis niyang ikinabigla.
“E-eventually,” sagot ni Salvi, sabay ngiti.
He handed her his cup. “Strong. Like you.”
Napatawa siya nang bahagya, at napatingin sa cup na inuman nito. He was letting her use his cup? Na ininuman niya?
You already kissed him!
But she was not sure!
“Uhm…”
“Try it. Iyan ang specialty rito sa Guadalupe.”
Tumango siya at inilapit ang baso sa ilong. She could smell the strong brewed of the coffee. “I am kissing you again…” mahina niyang wika kaya napatingin ang lalaki sa kaniya. She laughed and Hector shook his head in disbelief, putting a genuine smile on his face.
Hector seemed in good mood today. Gusto niyang tanungin sana ang nangyari kagabi pero ayaw niyang sirain ang mood ng lalaki. Pero bago pa siya magsasalita para kausapin ito, may sumigaw mula sa dock.
“Sir Hector! Nandito na po ang bisita ninyo!”
Salvi turned to him. “Guest?”
Hector stiffened. “Stay here.” Tumayo ito
But she didn’t.
Sa may dock, nakita niyang papalapit ang isang eleganteng babae. Maiksi ang buhok, may sunglass, at naka-black dress na parang hindi babagay sa isla. Niyakap nito si Hector—mahigpit. At parang kilalang-kilala niya ito.
Bumalik si Salvi sa veranda. Sa dibdib niya, may kirot na hindi niya maintindihan.
Who is she? And why… do I feel like I’m about to be replaced?
Pagkababa nila mula sa jet, agad na sinalubong ng malamig na hangin at liwanag ng hapon ang magkasamang sina Hector at Salvi. Nakahawak pa sa kamay ni Hector si Salvi, pero pagdating sa tapat ng villa, agad niya itong binitiwan.Tumigil ang hakbang ni Salvi."Hector?" mahina niyang tanong.Pero hindi ito lumingon. Sa halip, binilisan nito ang lakad at nagtuloy-tuloy sa loob ng villa. Naiwan si Salvi sa labas, hawak ang laylayan ng kanyang coat, litong-lito.Pagpasok niya sa main hallway, agad siyang sinalubong ng kasikatan—mga eleganteng bisita, kalalakihang nakasuot ng dark tailored suits, mga babaeng tila mga reyna sa kani-kanilang designer gowns. Malambot ang classical music na tumutugtog, pero ramdam ni Salvi ang tensyon sa hangin.Sa gitna ng crowd, nakita niya si Mira—nakangiti, nakasuot ng blood-red dress na hapit sa katawan. Nakatayo ito sa tabi ng isang foreigner na may uban sa buhok at mukhang may posisyon sa gobyerno."Ah, there she is," ani Mira, sabay tingin kay Salvi na
Kinabukasan, tila walang bakas ng tensyon sa hapag-kainan. Pero sa ilalim ng bawat sulyap, ng bawat ngiti, ay nagkukubli ang tensyon na bumabaga. Nakaupo si Salvi sa tapat ni Hector, ngunit ang ngiti niya ay nakatuon kay Aidan—na tila ba sinasadya ang bawat biro, bawat sulyap, bawat bulong."You should come with me tonight," sambit ni Aidan habang hinihigop ang kape. "There's a party on the next island. Masaya 'yun. Just a small group."Bago pa man makasagot si Salvi, nagsalita na si Hector. Malamig. Matigas. "She’s not here to party. She’s here to be punished."Tumahimik ang mesa. Ngunit ngumisi lang si Aidan at tumingin kay Hector. "Uncle, she’s not a prisoner. Besides, one night won’t hurt."Ilang segundo ng katahimikan. Hanggang sa sa wakas, tumango si Hector. "One hour. No more."Ang isla ay hindi niya alam na parte ng estate ni Hector. Maliit ito, may pribadong villa at open deck kung saan nagaganap ang party. May malambot na ilaw, lounge music, at mamahaling alak.Suot ni Salvi
Hindi mapakali si Salvi.Habang nakaupo sa mahaba at mamahaling hapag-kainan, panay ang sulyap niya sa dulo ng mesa kung saan naroon si Aidan—kalmado, nakangiti, at parang walang ginawang makapanindig-balahibong biro kani-kanina lang.Ang mga salitang iyon ay umalingawngaw sa utak niya mula pa kaninang iabot siya sa breakfast nook. May ibang ibig sabihin iyon. Hindi lang iyon simpleng biro.At ang mas kinaiinis niya—parang walang pakialam si Hector.Tahimik itong kumakain, marahan ang galaw, pero tila wala sa paligid ang isipan. Ni hindi siya sinulyapan. Ni hindi sumulyap kay Aidan, na ngayon ay parang sinadya pang umupo sa tapat niya para lang magpakita ng presensya.Biglang nagsalita si Aidan habang tinutulungan ang isang staff sa paglalatag ng mga dokumento ng proyekto sa villa. “Uncle, I can help with the planning,” sabay tingin kay Salvi.Parang may subtext ang mga mata niya—parang ang gusto niyang ipahiwatig, "Don’t worry. I’ll be around."Tumigil si Hector sa pagkain at tumingi
Tahimik ang kwarto. Tanging marahang tik-tak ng antique na relo sa dingding at ang mababaw na paghinga ng dalawang katawan ang naririnig.Magkadikit ang kanilang mga katawan sa ilalim ng puting kumot. Mainit pa ang balat nila mula sa init ng sandaling nagdaan, at kahit pa nakapikit si Salvi, ramdam niyang gising pa si Hector. Naroon ang marahang paghaplos ng mga daliri nito sa kanyang braso—paulit-ulit, parang sinasaulo ang bawat pulgada ng balat niya.Nakapatong ang ulo ni Salvi sa dibdib ni Hector. Ramdam niya ang tibok ng puso nito—mabilis pa rin, tila may hinahabol.“Hindi ko alam na ganito ka magalit,” mahina niyang biro, pilit pinapatawa ang sarili kahit tila may buhol sa kanyang lalamunan.Napatawa si Hector, malalim at bahagyang masakit. “Hindi ako galit, Salvi,” bulong nito. “Nainggit ako.”“Nainggit?”“Doon sa tanong mo. Kung hanggang kailan mo ako pagsasawaan.” Tumingin ito sa kisame, hindi agad nagsalita. “Ikaw lang ang taong natanong ako ng ganyan. Na para bang… ako ang na
Nagising si Salvi sa banayad na init ng araw na dumadampi sa kanyang mukha. Ang unang naramdaman niya ay ang bigat ng isang braso na nakapulupot sa kanyang baywang—ang braso ni Hector. Nakaunan siya sa dibdib nito, ramdam ang bawat pagtaas at pagbaba ng hininga ng lalaki. Sandali siyang nanatili roon, nakikinig sa tibok ng puso nito, na parang musika na gusto niyang ulit-ulitin.It was their first time sleeping together, iyong tipong naumagahan na silang pareho habang magkatabi at kapwa hubad.Dahan-dahan niyang iniangat ang mukha at tiningnan ang lalaking natutulog sa tabi niya. Walang bakas ng tikas o kasungitan na madalas nitong ipinapakita kapag gising. Sa halip, para itong batang walang dinadalang bigat sa mundo.“Ang gwapo mo, kahit tulog ka,” bulong niya sa sarili, halos mahina na parang ayaw niyang magising ito.Napakagat-labi si Salvi nang maalala ang mga nangyari kagabi—ang halik na puno ng init, ang mga yakap na parang gusto siyang gawing pag-aari, at ang mga salitang hindi
Maaga pa nang nakarating sila sa bahay—mga bandang alas kwatro ng hapon, kaya nagpasya si Salvi na maglakad-lakad muna sa dalampasigan. Walang ibang tao roon kundi ang alon, ang malamig na hangin, at ang mga bakas ng yabag niya sa buhangin.Mahigit isang buwan na siyang naninirahan sa isla, at sa hindi inaasahang paraan, parang nasasanay na siya. Sa katahimikan. Sa mga taong naroon. Sa kawalan ng cellphone at internet. Kung dati ay hindi niya ma-imagine ang buhay na walang social media, ngayon ay tila mas tahimik ang mundo. Mas totoo.Tanging sa telebisyon na lang siya nakikibalita sa nangyayari sa labas. At sa tuwing napapanood niya ang ama—seryoso sa mga meeting, mabagsik sa mga panayam—napapangiti siya. Kahit palagi siyang pinapagalitan at kinokontrol, hindi niya maitatanggi… nami-miss niya ito.Habang naglalakad siya pabalik ng villa, may narinig siyang yabag mula sa likod. Paglingon niya, si Hector iyon—nakabihis na ng v-neck collar na puting polo at gray na jogger pants. Simpl